Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 73 - Diary

Chapter 73 - Diary

HINDI LUBOS maisip ni Lexine kung bakit sinugod ng kalaban si Madame Winona. Dahil ba sa humingi siya ng tulong sa manghuhula kung kaya pati ito ay nadamay na rin? Lahat ba ng taong malalapit at madidikitan niya ay malalagay sa peligro ng dahil sa kanya? Paano niya pipigilan ang mga kalaban? Paano niya maililigtas si Alejandro gayong pati ang manghuhula na huling pag-asa niya ay nawawala na rin?

Mas lalo siyang na frustrate sa mga nangyayari. Hindi na alam ni Lexine kung saan pa siya huhugot ng lakas para ipagpatuloy ang labang ito. Nanlulumong hinakbang ng dalaga ang mga paa paakyat ng hagdan. Narating na niya ang tuktok nang tumalon si Amethyst mula sa kanyang bisig at mabilis na tumakbo palayo. "Amethyst!" Agad niya itong sinundan.

"Lexine, wait!"

Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Night at diri-diretsong sinundan ang pusa. Sa isang kwarto sa itaas na palapag ng bahay siya nito dinala. Dahan-dahang pumasok si Lexine sa nakauwang na pinto. Napakagulo rin ang buong silid. Mukhang buong bahay ata ang hinalubog ng mga ravenium.

Naabutan niya si Amethyst na may kinukutkot sa isang sulok ng kwarto. Isang lumang aparador. Napakunot ang noo niya nang lumapit dito. "Anung meron diyan, Amethyst?"

Patuloy na kinakalmot ni Amethyst ang gilid ng aparador. Hindi iyon nakadikit sa pader. Iniba ni Lexine ang pwesto at pinagmasdan ang kabilang side niyon. Tila alam na niya kung anung gustong ipahiwatig ng pusa. Buong lakas niyang tinulak ang aparador patagilid upang iusog. Naabutan siya ni Night sa ganoong posisyon. "Hey, what are you doing?" tanong nito.

"Pakitulungan na lang ako please," aniya habang pinipilit pa ring itulak ang malaking aparador. Pinatigil siya nito at gamit ang isang kamay ay walang kahirap-hirap nitong nausog ang aparador. Nanlaki ang mga mata ni Lexine nang matagpuan ang isang lihim na pintuan sa likuran niyon.

"Oh my..."

Nagkatinginan sila ni Night. Si Amethyst naman ay pumuwesto sa harapan ng sikretong pintuan. Taimtim na tinitigan siya ng dilaw nitong mga mata na tila sinasabing pumasok siya sa pinto. Ano ang nasa likod niyon? Pinihit ni Lexine ang doorknob, hindi iyon naka-lock. Nahigit niya ang hininga nang tuluyan silang nakapasok.

Isa iyong maliit na library. Marami silang natagpuan na iba't ibang hugis ng jars na may iba't ibang kulay ng likido. Sa loob ng mga iyon ay mga halaman, ngipin, buto, parte ng katawan ng hayop at kung anu-anu pa. Nakapatong ang mga jar sa bookshelves na nakalibot sa apat na dingding ng silid.

Habang namamangha si Lexine sa mga nakikita ay abala naman si Night sa pagbubuklat ng mga librong nakadisplay sa aklatan. "Bakit tinatago ni Madame Winona ang library niya?" tanong niya.

"These aren't just ordinary books. These are magic spells. Most of them are ancient. Your friend, hindi siya ordinaryong fortune teller lang."

Sinulyapan niya ito. "What do you mean?"

Sinara ni Night ang hawak na pulang aklat at lumingon sa kanya. "She's a Sorceress."

"Sorceress? You mean... witch?"

"Yes, iilan na lang ang natitirang sorceress sa mundong `to. Marami sa kanila ang namatay na no'ng world-war two. And these books are passed from generation to generation."

Lalong namangha si Lexine. Kaya pala may mahiwagang kwintas na hawak si Madame Winona dahil hindi pala ito isang ordinaryong manghuhula lang. Pero saan kaya nito nakuha ang kwintas at bakit sa kanya nito `yon pinagkatiwala?

Dumaan sa paanan niya si Amethyst at ginayak siya sa isang maliit na kahon na nakapatong sa lower left corner ng bookshelf na kanyang kaharap. Tinuturo nito `yon sa pamamagitan ng mga mata nito. Napangiti si Lexine, matalino ang pusang ito.

Dinampot niya ang kahon at hinipan ang makapal na alikabok na naipon sa takip. Binuksan niya iyon at bumungad sa kanya ang isang maliit na booklet na may color silver na hardbound cover. Tila isang diary. Kaninong journal ito? Kay Madame Winona? Pero bakit naman gusto ni Amethyst na makita niya ang diary ng amo nito? Umupo siya sa sahig at lumuhod naman si Night sa tabi niya.

Binuklat ni Lexine ang mga naunang pahina. Pinasadahan niya lang nang mabilis na tingin ang mga iyon hanggang sa marating niya ang huling pahina. Napansin niya agad sa pinakalikod ng booklet ang isang signature. Nilapit niya ang mukha roon at pinagmasdang mabuti. Dahil matagal nang naka-imbak kaya malabo na ang tinta at naninilaw na'ng mga papel.

Pinilit niyang intindihin at basahin ang nakasulat. "Le… o..." Naningkit ang kanyang mga mata. "... na... vondi..."

Nakibasa na rin si Night at mukhang mas matalas ang mata nito kaya agad nitong naintindihan kung ano ang nakasulat. "Leonna Vondeviejo."

Agad na huminto ang tibok ng dibdib ni Lexine. Mabilis na binalot ng lamig ang buo niyang katawan. Paano nangyari `to? "This is my mother's diary," bulong niya. Nagsisimula nang manginig ang kanyang kamay. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa katabi. Katulad niya ay naguguluhan din ito. "B-but... I don't understand. Bakit tinatago ni Madame Winona ang diary ni mommy?"

Alam ni Lexine na hindi agad mabibigyang linaw ang mga katanungan niya dahil iisang tao lang ang may hawak ng sagot at sa kasamaang palad ay nawawala pa ito.

May dinampot si Night sa loob ng kahon, isang picture. Agad niyang inagaw ang hawak nito. Litrato iyon ni Leonna habang may buhat-buhat na batang babae. And that little girl is her! Hindi na niya naaalala ang picture na iyon dahil masyado pa siyang musmos. Maybe she's only two or three years old. "Si mommy and this is me."

Dumikit ang ulo ni Night sa balikat niya. "Who is the woman beside her?"

May isa pang babae na katabi ang mommy niya. Kahit na medyo bata pa ito sa picture ay `di `yun naging hadlang upang makilala niya ito. "What the hell is this? Magkaibigan si mommy at Madame Winona?"

Kinuha ni Lexine hindi lang ang diary kundi ang buong kahon. Kung talagang may kaugnayan ang manghuhula sa mommy niya ay mas lalo niya itong dapat na matagpuan. Napakarami niyang katanungan na maaring si Madame Winona lang ang makakasagot.