Summer's Outlook
Isang linggo na ang nakakalipas at naka alis na ako sa ospital. Dinala ako ni Walts sa isa sa isla na pagmamay ari ng kanilang pamilya.
Sinisigurado kasi niya na wala ng gugulo sa amin at magtatanong tungkol sa nangyari sa mga kapwa ko inventor. Madami ding mga Military robot ang nakabantay sa isla para sa siguridad ko, hindi namin alam baka bigla nalang akong salakayin ni R- man at patayin kagaya ng ginawa niya kanila Lucas. Nakakatakot na.
Naalala ko pa noong lumabas ang balita, hindi ko alam kong paano nila ako natutunton sa ospital na iyon at pagkalabas na pagkalabas ng balita ay madamu na kaagad na mga newscasters ang naka abang sa labas at gustong kunin ang aking panig.
Madami ding mga tao ang naka abang at sinisisi ako sa nangyari at lahat sila ay himihingi ng hustisya.
Natakot ako ng araw na iyon. Akala ko kung ano nang mangyayari sa akin pero buti nalang at nandoon si Walts, tinakas niya ako ay tinala sa lugar na ito.
Nahihiya na nga ako sa kanya pati nadin kay tito Leonard (Daddy ni Walts) dahil pati siya naaabala nadin sa mga nangyayari dahil nga siya ang presidente pero buti nalang at naniniwala siya sa akin.
Ang sabi niya pa ay kailangan daw muna naming hanapin si R- man bago ako lumabas sa publiko at ipaliwanag ang mga nangyari.
Kailangan muna naming patayin si R- man bago pa siya naka gambala ng iba.
'Ok lang iyan Summer. Makakayanan mo din ito. Kasama mo pa si Walts, hindi ka niya iiwan' pinanghihinaan na ako ng loob sa mga nangyayari pero iyan nalang ang palagi kong sinasabi sa aking sarili.
Malalagpasan din namin ito, kasama ko pa ang taong mahal ko. Kasama ko pa si Walts.
Sinara ko na ang pintuan dito sa veranda. Nagpapahangin kasi ako kanina at ngayon nga ay dumidilim na kaya napag disesyonan ko ng pumasok.
Sinigurado kong mahigpit ang pagkakasarado ng pinto bago ako pumasok ng nakarinig ako ng kakaibang tunog mula sa aking kwarto.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kakaibang takot at dahan dahang naglakad papunta sa aking kwarto.
Ano kaya iyon? Ba- bakit ganon yung tunog?
Dahan dahan kong pinuksan ang pinto at bumungad sa akin ang tahimik na kapaligiran. Normal naman ang lahat bukod sa bukas na bintana at nagkalat na putik sa sahig.
Putik? Bukas na bintana? Saan galing iyon? Sa pag kaka alala ko sarado iyon at malinis ang sahig.
Nilalamon na ako ng takot pero pilit kong tinatatagan ang aking loob.
Wala lang ito Summer. Siguro ay nakalimutan ko lang sigurong saraduhan ang bintana at humangin ng malakas kaya pumasok ang mga putik. Tama. Tama Summer. Ganon nga ang nangyari.
Tama Summer.
FUCK! Nagulat ako ng sunod sunod na kalabog ang aking narinig na nagmula naman sa kusina. No! Hindi na normal ito.
Lumabas ako sa kwarto at tumakbo papuntang pinto. Kailangan kong tawagin ang aking mga bantay at baka kong ano pang mangyari sa akin.
Kung gaano ako kabilis tumakbo ay ganon din kabilis ang tibok ng aking puso.
Napatigil ako sa pagtakbo ng madaan ko pa ang kusina at mas lalo akong natakot ng makita nagkalat ang kagamitan doon at madaming Dugo/putik ang nakakalat.
Dugo! Para namang isang video clip na sunod sunod na pumasok ang mga nangyari sa akin sa aking laboratory dalawang linggo na ang nakalipas. Naiiyak na ako sa mga nakikita ko kaya napahawak ako sa aking bibig.
'Fuck! Ano ito? Please ayoko na.'
Napaatras ako ng napaatras habang hawak ko ang aking bibig. Tuluyan nang tumulo ang luha ko ng mapadako ang tingin ko sa kaninang pinto na sinarado ko.
Bukas na bukas na ito at may nakasulat pa dito gamit ang dugo 'I'll Kill you!' Ang mga salitang nakasulat doon.
"Ahhhhh!" Napatakbo na talaga ako sa subrang takot.
'Walts! Asan kana? Kailangan kita ngayon!'
'God please. Tulungan niyo po ako!'
"Ahhhh!" Napatigil ako sa pagtakbo at napaupo sa sahig ng may maramdaman akong malakas na hangin ang dumaan sa aking harapan.
"AYOKO NAAAAAAA!" Umiyak ako ng umiyak at napayakap sa aking tuhod.
"A-yo-ko na. Ayo-ko na. Plea-se ti-tigilan niyo na a-ko!" Paulit ulit akong nagmamakaawa sa kung sino man ang nandito sa loob.
Ayoko na. Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Natatakot ako.
Kung gusto nila akong patayin, patayin na nila ako. Wag na nila akong pahirapan pa. Kasi alam ko, unti nalang mababaliw na ako.
"Summer?" Nairinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko na iyon pinansin. Masyadong occupy ang isip ko sa mga nangyayari.
"Babe? Anong ginagawa mo diyan? Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" Narinig kong nagsalita ang pumasok at sunod noon ay naramdaman kong may yumakap sa akin at paulit ulit akong hinahalikanbsa aking ulo.
Si Walts! Unti unti kong inaangat ang aking ulo para malaman kong si Walts ba talaga iyon at ng mapagtanto kong siya nga iyon ay mahigpit ko siyang niyakap.
"Walts! Si R- man. Nandito siya sa loob. Gu-gusto niya akong patayin! Walts, takot na takot na ako. Kunti nalang mababaliw na ako sa mga nangyayari sa akin!" Para akong isang batang paslit na nag susumbong sa kanyang ina sa mga sinasabi ko pero hindi ko na iyon pinansin.
"Shhsss!" Hinawakan niya ang aking mukha saka pinaharap sa kanya.
"Listen Babe. That's impossible, yang sinasabi mo. Nakita na namin si R- man. Alam na namin kong nasaan siya nakatago. Gumamit kami ng spy cam at nilagay namin iyon sa ibon at sinundan niya si R- man.
Nakita namin siya sa lumang palasyo sa gitna ng kagubatan. And Babe. Bukas na bukas din. Susugod kami doon at papatayin namin si R- man. Matitigil nadin ang mga ito Summer. Babalik ang lahat sa dati!" Mahirap paniwalaan ang nga sinasabi ni Walts.
Kung hindi si R- man ang nandito sa loob ng bahay, sino?
"Pe- pero Babe. Yu- yung pinto, sarado siya kanina pero bu-bukas na. Yu-yung sulat babe. Nasa pinto, yu-yung dugo sa kusina!" Sa subrang kaba ko ay halos hindi ko na masabi ng tuluyan ang gusto kong sabihin.
Tinuro ko yung pinto at nag kunot naman ng noo si Walts pero tiningnan din niya.
"Ano iyon Summer?" Nag tatakang tanong niya sa akin.
"Yung su-sulat babe!" Tinuro ko ang dugo at ang mensahi na nakasulat doon pero napatigil ako ng makitang wala nang sulat doon, sarado din ang pinto at malinis na malinis ang salamin noon.
Huh? Anong nangyari? Asan na yung nakasulat doon? Teka, namamalikmata lang ba ako?
"Summer. Anong nangyayari sayo?" Napabaling ako kay Walts ng magsalita siya.
Pa- paano nangyari iyon?
"Walts. Yu-yung kusina. Yung kwarto, may gumulo doon!" Tumayo naman siya at tiningnan ang kusina, sunod noon at pumunta siya sa kwarto at tiningnan iyon.
"Wala naman ah? Maayos ang kusina at ang kwarto mo!" Para namang nalilito si Walts sa inaakto ko.
Napakunot noo naman ako at dahan dahang tumayo at tiningnan ang kusina at maayos na maayos ito. Sunod ko namang pinuntahan ang kwarto at sarado ang pinto at walang dumi sa sahig.
"Babe. Siguro namamalik mata kalang. Dala lang siguro iyon ng mga nangyari sayo!" Niyakap ako ni Walts at hinalik halikan uli ang aking ulo.
Namamalikmata lang ba talaga ako? Pero alam kong totoo ang mga nangyari. Pero baka tama talaga si Walts. Dala lang siguro ito ng mga nangyari sa akin noon.
Yumakap nadin ako kay Walts saka napapikit. Dumilat ako at nagulat ng pagkadilat ko, nakita ko ang dalawang pares nang pulang mata ang naka masid sa akin.
Pilit kong inaaninag kung kanino nang gagaling ang mga pulang mata at mas lalo akong natakot ng mapagtanto kung sino ang nakatingin sa akin.
Si R- man. Habang nakalabas ang kanyang pangil. At masamang nakatingin sa akin. Pero ang mas nagpakabog ng dibdib ko ay ang isa pang pares ng pulang mata.
Ang isa pang pares ng pulang matang ito ay pag mamay ari ni.
Lucas. Ang bestfriend ko. Ang bestfriend ko na pinatay ni R- man. At may roon nadin siyang matutulis na pangil kagaya ng kay R- man.
Itutuloy.....