Summer's Outlook
3015. Ang panahon na masasabe kong kakaiba. Who could even imagine na darating ang panahon na mag sasama sama ang teknolohiya at mga tao sa iisang mundo? Yung tepong uutusan mo nalang yung vacuum cleaner na linisin ang floor niyo tapos susunod na siya. Yung isang tingin mo palang sa pinto ng bahay niyo eh kusa na siyang mag la lock kapag aalis ka?
Could you imagine that? Pero iyon na ngayon ang mundo. Hindi man aakalain ng lahat pero ganito na ang kasalukuyang panahon. Kung saan upgraded na ang lahat lahat. From buildings, houses, gadgets, cars. Ay malaki na ang pinag bago.
At isa ako sa dahilan ng pag babagong iyon. Ako si Simmer Summer Go. A half Filipino, half Chinese. 28 year's old at isang scientist/inventor sa panahong ito.
We're the reason kung bakit naging ganito ang mundo. Lahat ng problema ng Pilipinas ay kayang gawan ng sulosiyon ng teknolohiya. Kaya iyon ang naging dahilan ng pag unlad ng ating bansa. Maniniwala ka ba kapag sinabi kong may sarili ng satellite ang Pilipinas? Yes meron na tayo. From being poor country eh naging isa sa pinaka maunlad na bansa sa buong mundo.
Ang dating mahirap na bansa, ngayon naging tahanan na ng magagaling na inbentor. Kaya kong ikukumpara ko ngayon ang Pilipinas noon sa ngayon? Hindi mo na siya makikilala.
Kung ang dati, pag sinabeng Manila ang unang papasok sa ating isip ay traffic. Ngayon ay isa na sa pinakamaayos na siyudad. Wala ka ng makikitang pakalat kalat na basura at mabagal na usad ng mga sasakyan. Dahil ang mga sasakyan ay hindi nalang sa kalsada gumagana dahil pate sa himpapawid ay makikita nadin ito! At ang mga bulidings? Pinaka maliit na ang may 50 floors.
At kung dati ang mga kable ng mga kuryente ay halos mag umpukan na ay ngayon wala ka ng makikita. Dahil sa ating satellite. Sila na ang nag susuply ng kuryente sa kada bahay.
Unbelievable isn't it? Ilan lang iyan sa mga daan daang pagbabago na naganap sa nakalipas na mahigit isang daang taon.
Pero this time. Gumagawa pa ako ng mas kakaibang invention. Ang tinatawag kong 'Beyond the Earth Project'. Na kung saan gunagawa ako ng isang robot na kung saan ay hinango ko ang mukha sa tao.
Ang robot na kayang makipag salamuha sa mga tao at may kakayahang mag disesiyon ng mag isa. Pero of course, limited palang ang kakayahan niya dahil hindi pa siya na te test kaya gunawa ako ng kanyang remote. Na kung saan mag bibigay sa akin ng kakayahan na kontrolin ito.
Isa din sa kakaiba sa kanya ay hindi siya kagaya ng ibang robot na kapag nabasa eh masisira na. Siya lang ang robot na kong saan kayang sumisid ng karagatan. 10x (times) din ang lakas at bilis niya sa isang normal na tao.
Kaya alam ko. If ever man na maging successful ang project kong ito. Ito na ang hihiranging pinaka magandang invention sa buong mundo dahil sa supernatural at kakaiba nitong kakayahan.
*click* tunog ng incubator na pinag lalagyan ng aking nilikha.
'It's time'. Bulong ko sa aking sarili saka mapangiti. Tumigil ako sa aking ginagawa sa harap ng aking computer at pinag masdad ko ang unti unting pagbukas ng incubator.
Napatakip ako sa aking ilong ng sumalubong sa akin ang makapal na usok mula sa loob ng incubator na naging sanhi sa aking pag upo.
Ng unti unti nang nawawala ang usok ay unti-unti ko na ding nasisilayan ang aking nilikha. Nakita ko pa ang pag bukas ng kanyang mata na kulay bughaw, kaya mas lalong lumawak ang aking ngiti.
Kung hindi ko lang sana alam na robot siya eh baka nagkagusto na ako dito dahil sa napaka perpektong mukha niya.
'Kaya mo ito Summer. Ito na ang magiging dahilan ng inaasam asam mong kasikatan. Pagkatapos ng gabing ito ay hahangaan ka dahil sa iyong kakaibang pag iisip!' Bulong ko sa aking sarili para mas ma inspired pa ako sa ginagawa ko ngayon.
Pumunta ako sa isang munting silid dito sa aking laboratory at kinuha ang isang bagay na kukumpleto sa aking invention.
Ang Green Chips. Ang mag sisilbing puso ng aking robot na si R- Man. Ang pangalan na naisip ko para sa aking gawa.
Sa mga robot kase may nilalagay ang bawat inventor na chips dito para magsilbing battery o buhay ng mga ito.
Dalawang kulay ng chips lang ang ginagamit ng bawat inventor. Ang red chips at ang blue chips.
Ang blue chips ay inilalagay sa mga robot o makina na siyang tumutulong sa tao sa pang araw araw nitong gawain. Samantalang ang red chips naman ay para sa mga robot na nag sisilbe sa bayan. Halimbawa nalang ay sa military robot.
Sa panahon din kaseng ito ay hindi nalang ang mga tao ang nag papatupad ng batas. Ginagamit nadin ang mga robot para makatulong sa bansa.
Pero dahil nga sa gusto kong gawing kakaiba ang robot na ginagawa ko ay nag inbento pa ako ng isang bagong chip. At ito ay ang Green Chip. Na kung saan. Magiging puso at isip ng isang robot. Binibigyan ko siya ng kakayahan na umunawa kagaya ng tao at mag isip na parang tao. Iyon ay dahil sa Green Chips.
Kinuha ko na ang green chips saka bumalik sa dating kinaruruonan ko. Unti unti akong lumapit kay R- Man at pinindot ang kanyang dibdib na naging dahilan ng pagbukas nito.
Dahan dahan kong pinasok ang chips doon at sa isang iglap. Pakiramdam ko ay nawala ang paningin ko dahil sa sinag na dumaan sa buong laburatoriyo ng pumasok at nag sara ang chips sa dibdib ni R- Man.
Napaatras ako saka unti unting bumalik ang aking pangin. 'What was that?' Takang tanong ko sa aking sarili ng nangyaring kababalaghan.
"Summer ano iyon?" Nagulat naman ako ng may marinig akong boses mula sa aking likuran.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Lucas na nakatayo kasama ang iba pa naming kasama sa project na ito.
Si Lucas Brunt ay ang aking befriend since bata pa ako. Kasama ko siyang lumaki at nangarap. Isa din siyang scientist/inventor kagaya ko at katulong kong gumawa ng project na ito.
"Amh. Wala!" Iyan nalang ang tanging naging sagot ko sakanya dahil sa pate ako ay hindi ko din alam kong anong nangyari at para nadin hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa.
"Tulungan niyo nalang akong ilagay itong si R- Man dito sa programmer para ma start na siya!" Pag iiba ko ng topic at para mabaling ang atensiyon nilang lahat sa aking ginagawa. Lumapit naman sila at tinulungan akong mapahiga si R- Man sa programmer.
Ang programmer ang isang mahabang higaan na sa uluhan ay may parang helmet na naka connect sa aking computer na kung saan manggagaling ang enerhiyang ilalagay sa katawan ni R- Man at para nadin ma start na siya.
Pagkahiga ni R- Man ay sunod naming nilagay ang helmet sa ulo nito. Tinulungan ako ni Lucas sa pag lalagay nito at habang inilalabay namin ito kay R- Man ay tinanong uli niya ako.
"Ok kalang Summer?" Concern na tanong nito sa akin. Tumango naman ako sakanya saka binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Ok lang ako Lucas!" Tumango naman siya pero halatang hindi konbinsido sa sinabe ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at umupo na sa harap ng computer.
Habang pumipindot ako sa keyboard ng computer. Biglang may nag pop up sa screen nito. 'VBLOOD' ang salitang naka sulat doon.
At para namang may sariling utak ang aking kamay dahil using the mouse ay pinindot ko ang botton na iyon without even thinking kung anong laman ng bagay na iyon o ano ang magiging cause sa aking ginagawa ngayon.
Hindi ko kase alam pero parang mag kumu control sa akin ng mga panahong iyon at kusang gumagalaw ang parte ng aking katawan.
98. 99. 100 complete! Downloaded.
Pagkatapos ma-download ng bagay na iyon ay biglang nag-crack ang screen ng computer ko.
"SUMMER UMALIS KA NA DIYAN!" Narinig ko pang sigaw ni Lucas mula sa kung saan pero huli na ang lahat.
Naramdaman ko nalang na tumalsik ako kasabay ng pag sabog ng aking computer. Ramdam ko pa ang sugat at ang mga dugo na dumadaloy mula sa mga bubug ng aking computer.
Hindi pa ako nakaka recover sa nangyari ng sunod sunod naman na pumutok ang mga ilaw dito sa loob. Kasunod noon ay ang pagkawala ng kuryente at ang sigaw ng mga kasamahan ko.
Dumaloy ang kilabot at takot sa aking katawan dahil sa mga tunog na aking naririg. Nanglalabo nadin ang aking paningin dahil sa mga sugat na aking natamo pero pinilit ko pading makatayo ng may isang ilaw ang bumukas.
Ang kaninang takot ko ay dumoble ng makitang wala ng buhay lahat ng kasamahan ko at lahat sila ay may kagat sa leeg at halatang wala ng dugo sa katawan.
Tiningnan ko ang programmer na kung saan nakahiga doon si R- Man pero wala na siya doon.
Asan na siya? Bakit bigla siyang nawala?
Inilibot ko pa ang aking paningin habang tuloy tuloy ng buhos ng aking mga luha sa aking mata.
Napahawak ako sa aking bibig at napahagolgol ng makita ko si Lucas habang hawak ni R- Man. Nasa leeg ni Lucas ang kanyang mukha at sinisipsip ang dugo ni Lucas na halatang wala ng buhay.
"HINDIIIIIIIIIIIIIII!!!!" napasigaw nalang ako ng ubod ng lakas mago ako mawalan ng ulirat.
Itutuloy.....