Chereads / There Will Be Love There / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Me and Dan were shocked by the sight of the woman rushing towards us. Diyos ko, sumobra na sa teleserye cliches ang buhay namin lately, dadagdag pa siya.

But partly it was something I expected - I'd imagined that his family might still be faithful soldiers of that religious cult pero di naman pwedeng i-kaila na lang nila si Dan because of who he really is - and acting up on it. Kadugo pa rin nila iyong tao.

"Siya ba talaga nanay mo, Dan?" Pagtataka ko.

"Hindi naman mahilig magsayaw nanay ko. Ewan..."

"Ako talaga ang nanay mo!" Sigurado narinig niya ang bulungan naming dalawa. "Hindi ba pwedeng mag-exercise mga tulad ko?"

"Hindi ma, kaso..." I guess I can connect the dots with what he meant.

"Mahabang kwento, Jordan." Sagot nito na para bang naghahabol ng hininga. "Mamaya na natin pagusapan iyan, ang mas importanteng tanong - kamusta ka na? Paano ka nakarating dito? Inakala naming lahat patay ka na!"

"Pumunta po kami doon sa dati niyong bahay, tapos nalaman namin sa barangay umalis na pala kayo more than a year ago." Paliwanag ko. Ito namang si Dan, siya mas kailangang pumunta dito pero di siya nagsasalita. "But yeah, buhay pa po siya."

"At sino naman 'tong kasama mo, anak?" Kung di pala ako nagsalita di niya ako mapapansin.

"Kaibigan ko po 'ma, si Louie." Pakikipag-kamay ko naman sa babae kahit na di pa nanunuyo ang pawis sa mga kamay niya. "Siya po talaga pumilit sa aking bumalik dito."

"Ay Diyos ko, salamat sa 'yo nagawa mong dalhin dito ang anak ko!" Laking pasasalamat ng nanay niya. "Ang tagal namin siyang hinanap; siguro nga may milagro mula sa Diyos. Teka, kailangan kong tawagan si Joanna!"

Ang tawag na sinasabi niya ay pag-video call pala sa kapatid ni Dan via Messenger.

"Hello ma, napatawag ka. May emergency ba?" Pag-aaala ng babae sa kabilang linya.

"Jo, anak, pasensya na kung naistorbo kita, may himalang dumating dito hindi ako makapaniwala-"

"Ma, hinga ka muna, ano bang nangyayari diyan?"

Tinutuok ng babae ang camera ng cellphone niya sa aming dalawang nakaupo pa rin sa flower box.

"Kuya Dan, ikaw ba iyan? Oh my God! Praise God!" Nagsusumigaw ang kapatid niya nang makita ang kanyang kuya. "Wala nang mas perpekto pang regalo para sa kasal ko-"

"Kasal?" Tumaas ang kilay ng kasama ko sa narinig.

"Oo anak, ikakasal na ang kapatid mo. Nasa Cabanatuan nga sila ngayon, nag-aayos ng gagamitin nila sa kasal."

"Uuwi kami agad diyan ma; pasensya na ikaw na muna mag-asikaso kay kuya." Napatakbo ito sa fiancé niya para mapasilip din ang nakikita niya. "Huwag na huwag mo siyang patakasin!"

"Hindi ako tatakas Jo, huwag kang mag-panic diyan."

"Kuya naman eh, wala man lang pasabi bigla ka na lang bumalik sa buhay namin!" Kahit na may inis sa tono nito halata pa rin kay Jo ang tuwa niya. "Madami tayong pag-uusapan!"

Naputol rin ang tawag dahil sa nawalang signal. May dala daw na sasakyan ang mga ikakasal at magmamadali silang pumunta sa location namin, kahit na pagabi na.

"Siya, umuwi na muna tayo, anak. Kami na bahala sa hapunan niyo."

"Ang itay ho pala, nasaan?" Saktong tanong ni Dan pagkatayo ng nanay niya.

"Jordan...wala na siya."

Halatang naistorbo namin ang mga ganap sa bahay nila. Iyong nakahandang munggo at galunggong, biglang nadagdagan ng manok, ng softdrinks at ng ice cream - basta may maihanda man lang kahit papaano sa pagbabalik ni Dan.

"Dinaig mo yung kwento ng Prodigal Son, anak!" Reaksyon ng nanay niya habang abala pa rin sa pagluluto sa kusina. "Wala ka man lang pasabi. Di ka man lang nagparamdam na balak mong bumalik dito! Alam mo ba kung gaano kami nahirapan sa iyo noon? Ni pulis di ka nakita!

Patuloy lang ang ale sa kanyang sermon habang iniikot ko ang paningin sa bahay. Halatang di pinalitan ang mga upuan at mesa pero mas nakakapagtakang wala man lang mga dekorasyon. Para bang sadyang di lagyan ng figurine ng anghel o sandamakmak na photo frames at certificates ang pader gaya ng nakasanayan sa probinsya. It's as if they're trying to forget something.

"Pasensya na talaga ma, alam ko pinag-alala ko kayo ng sobrang matagal." Humble na sagot ni Dan sa lahat ng narinig. "Inisip ko di niyo ako mapapatawad sa lahat ng ginawa ko noon, kaya di ko na naisip bumalik pa. Kung di nga lang dito kay Louie, baka di ko na kayo naabutang buhay pa."

"Bakit mo naman inisip iyan anak? Magagawa ba kitang i-kaila?" Balik nitong argumento sa pagdadahilan ng anak. "Kahit sa Facebook, pinagtataguan mo kami. Walang makakita ng account mo. Sana man lang hinanap mo muna ako o yung kapatid mo para man lang alam naming buhay ka, di ba?"

"Opo ma, pasensya na talaga." Naka-baba pa rin ang tingin niya habang nagsasalita. Sarap kutusin!

"Alam mo Dan kaysa gumanyan ka magtanong ka naman sa nanay mo." Pag-gatong ko sa sermon sa pasaway na isip-bata. "Pasensya na po mam, alam po naming biglaan 'tong bisita namin. In fact nga po, di namin binalak magtagal kasi inisip nitong si Dan puntahan lang kayo one last time. Kung di niyo po siya matanggap, at least makakahinga na siya ng maluwag."

"Kung anu-ano talagang iniisip nitong taong 'to. Hindi ka na nagbago." I guess marami kaming dapat itanong sa mga nangyari noong wala siya.

"Ano po palang nangyari sa tatay niya?" Pangungulit ko dahil di pa rin magawa ni Dan na magsalita.

"Actually last year lang siyang namatay, di na lang nagising bigla. Tapos binenta na namin bahay namin sa campus since nagtratrabaho naman ako malapit dito."

Nalaman kong isa pala siyang senior high school teacher.

"Kumusta naman po si papa noong naglayas ako?"

"Kaya ko sinasabing mahabang kwento kasi di ko alam kung gusto ko pang i-kuwento..." Saka umupo ang babae sa isa sa mga bakanteng upuan para harapin kami. "Simula nung nawala ka nagulo lahat sa pamilya natin. Noong una, nag-abala kaming hanapin ka pero ang tatay mo, walang paki-alam. Malaki ka na daw, alam mo na ginagawa mo, pinili mong suwayin siya't sumama kay Satanas..."

Iyon pala ang dahilan kaya bakit walang naghanap kay Dan sa Maynila kahit na ang dali-dali namang gawin iyon.

"Inisip lang siguro niya yung shunning, ma." Reaksyon ng anak.

"Parang ganun. Matatauhan ka rin daw kasi di mo naman kayang mabuhay mag-isa." Pag-sang-ayon ng ina. "Pero iyon ang dahilan kaya siya halos nabaliw. Di ka bumalik, kaya mas lalo siyang nasira sa congregation. Siyempre nagmukhang di siya matinong magulang. Lagi na lang mainit ang ulo niya, minsan sa amin ng kapatid mo nabubunton ang galit niya..."

"Sinaktan ka ba niya, ma?"

"Huwag na nating pag-usapan iyon. Wala naman na siya."

Nabasag lang ang katahimikan sa isa pang paghingi ulit ng tawad ni Dan. "I'm sorry, ma. Kung alam ko lang talaga magiging resulta ng pag-alis ko."

"Wala kang dapat i-hingi ng tawad, anak. Kami pa nga may atraso sa 'yo!" She's trying to cheer herself up sa gitna ng malalim na usapan. "Bata ka pa noon at mahirap sa iyo ang mga pangyayari. Kami ang may kasalanan kasi di ka namin tinanggap...kung sino ka."

"Nagsisimba ka pa ba doon, ma?"

"Hindi na." Rebelasyon ng ina. "Minsan dumadaan ako sa Catholic Church, pero madalang lang iyon. Pero iyong kapatid mo nagsisimba sa Born-Again. In fact part ng choir yung mapapangasawa niya."

"Uhm, pasensya na po kung nakiki-sawsaw ako, pero curious lang po ako: gaano po ba ka-intense iyong religion niyo dati?" Sorry na po, di ko talaga mapigilang mag-tanong. "Napadaan po kami doon sa campus na sinasabi ni Dan tapos na-overwhelm po kami sa laki noon. May mga nakasalubong pa po kaming mga members..."

"Ganun talaga siyempre kapag religion, conservative kasi iyon." Buti na lang open siya sa usapan na 'to. "Iyong asawa ko talaga ang miyembro 'non, tapos nagpa-convert lang ako nung napangasawa ko siya."

"Dedicated kasi talaga tatay ko noon, kaya doon kami nakatira ng matagal." Si Dan na ang nagpatuloy sa pagkwento. "Kaya yung buhay namin umikot lahat talaga sa religion. Doon kami nag-aral ng kapatid ko, wala kaming mintis sa pag-simba, kahit weekends basta may event sa church, tulong talaga kami."

"That's the reason kaya di ka matanggap ng tatay mo noon?"

"Siyempre. Inisip siguro niya kahit anong ka-dedicated namin, nahawa pa rin ako ng bad influence." That explains it. "Sa amin kasi noon, ang mundo dapat iniiwasan dahil special kami, anak kami ng Diyos. Noong college lang talaga ako natuto ng kalokohan!"

"Diyos ko, sa harap ng nanay mo pa talaga sinasabi iyan."

"Oo nga pala, hindi mo pa sinasabi anong nangyari sa iyo." Putol sa biruan namin ng nanay niya. "Saan ka na nakatira ngayon? Anong trabaho mo?"

"Actually, magkapitbahay kami nitong si Louie." Sige stick muna tayo sa linyang iyan, ayokong ma-shock mga tao dito sa bahay. "Nag-abroad po ako, ma. Actually kababalik ko lang sa Pilipinas."

"Buti naman naging maayos ang buhay mo." Halata ang relief nito sa narinig. "Todo ang pag-aalala ko sa iyo, alam mo ba? Kasi alam naming di ka sanay sa mundo, eh. Masyado ka naming kinulong sa bahay natin. Masyado kang na-spoil."

Mukhang tinotoo nga ng kapatid niya ang sinabing mag-mamadali sila ng asawa niya papunta dito. Pagka-tigil ng sasakyan sa harap ng bahay dali-dali siyang lumabas at tumakbo papunta sa amin.

"Kuya! Ikaw nga talaga iyan!" Niyakap niya si Dan na parang wala nang bukas. "Akala namin talaga wala ka na!"

"B-buhay pa ako Jo, kaso papatayin mo ako sa higpit mo, eh." Napahigpit ata ang kapatid sa yakap niya. Can't blame her - miss niya sigurado ang kapatid.

"Sorry naman! Di lang kami makapaniwalang babalik ka pa dito, no!" Reaksyon nito habang tahimik lang na nakatingin ang future husband sa isang tabi. "Di ka nawala sa mga prayers namin. Araw-araw iyon! God definitely makes wonders, no?"

"Cake po pala, dala namin." Pagputol sa usapan ng fiance. "Pasensya na po kung ito lang nadala namin."

"Naku, nag-abala pa kayo sinabi ko nang ako na bahala." Saway ng ina. "Siya, kumain na kayo!"

Our dinner was full of laughter and reminiscing. Si Joanna at ang boyfriend niya, two weeks na lang pala bago sila ikasal, which makes Dan's comeback more significant than ever. Napaginipan pa nga daw siya ng kapatid na para bang premonition sa mga nangyayari ngayon.

Tinanong nila ako anong role ko sa buhay ni Dan all this time, pero I decided to cut it short doon sa oras na tumira siya sa amin. I don't know kung nararamdaman nila anong meron sa amin o sadyang iniiwasan nilang maghalukay ng mas malalim. Saka oras nila iyon kaya maiging di ko na i-spoil ang moment.

Only after nakapag-usap si Dan at ang kapatid niya nalaman kong she already knew.

"Ayan, para sa kasal ko." Sabay abot ng dalawang blankong wedding invitations. "Buti na lang talaga may spare kami!"

"Aba, pati ako kasali?" Gulat kong reaksyon.

"Ay bakit, di ka ba niya boyfriend?"

"Ah, eh..." Di ko malaman paano siya sasagutin ng diretso.

"Masyado kang advance mag-isip, Jo. Tigilan mo iyan."

"Asus, itodo mo na pag-amin mo!" Biro ng kapatid niyang babae. "Either way, parang pa-thank you na namin 'to sa 'yo, Louie. Na you took care of him nung nasa inyo siya."

"Wala iyon." Pag-downplay ko sa mga nangyari. "Kahit naman sinong kaibigan ganun din gagawin, eh."

"Sure ka bang friends lang? Nung nakita kaya kita super familiar ka sa akin..." Ooh, may madidiscover ako mula sa kanya ah! "Ito kasing si kuya, bano iyan sa totoo lang. Ilang beses ko kaya iyang nahuling kinikilig pag nakikita pictures mo."

"At sino ngayon ang paminta?" Napatingin ako kay Dan with a matching mocking smile.

"Pinagloloko ka lang niyan, maniwala ka diyan!" Matindi nitong denial.

"Pero Jo, sure ka ba sa invitation mo?" Alangan kong pag-iba ng usapan, knowing gaano katagal na since I've been to a church. "I mean, di ba magiging awkward?"

"Progressive naman kami, Louie. Kung iyon ang inaalala mo." Assurance sa akin ng babae. "Kaya nga I fell in love with it - at sa mapapangasawa ko. Siguro may doubts ka pero ang Diyos naman at yung message niya, open sa lahat eh. Who are we to judge?"

Bago pa sumikat ang araw, we decided to hike papunta sa memorial park kung saan nakalibing ang tatay ni Dan. Sa loob din pala ng campus iyon kaya kami na lang ang nagkusang pumunta kahit inalok pa nilang samahan kami.

The fact na dito nilibing ang tatay niya kind of ruined my idea of the place. Para bang naging malungkot bigla yung mga puno't damo na hinangaan ko nung unang punta namin.

"Huwag mo nga akong picturan!" Takip pa ni Dan sa mukha niya habang naka-indian seat sa harap ng nitso. He was just wearing the tank top na tinakpan niya ng jacket nung bumabiyahe kami.

"Para sa IG mo 'to. Ayaw mo nun, ganda kaya ng lighting."

Even if he insisted I decided to get a candid shot of him anyway. Pero pinabayaan ko lang siyang mag-reflect sa harap ng nitso - marami siyang naiisip sigurado. How his return was too late, his mixed feelings about running away from his father. Abusado ba siyang ama, or he just knew the worst things to happen to his child? After all, it's hard to forgive someone who isn't here to hear it anymore.

"Umiiyak ka ba, Dan?" Concerned kong tanong habang pumapatak mga luha sa mata niya. "May tissues ako dito."

"Puyat lang 'to."

"Nagsisinungaling ka. Ayaw ng Diyos niyan."

Hindi na niya napigilang ilabas iyon. Di ko pa siya nakitang umiyak nang ganito - ganun nga siguro kabigat mga nararamdaman niya he just had to get it out.

"Pa, I'm sorry..." And he wailed as if asking the heavens to send his message to his father. Pati tuloy akong nakaupo sa tabi niya nahahawa't napapaluha na rin.

He definitely had it rough.