Chereads / Wife for Hire / Chapter 1 - Chapter 1

Wife for Hire

🇵🇭Frozzine
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Jade's POV

"Girl!" tawag sa akin ni Jona habang nasa boardinghouse kami.

"Bakit parang tulala ka yata? Anong nakalagay sa Drama Letter ng mother earth mo, ha?"

Ngayon ko lang napansin si Jona. Lumingon ako sakanya na nakaupo sa harap ng study table at naglalaro siya ng Candy Crush.

Nakalight pink na sando si Jona, at nakasuot naman ng manipis na sexy short. Bakat ang malaking dibdib.

Ganyan talaga manamit si Jona. NapakaSexy niya. Hindi kasi siya tulad ng ibang dalaga. Working Student siya. Kolehiyala siya sa umaga at sa gabi naman ay GRO, at nailalabas ng mga customer for a prize.

Napatingin ako sa alarm clock at tumingin sa paligid.

2:00 pa lamang ng hapon ngunit feeling ko ay parang gabi na.

"Problema mo Girl?", tanong ni Jona sa akin at tumigil na sa paglalaro ng candy crush.

"Madami", sagot ko sa kanya at napayuko na lang ako para kasing kahit anong oras ay posibleng may lumabas na mga likido sa mga mata ko. Konti na lang talaga ay maiiyak na ko.

Two years ko nang kasama si Jona dito sa boarding house at close friend na kami.

"Nako girl. Dapat sa mga problema ay hinaharap. Wag mong idaan sa lungkot at lalim ng pag-iisip, gumawa ka kaagad ng paraan. Sabi nga nila pag gusto may paraan pag ayaw madaming dahilan. Pati ganyan talaga pag pamilya na ang usapan. Teka anyare ba?", sabi ni Jona.

Hindi ko din agad nasagot dahil may kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Jona iyon.

"Ate Jona, tawag ka nila ate Rose sa labas nadoon din sila Kuya Migz!", sabi ng bata na anak ng kapitbahay namin.

"Sabihin mo mamaya na ako pupunta." sagot ni Jona at saka sinarado ulit ang pinto.

"See? Mga walang kwenta. Akala ko naman may biyayang nagpadala. Bwiset!"

Wala akong masabi kay Jona. Halos lahat na yata dito sa lugar namin ay kaibigan niya. Kilala siya ng lahat dito pero hindi lahat ay alam ang tunay na pagkatao niya.

At yung mga tinutukoy niyang padala ay yung mga padala ng mga manliligaw niya at ibang customer like pera, bigas, chocolates at kung anu-ano pa. Masayahin siya pero may tinatago siyang lungkot sa mga ngiti niya.

-----------------------

Throwback

Nakita ko si Jona na tulala habang pinagmamasdan ang complete family picture na nakita niya sa facebook.

"Jona, okay ka lang?", nabigla siya sa akin hindi yata niya inaaasahan ang tanong ko.

"Medyo. Mukha bang hindi?"

"Umiiyak ka kasi. May problema ka hindi ka ganyan na malungkot."

"Hahaha! Nasanay lang kayo na nakangiti ako palagi."

"Sino yang tinititigan mo?"

"Ah eto? Family Picture ng friend ko. Nakakainggit."

Pinakita niya sa akin yung picture.

"Huh? Bakit ka maiinggit? May mga magulang ka naman."

"Noon yun, hindi na ngayon. Sana ganito pa dapat kami kaso..."

" Jona, pasensya kana sa nasabi ko hindi ko kasi alam na..."

"Okay lang! Gusto mo malaman?", tanong niya at tumango lang ako.

"Alam mo sa totoo lang dapat kumpleto pa kami eh. Ang kaso namatay si Papa sa isang aksidente tapos si mama nag-asawa ulit. At yung tinuring kong Step Father ay ginahasa ako nung nasa 14 yrs old pa lang ako. Wala akong nagawa tapos siya pa ang kinampihan ni mama at hindi naniwala sa akin. Kaya lumayas ako sa bahay namin. Nagalit ako sa lahat. Wala akong kakampi. Wala na rin akong balita sa mga kapatid ko. Hindi ko na alam ang nangyari sa kanila at hanggang ngayon ay dala ko pa din ang sakit na binigay nila sakin."

Hindi niya namamalayan na naiiyak na siya. Grabe lang! What if ako ang nasa kalagayan niya? Hindi ko alam gagawin ko.

"Wag kana umiyak. Alam mo hanga ako sa iyo kasi sobrang tapang mo. Hinarap mo ang lahat. And only GOD knows. May dahilan ang lahat."

"Kung ano mang dahilan iyon ay haharapin ko pa din. Wag na wag lang magpapakita sa akin yung mga P******* mama ko at g*** lalaking yon. Magsisisi sila."

"Ssshhh... tama na iyak. Alam mo hindi ka din nag-iisang may problema. Broken Family din ako. Anak ako sa una ng nanay ko. Mahirap lang din kami. Kaya nadito ako para damayan ka habang dito pa ako nag-aaral sa Manila."

------------------

Simula nung nag-open kami sa isa't isa ng mga pinagdaanan sa buhay ay kami na lamang ang nagtulungan ni Jona.

"Hey girl. Balik tayo sayo anong problema mo?", tanong niya sa akin.

"Ah kasi... u-uwi na lang ako sa Laguna tulad ng gustong mangyari ni Nanay."

"At anong gagawin mo dun? ---magtitinda ng kakanin?"

"W-wala naman akong magagawa e. Nabasa mo naman ang sinabi niya, talagang wala na silang maitutustos sa pag-aaral ko. Na-stroke ang stepfather ko."

"Wag mong sabihin na wala kang gagawin at uuwi ka na lang sa inyo?", hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Jona.

"Kung matitigil na ang pagpapadala sa akin ni nanay ng pera, ano pa ang gagawin ko rito?"

"E hindi ba't sabi mo, gustong gusto mong maging isang executive secretary?"

"Oo gusto ko kaya lang paano naman..."

"Edi magsikap kang pag-aralin mo ang sarili mo."

"Paano? Diba nga sinubukan ko ng maghanap ng work pero napakahirap naman sa isang katulad kong undergraduate lang na makakita ng maayos na pagkakakitaan."

"Ikaw lang naman ang mahina ang loob e. Pare-pareho lang naman tayo rito na isang kahig at isang tuka. Bakit kami nina Nikki e nakakaraos kahit paano?"

Napailing na lang ako kasi ang trabaho ni Nikki ay isang dancer sa isang night club.

"Hayan ka nanaman", inis na sabi ni Jona sa akin.

"Kung puro prinsipyo ang iisipin mo, mamamatay ka talagang dilat. Hindi nakakain ang prinsipyo, Jade!"

"M-may iba pa naman sigurong paraan, Jona.", nakangiting sabi ko.

Nagroll eyes lang si Jona.

"Ewan ko lang. Sabi mo nga, mahirap sa isang tulad mo na makakita ng maayos na pagkakakitaan. Graduating kapa naman ngayon. Siyempre kailangan naka focus ka sa pag-aaral. Paano mo iyon mapagsasabay saka ang trabaho, aber?"

"Naniniwala akong hindi ako bibigyan ni God ng ganitong problema kung hindi ko kaya."

Napasamid si Jona. "Hayan ka na naman! Puro ka God, God, God!"

"Jona---"

"Walang mangyayari sa atin kung sa awa lang ng Diyos natin iaasa ang paglutas ng ating mga problema. Sabi nga sa kasabihan nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

Hindi na ako nagsalita dahil alam kong maiinis lalo siya sa akin kapag nag salita pa ako.

"Aalis ako ngayon."

"Saan ka pupunta?"

"Ewan ko. Siguro maglalakad lakad muna ako para makapag-isip akong mabuti kung ano ang aking gagawin."

"Okay!", sabi ni Jona at bumalik sa upuan niya kanina.

"Basta kapag wala ka nang maisip na solusyon, alalahanin mo lang na may alternative ka. Yung inaalok ko. At matutulungan kita ha? Sa ayos mo, sa tindig mo, sure ako na malaki agad ang kikitain mo, Jade."

Kinalibutan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga keribels na gawin ang mga ginagawa nilang trabaho. Yung ibebenta ang sarili sa iba't ibang lalaki. Jusko po! Kahit pa ang kapalit ay maging executive secretary pa at makapagtapos sa pag-aaral. Tsk! ayaw ko! Uuwi na lang ako ng Laguna kaysa magaya ako sa dalawa kasama ko dito sa boarding house.

May kanya-kanya talagang paniniwala ang mga tao na dapat ginagalang ang kapwa.

Nagkataon lang na iba ang paniniwala ko kumpara sa dalawa kong kasama. Hays.

Mula sa boarding house namin ay nilakad ko ang San Luis Street, hanggang sa makarating ako sa Marian University, kung saan ako graduating ngayon. Ito na siguro yung hobbies ko ang maglakad kapag madaming iniisip.

Nasa harap ako ng malaking gate ng school at nakatitig sa pangalan ng school. Sobrang nanghihinayang ako kasi isang semester na lang ay graduate na ako. Gusto ko ng tulungan ang aking pamilya ngunit paano?

Nagpaalam ako sa nanay ko na magsa-summer ako ng subject para makasiguradong ga-Graduate ako ngunit imbes na masayang balita ang matanggap ko ay isang telegrama ang nabasa ko. Unexpected.

To: Jade

Anak, pasensya na kung ngayon lang ako nakapagpadala ng sulat. Paumanhin ngunit wala akong maipapadala sayong pera. Tumigil ka muna sa pag aaral dahil wala na kaming pera para sa iyo. Naubos na sa hospital bills ang pera para sa tatay mo. Na-stroke siya nung nakaraang lunes kaya ngayon hindi mailabas sa hospital dahil kulang pa rin. Kailangan ka namin dito para makatulong ko sa pagtitinda ng isda sa palengke upang magkapera.

Nagmamahal, Nanay

Napakadami kong iniisip. Hindi ko din alam kung bakit nasa harap ako ng school ko ngayon at ang gusto ko lang ay may makitang ka-schoolmate ko.

Ano na ang gagawin ko? Hindi ko alam kung saan ako magta-trabaho dito sa Manila. Ano ba ang dapat kong gawin? Iba na noon kumpara ngayon. Kung dati ay may nagpapadala sa akin ngunit ngayon ay wala na. Malayo din ang pananaw ko kumpara sa dalawa kong kasama sa boarding house. Kung sila walang pakialam kung ano ang mangyayari sa future, pwes ako hindi. Madami akong pangarap. Pero... paano?

Laging naghihintay lang sa akin ang Laguna, ang lugar ng pinamulan ko. At marahil ay babalik ako roon na isa pa ring bigo.

Napailing na lang ako at napakagat labi habang naglalakad sa harap ng malawak na Marian Campus. Ayaw kong umuwi ng bigo. Kailangan kong makapagtapos sa pag-aaral at maging isang degree holder--- by hook or by crook.

"JADE!", sigaw nang nasa likod ko at nilingon ko naman agad.

"Mon...", ngumiti lang ako at lumapit siya sa akin.

Kapatid siya ng kaklase ko nung high school na si Marilyn. Nakilala ko si Monalyn a.k.a. "Mon" nung 18th birthday ni Marilyn. Dati ko siya manliligaw, t-bird kasi siya.

Masscom Student si Mon sa Marian University at matanda sa akin ng dalawang taon.

"Nag-enroll ka rin for summer classes?", tanong niya sa akin.

Dahil sa magandang ngiti ay lalo siyang naging boyish-looking dahil sa suot na may gradong salamin sa mata at maikling gupit ng buhok. Maputi at makinis na parang korean skin.

"H-hindi." tipid kong sagot.

"Bakit? Hindi ba't sabi mo mag magsa-summer ka rin?"

"N-nagsabi ako sa amin pero walang ipanadalang pera ang nanay ko. Tag hirap ngayon."

Natigilan naman si Mon at ngumiti din agad.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Naisipan ko lang maglakad lakad. Pabalik na nga ako sa boarding house. Wala lang ako magawa kaya pahintu-hinto ako sa katitingin ng kung anu-ano."

"Hindi ka naman yata nagmamadaling makauwi?"

"Hindi nga", nakangiti kong sabi.

"Magmiryenda muna tayo."

"Sige saan?"

Nagulat pa ata siya na pumayag ako sa alok niya. Nasanay siguro siya sa akin na lagi ko siyang tinatanggihan noon. Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan sa tomboy.

"Ikaw kung saan mo gusto." Nakangiti niyang sabi.

"Diyan na lang sa labas. May mga cafe din. Maski sa Jookins Cafe na lang."

Habang kumakain kami ay ramdam ko na nahihiya pa siya sa akin. Sobrang bait niya at matalino. Oo, nanligaw siya sa akin pero wala naman sigurong masama na magkasama kami ngayon, just friend ganon. What if manligaw ulit siya sa akin? Tapos sagutin ko matutulungan kaya niya ako sa problema ko?

Napapailing na lang ako sa sarili ko. Kung anu ano na naiisip ko. Hindi nga ako napatol sa tomboy. tsk!

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya sa akin.

"H-ha?"

"Napapansin ko kasing kapag hindi ako nakatingin ay pinagmamasdan mo ako."

"H-hindi no?" Pagtanggi ko at nagyaya na siya dahil tapos na kami kumain.

"Tara na." Hiningi ni Mon ang chit nila at binayaran.

"Maaga pa.", sabi ko pagkalabas namin sa cafe.

Almost 3:00pm pa lamang. Ayaw ko pang umuwi sa boardinghouse.

"Kung maglakad lakad muna tayo?"

"Sige." sagot ko agad.

Inalalayan niya ako. Oppss! Awkward!

Pero hindi ko pinansin. Nagkwentuhan kami habang naglalakad.

"Maganda raw yan." sabi ni Mon at tinuro yung nakadisplay sa harap ng sinehan. Fantasy?

"Baka pambata lang yan." Sabi ko.

"Hindi kakaiba nga raw yan eh. Curious lang ako. Noong isang araw ko pa gusto panoodin yan e."

"Bakit hindi mo pinanuod?"

"Nakakatamad namang manuod nang mag-isa lang."

Teka. Mukhang nagpaparamdam yata ang isang 'to. Dati pag may gustong sabihin ay sinasabi niya agad at tatanggihan ko.

"Kung... panoorin kaya natin?" Sabi niya.

"Hmn, hindi kaya boring yan?"

"Hindi."

"Sige. Panoorin natin."

Nagmamadaling bumili ng ticket si Mon.

Jusko naman Jade! Ano bang ginagawa mo? Pumapasok ka sa isang sitwasyong hindi mo tiyak kung kaya mong i-handle. Ahhrrgg! Bahala na! sabi ko sa isip ko.

Pinapakiramdaman ko siya at ramdam kong ganun din siya sa akin.

Nang magpalabas na ang pinapanuod namin ay hindi namin maiwas ang bulungan tuwing may sasabihin o komento sa palabas. Walang malisya.

Pero nagulat ako ng pinatong niya ang isang kamay sa balikat ko. Warning!

"Mon...", mahinang sabi ko.

"Sumama ka sa akin dito. Ibig sabihin ay may pagtingin ka rin sa akin."

"Gusto ko lang na--"

Nabigla ako ng hinalikan ako ni Mona gamit ang kamay na nasa balikat ko ay hinapit niya ako palapit sa kanya.

Nanlamig ako at mabigla. Hindi ko napigilan na itulak at ang palad ko na sampalin siya.

"Jade...!"

"I... I'm sorry, Mon. Kahit pilitin ko ang sarili ko, hindi pala talaga kita magugustuhan. G-goodbye."

Tumayo ako at iniwan ko na siya. Nakakainis! Buti na lang hindi siya sumunod. Thanks God.

Hindi ko talaga kayang dayain ang sarili ko para lamang matupad ang aking ambisyon.

Related Books

Popular novel hashtag