INUMAGA na si Lexine sa hospital sa pagbabantay kay Ansell. Agad nagpadala ng ambulansya ang operator na nakausap niya sa 911 hotline. Pagdating naman sa hospital ay sinabi ng doktor na overfatigue lang ang katawan nito at kailangan ng pahinga. Hindi na rin siya nakapasok sa araw na `yon at nakisuyo na lang siya kay Belle na dalhan siya ng damit.
Naaawa siya sa kanyang best friend. Wala na kasi itong ibang kasama sa buhay. Matagal ng hiwalay ang parents ni Ansell. Ang mommy nito ay sa ibang bansa naninirahan at nakapag-asawa ng british habang ang daddy naman nito na isang business man ay laging abala sa negosyo at walang panahon kay Ansell. Pinapadalan na lang ito ng malaking allowance buwan-buwan at kung ano-ano pang luho gaya ng condo unit, credit cards at magarbong sasakyan
Kaya sa mga pagkakataong ito wala ng ibang maasahan si Ansell kundi siya lang. Minsan nagagawa niyang maintindihan kung bakit napaka-playboy nito. Kulang kasi ang lalaki sa atensyon at pagmamahal ng pamilya. Kaya naman kahit ulila na siya sa magulang ay maswerte pa rin siya dahil meron pa siyang lolo na nagmamahal sa kanya. Hindi tulad ni Ansell na lumaking kasama lang ang yaya nito.
Tahimik lang na pinagmamasdan ni Lexine ang binata nang bigla itong nagkamalay.
"Hey." Agaran niyang binitawan ang hawak na libro at dinaluhan ito.
"Lexi? Where am I?" Kunot noong lumibot ang tingin ni Ansell sa paligid.
Malumanay niyang hinaplos ang buhok nito. "We're here at the hospital. Na-overfatigue ka raw. Masyado mo naman atang pinapagod ang sarili mo sa basketball practice niyo at hindi ka na nakakapagpahinga nang maayos."
"No, this is nothing." Nagpumilit pa rin itong bumangon.
Agad niya itong pinigilan. "Ansell, `wag nga matigas ang ulo mo. You need to take a rest bago ka makalabas dito. We'll wait for the doctors advice and you'd stay here until na gumaling ka."
Halata sa binata ang pagtutol subalit wala na `tong nagawa dahil sa panghihina at isa pa hindi rin naman ito mananalo sa kanya.
Buong araw lang na natulog si Ansell. Buti na lang at pinayagan siya ni Alejandro matapos niyang magpaalam na pansamantala muna siyang mag-oovernight sa hospital para mabantayan ito. Nag-chat na rin siya kay Xyrille sa messenger at sinabing balitaan na lang siya tungkol sa mga lesson at assignment na mami-miss out niya.
***ALA-UNA ng madaling araw nang naalimpungatan si Lexine gawa ng lamig ng temperatura. Natagpuan niyang nakabukas ang bintana habang pumapasok ang malakas na ihip ng hangin. Binuksan ba ito ng nurse na rumoronda?
Bumangon siya at sinara ang bintana. Sumilip siya sa labas at natanaw ang view ng malawak na garden. Humampas ang malakas na simoy ng hangin sa kanyang balat. Dahil wala naman siyang nakitang kakaiba kaya sinara na niya `yon. Pagpihit niya may isang kamay ang mabilis na tumakip sa kanyang bibig. "Sshhh."
Hindi naging hadlang ang dilim upang `di makilala ni Lexine kung sino ang kaharap. Tinanggal niya ang kamay nito at agad itong pinandilatan ng mata. "Anung ginagawa mo rito?" natatarantang bulong niya habang panay ang sulyap sa natutulog na si Ansell.
Sa kabila ng pangamba niyang magising ang kaibigan, kasabay naman niyon ang kakaibang paglukso ng kanyang pulso nang muling masilayan ang prinsipe ng kadiliman. Tanging malamlam na liwanag galing sa buwan ang nagsisilbi nilang ilaw sa gabi.
Night slowly sauntered towards her. Her feet automatically stepped backward until her back reached the window. May kakaiba sa uri ng binibigay nitong tingin sa kanya na lalong nagpadagdag sa kanyang kaba. Anung klaseng laro na naman ba'ng pinaplano nito?
"Missed me?"
Bumilis ang paghinga ni Lexine nang magdikit ang katawan nila. Lumipat ang atensyon nito sa kanyang buhok. Inikot nito ang dulo niyon sa daliri nito. "New haircut? I like it. `Makes you more fucking beautiful."
Nag-init ang kanyang pisngi. Sawa na ba itong takutin siya kaya pambobola naman ang trip nito? And she hates to admit to herself how much his every word affects her. Pero hindi siya dapat nagpapadala sa mga matatamis na salitang lumalabas sa bibig nito. Masama ito, kampon ng kadiliman at higit sa lahat—maharot! Nakikipaghalikan nga ito sa kung sino-sinong babae `di ba?
"Leave me alone!" Humakbang siya palayo ngunit kasing bilis ng hangin na lumitaw ito sa kanyang harapan. "Ay kalabaw!" Nasapo niya ang dibdib. "Anu bang problema mo? Bakit ayaw mo `kong lubayan?"
"You know that will never happen."
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. "Eh, bakit ka ba kasi nandito? Anu na naman ang kailangan mo?"
'Bakit hindi ka pumunta dun sa mga babae mo?'
The way he looked at her is so intense it made her knees suddenly unstable. "I just wanted to see you."
Lalong nag-init ang kanyang mukha. Sinusubukan talaga ng lalaking ito ang pasensya niya. Humalukipkip siya at pinaningkitan ito ng mata. "Bipolar ka ba?"
"Huh?"
"Anung huh? Wag mo `kong ma-huh-huh diyan. Bipolar ka ba o may split personality ka? Una, tatakutin at pagbabantaan mo ang buhay ko. Tapos isang araw, ililigtas mo naman ako at diyan—diyan ka magaling," dinuro-duro niya ang dibdib nito, "Palagi mo na lang `kong pinaglalaruan. Bakit ba ayaw mo `kong tantanan, ha? Eh, mukhang nag-eenjoy ka naman sa kandungan ng mga babae mo. So, bakit ka pa nag-aaksaya ng oras mo sa `kin?"
Saglit na natigilan si Night. Ang pagtataka sa mata nito ay agad napalitan ng nakalolokong ngisi. "So, you know `bout my flirting with some girls. I didn't know you're my stalker."
She scoffed in defense. "FYI! It's not only me who knows `bout it but the entire campus. Nakapost lang naman ang pruweba ng kalandian mo sa group page ng university."
Umaabot na hanggang tenga ang ngiti ng prinsipe ng dilim. "Why do you sound like a jealous girlfriend?"
Oops. Lexine checked herself and soon realized that there's something wrong with the way she acts. Mabilis na namula ang buong mukha niya. "Excuse me? B-bakit naman ako m-magseselos?"
He stepped closer. "Then why are you stuttering?"
She stepped backward. "I'm not!"
"I thought you hate me? I'm a monster, right?" He took another big step and lowered his face on her. "Pero bakit naririnig ko `yang tibok ng dibdib mo?"
Nagkuyom ang dalawang kamao ni Lexine. Umaabuso na talaga ang lalaking ito. Ano ba ang tingin nito sa kanya? Teenager na madadala nito sa paglalandi nito? She deeply inhaled and calmed herself. "Stop this."
The playfulness in the devil's eyes abruptly disappeared.
"Hindi ko alam kung anung klaseng laro ang gusto mo pero pagod na pagod na `ko. Hindi ako tuta na nabibili sa petshop at uupo kapag pinaupo mo. `Di ako bola na pwede mong patalbugin at i-shoot sa ring at mas lalong hindi ako bagay na inaangkin dahil tao ako na may sariling desisyon at may sariling pag-iisip. Kaya tigilan mo na `ko. I'm so fucking tired of your games."
Night's face clothed with shadow, and the gates of hell appeared in his eyes. "You cannot break what's destined for you, Lexine. `Cause the moment you'd made a deal with the devil, you've given him all the right to your life. No matter how far you run. No matter how hard you fight. You'd never change your reality. So if I want to play this damn stupid game, you have no choice but to—"
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Lexine. Nabigla siya sa ginawa. Agad niyang binawi ang kamay at nanigas nang makita niya ang mukha ng bangungot sa kanyang harapan. Kinabig ni Night ang braso niya at sinandal siya sa kabilang side ng kwarto. "You little bitch!"
Napigil niya ang paghinga. Nalalasahan niya ang pait sa kanyang dila gawa ng sunod-sunod niyang paglunok nang madiin. Nanginginig ang mga tuhod niya at nagpapasalamat siya sa pader na kinasasandalan niya dahil kung wala iyon ay kanina pa siya napaupo sa sahig. But even though fear was pulling her like a hook, she didn't let go of his gaze that stings her skin. Lexine would choose to get scorched beneath it rather than to curl like a scared child.
"Dapat lang sa `yo `yan, asshole!" singhal niya. Sana lang ay hindi nito naririnig ang nagsusumigaw na takot sa kanyang didbib.
Mas tumalim ang mga mata nito. "You're really getting on my nerves. Are you intentionally pissing me off? What if I kill you now, huh?"
Hindi na alam ni Lexine kung saan niya pa nahuhugot ang lahat ng tapang na meron siya ng sandaling `yon at para bang may sariling utak ang bibig niya at hindi nagpapa-awat. "Then do it!"
Lakas loob niya itong hinamon. Tutal hindi rin naman siya mabubuhay ng tahimik hangga't nakatali sa demonyong ito kaya magkamatayan na!
Nanatiling hindi kumikibo si Night ngunit nasa mga mata nito ang matinding pag-aalab ng damdamin.
"Bakit `di mo gawin? Bakit `di mo pa `ko patayin ngayon?"
Nagtagal ang pakikipagtagisan nila ng tingin. Puti at itim. Apoy at tubig. Liwanag at dilim. Walang nais sumuko. Pumagitna ang nakabibinging katahimikan sa pagitan ng dalawa. Tanging nag-uunahang tibok ng kanilang mga puso at mabibigat na paghinga ang namumukod tanging maririnig. Ang madilim na mata ni Night ay unti-unting napalitan ng isang emosyon na kailanman hindi inakala ni Lexine na ipapakita sa kanya ng prinsipe ng dilim.
"If it's only easy for me to kill you matagal ko nang ginawa but—shit! What have you done to me?"
Natigilan siya. Did she hear him right?
Yumuko si Night na tila may nilalabang digmaan sa kalooban. Ilang beses pa itong nagmura. Nag-angat muli ito ng tingin at sa pagkakataon `yon ay malambot na'ng mga mata nito.
"Do you know how much I want to kill you? Do you know how badly I want your soul, huh? Do you?" Kinulong ng dalawang palad nito ang mukha niya. "Do you have any fucking idea?"
His words sent a thousand sparks on her skin as her heart fluttering like a hummingbird. She knows that this is wrong, and the devil's words were nothing but lies. Then why does her chest is aching so much?
He settled his forehead on hers. "I broke a fucking rule for you."
She caught her breath. What does it suppose to mean? Pinagdikit ni Night ang tungki ng kanilang ilong. Amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga at para siyang adik na nalululong doon.
"Lexine... you have no idea what's going in my mind every time I think of you. Damn, baby. Nasisiraan ako ng bait sa `yo."
"Night..."
Napakalapit na ng mukha nila sa isa't isa at tanging hangin na lang ang pumapagitna sa pagitan nila. She doesn't like where this is going. Everything in her body was screaming at her to push him away. Pero kahit anong tutol ng isip niya'y tila napako ang mga paa niya sa lupa at `di niya magawang gumalaw.
Their lips are only an inch apart.
Their heavy breaths are colliding together.
Lexine tightly shut her eyes as she waits for the sweetest sin that her fragile heart was guiltily craving to taste again.
"Lexi?"
Dinilat niya ang mga mata at wala na si Night. Dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ng kama ni Ansell. Gising na pala ito. "Why are you standing there?"
Hinawakan niya ang dibdib. Parang tatalon na ang puso niya palabas sa ribcage sa sobrang bilis ng tibok niyon. Napakurap-kurap siya. What the hell happened?
Wala sa sariling nilapitan ni Lexine ang kaibigan. Hindi na muling bumalik sa dati ang tibok ng kanyang puso. Did she just let herself wide open again and almost kissed by that devil?
Oh dear Lord, this is not getting any better.