NANG MISMONG ARAW na `yon ay agad naghanda si Lexine para sa magiging biyahe nila papuntang Pampanga. Mahigpit niyang hinabilinan sila Belle at Rico na bantayan maigi ang kanyang lolo at agarang tumawag sa kanya sa oras na magkaroon ng problema.
Nagtataka rin ang mga ito kung paano nasira ang bintana sa kwarto ni Alejandro. Nagdahilan na lang siya na malakas ang hangin kagabi dahil sa bagyo kaya't isang malaking sanga ang nilipad ng hangin na tumama sa bintana at naging sanhi ng pagkasira niyon. Mukhang naniwala naman ang dalawa sa kwento niya.
Habang naglalagay si Rico ng mga sa compartment, mabilis na hinigit ni Belle ang braso niya. "Uy, friend! Sino ang papables na `yan?" pasimpleng bulong nito habang tinitignan si Night nang buong lagkit mula ulo hanggang paa. Tahimik na naninigarilyo ang binata habang nakasandal sa hood ng sasakyan niya. Ang usual outfit nitong leather-jacket at combat boots ang suot nito. Naka-shades ito ng rayban aviators at nagsusumigaw ang nakasisilaw na kagwapuhan.
Pinigil ni Lexine ang mapangiti. "Classmate ko."
Nanlaki ang dalawang butas ng ilong ni Belle at humaba pa ang nguso nitong naka-lipstick ng bright orange. "Weh? Memetey? Classmate lang?" Tumaas ang isang kilay nito na halatang hindi binibili ang sagot niya.
"Tsk. Oo nga, classmate ko nga."
"Hmm. In fairness sa klasmeyt mo ah, yummy!" Ginaya pa nito ang tono ni Coco Martin. "Tignan mo naman ang biceps, oh, namumutok! Tambay siguro ng gym `yan!"
Madiin na napalunok si Lexine nang maalala ang matipuno nitong mga braso na tadtad ng mga tattoos. "Ang ilong winner! Ang perfect nang pagkakatangos. Ang panga ready na makahiwa ng diamonds. Jusmiyo, tignan mo naman ang lips. Mamumula-mula ang sherep-sherep!"
Sunud na nanuyot ang lalamunan ni Lexine nang maalala na minsan niyang natikman ang halik nito sa studio. Maging ang damping halik na ginawad niya rito kagabi. Ma-sherep talaga. Kinagat niya ang labi upang pigilan ang nagbabadyang ngiti. Agad nag-init ang magkabila niyang pisngi. She can't stop herself from imagining how it would feel to be kissed by those lips again.
Muling humithit ng sigarilyo si Night sabay buga ng usok pero hindi pa rin tumitigil si Belle. "Ang mga daliri, jusko lord, ang haba at tignan mo naman ang kamay ang laki. Ay, friend, sure na sure ako daks `yan!"
Lumingon siya sa katabi. "Daks?"
Pilya ang ngiti nito sabay bumulong sa tenga niya. Halos manlaki ang mga mata ni Lexine sa kalokohang pinagsasabi ng babae. Sigurado siyang nagkukulay kamatis na'ng mukha niya.
Nang lumingon si Night sa gawi nila ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Bwisit kasi itong si Belle, kung ano-ano tuloy ang pumasok sa isip niya.
***
ISANG oras lang ang naging byahe nila ni Night nang makarating sila sa pamilyar na tahanan ni Madame Winona. Katulad ng huling punta niya roon kasama si Ms. Garcia ay wala pa rin masyadong nagbago sa lugar. Tahimik pa rin ang paligid at malayo sa kabihasnan.
Bumaba sila ni Night ng sasakyan. Panay ang paglikot ng mga mata nito sa buong paligid. Nang makarating sila sa tapat ng pinto, hindi nakaiwas sa mata ni Lexine ang mga nasirang bulaklak at halaman sa garden. Napakunot ang kanyang noo. Anung nangyari sa mga halaman ni Madame Winona? The last time she remembers, the entire garden was well maintained.
Nagpalitan sila ng tingin ni Night bago siya kumatok sa kahoy na pinto. Nakailang katok siya ngunit walang sumasagot. Sa panghuling katok ay nadiin niya ang kamay at natulak ang pinto. Natigilan siya. "Why is the door open?" tanong niya.
Dahan-dahang itong binuksan ni Lexine. Naggawa ng ingay ang tunog ng langitngit niyon. Nang tuluyang mabuksan ang pinto ay binati sila ng madilim na bahay. Napakatahimik sa loob. Hindi maganda ang pakiramdam niya. "Madame Winona?"
Walang sumasagot. Inulit niya ng ilang beses ang pagtawag sa pangalan ng ginang pero wala pa rin siyang nakuhang kahit anung tugon o kahit ingay man lang sa loob ng bahay. Patuloy silang naglakad papasok ng sala. Malakas na napasinghap si Lexine sa inabutan nila. Magulo ang dating maayos na sala. Sira-sira rin ang mga muwebles at nagkalat ang mga gamit sa paligid. Para itong dinaanan ng bagyo.
"Madame Winona!" sigaw niya sa mas nagpapanic na tono. Namumutlang lumingon siya kay Night. Nakakunot din ang noo nito. Nagmamadali niyang nilakad-takbo ang kusina. Katulad ng naabutan nila sa sala ay magulong-magulo rin ang parteng `yon. Mas dumoble ang kabog ng dibdib niya. Natagpuan niyang nakauwang ang pintuan patungong basement. Iyon ang lugar kung saan siya hinulaan ni Madame Winona. Dahan-dahan siyang humakbang papalapit doon.
"Wait!" Agad siyang pinigilan ni Night sa braso. Ito ang naunang pumasok at sumunod naman siya sa likod nito. Madilim ang basement at halos wala silang makita. Lumalangitngit ang tunog ng kahoy na hagdan habang humahakbang sila pababa.
May hindi kanais-nais na amoy ang sumisiksik sa ilong ni Lexine. Malansa, amoy patay na daga at nakasusuka. Alam niyang naamoy na niya `yon noon. Humigpit ang kapit niya sa braso ni Night nang tuluyan silang nakababa ng basement. Kinapa ni Night ang switch ng ilaw sa pader na malapit sa hagdan. Sira ang bumbilya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa at ginamit ang flashlight niyon. Nang tumama ang liwanag sa gitna ng silid ay halos manlambot ang mga tuhod ni Lexine sa natagpuan nila.
Katulad sa ibang parte ng bahay ay napakagulo ng basement. Basag ang crystal-ball sa lamesa, nagkalat ang mga tarot card at tuyo't na rosas sa sahig, patay ang mga kandila. At ang higit na ikinatakot ni Lexine ay ang malalaking kalmot sa paligid ng dingding na tila gawa ng isang mabagsik na hayop. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang patak ng mga natuyong dugo sa sahig.
Mas tumapang ang alingasaw ng mabahong amoy. "Ano ang nangyari rito?" aniya habang nagtatakip ng bibig at ilong.
"Ravenium," bulong ni Night.
Nanlaki ang mata niya. "May pumasok na ravenium dito?"
"The scent is still fresh."
Kung may pumasok na demon sa loob ng pamamahay ni Madame Winona ay iisa lang ang maaring nangyari. Nanlata ang buong katawan ni Lexine. Kumapit siya sa lamesa sa gitna. Nanginginig ang katawan niya habang panay ang pag-iling.
"No, no, no. It can't be." Pilit na itinatanggi ni Lexine kung ano ang naiisip na konklusyon. Nadudurog ang kalooban niya sa ideyang nagpupumilit pumasok sa kanyang isip.
May gumapang sa paanan niya at agad siyang napatili. Mabilis siyang dinaluhan ni Night. "Are you alright? What is it?" Nasagot din agad ang tanong nito nang lumitaw ang maliit at itim na bulto mula sa ilalim ng lamesa.
"Amethyst!" bulalas ni Lexine. Agad niyang nakilala ang alagang pusa ni Madame Winona. Lumuhod siya at lumapit si Amethyst sa kanya. Binuhat niya ito at hinimas-himas ang ulo. "Nasaan si Madame Winona, Amethyst?"
Tahimik lang na tumitig ang dilaw nitong mga mata. "Meow."