Chereads / Transparent World: Can you see me? / Chapter 10 - For the first time

Chapter 10 - For the first time

Samuel's POV

The least thing I want is to get involved with that ghost.

Gusto kong maiwasan ang ghost pero bakit tila bang ayaw ng tadhana.

Eto ako ngayon katabi ni Amaya na katabi rin ang ghost. Umiiwas nga ako sa kanila diba. Paano nangyari ito? Walang ibang dahilan kundi ang mga kaibigan kong walang kaalam-alam sa nakikita ko.

Ang saya-saya ko kanina dahil kaklase kaming lahat ni Ben, Angelina, Pearl, at Jerome. Ito lang ang klase namin na magkakasama kaming lahat. Hindi ko akalaing sasabutahin pala nila ako.

"For your thesis, I want everyone to choose a parter." Pinapili kami ng Professor namin ng partner sa paggawa namin ng thesis. Kaka-usapin ko sana so Ben na maging partner pero biglang sumulpot si Angelina at inunahan niya ako kay Ben. Sina Pearl naman at si Jerome ang nag-partner. Kaya ako nalang ang natirang walang partner sa tropa.

Naghanap ako ng ibang makapares, halos abala na ang laban at nagsisiyahan sa kanilang pares, halos lahat ng estudyante ay meron ng partner maliban nalang sa isang babaeng nakaupo sa seat na nasa likuran. Si Amaya.

"Just go and ask her already. " pabulong na sabi ni Angelina. Yumango naman ang tatlo na tila ba'y sumasang-ayon sa kanya.

I narrowed my eyes at them. Pinagsasabutahe nila ako. Plinano nila lahat na mag-partner kami ni Amaya. Paano nila nagawa 'to sa akin?

I shook my head. "No," bulong kong sabi.

"Thank us later. Now, go." sabi naman ni Ben habang binubugaw ako.

"Goodluck!" sabi ni Pearl habang nag sign naman ng approve si Jerome.

Walang hiya kayo! Hindi niyo ba nakikita kung anong mangyayari sa ginagawa niyo sa akin.

Nagdadalawang-isip akong kausapin si Amaya dahil...andiyan na naman yung ghost.

Dahil sa mga walang hiya kong mga kaibigan, mapapalapit na talaga ako sa ghost na labis kong kina-iiwasan.

Lord, tulungan niyo po ako!

Napansin ng ghost na papalapit ako kay Amaya at masigla niya akong binati, "Hi, Kuya Sam!"

***

Ania's POV

"Hi, Kuya Sam!" supersigla kong bati sa kanya with a supersuperduper happy smile.

"Hi..." Halos nagulat akong ng bumati siya sa akin. Tama ba yung narinig ko? Napapakinggan ba niya ako?

"Hi... Amaya, right?" dagdag ni Kuya Sam.

Akala ko ako ying kinausap niya. Naku naman!

"Ang paasa mo Kuya Sam!" Sigaw ko sa kanya.

Alam ko namang walang nakakarinig sa akin eh. Ano bang inaasahan ko, malamang hindi niya ako maririnig.

Lumingon si Ate kay Kuya at yumango. "May partner ka na ba sa thesis?" tanong ni Kuya Sam.

Nagulat naman si Ate ng marinig ang tanong ni Kuya Sam.

Ito ata ang unang pagkakataon na nag-usap sila. Siya rin ata ang unang kaklase ni Ate na unang nakipag-usap sa kanya, "Wala naman, bakit? " Sagot naman ni Ate.

"Pwedeng tayo nalang?" tanong ulit ni Kuya Sam habang napapakamot sa kanyang ulo. 

Tahimik lang si Ate habang kumukurap naman ang kanyang mga mata. Tila ba pinu-proseso pa ang tanong ni Kuya. Tulala at nakatutok kay Kuya na hindi makapaniwala. 

Ate, napuwing ka ba?

Ate, ba't ka namumula?

Tulala rin si Kuya habang nakatitig kay Ate na hindi ba makabuo sa expression ni Ate. 

So ano to mag titigan lang kayo diyan? 

Bigla namang namula rin si Kuya.

Nag-aalala na ako sa inyo. Kuya bakit ka namumula rin?  Nahawa ka ba kay Ate? 

Bumuka ang mag bibig ni Kuya may tila ba'y may sasabihin siya habang ang kanyang mga kamay ay napa-explaining position. Yung klaseng hand gestures na ginagawa ng mga tao habang nag-explain sa iba. "A-ay, h-hindi yun, i m-mean p-pwede ba kitang maging partner sa thesis, wala na kasi akong ibang nakitang walang partner eh. O-okay lang ba?" Natatarantang pagpapaliwanag ni Kuya Sam.

Natawa naman si Ate. "Sure," sabi niya kay Kuya.

"By the way, I'm Samuel Garcia. Sam for short," pasimpleng sabi ni Kuya at inalok ang kanyang kamay para makipag-handshake.

"Amaya Salvador" maikling sagot ni Ate at nagkipag-handshake kay Kuya.

Parang naging third-wheel ata ako dito. 

"Please sit beside your partner. Wherever you will be sitting that will be your permanent seat throughout my class," sabi ng professor.

Bago pa man sila naupo... Tama ba yung nakita ko? Isang saglit lang yun,  wala pang isang segundo. Ang mga labing ilang buwan ng nakaporma ng manipis na linya,  bumuo ng maliit na kurba na halos hindi mapapansin.

Isang saglit,

Isang ngiti,

Isang kislap, 

Biglang nawala.

Hindi ako makapaniwalang nakita ko si Ate na ngumiti.  Hindi parin naman ako nakakasigurado pero kahit na, it's been a while since I last saw her smile.

Dahil sa mga pangyayari, dahil sa akin. Dahil iniwan ko siya. Kung hindi lang sana nangyari at naranasan ang mga iyon siguro ang saya pa rin niya ngayon. Ang saya sana namin ngayon at hindi na sana siya nagdudusa ng mag-sa.

Dahil sa akin nawala ang kay tamis na ngiti niya.

Kaya sana nga tama ako. 

Sana hindi ako nilalaro ng mga mata ko. 

Sana nga naman totoo at hindi guni-guni ng utak ko. 

Sana bago ako tuluyang mawala dito sa mundo ng mga tao, sana makita ko muna ang kanyang masayang ngiti,   marinig ang kanyang nakakahawang mga tawa, at makita ang taong kanyang piniling makakasama.

Bago ako gumuho... Sana.