Chereads / There Will Be Love There / Chapter 8 - Chapter 8

Chapter 8 - Chapter 8

I was not expecting to meet Gio again so quickly, though. A few days in sa office namin sa BGC, he messaged me asking kung free ba ako for lunch. Must be my fault I gave him an idea where I'm working, kaya ngayon he's feeling close with me na parang new-found kumare niya ako.

Di ko actually binanggit kay Dan na nagkita na kami ni Gio. Not that I planned na gawin iyon but I thought I should spend more time getting to know the guy. Forget na naging sila, he was still his close friend that can help me fill up those missing pieces. I thought gusto ko munang i-resolve yung feelings ko about him until masanay na akong nandyan siya.

Pero mukhang gusto niya ata akong pahirapan dahil 30 minutes na siyang late. Buti na lang wala akong schedule at pwede akong magpretend na may trabaho sa labas. Thank goodness for telecommuting.

"Oh gosh, Louie, I'm sorry I'm late!" Pasok niya sa restaurant, relieved na may aircon siyang mararamdaman sa wakas. "We all know how horrible traffic can be dito but still...nag-buffer na nga ako ng time for you!"

"It's fine." Pleasantry ko dahil di ko naman mababawi ang nawalang oras. "Parang excited ka to meet me, ah."

"If only I have time! I don't think I mentioned all my rakets di ba?" Pagmamayabang niya, with an s. "By the way, do you like seafood? I got fresh ones from Capiz."

"Nah, allergic ako sa seafood eh." Literally, and figuratively. Kaya di ko naging trip ang tahong ever.

"It's fine, gusto mo I can give you fish products na lang." Alternative niyang offer bago siya pumili ng order mula sa menu. "Is it okay na we're here? I'm so craving for pasta because of the obvious stuff I said."

Pwede nga siguro siyang maging endorser ng tuna flakes kung magpa-payat lang siyang konti. "How about si Dan, bakit di mo siya bentahan ng ganyan?"

"He's not talking to me lately. Naka-ilang wave na ako sa kanya sa Messenger pero puro wave back lang then wala namang follow-up. I was seriously thinking he must need therapy again kaso he seems fine so...bigyan ko na lang ng space."

"He told me di daw siya nagpa-tingin dati sa Malaysia?" Curious kong tanong.

"Of course, alangan namang sabihin niyang gay siya edi nirefer siya sa conversion therapy?" Oo nga naman, people there must be more conservative. "Not that I talk to him formally ah, but I learned the ropes somehow. Conversation as friends. Eventually natuto akong maging love coach of some sort."

"Like something you practice formally?" It sounded dubious marinig iyon sa kanya.

"In a way, kahit ganito ako girls are still attracted to me, so I'd end up friends with them. Then pag may away sila ng mga boyfriend nila they talk to me. Much worse kapag mag-asawa na tapos may third party ganun, nagiging marriage counselor ako bigla!"

"Hindi halata sa itsura mo na you're so passionate about relationships."

"Kung may free time nga lang ako nag-apply na ako sa mga radio stations..." Proud niyang sagot habang iniikot-ikot ang straw na nasa baso ng tubig. "But then I got way better perks if you know what I mean..."

"What do you mean?"

"This is a secret, okay, but I also do intros to BDSM..."

I can't believe na naririnig ko 'to ngayon, of all things!

"Wait, anong sabi mo ulit?"

"You know, hand-cuffs, whips, ropes, bondage, furry play..." Ine-enumerate pa lang niya iyon napupuno na utak ko ng dirty thoughts sa mga pwedeng ginawqa nila ni Dan noon. Di ko ma-imagine!

"Okay stop...nawiwindang na utak ko. Really, you? Teaching those stuff? Kanino?"

"Kay Dan noong una, tapos nagka-clients na ako..."

"Alam mo, gusto na kita masapak."

"Too much information ba? Sorry! Just telling it as it is!" Tawa niya na parang di kino-consider anong meron sa aming dalawa. "My gosh, kailangan kong pigilan pagiging madaldal ko minsan."

"I was expecting to hear more about Dan from you pero di ko in-expect na ganito pala ganito ka-revealing..."

"Kahit naman ako, I did not expect na he will play along my crazy antics." Pag-sang-ayon niya. "Don't get me wrong, he only learned basics from me. You know, handcuffs, minsan acrobatics, but teaching him to be a dom is something I wouldn't regret ever."

"I can't imagine him doing that, honestly." Considering gaano siya ka-conservative noon at kung gaano siya katahimik ngayon.

"Just as they say, nasa loob ang kulo." Which makes perfect sense. "But I guess it helped him become more confident lalo na after his trauma. I know ang impression it's dirty and borderline violent but it takes a lot of communication before two people agree to do it."

Now that explains bakit ang thoughtful niya at insistent to get my say sa lahat ng stuff na ginawa namin the first night we met. "So ayun, nawala hiya niya and he learned posible pa pala to get his mojo back – that euphoria sa plays namin nadadala niya sa trabaho."

"Not expecting to hear such unconventional advice."

"Modern na rin naman panahon ngayon, people are open to new ideas." Reaksyon niya habang sumisilip sa waiter na akmang dala na ang order namin pero para pala sa iba. "Nagugulat nga ako kahit mga older couples they ask me about it. Kung pwede nga lang nag-open na ako ng sex toy shop!"

"And how much you're involved in this?"

"Yung iba, simple questions lang, minsan binebentahan ko ng toys. Yung iba, ayun...intensive workshop pala. Why not di ba, naka-karat ka na may kita ka pa!"

"Parang sinasabi mo namang ka-level mo mga sex worker."

"Just following Maslow's Hierarchy of Needs!" Really like how smart he sounds. "Pero mas masarap kapag mga foreigner na bisita ko sa AirBnB, no! Especially kapag mga Japanese, Taiwanese, akala mo nagshoooting lang ng video kung maka-perform! Experts na!"

"Huwag mo namang hamakin mga Pinoy." Biro ko while realizing gaano kadaming BDSM videos na ang nakita ko involving mga singkit na iyon. "Pero seryoso, are you telling me these to get me...interested?"

"Only if you want to." Expert nga talaga siya pagdating sa consent. "I can easily imagine you with all those chains in your neck, pati sa kamay mo..."

"Gosh, buti na lang gutom na talaga ako nothing can destroy my appetite."

"I'm sorry. At least I made you have an appetite for something else, di ba?"

"Sige na, parating na ata order natin."

Buti na lang mataas sa calories ang pasta dahil kailangan ko ata ng maraming calories pambawi sa usapan namin. In between, napagusapan namin mga more professional stuff, like kung papaano ang buhay ng isang policy analyst. Siya naman, he's lucky daw na hinayaan lang siyang mag-negosyo sa Manila habang nasa probinsya mga magulang niya. He's barely rich to afford it with no one poking at his weird hobbies anyway.

"By the way, ano palang plano mo?" Natulala ako bigla sa kanyang open-ended question. Katatapos lang namin ng lunch and I hope di ako hinahanap sa opisina.

"Plano saan?"

"Saan? Kay Dan, siyempre..." Sagot niya na borderline kinikilig. "Sa bagay, love is a journey, and he is a destination..."

"Diyos ko, nawala na sa sistema ko mga ka-cornyhan na ganyan..."

Napatingin siya sa phone niya na para bang may hinahanap sa Google.

"Uhm, hello..." Patuloy lang siyang aligaga sa pag-tap sa screen. "May gusto akong i-share sa iyo eh, usually binibigay ko 'to sa clients ko...there!"

Nasundan iyon ng isang link na shinare niya sa Messenger.

"Para saan naman 'to?"

"You said you can still love him, di ba?" Paalala ni Gio sa sinabi ko nung una kaming nagkausap. "So there, I'll give you ideas how you can start a relationship with him again!"

"Fan ka ba ng love team namin?" Pagtataka ko. "It's out of character for someone like you na i-cheer pa mismo yung lalaking kaagaw niya?"

"Okay lang naman sa akin open relationship o kaya threesome..."

"Shut up!" Halakhak ko sabay hampas ng kamay sa mesa. Di ko talaga kinakaya pagiging open-minded nito.

"But really, how much do you know about Dan?" Napa-isip tuloy ako bigla sa tanong na iyon. "I know you're into me kasi you wanna know what's with us two, but I'm wondering, you know...little things."

It took me a few seconds bago ako makaisip ng sagot. "Sa tagal naming di nagkita, I guess safe to say marami na akong nakalimutan."

"There! Let's start with that." Excited niyang reaksyon na para bang may checklist siya para sa aming dalawa. "I mentioned before you start with a clean slate, di ba? Take advantage of it. Get to know each other as if ngayon lang kayo ulit nagkakilala."

"Sa bagay, since I met him he seems like a whole different person-"

"Time flies, eh." Pag-sang-ayon niya. "I'm sure there are things that haven't changed. Pero madidiscover mo lang iyon if you try na ligawan siya."

"Wait, kailangan pa ba iyan?" Alangan kong sagot knowing na parang na-skip namin iyon ni Dan ever since nagkita kami.

"Courtship must be constant, Louie." Payo ng new-found love adviser ko. "You know, text mo lagi, kumustahin mo, bolahin mo, dalhan mo lagi ng pagkain, o kaya invite mong mag-travel kayo, hanap kayo ng hobbies..."

I guess may point siya. Knowing gaano kabilis naging kami, di kami nagkaroon ng ganoong moment at biglang fast-forward na lang sa pagsasama na. Guess fault ko iyon na di ko naisip mag-effort thinking na di naman siya mawawala.

"Saka try niyo magpaka-naughty ulit. Matutuyo kayo niyan!"

"Uhm, actually, we had one nung day na nagkita kami..."

"Parang pusang kalye lang, ah!"

"Gago 'to, parang ang linis-linis mo dyan ha."

"Nah, dapat you told me about this sooner, no!" Saka siya nagpalit ng topic out of courtesy sa akin. "Anyway, you have to resolve lahat ng drama ninyo sa buhay. Not just between you two ha, but you as individuals…"

"Alam mo ba yung tungkol sa parents niya?"

"Oo naman, it's one of his triggers, eh." So may idea din pala siya. "Kinda hypocrite for me to say this, pero eventually he has to try facing them again."

"Honestly, kahit sa parents ko di naman nila kami natanggap ng buo..."

"Asus, di totoo iyon, walang parent na matitiis mga anak nila." Recitation niya ng sikat na kasabihan. "Saka ang tanda niyo nang dalawa, kailangan niyo pa ba ng approval ng ibang tao?"

"Parang di ka kasing-age namin, ha." May point nga naman siya. What matters is that masaya kami, di ba? Then bigla kong naalala yung mundane stuff na kasama sa package – mga awkward na tanong, legal arrangements, paano na kami sa pagtanda? Di ko dapat iniisip 'to pero sadya lang talagang may paranoia ako.

"Be more confident about this, Louie..." Huling payo niya sabay hawak ng kamay ko na parang may kausap na kumare. "I know it still hurts a bit, pero sayang pinagbigyan na kayo ng nasa taas, eh. Take it slow, then dream big."

"Wasn't expecting such word from you, but...thanks." Genuine kong pasasalamat sa kanya.

"And if you'd like I'm always open for fun!"

"Ewan ko sa iyo, umalis ka na nga!"

But then di siya nagpa-awat at nag-insist na ilibre ako ng donuts para daw i-uwi ko. The rest is up to me kung daw paano diskarte ko.

Hay, ewan. Di pa naman ako sanay na di nasusunod mga plano ko sa buhay.

Buti na lang may tren nang papunta sa Bulacan else masyado na akong gabi makakauwi. Di ko nga naisip magpahinga muna at naisip kong dumiretso na kay Dan. Pagsilip ko, naka-indian seat lang siyang nakatutok malapit sa TV, nanunuod ng old episodes ng Azumanga Daioh.

"Dan, kumain ka na ba? May dala akong donuts dito, bigay ko sa iyo..."

Pero wala siyang naririnig, para bang lutang at malalim ang iniisip. Doon ko na-realize na something must be up.

"Dan, buksan mo naman 'tong pinto, nangangawit na ako oh..."

Tumayo nga siya, pero di siya lumabas and instead pinatay niya ang TV at sinara ang mga kurtina. Oh no, he definitely has an idea.

"May kasalanan ka sa akin, Louie..." Medyo pabiro niyang salubong sa akin, kaya akala ko baka pagod lang siya.

"Anong ginawa ko? Napa-advance ata peace offering ko niyan?"

"Di mo sinabing dumaan dito si Gio..." Nagbago ang boses niya, halatang di na siya nagbibiro. Fuck me, I should've warned the guy na isikreto lahat ng usapan namin.

"I thought kasi alam mo na, saka di rin naman siya nagtagal-"

"Anong mga kinuwento niya sa iyo?" Ngayon nagdedemanda na si Dan ng sagot sa akin. "Kung gaano ako kamiserable noong nasa abroad ako? Di pa ba enough yung lahat ng nalaman mo tungkol sa akin?"

"Dan, chill ka lang, we just had a chat that's all-"

"Wala ka ba talagang tiwala sa akin?" At nagsimula nang tumulo ang luha sa mata niya na sinabayan ng paghihigpit ng dibdib. "Sinabi ko na sa iyo lahat ng kailangan mong malaman para mapatawad mo ako, di pa ba sapat iyon? Kailangan ba tumalon ako sa tulay o magpasagasa sa tren?"

"Dan, huwag kang magsalita ng ganyan, it's not going to be worth it-"

"Sabihin mo, bakit?" Patuloy lang siya sa pagiyak with the grills of his gate separating us. Slow na kung slow but when I realized I offended him, pinilit kong i-abot ang kamay ko sa lock para pilitin iyong buksan.

"Because I wanted to know how to help you!" Pagsabay ko sa pagdadrama niya. "You've suffered more than enough Dan, at dahil lahat iyon sa pinili mo ako above everything else. How I can help rebuild this relationship kung di ko alam saan magsta-start? You're asking if I can't trust you when all this time di mo nga ako pinagkatiwalaan! You took everything to yourself!"

Those words hit him so hard wala na siyang paki-alam kung masaktan ako sa pagbalibag niya ng gate.

"I'm sorry Dan, I'm sorry..." Pagpupumilit kong yakapin siya kahit na sinusubukan niyang lumayo. "It was wrong for me di kita kinonsult about all these. I talked to him kasi I want my anxieties to get resolved, na wala na talagang meron sa inyo..."

Doon ko na-realize na what I've done is not entirely for him, but for me to resolve my own ego.

"Isama mo naman ako sa mga plano mo..." Di na niya napigilang yumakapt sa akin pabalik, his more stocky physique filling me up. "Di lang naman ikaw ang may burden nito, eh. Kung gusto mo ng ideas paano tayo magsta-start, tayo na magdesisyon nun, huwag nang ibang 'tao."

"Alam mo, you just made me feel na ipokrito talaga ako." And we stayed hugging each other knowing we crave for each other so much. This time, matino na isip namin at di na dala lang ng alak.