"Good thing you decided na magpatingin dito, sir..." Panimula sa akin ng doctor sa St. Luke's matapos kong balikan ang check-up ko sa kanila. Buti na lang may sagot na health card ang kumpanya namin else di ko afford na magpatingin dito. "Too cliché po no, but I have to say I have both good and bad news."
Kung bad news lang din ang usapan I guess alam ko na anong sinasabi niya. Back in Singapore, I found out na meron daw akong prostate cancer. Annual physical exam namin noon, at yung inakala kong simpleng urine test at tusok-tusok sa puwitan ay sign na pala of something worse. Of course, nung narinig ko iyon, I panicked because ang aga ko pa para mamatay – until the doctor asked na kumalma ako as I'm lucky I found it early.
Nagbago yung dynamics ng buhay ko after ng diagnosis. I used to be so much of a work-aholic pero nung nalaman iyon ni Beata, pinipilit niya akong umuwi on time – na nalulustan ko nga lang 'pag wala siya. But it was that moment na naisip kong I have to prepare for the future even more. Swerteng may trabaho ako ngayon, pero paano sa susunod na mga taon?
"Alam ko naman na siguro yung bad news dok, unahin ko na yung good news..." Pagbibiro ko sa kanya out of dark humor. Tumawa din naman siya, sabay balik sa seryoso niyang tono.
"I'm sorry, I guess I should've worded it that way..." Sabay tingin niya sa ilang papel sa harap niya, preparing to explain the results. "Ganito po kasi: the cells seem to be spreading out slowly, but luckily it's still isolated in your prostate. Pero sa pace po natin ngayon, you have to consider treatement before you reach 40."
As if di ako ready na marinig iyon. Pero it gives me headaches thinking kung paano gagastusan yung treatment na sinasabi niya. "May mare-recommend po ba kayong procedure, if ever? Nung na-diagnose po kasi ako sa Singapore, they put me on active surveillance kasi di pa daw urgent. Nag-aalala kasi ako about sa side effects."
"Buti na lang talaga they put you on watch, though eventually you have to make a decision." Lifeless niyang reaksyon knowing gaano kaseryoso pwedeng mangyari sa akin. "You can choose hormone therapy, surgery, even chemo...though lahat kasi iyon, may downsides. Anyway, may plano po ba kayong magkaroon ng anak anytime soon?"
"Uhm...no, wala akong asawa." Safe kong sagot so that I won't reveal anything. Unless he realizes kung ano pala ako.
"With treatements kasi, there's a risk that you either lose erection or lose ability to ejaculate altogether. Di po natin alam anong meron in the future, so my candid advise sa mga patients ko would be sulitin nila maliligayang araw nila. Especially if they're young like you."
Then Dan entered my mind all of a sudden...we only did it once so far, at nakakagulat na nakatagal ako without feeling tired. Pero di ko maiwasang mabalisa hearing all of these – maswerte pa ata si Mang Kanor kahit na kadiri siya, at least mahaba pa naging sex life niya. Nakakalokong isipin na mas mauuna pa akong maging imbalido kaysa mga kulubot na matanda.
"Huy, ayos ka lang ba? Lutang ka ata ngayon." Halos masampal ako ni Dan habang napatigil kami sa gitna ng kalsada. Dahil sa palagi kong biro na tumataba siya, uminit ulo niya at biglang nagsimulang mag-running. Siyempre, guilty rin naman, napilitang akong sumama dahil off ko naman. Wala pa ata kaming isang kilometro pero hingal na hingal na kami – must be effects of aging.
Pero habang nagfa-flashback sa akin yung sinabi ng doctor ang lahat ng pwede ko pang maging reaksyon is a boner...felix bakat sa track suit moment. Awkward.
"No, no I'm fine...ano nga bang sabi mo ulit?"
Napa-buntong hininga lang siya bago bumalik sa pagsasalita. "I mean, what if mag-apply ako sa inyo? Di ba you mentioned kailangan niyo ng assistant?"
Fine...nadulas nga pala akong sabihin sa kanyang marami kaming vacancies. Wait, what? Siya? Mag-apply? Di pwede, lalo na kung siya papalit sa akin pag-alis ko sa Pinas. Di ba niya alam ibig sabihin ng conflict of interest?
"Wait, bakit mo naman naisip iyan? Ang layo kaya ng BGC sa atin..." Yikes, I need to think of a reason para ma-discourage siya. "Saka ayaw mo bang gamitin yung tinapos mo? Sayang kaya."
"Eh ikaw ba, di ka na rin nag-pra-practice ah?"
"Oo nga, kaya don't tell huwag mo kong gayahin." Wala talaga akong lusot sa mokong na 'to. "Saka you see naman di ba, rare na akong nakakauwi dito dahil puro overtime o kaya kailangan kong pumasok ng hating-gabi. Ngayon na nga lang tayo nagkikita ng ganito."
"Di naman issue iyon, iyon mga nagpra-practice nga lagi silang OT at inuumaga di ba?" Tukoy niya sa mga accountants sa mga firm. "Wala na akong panlaban sa mga batang iyon."
"Anong sasabihin mong qualifications mo?"
"Na naging assistant ako sa family farm, okay na iyon."
"But we're talking about a tech company here."
"Why not, wala naman akong nakitang ganung qualification sa website niyo?"
Napatigil kami sa isang malapit na shed, siya sisinghap-singhap habang nagiisip na naman ng panabla sa akin. "Alam mo, feeling ko ayaw mo lang talaga akong makasama."
"Hindi naman sa ganun, Dan-"
"Kanina mo pa kasi ako dini-discourage, eh."
"Parang di ka naman familiar sa conflict of interest, di ba?" Napilitan kong pag-explain sa lahat ng justification ko kanina. "Anong sasabihin nila pag nalaman nila tungkol sa atin?"
"Hindi pa naman nangyayari, di ba?" Sabay kuha ng water bottle niya na nasa tabi ko. "Saka anong problema 'don? Hindi naman tayo, di ba?"
R...right. Hindi naman tayo. Hindi pa. Ulit. And it's all my fault dahil nagiging pabebe ako because of my fears about the future.
"Seryoso Dan, why do you have to do all of these?"
"Siyempre naghahabol ako ng oras." Reaksyon niya sa tanong ko. "Saka you mentioned gusto mo ng challenge, so ayan. Pinapatunayan ko sarili ko sa iyo."
"Clingy much lang? Di mo naman kailangang ipa-ikot buhay mo sa akin."
"Wala naman akong sinabing iyon lang ang dahilan?" Pag-taas ng tono niya dahilan para mapatigil ako sa pagpunas ng pawis sa mukha. "Gusto ko lang naman ng restart, na may mapatunayan akong I can be a successful person. Konting push lang naman kailangan ko, di mo pa mabigay."
"Guini-guilt trip mo naman ako, eh."
"Kasi kahit nung bata pa tayo, kapag may plano ako, proposal para sa atin, ikaw lagi nagiging pessimistic. Di ko tuloy ma-feel na invested ka talaga sa future natin noon. Kaysa ikaw yung mag-encourage sa akin ikaw pa yung naghihila pababa."
"Real talk lang, ha." And it hurts na nare-realize ko yung mga mali ko noon a bit late.
"Sabi mo gusto mo ng feedback tapos nag-rereklamo ka diyan."
"Okay, fine, ano bang kailangan mo from me?"
"Encourage mo lang ako. Tell me some good words. Good thoughts lang. Positive vibes."
"Fine…" Sabay galaw ng kamay ko na parang binabasa ko ang bolang krystal ni Aling Zenaida. "You're pefect just the way you are. You are a child of the universe. Desiderata!"
"Ang OA mo."
"Oo na! Sige na! Mag-apply ka na! Galingan mo!" Sarcastic kong sagot dahil ano pa nga bang masasabi ko?
"Saka tulungan mo ako sa interview."
"Pati ba naman iyon isusubo ko pa sa iyo?"
"Edi iba na lang."
"Gago!" Umagang-umaga green thoughts na agad nasa isip.
In the end, yung worst case scenario pa yung nangyari – bigla na lang lumitaw si Dan sa opisina matapos akong sabihan ng receptionist na ako ang mag-i-interview sa kanya. Seryoso, wala ba talagang HR sa office na 'to? Alam kong ad-hoc maraming bagay dito pero pati ba naman 'to inaasa pa sa akin?
"Uhm, I'm sorry I have to do this all of a sudden..." Awkward kong panimula habang kaharap siya sa kabilang side ng mesa. "No one's available to interview you so they had to pull me out."
Pero mas laman ng isip ko yung suot niya – naka-polo siya at slacks na parang sisimba lang. Diyos ko, wala bang trendy na damit 'to? Sa bagay, kung anumang pigil kong tumawa sa situwasyon namin siya din naman niyang pigil lumabas ang ngiti sa labi niya.
"It's okay, at least you set aside time for me." A-wow, ano 'to date lang?
"My pleasure. So my name's Louie, I work as a policy analyst but I'm not really assigned here in Manila, I'm just here for a visit..." Pagkukunwari kong intro as if di kami magkakilala. "How should I call you? Jordan?"
"Dan should be fine." Confident niyang sagot. "Nice meeting you."
Kaso halata sa body language niyang nagtatago siya ng kaba, kung paanong magka-hawak ang mga kamay niya habang mabilis na inaapak ang magkabilang paa sa ilalim ng mesa. It was his first job interview after a while, at kahit anong bigay ko sa kanya ng online job tips siguradong iisipin niyang di siya ready. Gusto ko sanang dalian 'to para sa kanya pero wala naman sa akin ang final decision kung papasa siya.
"They told you this is just an initial interview and we'll get back to you if we need another one, right?" Clarification ko. "Consider this as a pooled role so is it fine if you'll be waiting for quite some time?"
"It's okay, I just got back from Malaysia so I'll just think of it as a vacation."
"No worries. Since you mentioned that..." Napatigil ako habang sumisilip sa kanyang resume. "Why are you applying here? It's pretty weird you're licensed to be an accountant but you're gunning for such a lowly role?"
"Maybe we should call it a career change?" Mahina niyang tawa habang nakatutok mga mata niya sa akin. As if he's saying masyado ka namang harsh sa akin, parehas lang naman tayo ng situwasyon.
"Nah, no judgement. You're lucky our company is a welcoming one." Sakay ko sa biro niya bago bumalik sa aking serious hat. "You wrote here that you worked in a chicken farm. How do you think it'll help you working in a tech company? Your experience seems to be a stretch with what we need?"
"Well there's no mention a tech experience's required, that's why I'm here." Aba, sumasagot din. Buti na lang di ibang tao ang kausap nito.
"You're witty. I love it." Ewan ko na nga lang kung iyon din magiging impression ng HR pag nakita nila notes ko. "But you can imagine what we expect, right? We do a lot of hustling here, everything's fast-paced, sometimes you need to change schedules or work weekends on short notice..."
"It's not new to me so it's fine." Lahat naman ng aplikante ganyan sagot, no.
After ng mga basic questions there comes the serious part. Di ko rin alam anong itatanong ko sa kanya dahil di ko naman trabaho 'to.
"How do you think you can contribute to this role?"
"Uhm...I guess it's added value to have someone with experience outside of the industry. Diversity helps bring new perspectives to the table."
"Since we're talking about perspectives, what do you think about technology?" This is going to be really interesting.
"Well...it changed my life."
"In what way?"
"It made me realized who I really am."
"Now we're talking. Go on."
"Isn't it funny that I fell in love with someone online?"
"Not really, it's nothing new." At di ko namalayang mas nagiging kumportable na pala ang usapan namin, nakalimutan kong interview pala ito. "I've been there."
"I'm sorry, I think I'm sharing too much for a job interview."
"No! You just made it interesting. I wouldn't appreciate canned answers, you know." But it's true, objectively speaking. "What happened to that love of yours?"
"We parted ways."
"How did it impact you?" Now that's me asking as his ex. "Did you regret it?"
"No. There's no such thing as mistakes, only lessons."
"How would you apply that in the workplace, though?"
"Just think of me having a open mind. Being objective when receiving criticism. And my past helped me become more resilient now. Don't you think you don't need someone who knows how his products will affect him in real life?"
That moment I had a glimpse of Dan's past, yung confident niyang sarili that made me fell in love with him. Halatang bumibilis yung pagsasalita niya pero di ko napapansin iyon with how he's entertaining me. As if he's not convincing me as a job applicant but as a lawyer presenting his arguments why I have to say yes to him again.
But then, di naman nadadaan sa simpleng job interview ang pag-ibig, di ba?
Di namin namalayang malapit na ang lunch nang matapos kami. Pakunwari lang akong lumabas habang siya naman, nagpa-alam sa receptionist at binilinang sabihan siya kung may progress ang application niya. Hanggang sa elevator di namin mapahalatang magkakilala kami.
"Alam mo, ang bano nung suot mo." Natatawa kong asar kay Dan habang tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Sa El Shaddai ba diretso mo niyan?"
"Wala akong masuot, eh. Di naman ako trendy gaya ng millenials diyan."
"Nanghingi ka na ng tulong sa akin, di mo pa sinagad."
Lumabas yung mga kasabay naming foreigners at kami na lang naiwan sa elevator. From awkward silence, bigla na lang siyang napapatong ng kamay sa pader sa likod ko na para bang uma-aura siya ng kabedon.
"Nasa elevator tayo Dan, tumigil ka diyan..."
"Nahihilo ata ako…"
Saka ko naisip na ipatong ang kamay ko sa leeg niya. "Wait...ang init mo! May sakit ka ata!"
"Puyat lang siguro 'to, kinakabahan ako sa interview eh."
"Hay naku, pinag-aalala mo pa ako, eh." Napabukas ako ng cellphone para makakuha ng sasakyan pauwi. Magiging blind item pa ako nito sa opisina nang de oras.