Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 71 - Poison

Chapter 71 - Poison

KINABUKASAN AY AGAD binisita ni Lexine si Alejandro sa silid nito. Tahimik pa rin itong natutulog sa kama. Magulo ang buong silid at nasira naman ang bintana. Nabasa rin ang ilang parte ng kwarto dahil pumasok ang ulan sa loob. Kailangan utusan ni Lexine sila Manong Ben at Rico na ayusin `yon.

Sa tuwing nakikita ni Lexine na ganito ang kalagayan ni Alejandor ay lalo siyang nahihirapan. Lumuhod ang dalaga sa tabi ng matanda at hinawakan ang isang kamay nito.

"Lolo, I'm so sorry at nadamay ka sa gulong `to. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Hindi ako titigil hanggat `di nahuhuli ang gumawa nito." Sunud-sunud na bumagsak ang luha sa kanyang pisngi.

"A demon curse." 

Lumipat ang tingin ni Lexine kay Night. Nakatayo ito sa kabilang side ng kama kung saan mas malaya nitong pinagmamasdan ang marka na nilagay ng demon sa leeg ni Alejandro.

"Alam mo ba kung ano'ng ibig sabihin niyan?"

"It's poison. The one who made this curse is a powerful demon."

Lalong kumabog ang dibdib ni Lexine sa narinig. "Baka pwede mong kontrahin ang curse na `to? Please, Night, please help my lolo," pakiusap niya.

Tinawag ni Night ang anino na si Ira at inutusan ang alipin na putulin ang demon cursed ngunit sa kasamaang palad ay nabigo ito. 

"Masyadong makapangyarihan ang gumawa ng sumpang ito, Master. Tanging ang nilalang na siyang pinanggalingan ng sumpa ang maaring sumira nito."

Nanghihina ang mga tuhod na umupo si Lexine sa gilid ng kama. Nagsimula na namang bumara ang lalamunan niya. Naihilamos niya ang mga palad sa mukha habang nag-iisip ng iba pang solusyon. Nanatili siya sa ganoong posisyon nang bigla siyang may naalala.

"Wait." Tumayo si Lexine at mabilis na hinubad ang kanyang kwintas. Baka matulungan siya ni Ithurielle.

Kunot noong napatitig si Night sa hawak niyang kwintas. "What's that?"

Pinaliwanag niya kung paano niya ito nakuha. Sinabi niya rin na iyon ang dahilan kung paano siya nakabalik ng Pilipinas.

"Baka matulungan ako ng anghel sa loob ng kwintas na `to tulad nang pagtulong niya sa `kin na makabalik dito." Humigpit ang hawak niya sa gintong alahas. Huminga siya nang malalim at tinawag ang pangalan ng anghel, "Ithurielle."

Lumiwanag ang kwintas at mabilis na lumutang sa hangin. Binalot ito ng nakasisilaw na liwanag.

"Ano ang 'yong hiling aking prinsesa?"

Muling narinig ni Lexine ang pamilyar na tinig ng babaeng anghel. Samantala, nanlalaki naman ang mga mata ni Night matapos marinig na nagsasalita ang kwintas. 

"May makapangyarihang demonyo ang naglagay ng sumpa sa katawan ng lolo ko. Unti-unti siyang papatayin ng lason. Please, Ithurielle, tanggalin mo ang sumpa."

The light pulsed. Ilang sandali bago ito muling nagsalita. "Lubos na malakas ang kapangyarihan na ginamit sa `yong abuelo aking prinsesa. Paumanhin subalit, hindi basta-basta matatanggal ang sumpa. Tanging ang nilalang na nagbigay nito ang siyang may kapangyarihan na bawiin din ito."

Hindi na napigilan ni Lexine ang pagbuhos ng mga luha. Katulad din iyon nang sinabi ng aninong si Ira. Pati ang anghel sa kwintas niya ay wala ring magawa. She now felt helpless. Hindi niya maintindihan. Namatay na ang lethium demon pero bakit hindi pa rin nawawala ang sumpa?

"Pero diba pinatay mo na siya, Night? Ang demonyong `yon ang naglagay ng marka na `yan kay Lolo," aniya at tinuturo ang marka.

Bumuntong-hininga ang binata at bahagyang umiling. "It's not him. It was the powerful one who made it. She just used that lethium demon to bring the curse to Alejandro."

Tuluyang nanlumo si Lexine. Ano na ngayon ang gagawin niya? Nauubusan sila ng panahon at maaring malagay sa kapamahakan si Alejandro ano mang sandali. Hindi siya makakapayag na mangyari `yon. Tatlong gabi lang ang binigay na palugid ng kalaban sa kanya.

Muli niyang pinagmasdan ang lumulutang na kwintas. Ilang sandali siyang nakatulala roon nang may bumbilyang biglang umilaw sa kanyang isipan.

Agad siyag tumayo at lumapit kay Ithurielle. Hindi niya binibitawan ang titig doon. "I think I know someone who can help us."