Amaya's POV
Ilang linggo na ang nagdaan at kasama ako palagi ni Sam. Nababaguhan ako sa mga pangyayari. Kasama ako palagi sa kanilang tropa. Ang saya kapag marami ka palang kasama. Mas naging palapit ako sa kanila lalo ng nung group project namin na napasama ako sa kanilang grupo. Napag-alaman ko na si Ben, Jerome at si Pearl ay may banda.
"Mga final touches nalang yung kulang," sabi ni Angelina matapos masuri ang model na aming nagawa.
"Dalhin nalang kaya natin to? Doon tayo sa amin magpatuloy nito." suggestion ni Jerome habang nahihintay ng mga sagot namin.
"Game," halos lahat sila ang pupunta.
Napansin ni Sam na tahimik lang ako, "Amaya, ikaw?" tanong niya sa akin. Hindi ako sigurado.
"Ano kasi... Busy ako bukas, " sagot ko.
"Ba't naman?" tanong ni Ben.
Hindi ko sinagot ang kanyang tanong. Ayaw ko kasing sabihin na may part-time job ako. I can't afford to skip my job kahit na ma late nito. Ito lang naman ang pinagkukunan ko sa lahat ng mga gastusin ko. Sa pagkain at iba pangangailangan buti nalang scholar ako. Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon.
"So, hindi makakasama si Amaya sa atin kaya tayo-tayo nalang siguro," sabi ni Angelina.
"Pasyensya na," wika ko sa kanilang lahat.
Lumingon si Angelina sa akin, "Whatever the reason, we understand. You already helped a lot with the project."
***
"Yes Ma'am, may I take you order?" tanong ko sa huling costumer dito sa cafe shop. I refuse to accept my parents money kaya nagtatrabaho ako. Oo, isa akong working student. Kaya hindi ako makapunta ngayon sa paggawa ng project.
Pagkatapos ko nang maibigay ang order ng costumer umupo muna ako. Nakakapagod, ang dami kasing costumers kaninang umaga akala ko last costumer na yun pero bumukas ang pinto at may grupo ng mga tao ang pumasok.
Lumingon ang lalaki para mag order. "Isang Ameri - Amaya?" tanong ng lalaki.
Si Ben. Kasama niya pala sina Pearl, Jerome, Ben at Angelina.
Ano bang gagawin ko. Nabisto na nila ako. Ano kaya ang reaksyon nila na nagtatrabaho pala ako? "Oh, hi." Nahihiya kong sabi.
"Nandito ka pala, kaya naman siguro ng hindi ka makapunta kasi nagtatrabaho ka." Ika ni Ben.
Nagpatuloy si Sam sa pag-order ng kanilang drinks.
"Pasensya na talaga, hindi ko kasi basta-basta lang makakapag-leave. Wala kasi yung kasama ko para mapagfill-in sa akin," pag-eexplain ko sa kanila sa mga pangyayari habang ginagawa ang mga drinks nila.
"Ganon ba, When yung out mo ngayon?" tanong ni Pearl.
"5:30," pagtingin ko sa orasan 5:24 na.
"Malapit na pala, may gagawin ka ba pagkatapos?" tanong ni Jerome.
"Wala naman."
"Sama ka nalang sa amin." dagdag niya.
"Oo nga, natapos na namin yung project kung gusto mo tingnan mo muna baka may gusto ka pang i-dagdag at may practice kami sa banda mamaya, kinakailangan namin ng judge." sabi ni Angelina.
***
Nandito kami sa bahay nila Jerome. Ang laki ng kwarto ni Jerome at meron siyang sariling studio na kompleto ng mga instruments.
Grabe, kina career na talaga nila ang kanilang pag babanda
Sa pagpasok mo sa music room una mong mapansin ang mga cd, casettes at albums. May vintage na music player na disc yung gamit tapos may parang horn kung saan lalabas yung tunog.
"My dad loves classical music. He was once the greatest pianist of his time but he stopped when he got married."
Napansin namin ang halos lahat ng mga gamit dito pang classic music.
***
Sam's POV
Ganyan rin ang reaction ko kanina ng una akong nakapasok dito. Alam kong nagbabanda sila Jerome, Pearl, Angelina at Ben pero hindi ko akalain na kina-career na pala nito.
Sumama yung ghost sa pagpasok namin dito. At kagaya ng reaksyon ng kanyang Ate, manghang-mangha sa mga instruments dito sa loob. Tingin ng tingin, hawak ng hawak (kahit hindi naman niya ito nahahawakan).
Nakaupo si Amaya sa bench na nakapwesto sa harapan namin habang nagwawarm-up kami. Si Ben ang vocalist ng grupo. Si Pearl naman ang hindi ko inasahan na siya pala ang drummer, si Jerome sa Piano, si Angelica sa guitar at ako naman ang baguhan na nakisingit na guitarist din. Habang tine-test namin ang mga instruments abala naman ang ghost sa pagsusuri sa mga bagay.
Sinuri niya ang disc. "Ano ba 'to, plato?" Halos matawa ako sa kanyang sinabi pero pinipigilan ko. Ayaw ko namang malaman niya na nakikita ko siya.
Nagsimulang mag-count si Pearl tapos nag-drums at nagsimula na kaming magperform.
Amaya's POV
Nagsimula na silang magkanta. Kinanta nila ang Buwan ni Juan Karlos. Sabay-sabay ang kanilang mga instrumento. Wala man akong masyadong alam sa music pero alam kong ang ganda ng pagtugtog nila. Ang ganda ng boses ni Ben. At napansin kong ang galing pala ni Angelina sa paggigitara.
Pagkatapos ng kanilang pagtutog sinara ko yung bibig ko na nakanganga sa whole performance nila.
"Ang galing!" Yun lang ang nailabas ng mga bibig ko sabay pumalakpak ang aking mga kamay. Sobrang namangha talaga ako sa kanilang performance. "I don't know what to say. Wala akong masyado g alam sa musika pero alam kong ang galing ng performance niyo!" dagdag ko pa. Nag apir silang lahat sa isa't isa.
"Kukuha muna ako ng maiinum," ika ni Pearl. Seems like she knows her way in the house. Napag-alaman ko na kapit-bahay pala sila ni Jerome at childhood friends sila. Pumunta na si Pearl sa kusina. Sumunod naman si Ben.
"So, do you know how to play any instruments Amaya?" Tanong ni Sam.
"Well, I can play the guitar pero hindi ako masyadong kagaling kagaya niyo."
"Why don't you play a song." Jerome took the guitar and handed it to me.
Kinuha ko yung guitar at pinuwesto. Naiibahan ako sa paghawak sa gitara. Ilang taon narin na huli kong nahawakan ang instrumentong ito.
I felt the strings brushing against my fingers. I formed a chord with my left hand as my right strums up and down following the motion of my wrist. Music filled the air and I started to sing the song closest to my heart. The song me and my sister usually sing together.
"Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing 'di ko makakaya'
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan"
Sam's POV
"I'm sorry, " she said, wiping away the tears on her damp cheeks.
Everyone heard her sing and felt the sadness and pain through her song. It was unusual that a person as timid and cold as her, cried. Her song brought everyone in tears.