Sam's POV
Exam day na ngayon. Late man akong nagtransfer may natutunan rin ako sa nakaraan kong University. Buti nalang saktong-sakto yung lessons namin hindi ako gaanong behind sa klase ko ngayon.
Nang nandiyan na yung exam papers sa harapan namin, ilang minutong lumipas dumating si Miss Salvador.
Late na naman siya ngayon. Siguro hindi talaga nag-exaggerate ang Prof na palagi siyang late.
Pinapasok lang naman siya ng Prof.
"Even in my Exams Miss Salvador, you are still late." sabi ng Prof.
"I am sorry sir. Please, let me take the Exam. "
"You only have 25 minutes left. But since you insist," binigyan siya ni prof ng exam questionnaire. Hindi nag alala yung prof. Yung mukha niyang parang nagsasabing tingnan nalang kung papasa ka. How will she able to answer this just 25 minutes? The alloted time was an hour and 30 minutes. It's a hundred item exam!
Taray din ng ghost. Nakataas ang isang kilay at nakacross arms siya na parang nag-accept ng challenge ng prof. Nakaglare lang yung ghost sa kanya.
Umupo na si Amaya. Nasa tabi niya ang ghost. Buti nalang hindi lumapit yun sakin talagang hindi ako makakapag-concentrate.
Bumalik na ako sa pagsagot. Natapos na kaming sumagot, at patuloy pa si Amaya sa kanyang Exam. Tumingin ako sa aking relo. May 5 minutes pang naiwan. I don't know why, but somehow I'm rooting for her.
"Hoy! Ba't tingin-tingin ka diyan? " Biglang tanong ni Ben.
Hindi ko namalayan titig na titig pala ako sa kanya.
Tiningnan ko si Ben. "Wala, tara na sa next class"
"Pare ang hirap ng exam hindi ka ba nag alala sa score mo? " Banggit ni Ben habang naglalakad kami.
"Ba't naman ako kakabahin. Kung ano yung score ko, yun na yun," sagot ko naman.
"Alam mo feeling ko ang talino mo," sabi niya
"At ba't mo naman nasabi?" Tanong ko sa kanya.
"Wala randam ko lang," inilapat niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.
"Anong randam mo?" Tanong ko ulit.
"Na matalino ka nga, kasi yung stance mo, yung aura mo na fe-feel ko. Ang lakas. Bro, I can feel you," sabi niya with all the actions sa kamay at may pa kindat pa at pa lip bite siya sa akin
"Oh, so you feel me. What's the feeling? " Pabakla ko namang sagot sabay kindat at lipbite.
Nakangiti kaming nagtitigan.
Hanggang sa hindi na namin napigil at napatawa kami.
Tawa lang kami ng tawa.
"Ewan ko talaga sa inyo. "
Hindi namin namalayan na nasa likod pala namin si Angelina.
"Hindi ko alam kung ano yung nakita ko, pero..." seryoso sabi ni Angelina.
"Pero ang cute-cute niyong dalawa!" gigil niyang sabi habang hawak-hwak yung cellphone niya.
"Oh tingnan niyo, ang niyo diba?"
Pinakita niya yun picture namin kanina nakalipbite kami at yung nagtitigan kami at yung sabay kaming napatawa. Ang dami niyang nakuhang picture.
"Akin na yan" seyosong sabi ni Ben.
"Ayaw ko nga. Bleh" tumalikod si Angelina.
"Akin na nga yan sabi eh" Sinubukan ni Ben na kunin yung cellphone ngunit nahihirapan siya pero nakangiti naman silang dalawa. Naghaharapan silang dalawa. Itinaas ni Angelina yung phone at sinubukang kunin ni Ben pero mabilis na ibinaba niya at tinago sa kanyang likod.
Dahil dun napakalapit na ng mukha nila. Namula ang kanilang mga mukha at nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat.
Ilang segundo din ay nagtitigan sila pero biglang lumingon si Ben sa akin at nagsabing, "Sam, yung phone!"
Mabilis kong kinuha yung phone. Lumabas na si Ben sa kanyang posisyon at tulala parin si Angelina na nakatitig kay Ben.
"I-delete mo, dali," inip na inip na sabi ni Ben at ginawa ko naman.
Sabay kaming napa-yes at nag-apir.
Tiningnan ko si Angelina pero nakasmirk lang siya.
"Angie, Anong ibig sabihin ng ngiting yan? "
Tanong ni Ben.
"This is the smile of victory." Sagot ni Angelina na naka grin parin.
Tiningnan ko ulit yung phone niya.
"Anong victory? Na delete na yun no. "
"Oo, you have successfully deleted it from my phone. " Mas lumaki yung ngiti ni Angie sa pagsabi niya nito.
Nahahalata sa mukha ni Ben na nalilito na siya.
"Huwag mo na ngang isipin, malapit na yung next class natin." Patuloy kaming lumakad papunta sa next class namin. Napakamot naman si Ben sa kanyang ulo sa paglalakad.
Nung tiningnan ko yung phone ni Angelina at nang nakita ko iyon, alam ko na agad nang siya yung panalo.
Even before the game has started, she already won. Cunning gal.
***
"Paano napunta sayo yan? " gulat na pasigaw tanong ni Ben nang makita ang picture sa phone ni Pearl. Halos napatingin ang lahat ng tao dito sa cafeteria sa amin.
"I delete it already, why do you have a copy? " dagdag pa ni Ben.
Bago paman makasagot si Pearl, inunahan na siya ni Angelina.
"Yes you did, you deleted it in my phone pero bago pa man ito nabura mo. Naisend ko na yung pictures kay Pearl. " sabi ni Angelina na napangiti.
"How dare you! You planned this did you? We went all the way to delete it but you already sent it to another person. Kaya pala hindi ka masyadong naapektuhan nang nadelete ko yung pics ngumiti pa nga ka eh!" Ika ni Ben.
"At ikaw Sam, paano mo nalaman?" dagdag pa niya.
"Beats me," itinaas ko ang aking mga balikat at ibinaba.
Nang nakita ko yung phone kanina.
'Image sent' nakita ko sa notification. Kaya na-anticipate ko na naisend na niya yung pics sa ibang tao pero itong si Ben walang ka alam-alam sa mga nangyayari dahil hindi niya ito napansin. Kaya heto siya nagmumok-mok sa kahihiyan ng dala sa larawan.
***
Ania's POV
Nakakainis talaga yung si Prof. Kalbo. Minamaliit ata niya yung ate ko. Hindi naman ako nangamba sa grado ni ate. Bago pa man maibigay ang card alam kong ang tataas ng mga grado niya. Kaya nga lang palagi siyang nahuhuli. You can't blame her. She's trying her best to thrive.
Nagsimula na ang exam kanina pa. Seryosong sumagot si ate sa mga tanong. Sinilip ko yung questionaire ni ate at inubukang basahin at sagutin pero nosebleed ako sa mga terms. Wala talaga akong maiintindihan.
Malapit ng matapos yung time. Limang minuto nalang ang naiiwan. Unti-unting nagpasa ng kanilang answer sheets ang mga estudyante at nagsilabasan sa room hanggang si ate nalang ang naiwan.
Naiinip na naghintay ang professor sa kanyang table, pasulyap-sulyap sa kanyang relo. Kanina pa yung professor ngumingiting makitang si ate na nahihirapan sa kanyang exam.
"Miss Salvador, you only have less than a minutes left "
Hindi siya pinansin ni ate.
Ilang sandali na lamang ay napacount-down na si Professor Kalbo.
"ten" binitawan na ni ate ang kanyang pen. At ulit na ni recheck ang kanyang papel.
"nine."
"eight."
Tumayo na si ate at inilagay ang kanyang mga gamit sa kanyang bag saka dinala ito na nakasabit sa kanyang balikat at bitbit ang exam paper sa kanyang mga kamay.
"seven."
"six."
"five"
Bumaba na siya sa stairs patungo sa kanyang Prof.
"four."
"three."
Tatlong hakbang nalang at maipapasa na niya ang papel. Matapang siyang lumakad na walang pagmamadali.
"two."
Inabut niya ang papel.
"one."
Eksaktong itong nailapag sa kamay ng professor habang unting napakurba ang kilay ng professor.
"You may now go, Miss Salvador," diin niya.
Lumakad si ate palabas. "Thank you, Sir. "
Ate fighting! Keri mo 'yan. Push lang ng push! Laban!