Chereads / Transparent World: Can you see me? / Chapter 6 - Dream Came True

Chapter 6 - Dream Came True

Samuel's POV 

Nandito na ako sa university. Pumasok na ako sa first sub ko at late ako. Pag pasok ko bago pa lang niya na nagsermon si sir sa babaeng naka grey na shirt, plain jeans and sneakers. Buhay-hay yung buhok niya at ang naka poker face siya. Mapapansin ang batang sunod-sunod sa kanya. At kitang-kita ko kasama niya... 

Yung ghost child! Yung nakita ko sa tulay kahapon. SHITTTTT. Anak ng tokwang naman oh. Anong kamalasan to. Ba't napunta yan dito. Nagtagpo yung mga mata namin kaya bigla ko naman iniwas ang kanyang tingin. 

Wala kang nakikita. Wala. 

kinausap ko ang sarili ko. Kinausap ko muna ang professor na ako yung bagong estudyante.  At yun I just needed to catch up with things. 

"hey pare dito ka oh.  Ako pala si Ben."

Umupo ako. Tiningnan ko siya nang nakita ko ang ghost child na katabi niya mismo.  Ginawa ko ang lahat na hindi pansinin ang ghost. 

"Hi! Ako naman si Ania. " wika ng ghost. Iniiwasan ko ang kanyang titig. Paano ko maiiwasan kung andiyan lang siya sa harapan ko mismo!

"hoy pare, okay kalang namutla ka ata. Para kang nakakita ng multo. " sabi ni Ben. 

"ah, ay hindi, okay lang ako salamat.  Ako pala si samuel.  Sam nalang. "

"ahhh samuel pala yung pangalan mo kuya?" tanong ghost ng tumabi siya sa akin umupo na tila ba parang di mapakali.  Tingin lang ako sa harapan.  Binaliwala ko lang ang ghost.  Satsat siya ng satsat nakakaisturbo sa klase. Ayan tuloy di ko nakakakinig ng maayos.

Ako lang ba talaga ang nakakakita sa kanya? At sino yung babaeng sinusundan niya? 

Ania's POV

Mukhang hindi ko na ata kailangan hanapin si kuya.  Ang laki ng ngiti ko nang nakita ko siya. So, isa pala siyang college student.  Siya na ata ang sagot ni Lord sa aking mga dasal.  Umupo siya katabi sa isang lalaking pinakilala ang sarili na Ben. 

Ano kaya ang pangalan niya? 

"Ako pala si Ania!" masigla kong sinabi. 

"Samuel pala yung pangalan mo kuya?  Okay lang tawaging nalang kitang Kuya Sam? " wala siyang imik.  Dinededma lang ata ko nito. 

"So, bago kano? " tanong ni kuya Ben.

Yumango lang ako. Talagang ang galing ni Kuya Ben kung ano yung gusto kong itanong kay kuya sam,  Tinatanong niya.  Pareho ata kami ng brainwaves.

Napansin kong tingin siya ng tingin ni Ate.  Siguro dahil napansin niyang pinapagalitan ng prof si Ate kanina. 

Hindi ko man alam kung nakakakinig siya sa akin o nakikita niya ako.  Pero balewala na, sanay na akong kausap ang sarili. 

"Alam mo ang sungit ng mga prof niyo lalo na tung si prof kalbo."

Napangiti si Kuya Sam. Yung tipong ngiti na natatawa. 

"Oi pare ba't napangiti ka diyan? " tanong ni Kuya Ben.

"Wala may naalala lang ako." Sagot niya.

Samuel's POV

Pinipigilan ko ang pagtawa ng tawagan niya ang professor namin ng Prof.  Kalbo.  May point naman yung bata,  totoo nga namang kalbo siya. 

"Ang bitter niya ni ate.  Ganito ba lahat ng mga professor at napansin ko lang ha, medyo may edad na rin sila.  Buti na nga lang siguro na hindi ko na kailangan pang pumasok sa kolehiyo."

"Alam mo 'yan, yung ate ko. Matalino yan!  Pag kailangan ko ng tulong sa assignments at kung ano-ano pang pinapapagawa sa amin estudyante siya yung tumutulong sa akin. Palagi. Valedictorian, rin yan. Yun nga lang palaging late pero may rason naman kung ba't siya palaging nale-late eh."  

Ang daldal ng multong ito. 

Wala ng ibang sinasabi. Tungkol palagi siya kanyang Ate. 

"Good luck on your exams" sabi ng Prof. 

Natapos yung unang class namin.  Buti nalang hindi ako sinundan ng multo.

Ang saklap ng buhay ko. Una, yung multo. Ngayon naman, may exam bukas.