Chereads / Liwanag ng Anino / Chapter 3 - Kabanata #3 Klasmeyt

Chapter 3 - Kabanata #3 Klasmeyt

Matapos kong maihatid sa room niya si Kim, ako naman ang dali daling pumasok ng room.

Magulo, makalat at puro ingay ng mga kaklase kong parang mga bubuyog kung magbulungan at magkwentuhan.

"Hoy!! Gino Demonyo!!" sigaw ni Lennard at ng mga tropa nya sa likod.

Malapad na balikat, matangkad, bato-batong katawan, makanto ang muka at madaming hikaw, siya si Lennard, pinaka kinatatakutan sa room namin, nang mga babae maging narin kameng mga lalaki.

Puro kakupalan lang ang alam ni Lennard na gawin sa buhay niya, palibhasa madami siyang tropa o resbak pag nabugbog siya. Pambabastos sa babae at pambubulas saming mga lalaki ang favorite niyang gawin sa pang araw-araw niyang pagpasok sa room.

"Gino!?" malakas na sigaw ni Lennard na rinig ng buong klase.

"Demonyo!!" sagot naman ng mga tropa niyang nahawahan ni Lennard ng kakupalan sa katawan. Sa ginagawa ninyong yan tignan ninyo kung sino talaga yang "Demonyong" sinisigaw niyo.

*krrrrrrriingggg*

Tumunog na ang bell. "Recess naaaaa!!" sigaw ng mga kupal sa likod.

Agad kong pisik ng pabango sa leeg at sa balikat ko. Handang-handa na ko sa date ko mamaya kasama si Kim.

Dali dali akong lumabas ng room namin. Dumaan ako at sumilip sa classroom nila.

May pinagkakaguluhan sa loob, tumpukan ang mga tao sa iisang lugar lamang, hindi ko makita si bebe Kim ko.

Unti-unti na akong pumasok at sumilip sa loob.

Kasabay ng mabagal na pag alis ng mga kaklase ni Kim na nakapalibot, agad kong nakita ang kumikinang nyang mata sa loob, nakangiti at parang tuwang-tuwa.

Habang dahan-dahan akong lumalapit dahan-dahan din ang pag alis ng mga nakapalibot sa kanya. Ngunit parang may natatanaw akong...

WTF!? BEBE KIM? WHO'S DIS MOTHAFUCKA!!

Moreno, matangkad, kulot at nakasalamin. "Ako'y sayo at ika'y akin lamang" swabeng kanta ni Jerson habang tinututog sa gitara niya. Si Jerson ay sa kabilang building pa galing, doon kase yung room niya eh.

Kung di lang nakangiti si bebe Kim ko sinapak na kita eh.

Matapos kong makita at masaktan sa nadatnan ko, naglakad na ko papunta sa labas ng room nila.

Di ako nagseselos.

Hindi naman masakit.