Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 50 - Savior

Chapter 50 - Savior

SABAY-SABAY na pumihit ang tatlong ulo sa kanyang direksyon. Matalim na tumingin sa kanya ang tatlong pares ng puting mga mata. Napako si Lexine sa kinatatayuan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Kung isang ravenium demon nga lang ay hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili, sa tatlong ito pa kaya?

Nagsimulang humakbang papalapit kay Lexine ang dalawang lalaking nurse. Agad siyang naghanap ng kahit anung bagay na maari niyang maging armas. Natagpuan niya ang isang floor-map na nakatayo sa sulok malapit sa pintong kinatatayuan. Dinampot niya `yon at nanginginig ang mga kamay na itinutok sa mga kalaban. Hindi siya maaring maging mahina ngayon. Kailangan niyang mailigtas si Ansell sa kamay ng mga halimaw. 

Humigpit ang kapit niya sa hawak na mop habang nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawang nurse. Panay ang paggalaw ng ulo ng mga ito na katulad ng butiki habang tumutulo ang itim na likido sa bibig. Nagbibigkas ang mga ito ng kakaibang lengguwahe. "Eskelemis porkesisi meto... porkesisi meto.��

Naubos ang kulay sa mukha ni Lexine. Sa kasamaang palad ay wala siyang ibang matatakbuhan. She has left with no choice but to fight. 

Mabilis na tumalon ang isang nurse patungo sa kanya. Nakabuka ang dalawang kamay nito na may matutulis na kuko na handa na siyang sakmalin. Matining siyang tumili at buong lakas niyang hinumpas ang hawak na floor map. Tumama ang basahan sa mukha nito. Tila bato na hindi man lang ito nasaktan. Napalunok siya nang madiin at dahan-dahan humakbang paatras.

'Oh, no! Bakit ba kasi `di ako nag-gigym? I'm so dead.'

Agad siyang napangiwi. "Sorry, akala ko kasi gusto mo ng facial, hehe."

Lalong bumagsik ang anyo ng nurse. Nanggigigil ang bagang na inagaw nito ang map sa kanya at hinagis iyon palayo. Nanigas si Lexine sa kinatatayuan at natulala. Hinablot ng ravenium demon ang kwelyo ng damit niya at kinaladkad siya na parang basahan.

"Let me go you freaking monsters!" Pinagsusuntok niya ito sa braso at balikat. Hinagis siya nito sa tabi ni Ansell. Malakas na tumama ang braso at balakang niya sa sementadong sahig. Napasinghap siya nang malakas. Agad niyang nilapitan si Ansell. Wala pa rin itong malay. Niyakap niya ito upang protektahan laban sa mga halimaw.

"Sa wakas at nagpakita ka na rin mortal." Bumilog ang mga mata ni Lexine nang marinig ang babaeng doktor. Ang buong akala niya ay ang kakaibang lengguwahe lang ang kayang sabihin ng mga ito.

"Anung kailangan niyo sa `kin? Bakit niyo ba `to ginagawa?"   

Mala-demonyong ngumisi ang doktora. Lumuhod ito sa harapan niya. Hinawakan siya nito sa pisngi at binaon ang matulis nitong kuko sa kanyang balat. Napakislot siya sa kirot.

"Wala naman palang kahirap-hirap na makuha ka." Hindi nito pinansin ang tanong niya. "Siguradong matutuwa ang kamahalan sa oras na ihatid namin ang ulo mo sa kanya." Nanlilisik ang mga mata nito na puro puti habang gumagalaw na parang ahas ang dila nito.

Kung gano'n ay totoong may nasa likod ng lahat ng pagtatangka sa buhay niya. May isang salarin ang nagdidikta sa mga halimaw na ito upang dukutin siya. Unti-unti nang nagkakatotoo ang mga hula ni Madame Winona.

"Sinung nag-uutos sa inyo?"

Tumawa ang doktora na parang mangkukulam. "Masyado kang maraming gustong malaman. Ang mabuti pa ikaw na mismo ang magtanong sa `ming kamahalan."

Hinatak ng doktora ang braso ni Lexine at sapilitan siyang kinaladkad.

"Saan niyo `ko dadalhin? Bitawan mo `ko!"

Subalit kahit anung pilit niyang pagbawi sa braso ay parang isang bato sa tigas ang kamay na nakahawak sa kanya.

Lumingon pabalik si Lexine. Naiwan si Ansell na walang malay sa sahig. Nakasunod na rin ang sa kanila ang dalawang nurse. Mukhang wala naman plano ang mga halimaw sa binata at ginawa lang itong pain upang makuha siya. "Let me go! Ayokong sumama sa inyo!"

"Tumahimik ka!" Sigaw ng doktora. Halos namumutok na'ng mga litid nito sa leeg.

Tinikom ni Lexine ang bibig. Tumayo sila sa tapat ng pinto patungong stairway exit. Biglang dumaplis ang matulis nitong kuko sa kanyang braso. Napasinghap siya. Dinikit nito ang isang daliri sa tumutulo niyang dugo at ginamit `yun upang gumuhit ng isang simbolo sa bakal na pintuan. Isang iyong pentagram na napaliligiran ng mga kakaibang alpabeto. Nagsimula itong magbigkas ng ritwal. "Andha arya, anavrata ādvāram kākora."

A blazing green fire rapidly outlined the entire symbol. Mabilis na nabuo ang isang makapal at itim na usok mula sa simbolo habang umiikot ang ginta niyon na katulad ng isang black hole. Palaki nang palaki ang portal hanggang sa umabot `yon ng sampung talampakan. Sa pinaka sentro ng portal lumalabas ang mga kuryente habang maririnig ang nakakikilabot na tunog. 

"No! Ayokong sumama sa inyo! Let me go, you filthy monsters!"

Hinatak si Lexine ng doktora patungo sa malaking portal. May malakas na enerhiya ang nanggagaling sa loob niyon na hihigop sa kanya. Nanlalamig ang buo niyang katawan. Hindi na niya alam kung ano'ng gagawin. Ito na ba ang katapusan niya?

"No, please!"

Bumagsak padapa ang isang nurse sa sahig. Naudlot ang pagtulak sa kanya ng doktora. Sinundan ni Lexine ang dahilan niyon at natagpuan ang isang nakatalikod na lalaki. Pamilyar ang tindig nito. May isang imahe ng binata ang mabilis na sumagi sa isipan niya.

Pero agad ding naglaho ang imahe at napalitan ng binatang nakasuot ng asul na hospital gown. Nakataas ang isang kamay nito habang hawak ang itim na species. Nangingisay ang species habang pilit na kumakawala rito. At ang lalaking may gawa niyon ay walang iba kundi si Ansell!

Natulala si Lexine. Kung hindi siya nagkakamali ay tila hinugot ni Ansell ang species palabas sa katawan ng nurse. Paano nangyari `yun? Bago pa siya makapag-react ay mabilis na sumugod ang naiwang nurse kay Ansell ngunit maliksing nakaiwas ang binata sa atake nito. Nabitawan ni Ansell ang species. Nahati ang madulas na katawan ng species at mula roon ay mabilis na lumabas ang isa na namang nakakatakot na ravenium demon. Hindi naiiba ang itsura nito sa una niyang nakita sa gubat. Malakas na humiyaw ang halimaw at maliksing sinugod ang binata. Nakabuka ang malaking bunganga nito.

Nadampot ni Ansell ang floor mop sa sahig. Pinutol nito iyon sa dalawa at gamit ang matulis na dulo ay sinaksak nito sa ngalangala ang ravenium. Tumagos ang mahabang stick sa batok nito. Tuloy-tuloy na tumulo ang itim na likido mula sa bibig nito. Natumba ang halimaw sa sahig. Nangisay ito bago unti-unting tinupok ng apoy at tuluyan naging abo.

Taimtim na sinuri ni Lexine ang kaibigan mula ulo hanggang paa. Ibang Ansell ang lumalaban sa mga halimaw. Iba ang kulay ng mga mata nito. Iba rin ang tindig at kilos. Malinaw na hindi ito ang kanyang best friend pero paano nangyari `yun? Kung ganoon, sino itong nakikipaglaban sa mga ravenium demon?

Muling sumigaw at sumugod ang lalaking nurse. Nagtagumpay itong mahuli si Ansell dahilan upang magpagulong-gulong ang dalawa sa sementadong sahig. Umibabaw si Ansell at buong bilis at lakas na pinagsusuntok ang mukha ng nurse. Isang malaking umbok ang nagsimulang gumapang mula sa tiyan ng nurse at mabilis na umakyat sa dibdib, ngalangala hanggang sa tuluyang lumabas ang species sa bibig nito. Nagmadaling gumapang patakas ang species pero agad itong tinusok ni Ansell gamit ang isa pang stick. Tumalsik sa mukha ni Ansell ang itim nitong dugo. Nangisay ang species bago tinupok ng apoy at naging abo.

Naiwang nakatulala si Lexine habang naninigas sa kinatatayuan. Kahit ilang beses nang nalalagay sa panganib ang buhay niya ay hindi pa rin masanay-sanay ang sikmura niya sa nakikitang karumdal-dumal na patayan.

Walang tigil ang pag-taas at baba ng dibdib at balikat ni Ansell. Unti-unti itong lumingon sa kanya. Tumatama ang dalandan na sinag ng araw sa duguan nitong mukha. It was a face of the warrior who has survived eons of battle. "Alexine..."

Nagtakip siya ng bibig. Ang boses nito... hindi siya maaaring magkamali. Nanatili siyang nakatitig sa malalim at mapupungay nitong mga mata, she was like under a spell. Saka niya lang naamoy sa hangin ang humahalimuyak na amoy ng powder at eucalyptus.

"Cael?"

Maliit itong ngumiti. Napigil niya ang hangin sa dibdib. Paanong nangyari `yon? Paanong naging si Cael at si Ansell ay iisa?

Naputol ang kanilang pagtititigan nang may isang malakas na braso ang sumakal sa kanya mula sa likuran. "Akin ka!" sigaw ng doktora. Muntik na nila itong makalimutan. Kinaladkad siya nito patungo sa nag-aantay na portal. "Cael!"

Alertong tumakbo ang binata. Tumalon ang doktora papasok ng portal bitbit si Lexine. Ramdam niya ang malakas na pwersa na humihila sa kanya papasok sa loob. Hinablot ni Cael ang braso niya at buong lakas siyang binawi mula sa kalaban. Agad siyang kinulong ng binata sa mga bisig nito.

Sinipa ni Cael ang dibdib ng doktora. Humiwalay ang ravenium demon sa katawan ng babae at mabilis na hinigop ang halimaw sa loob ng portal. Natumba sa sahig ang walang malay na doktora. Mabilis na nagsara ang lagusan at naglaho na parang bula.

Sa wakas at tuluyang nakahinga nang maluwag si Lexine. Sabay silang naghahabol ng hangin. Ramdam niya ang pag-akyat baba ng dibdib ni Cael at ang init ng mga bisig nito. Unti-unti siyang tumingala rito.

Totoo nga. Hindi siya namamalikmata. Ang dating mukha ni Ansell ay malinaw na mukha na ni Cael. Ang itim nitong mga mata, makapal na kilay, perpektong hugis ng mga panga, matangos na ilong, tindig at tangkad. Lahat ng iyon ay pisikal na katangian ni Cael. Kung mayroon man naiwang bakas ni Ansell sa kaharap, iyon ay ang itim nitong buhok at suot na hospital gown.

"Nasaktan ka ba, Alexine? Wala ka ng dapat ikatakot, nandito na ako."

Malumanay na hinimas ni Cael ang kanyang buhok. Dahan-dahang inangat ni Lexine ang isang palad at hinaplos ang mukha ng binata bago siya tuluyang nilamon ng kadiliman.

Related Books

Popular novel hashtag