Chereads / There Will Be Love There / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

"Louie! Pa-bukas naman ng pinto!" I heard Dan knocking outside at the wrong time. Katatapos ko lang maligo noon, as we're preparing to attend my high school reunion. Di ko sana balak pumunta, but when I mentioned it to him siya pa ang mas excited umattend.

"Sandali lang, kabibihis ko lang!"

"Hay naku, para namang wala pa akong nakita diyan-" And he was shocked nung buksan ko yung pinto while on my undies. "Whoa. Mukhang kaliligo mo pa nga lang talaga. Amoy Irish Spring, eh."

"Tse. Pumasok ka na nga, magbibihis na ako." Sumunod naman siya, leaving his leather shoes sa shoe rack. "Mabilis lang 'to, baka malate tayo!"

"Ayaw mo nun, fashionably late!"

"Sa Hollywood lang ata ganun." Banat ko habang dire-diretso siya sa kwarto ko. Pero kaysa sa akin matuon ang atensyon niya, napunta iyon sa mga boteng nakapatong sa harap ng vanity mirror. "Ano iyang pinapahid mo?"

"Moisturizer, bakit?"

"Akala ko ba late na tayo? Kailangan mo pa ba iyan, gabi na?"

"Ayoko lang magka-wrinkles." Explanation ko habang patuloy lang sa pagpahid ng lip balm sa labi ko. "Saka reunion 'to no, ayokong maalala nila yung pimply at oily kong mukha dati."

"I'm sure di ka nila makilala pagdating natin. Aakalain nila may dumating na K-Pop star." Pambobola naman niya.

"Huwag mo na akong i-flatter, uy - wait, ano ba!" Ang buhok ko naman ang pinagdisketahan niya bago pa iyo malagyan ng wax. "Guluhin ko din buhok mo diyan, eh."

"Wala lang, ang lambot kasi. Parang balahibo lang ng aso."

"Kaso di kita makakagat ngayon. Argh!" Reaksyon ko with my paws up, getting ready na lagyan din ng wax ang buhok niya. "See, ikaw pala mas kailangan nitong wax, eh. Nagsusuklay ka ba, even?"

He ended up magical after. Bagay pala sa kanya yung medyo slick back na hairstyle, eh.

"See? You look much more cool!"

"Sayang di pwedeng dalawa ang prom king, no?" Seryoso niyang tanong habang parehas naming tinitignan mga mukha namin sa salamin.

"Sa kanila na iyon. Corny."

Gusto ko man sabihing the night is young, yung itsura ng mga tao dito sa homecoming made me realize we kids aren't that young anymore. Halata sa pag-upsize ng mga damit nila kung paano bumagal metabolism nila, at kahit gaano ka-kapal ang make-up nila di matatago how their faces are being pulled away by gravity. Can't blame them if you're only living for your family nowadays.

I studied in a really huge high school but ironically wala ako masyado naging ka-close. It sucks habang naghahanap kami ni Dan ng mauupuan, while everyone else are already in groups at busy na mag-reminisce.

"Louie?" Tanong sa akin ng isang tumpok ng babae't lalaki habang nakaupo kami sa bleachers. They look familiar - probably mga ka-section ko noon, pero di ko sila halos maaninag sa liwanag ng mga ilaw sa court.

"Ah yes, ako nga, bakit?"

"Louie! Di mo ba kami naalala? Mga kaklase mo kami sa Platinum!" Banggit nila sa section namin noong 4th year. But Annie wasn't there, kung sino pa ang nag-imbita. "Grabe, kala namin Camera 360 lang yung mga picture mo sa Facebook, nag-iba na itsura mo!"

Yeah right, halata sa kanilang they're taking care of their children more than themselves now. Isa-isa silang nagpakilala sa akin together with their partners, with wondering stares kung sino ba ang kasama ko.

What went next was a bragging game - senior manager na diumano sa ganito, businessman na daw si ganyan (networking lang pala!), sa government naman daw ang isa.

"Ikaw, ano na palang pinagkaka-abalahan mo?"

"Oh, I travel the world!" That's one way of saying it. Totoo naman.

"Ay really, sosyal ka na pala! Like OFW, ganun?"

"Not really. I work for a tech company. I'm a policy analyst. Actually bakasyon lang ako galing Singapore. Europe naman punta ko next!" Akala niyo kayo lang ang maipagyayabang, ah.

"That's interesting. I thought VP ka na or something! Lakas pa naman maka-aura ng suot mo ngayon!" I catched that sarcasm, dude. Don't me.

"Di mo ba ako ipapakilala sa kanila?" Tumayo naman si Dan palapit sa akin. He must sensed I'm not enjoying the conversation. "Oh, mga classmates mo sila dati! Naalala ko sila sa class pictures niyo!"

And the pairs became curious bakit alam ni Dan ang tungkol sa class pictures.

"Anyway, here's my partner, Jordan." Char lang. Alangan naman sabihin kong former ex na ngayon ka-MU at fuck buddy na ewan?

"Nice meeting you, pre." The man definitely doesn't know how to address him. Napabulong na lang siya sa asawa niya pagkatapos.

"Ay sayang naman, ka-gwapo mo pa naman ngayon! Kala namin ikaw magiging hot bachelor of the night!"

"Oh yes, sayang talaga!" Sinukbit ni Dan ang kamay at braso niya sa akin. "Because I got this cool guy now!"

Nice comeback, dude. I need that. We need to slay these bitches.

"Biro lang naman yun!" Pagbawi ng babae sa nasabi niya. She must have probably sensed how insensitive her comment was. "Di ko lang kasi akalain, kasi noong high school pa kami ni Louie may nararamdaman na kami diyan. Naalala mo pa ba nung nagsayaw-sayaw ka mala-Rihanna noon?"

"Oh gosh, huwag niyo ngang ipa-alala iyon!" Pilit kong tawa para lang masakyan siya.

"But at least you're happy now, di ba?"

"Yeah, I'm happy." I gave them my biggest smile to express my contempt. "I got a nice job, I can travel for free, have a house and this guy beside me. What could I even be jealous about now? Anyway, see you around!"

Then we rushed sa tinatawag nilang Batibot para makalayo sa kanila. Dance music has started to pipe in, habang busy pa rin ang iba sa kanilang chikahan.

"Ayos ka lang ba?" Concerned na tanong ni Dan pagka-upo namin sa tabi ng puno.

"Thanks nga pala kanina, ha. Honestly di ko sure paano sila kakausapin."

"Seryoso tanong ko."

"I'm upset, okay. Ayan!" Sabay taas ko ng kamay sa hangin out of frustration. "Sana pala di na lang ako pumunta dito. I already know this will happen, eh. As if naman I had great relations with them."

"Bakit, di mo ba sila close?" Pagtataka niya habang nakatuon lang ang tingin sa akin.

"That's an understatement, I guess." Diin ko. "More like, I just tolerated them nung 4th year. Ganun din naman sila. I was out of place because of school politics."

"Di ko gets."

"Di ko kasi sinuportahan yung candidate ng section namin for president. I even joined yung party ng kalaban para matalo siya. And they humiliated me because of that."

"Ganun lang?" Halata sa mukha ng kausap ko na di niya maseryoso mga sinasabi ko. "Ang babaw naman nun!"

"This is serious Dan, okay. He was a bully, but no one stands up against him."

"Well, nasaan na siya ngayon?"

"I don't wanna bother." Walang energy kong sagot sa tanong ni Dan. "Pero yung mga nameet natin kanina was some of his friends so sure ako matsi-tsismis ako sa kanila."

"Tingin mo ba even now may issue pa rin sila sa iyo? Tagal na kaya nun." Here comes his positivity again.

"Narinig mo naman paano nila ako kausapin, di ba?"

"Wala naman akong pambasa ng utak nila, no. Pero di mo talaga maiiwasan ang inggit, eh. Lalo na sa panahon natin ngayon. Nasa edad tayo na expected sa atin, successful tayo at dapat may iyayabang ka sa mga kaibigan mo. Ganun lang sila kung umasta."

"As if magiging proud ako na mukha na akong losyang at malaki na ang tiyan ko, no."

"Mismo!" Masayang reaksyon ni Dan nang natumbok ko ang punto niya. "Tignan mo paligid mo. Inggit ka sa kanila pero lahat sila, pare-parehas ang itsura. Pare-parehas lang din sigurado iyayabang mga iyan. At least ikaw, may adventure buhay mo, di ba? Mas magandang ikuwento iyon sa parties kaysa yung pangangarag ng anak mo."

"O yung aalukin ka ng networking!" Sabay pag-apir namin sa isa't isa.

The 2000s playlist kept on playing in the background habang parami ng parami mga tao. Some people are already dancing, habang iba naman nakapila na para kumuha ng pagkain.

"So, gusto mo nang umuwi?" Aya ni Dan sa akin.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Akala ko di ka kumportable pa dito, eh."

"Sayang binayad natin dito, no!" Oo nga naman. Kahit man lang yung pagkain na linuto lang ata sa canteen kainin na namin.

"Parang linya ko ata iyan!"

He pulled me after para sumabay kami sa tugtog sa speakers. Buti na lang medyo madilim ang pwesto namin kaya wala masyadong nakakapansin sa kabaliwan namin. How I wish nakilala ko siya when I was younger instead of pretending like each other's prom dates only now.

Then dumating na ang araw para harapin ulit ni Dan mga magulang niya. We left before the sun sets in – kahit sa terminal ng bus meron pa rin siyang kaunting hesitation.

"Ready ka na ba?" Panigurado kong tanong sa kanya.

"Di ko masabing oo, pero sige na nga..."

"Hay naku, isipin mo na lang bakasyon 'to!" That was me cheering him up, not realizing na nahawakan ko na ang kamay niya. Reflex lang? "If it doesn't end up well then let's just use the time para makapag-unwind. Ano bang mga tourist spots sa lugar niyo?"

"Di ko sure. Puro bahay lang ata ng mga bayani...at walang katapusang palayan."

"Grabe ka naman maka-bash sa probinsya niyo!"

"Totoo naman talaga. Di naman isla lugar namin."

As the bus rolled by doon ko na-realize na he might be saying the truth. Ganun nga siguro talaga ang Central Luzon – mula sa simula't dulo ng mga expressway kung hindi palay makikita mo, bubong ng manukan at babuyan. Noong pag-exit namin saka lang naging mas interesting ang mga bagay-bagay – from malls to buildings unti-unting napupuno ng mga ilog at bundok ang paningin mo. The air is fresh and the view's more breath-taking habang pataas ng bundok ang daan namin.

Binaba kami ng sinakyan naming tricycle sa isang university complex. I thought ordinaryong eskwelahan lang iyon pero habang patuloy kami sa paglalakad, I realized it was a huge religious compound. Hiwa-hiwalay ang mga building habang kita ang main chapel nito mula sa taas ng pinanggalingan naming bangin. Trees were abundant and the grass is healthy, so madaling ma-imagine gaano siya ka-perfect maging camp site.

"Kung sa religion niyo itong school na 'to, bakit di ka dito nag-aral?" Pagtataka kong tanong kay Dan habang patuloy lang kami sa aming hike. Hindi pwedeng pumasok ang mga tricycle sa loob, kaya kahit di naman malayo ang bahay nila nakakahingal pa ring maglakad.

"Wala sila nung course na gusto ko. Saka dito na ako nag-aral simula pre-school. Nababad na ako masyado sa values education."

"Pero seryoso, sure ka bang dito pa sila nakatira?" He only told me saan kami pupunta but I failed to question the possible success ng plano niya. "I mean, you said wala kang contact sa kanila, di ba? Kahit sa mga kapatid mo?"

"Unless di na sila member dito..."

"Kahit mga kaklase mo dati? Mga dati mong ka-religion?"

"Yung mga kaklase ko sinasabi nakakasalubong daw nila sila minsan, pero matagal na iyon." At least meron siyang idea, di ba. "Kung mga brothers at sisters naman, imposible kasi paglayas ko sa amin ex-con na ako sigurado. Bawal na nila akong kausapin."

"As in?" Gulat kong reaksyon. "Paano kunwari, magkaklase kayo? Magka-trabaho?"

"Wala, daig mo pa may ketong." That explains bakit hirap siyang magkaroon ng kaibigan matapos niyang lumayas. Nasanay siya sa dati niyang mundo kaya naputol lahat ng support system niya pag-alis niya. Nadala niya iyong trauma hanggang ngayon. "Para daw ma-realize ng mga tulad ko yung 'pagkakamali' namin, tapos mapapabalik kami."

"Parang di naman makatao iyon."

Instead of reacting napatigil kaming dalawa nang napatitig siya sa isang grupo ng mga naka-suot ng pansimba. Sa itsura pa lang nila halatang mga miyembo sila, mukhang naghahanda bang mag-overnight sa dami ng dala nilang kaldero at bag.

"Kilala mo ba sila?"

"Parang." Pero kaysa ma-tempt na lapitan sila nagdesisyon na lang si Dan na magpatuloy lang sa paglalakad. Malapit na rin naman daw kami.

But instead na sa isang bahay kami dumiretso, napunta ang mga paa namin papunta sa barangay. Tirik na ang araw noon at tagaktak ang pawis sa mga suot naming damit mula sa paglalakad na parang mauuwi pa ata sa wala.

"Wala na sila dito!" Di ko sigurado sa tono ng kapitan kung galit ba siya't gusto kaming paalisin sa pag-istorbo sa siesta niya. "Binenta na nila yung bahay nila. Kapatid din ata ang nakabili, pero wala kami halos napapansing tao doon."

"May idea po ba kayo saan sila lumipat?" Kasunod kong tanong. Humingi ng oras ang kapitan para magtanong sa isa sa kanyang mga kasamang kagawad.

"Sabi ni kagawad, baka nasa Munoz, malapit dun sa state university. Susubukan naming tawagan yung landline ng barangay doon."

"Di ba doon ka nag-aral, Dan?" Paglipat kong tanong sa kasama ko. Siya dapat yung nakakahinga ng maluwag dahil may lead na kami pero heto siya, busy sa paglalaro ng kung ano sa phone niya.

"Ah, eh...oo!"

Gusto ko pa sanang magtanong kung anong nangyari sa pamilya niya pero nahiya na rin ako sa pang-iistorbo namin. Buti na lang nakasabay kami sa service nila at bumilis ang biyahe namin papunta sa susunod naming destinasyon. Halos palubog na ang araw noon bago kami nakarating sa target naming barangay.

Kahit pala sa probinsya usong-uso sa mga matatanda ang Zumba. Sa covered court sa tabi ng barangay, ilang mga mid-40s at seniors ang sumasabay sa isang amateur dance instructor. Habang naghihintay sa kapitan na dumating, natuon na lang mga mata namin sa mga nagsasayaw para maaliw man lang.

Kaso natapos na ang Zumba, wala pa rin ang hinihintay namin. Iba ang lumapit sa aming dalawa – natatakpan ng kanyang exercise outfit at towel ang kumukulubot niyang balat, ngunit kita sa kanya na may kahawig siya sa mga hinahanap namin.

"Jordan?" Halos maglupasay ang babae nang nakita niya ang kasama ko. "Akala ko di ka na makakabalik kahit kailan!"