*bang! bang!*
"Hindi niyo ko mahuhuli!!" sigaw ni Tito Jeds habang sunod sunod ang kalabit ng baril niya. Nanatili lang ako sa kwarto ko, takot na takot at kabado.
Sunod sunod ang pagpapalitan ng putukan ng baril sa bahay, mula sa mga pulis at kay Tito Jeds.
"Gino!!, bumaba ka na dyan at buksan mo yung pinto sa likod!!" sigaw ni Tito habang nakayuko at umiilag sa mga bala ng pulis.
Sa sobrang takot ko, hindi ko naisip na sumunod sa sinabi niya. Sunod sunod ang putukan sa baba, posible akong tamaan kung bababa ako dun.
"Gino!! Gino!! Ano bang ginagawa mo dyan tulungan mo ko dito, pareho lang nating ayaw mamatay dito!!" sigaw ni Tito, galit na galit.
Huminga ako nang malalim at inalis muna ang takot ko.
Dali-dali akong tumakbo pababa at nakayuko akong dumiretso sa likod upang buksan ang pinto.
Bumalik bigla ang takot at kaba ko ng makita ko ang butas butas na dingding, pintuan at basag na mga salamin, dulot ng mga nagliliparang mga bala sa paligid.
"Start mo na yung motor!!, nandyan yung susi!!" sigaw ni Tito Jeds, di ko siya masyado marinig dulot ng mga putukan.
*vrooooom*
Agad naman siyang tumakbo ng marinig na nastart ko na yung motor.
"Ikaw mag maneho Gino!!"
"Bakit, ako?" takot na takot.
"Oh!" sabay pakita ng braso niyang may tama nang bala, patuloy ang pagagos ng dugo nito.
"San tayo pupunta!?" sigaw ko at takot na takot. "Kahit saan!! Basta andar mo na!!"
Napalunok nalang ako bigla at napahinga ng malalim.
Tangina naman.
*vroooooom*
*beep! beep! beeeeeeep!*
Panay ang busina ko para tumabi ang mga taong nasa daan.
"TUMABI KAYOOOO!!" sigaw ko habang bumubusina, nagulat ako nang may biglang tumawid.
*BLAAAAG!!*
Agad kaming tumalsik ni Tito at sumemplang, ngunit mas nagalala ako sa babaeng nasagasaan ko. Agad akong bumangon at ikaika kong lakad papunta sa babaeng iyon.
"Okay ka lang ba!?" nanginginig kong tanong sa nakahilatang babae.
Gino, ang bobo mo talaga, natural hindi siya "Ok" nasagasaan mo eh, TANGA!
Nang ibinaliktad ko ang katawan niya lalo akong naiyak sa nakita ko. Pamilyar ang muka niya.
"Kim!?" sigaw ko sa wala ng malay na katawan niya. "Gumising ka Kim!! Please!!" habang pinupunasan ko ang dugong dumadaloy sa ulo niya, niyakap ko ang malamig na katawan niya habang umiiyak at sinusubukang gisingin si Kim.
"Kim!! Pleaseeeeee!! Gumising kaaaa!! Sorry, di ko sinasadya!!" hagulgol ko.
*vroooooom*
Narinig ko sa likod ko ang pagstart ni Tito nang motor, ng lingonin ko siya isang matalas na titig galing sa mata niya ang nakita ko.
Umadar siya at iniwanan niya kong yakap yakap si Kim.
"Gago ka!!" sigaw ko habang humahagulgol.
Hindi to mangyayari kung hindi dahil kay Tito! Hindi ko masasagasaan si Kim kung hindi dahil sa gagong yon! Hinding hindi ko siya mapapatawad!
Teka... Kim?
Dahan-dahang bumukas ang mata ni Kim at may gusto siyang sabihin.
"G-Gumising k-ka G-Gino" hirap na hirap na bulong niya.
"Ha?"
*kriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnng*
"Gumising ka na dyan, Gino!! Anong oras na papasok ka ba!?" sigaw ni Tito na agad namang nag pa bangon sakin.
Tumatagaktak ang pawis ko at mabilis ang pintig ng puso ko.
Panaginip lang pala yun lahat.