Pagkatapos ng nakakalokang staycation na iyon, me and Dan took the remaining time before the elections para makabisita sa mga parents namin. Noong una, balak lang sana namin na sa parents ko lang pumunta, pero I insisted na bumisita din siya sa kanila.
I knew he has doubts it will work pero I was frank in saying di niya pwedeng takasan ang pamilya niya doon habambuhay. Isipin na lang niya bakasyon iyon, kung sakaling hindi rin naman mag-work out iyon in the end. Saka nandoon pa rin ang voter registration niya in the first place.
But first, ang ganap sa bahay:
"Jordan? Si Dan ba iyan?" Gulat na salubong ng nanay ko sa aming dalawa nang dumating kami sa bahay. Gabi na noon, at marahil nanibago siya sa itsura ng kasama ko. "Nag-mature ng todo itsura mo!"
"Para mo na ring sinabing pumangit siya, ma." Though nakakapanibagong sumasabay siya sa fashion ngayon, ha. Magsuot ba naman ng jogger pants? Good luck na lang na walang bumakat sa kanya. Hihi.
"Good afternoon ho. May dala po pala kaming pasalubong sa inyo." Bati naman ni Dan sabay pakita sa dala naming box ng donut.
"Sana di ka na nag-abala pa, nakakahiya! Ikaw naman Louie anak, di ka man lang nagpasabing bibisita kayo. Sana nakapag-luto ako ng hapunan!"
"Huwag kang mag-alala, ma. May dala kaming lechon manok dahil alam ko sasabihin mo iyan." Pagmayayabang ko. "Anyway, anong ulam niyo?"
"Giniling lang, saka tortang talong." Sagot ni mama. "Teka, di kumakain ng ganyan si Dan, di ba?"
Pero pagharap namin sa hapag-kainan, Dan shocked all of us nang kumuha siya ng kutsara ng giniling saka hinalo iyon sa kanin.
"Natuto na siya, ma." Kumpirmasyon ko. "Kala ko nga masusuka siya nung pinakain ko siya ng sinigang, eh."
"Oo nga pala ano, magkapitbahay pala kayo. Kamusta naman kayo doon?"
"Halos di po kami nagkikita niyan ni Louie!" May halong tampo sa sagot ni Dan habang abala ako sa pag-durog sa talong. "Lagi naman siyang OT sa trabaho niya. Kahit weekends nga, wala siya sa bahay. Feeling ko tuloy pinagtataguan niya ako, eh."
"Ayan Louie, pati siya nagrereklamo sa iyo. Di ka halos makabisita dito sa bahay, diyos ko!" Dagdag pa ng nanay ko sa litanya. "Ikaw ba Jordan, ano nga palang pinagkaka-abalahan mo?"
"Ah, eh...pahinga po muna ako. Matagal-tagal rin po kasi akong nagtrabaho sa Malaysia, eh."
"Oo nga, wala kaming naging balita sa iyo." Kung alam lang sana ng lalaking 'to kung gaano ako umiyak at naging depressed nung naghiwalay kami. Pero siyempre, di iyon sasabihin ng nanay ko sa harapan ng pagkain. Malas iyon.
"Tapos sa lahat ng pwedeng maging coincidence, sa parehong subdivision pa kami nakatira, di ba?" Attempt ko na iligaw ang usapan.
"Babalik ka pa ba abroad, Jordan?" Ayaw talaga magpatinag ng nanay ko. Isa rin itong gumagatong!
"Kung makakahanap po ako ng trabaho dito. Sana swertehin."
"Bakit naman hindi, nakapag-tapos ka naman? Ikaw naman Louie, sinabi ko na sa iyong mag-stay ka na dito sa Pilipinas, ang kulit mo pa rin. Wala ka namang asawa saka anak na pinapag-aral! Kumbinsihin mo nga 'tong anak ko, Dan."
"O ayan, nanay mo na nagsabing mag-settle down ka na." Sabay kindat ni Dan sa akin. Bakit, may ipapakain ka ba sa akin 'pag nagstay ako dito?
"Nakapag-usap naman na tayo tungkol diyan ma, di ba?" Pero hindi tungkol sa issue ko sa prostate. Hindi pa naman siya malala na kailangan nilang malaman. Mag-aalala lang sila't di na talaga ako makaka-alis ng tuluyan.
"Aba, may bisita pala tayo..." At iyon na nga, ang pinakahihintay naming pagdating ni tatay. Halatang pagod siya sa biyahe sa kung gaano kagusot ang suot niyang polo barong pero nagawa pa rin niyang magmadali papunta sa kusina. "Sino pala 'tong katabi ni Louie?"
"Parang di mo naman naalala. Si Jordan iyan!" Pakilala ng nanay ko sa kanya. Siya naman, kumaway lang kahit na halatang kinakabahan siya sa presensya nito.
"Aba oo nga, malabo na nga talaga mata ko." Kukurap-kurap niyang pinag-masdan ang katabi ko, sabay dukot ng kung ano sa bulsa siya. "Tapos na ata kayong kumain, ah. Utusan nga muna kita, Louie."
"May pabibili ka, Tay?"
"Beer lang. Bahala ka na sa natira." Mukhang magiging mahaba ang gabing 'to, ah.
"Hon naman, sinabi ko sa iyong maghinay-hinay na sa pag-inom, idadamay mo pa 'tong bisita mo." Mas lalo lang na-trigger ang pagiging nagger ng nanay ko.
"Minsan lang naman 'to. Saka pakunswelo na rin natin sa kanya. Tagal nang di nakakabisita, eh."
In the end, ako ang dumaan sa grocery para maghanap ng iinumin nila. Wala pa naman ako sa mood, pero kumuha na rin ako ng ilang San Mig Light. Ang tatay naman, siguradong Red Horse lang ang gusto. Samahan pa ng isang pack ng cornick panalo na siya doon.
"Ikaw ba iyan, Louie?" Gulat na tingin sa akin ng isang pamilyar na mukha na nauna sa pila sa counter. "Grabe, ngayon lang kita nakita ulit!"
Sabay tingin ko sa mga diaper at lata ng gatas na nasa basket niya. "Ako 'to, si Anne Marie! A.k.a. Annie! Grabe ka maka-snob sa akin, ha."
"Ay, seryoso? Di kita nakilala!" Totoo naman iyon kahit papaano. Simula nang nauso ang internet sa masa tinanggal ko silang lahat sa mga friends list ko. Ayoko pang mahawa sa stress nila. "Kumusta ka na?"
"Heto, tatlo na baby namin ng asawa ko. Ikaw ba, may asawa na?"
"Ikaw naman, kung makabiro ka sa akin, alam mo naman iyon since High School di ba?" Oh gosh, here comes the expectations again.
"Tama naman ako! Bakit, wala ka bang boyfriend or what? Ang gwapo mo na kaya ngayon!" And my pimply, hormones-exploding self comes into flashback.
"Uhm...wala siya ngayon eh." Is it a) wala siya kasi nandoon siya sa bahay, o b) wala pang "kami" ulit?
"See, ikaw pa!" Makahulugang ngiti ni Annie sa akin. "Anyway, sure ako di mo alam may grand reunion sa school! Sana makapunta ka."
"Di ko sure, baka bumalik na akong abroad by that time. Kailan ba?" Kahit naman siguro sabihin niya yung date wala rin naman akong balak harapin sila, considering lahat ng nangyari sa akin noon.
"Sa 1st week of May. Anyway, ano palang Facebook mo? Add kita sa group natin!" Di man lang niya inisip na baka wala akong Facebook - siguro sanay lang mga tao ngayong merong account lahat ng kakilala nila. Ilalagay ko na lang siya sa Restricted List para di niya makita posts ko.
Pagbalik ko sa bahay, nagulat na lang akong nakita si tatay at si Jordan na nagtatawanan - hindi dahil sa comedy show sa TV kundi sa sarap ng usapan nila. Wala pa nga yung alak enjoy na enjoy na ang mga 'to.
"Biniro ko pa naman si Louie kung may asawa ka na. Di ko alam seseryosohin niya pala masyado!"
"Alam niyo naman 'ho siya, di mo malaman paano bibiruin. Lagi na lang seryoso." The shade, ha.
"Pero kung tutuusin, di ko rin naisip na baka totoo nga talagang, ano..." Napatigil siya habang nakasilip pa rin ako sa kanila sa gate. "Akala ko kasi noon, laro-laro lang yung ginagawa niyo, na di naman seryoso. Di ko akalaing may relasyon pala talaga kayo noon."
"Maigi nga 'ho siguro nilaro-laro lang namin iyon noon. Ang bata-bata pa namin!" Pag-sang-ayon niya sa tatay ko. "Noong nandito 'ho ba kami dati, ano 'ho bang naramdaman niyo?"
"Sa totoo lang, may kutob ako. Kaso sabi ko na lang sa asawa ko, malaki na si Louie. Pinabayaan ko lang kasi teenager siya noon, eh. Gustong sumubok ng kung anu-ano. Siya pa nga yung mas nag-alala." In fairness, thankful akong di nila ako pinakialaman else baka saan na kami napadpad dalawa ngayon.
"Tingin niyo 'ho ba dati sa amin, confused lang?"
"Sinungaling naman ako kung sabihin kong di ko pinagdasal na sana mag-asawa siya ng babae." Saka kuha ni tatay sa isa sa mga photo album sa center table. "Kaso kung iisipin mong nagawa niyang mag-Playboy bunny noong high school pa siya, madaling isipin baka wala nga talagang pag-asa!"
Napuno ng halakhak ang sala sa pagbuting-ting nila sa album. Wala lang ako grabe na sila sa pag-bash sa akin!
"Ay, naalala ko 'to! Pinagsusuntok niya ako nung inasar ko siya dito!"
"Kung di nga lang niya sinabing ganun talaga pa-contest nila baka nasuntok ko rin siya. Sinikreto kaya niya 'to sa amin."
Iyong sumunod na tanong ni Jordan ang di ko in-expect. "Pero ngayon po ba, tanggap niyo na po ang anak niyo?"
"Bakit naman hindi? Anak ko siya."
"Kung sakali po bang ligawan ko ulit yung anak niyo, makukuha ko ba ang boto niyo?"
"Malay kong umaakyat ka pala ng ligaw. Hindi naman babae iyang anak ko!" Malutong na tawa ng itay sa narinig. "Kung saan siya masaya, masaya na rin ako. Saka ikaw pa, kilala ka na namin noon."
"Ah, eh...salamat po kung ganoon." Pasalamat ni Dan without knowing may kasunod palang tanong sa kanya.
"Kami dito ayos na kami, pero ikaw ba, ayos ka na ba?"
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Di mo kailangang sabihin, pero alam namin noon pa kung paano ka napadpad dito. Wala ka bang balak ipakilala si Louie sa kanila?"
"Hay salamat, nakarating din!" Naputol ang usapan nila sa pag-pasok ko, na siyang kinagulat nilang dalawa. Minabuti ko rin iyon dahil siguradong mahihirapan si Jordan na sumagot sa tanong na iyon.
Kung totoo man ang sinabi ng tatay, I guess nakuha ko na sa wakas ang peace of mind. Hindi na ako mag-aalala kung sakaling maging kami ulit ni Jordan. Sana sa magulang naman niya magawa rin naming magpakilala, pero mas malaking challenge iyon na siya lang ang makakasagot.
"Nakita kita kanina..." Bulong ni Dan sa akin habang nakahiga kaming dalawa sa kama. Gabi na rin kaya naisipan naming dito na magpa-gabi.
"Sinasabi mo?" Pagtataka ko pa kunwari.
"Nakasilip ka doon kanina sa gate. Pero pinapabayaan lang kita kasi ang ganda na ng usapan namin kanina, eh."
"Naniniwala na talaga akong stalker ka talaga."
"Hindi no, matalas lang ang mata ko!" Nakakatawa nga lang iyon marinig matapos niyang ayusin ang suot niyang salamin.
"Kahit na ang labo ng mata mo?"
"Di ba sabi nga, pag mahina daw isa sa mga senses mo, lumalakas yung iba. So sure na mas malakas pandinig saka pakiramdam ko."
"Para mo namang sinabing bulag ka na."
"Bulag sa pag-ibig, oo." Saka niya inilapit ang mga kamay at braso niya sa akin na para bang gusto niyang magpayakap.
"Corny nito." Ako naman, nagpadala sa mga da moves niya at nagpayakap din. Mga ilang minuto kami sa posisyong iyon habang dinig sa labas ang kapitbahay na nagpapatugtog nung kantang Buwan.
"Bakit parang ang dali lang sa iyong kausapin si tatay kanina?" Simula ng seryoso kong litanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Napunta sa akin ang tingin ni Jordan na nakatalikod sa akin kanina.
"I mean, sa tono mo parang naisip mo na magiging tayo talaga forever. Parang ang dali lang sa iyong mangarap, ganun. Parang teenager lang."
"Iyon naman talaga ang totoo." Assurance niya habang nakakapit pa rin ang mga kamay niya sa likod ko. "Kahit na noong bata pa tayo, lagi namang napuno utak ko ng panaginip tungkol sa future natin."
"Kaso di naman iyon natupad lahat, di ba?"
"Bakit naman? Parang sinasabi mo namang wala nang bukas."
"I mean, di ka ba natatakot sa mangyayari? Paano pag tumanda na tayo? Paano kapag may nauna na sa ating dalawa? Hindi naman tayo pwedeng magka-anak. Ni sa papel nga di pwedeng maging legal 'to."
"Ayan ka na naman sa pagka-paranoid mo..." Bumalik na naman ang optimistic self ni Dan. "Sigurado 'pag sinabi kong kakayanin natin, isusumbat mo na naman ang nakaraan. Heto na nga oh, may pagkakataon na ulit. Wala na halos problema."
"Bakit, totoo naman ah." Tempted na sana akong sabihin sa kanya yung tungkol sa prostate pero di ko makuha ang tiyempo.
"Basta, mag-relax ka lang. Isa-isang araw lang muna!"
"Fine, fine." Agreement ko na lang dahil inaantok na rin ako. "Matulog na tayo."
Ang loko, kaya pala yumayakap sa akin may iba palang balak!
"Hoy, matulog ka na kaysa kung anu-anong kinakapa mo diyan!" Iyong kamay niya, nakapatong na sa gitna ng shorts ko, pinaglalaruan yung tali na parang gusto niya iyong luwagan.
"HIndi mo ba 'to nami-miss?" Halata ngang may iniisip siya sa kung paanong may umuumbok sa jogger pants niya.
"Anong miss ka diyan?"
"Yung first time natin, dito sa kwarto mo. Mga wala pa tayong muwang noon, di natin malaman paano dapat gawin."
"Akala ko naghahanap ka lang ng shota play."
"Nah, mas masarap pa rin pag aged."
Iyong pagkalikot niya sa tali ng shorts, nauwi iyon sa pagkapa ng mga kamay niya sa laman nito. Ganun na rin lang, ako na mismong tumulong ibaba ang suot niyang pambaba. I can feel he's so excited na para bang first time lang namin.
"Naalala mo pa 'to, yung ganito lang alam nating gawin?" Our hands were busy playing our little ones. With how his head leaks excitement di ko naisip na di na pala bata ang kaharap ko ngayon. It was really like old times, when events like these are full of love and symbolism at di lang basta release of hormones.
"Yeah right...hirap na hirap ka pa nga noon. Parang nagpipigil ka."
"Nahihiya lang siguro ako, baka kasi may magawa akong mali."
"Kahit na halos tumalsik iyon sa mukha ko pagkatapos?"
"Di ko naman kasi iyon ina-araw-araw!"
"Wala naman akong sinabing masama iyon." That moment I can feel from our pulses na malapit na iyon maulit. "It was fun."
"Wait, mukhang malapit na ata ako..."
"Ako din..."
Our releases were almost in sync - I could've joked na we should swallow it up pero we're already spent. Guess I'll settle for a kiss muna ngayong gabi.