Chereads / Transparent World: Can you see me? / Chapter 9 - Secretly Genius

Chapter 9 - Secretly Genius

Amaya's POV

Ang laki ng buntong-hininga ko kahapon ng maipasa ko yung papel. Hindi ko na kasi na tapos yung pag-sagot. Kaya yung ibang mga numero pinagbentotbentot ko nalang ng A B C D. Sinigurado ko namang nasagutan ko lahat kahit hindi ako sigurado sa sagot ko kaysa sa iiwan ko naman na blanko. Tip, kahit ano pa yang test na sinasagotan mo 'wag na 'wag mong iiwanan na blanko baka naman maka chamba ka diba? At isa pa, masakit iiwan ng dahil hindi na nila alam kung anong sagot sa kanilang problema.

Masakit ang mga pangyayari, pero life must go on.

***

Ania's

Papunta na kami ni Ate sa first class niya ngayon. Habang palakad kami napansin ko ang mga taong pinagpipistahan ang Bulletin Board.

"Naku naman! Pare sakto sakto lang akong nakatungtung nga iskor na pasado." Hinihimas-himas ni Kuya Ben ang kanyang mukha habang kinakausap si Kuya Sam.

Tiningnan ko yung scores ng exam naka-rank kung sino ang malaking score hanggang sa pinakamababa. Pinaghahanap ko yung score ni ate.

1 Antonio T ...

2 Raine G ...

3 Valentine ...

4 Samuel R. Garcia

Sandali para atang pamilyar ang lalaking 'to ah.

Samuel R. Garcia...

Samuel...

Sam...

Si kuya Sam? Wala naman sigurong ibang Sam dito sa class niya diba?

"Huwag kang mag-alala pare, may pag-asa pang mabawi 'yan." ika ni Kuya Sam.

"Nasabi mo lang 'yan kase ika-apat ka pre. Sabi ko nga ba, matalino ka, matalinong 'tong kunpare ko pa in denial ka pa sakin dati, " sumbat naman ni Kuya Ben.

"Hindi naman talaga basehan ang scores sa kung gaano ka talaga ka talino." sagot naman ni Kuya Sam.

Totoong si Kuya Sam nga ang 4th. Omegesh, ang talino pala ni kuya!

"Congrats Kuya Sam!" sabi ko sa kanya habang sila'y nag-uusap ni Kuya Ben. Sumunod na ako ni Ate pagkatapos kong nabasa ang kanyang pangalan sa listahan.

Hindi nga siya na kasali sa top eh. Pero okay lang 'yan Ate.

Fighting parin!

Matalaino nga si Ate pero tao rin naman.

***

Samuel's POV

Nagulat rin ako nang nabasa ang pangalan ko sa ika-apat na rank. Hindi ko naman inakala na ganon ang mangyari. Hindi naman siguro ako matalino, sadyang matiyaga lang talaga akong mag-aral. Buti na rin at talagang magalaing magturo ang mga guro namin.

Nag-usap kami ni Ben sa halatang dismayado parin sa kanyang nakuhang score.

Napansin ko yung ghost na binabasa ang mga pangalan, hindi niya kasama si Amaya. Nakita kong nauna na si Amaya, papasok sa classroom. Lumapit sa akin ang ghost.

"Congrats Kuya Sam!" Halos nanigas ang buong katawan ko sa gulat ng marinig ang boses ng ghost. Buti nalang umalis siya agad papunta sa kanyang Ate na nauna na classroom.

Sinubukan kung hanapin ang pangalan niya.

15 Amaya...

Ika 15 siya! Akalain mo 'yon. Halos 25 minutes lang siya sumagot at nagawa pa niyang ma pwesto. There are more than a hundred students in this class and she was able to get that rank insuch small amount of time. How much more kung hindi siya nahuli.

"Matalino yang Ate ko!"

Naalala ko tuloy ang sinabi ng ghost sa akin. Matalino raw yung ate niya. Mukhang totoo naman ang pinagsasabi nito.

"Yun nga lang palaging nahuhuli sa klase. Kasalan ko kung bakit nangyayari sa kanya ang lahat ng ito."

Sinabi rin yun ng ghost. Ano nga ba ang nangyari? Bakit kasalanan niya, diba patay na siya?

Ano ba 'tong iniisip ko.

Na-curious tuloy ako sa kanya. Paulit-ulit kong pina-alala ang sarili ko, the least thing I want to be is to get involved with that ghost.