Chereads / Midnight Latte (Tagalog/English) / Chapter 87 - We are Not Even Friends

Chapter 87 - We are Not Even Friends

Makalipas ang kalahating oras, sa wakas natapos na rin ang dalawa at dumiretso na sa shop. Buti nalang at laging nandunnsi Kale para tumulong. In fact, sineswelduhan na ni Bea si Kale kaya para na ring employee ang binata. Balik loob tuloy siya sa pagiging florist.

Marami ang mga costumers but they were not having a hard time keeping up kasi na doble ang bilang nila ngayon. Si Josh and Kale was taking care of the flower orders tyaka ang sa coffee brewing sina Bea and Cody.

"Here's your order beautiful miss. Thank you and please come back again. 😊" Napakatamis na nagsmile si Cody sa mga dalagita na nag-order ng cappuccinos.

Saka nagsiikmian ang mga dalagita saka nagtinginan. With just their eyes talking to each other, malamang sa malamang, pareparehas ang kanilang naisip - "Ang gwapo ng nasa counter!"

At instant sabay sabay silang nagsingitian at sikuhan na tila ba mga linta na nabudburan ng asin. Ang haharut!

"T-thank you po. Babalik po kami mamaya." Ani ng isa sa mga dalagita na kailangan pang itulak sa unahan upang magsalita. Hiyang hiya siya bes... pero kilig na kilig.

"Ba-bye!" Saka sila nagwave ng mga kamay na tila ba close na sila agad ni Cody.

"Hahaha. Sige sige po." Natawa nalang ang binata sa mga inasta ng mga dalagita. Mukhang mga high school students palang kaya ganun makareact, kaya't naintindihan ito ni Cody. But not the young miss beside him na kanina pa nakasimangot.

"Hmph! 😣"

Bea pursed her lips immediately. Mahigpit din siyang nagcross ng arms saka itinabingi ang mga maitim na kilay. Hindi naman siya nakatingin kay Cody pero kitang kita na sa kanya ito nagagalit.

With such sudden realization mula sa binata, the corners of his lips curved up until a grin came. Napatitig nalang siya kay Bea until the young lass would be overly conscious sa mga tingin ng binata.

Napakunot nalang lalo ang noo ni Bea as her eyes bluntly rolled towards Cody.

"Wag ka ngang tumitig sakin." Her crisp voice slaughtered the smiling expression Cody got.

"Hala. Nagseselos siya oh. Oi. Najejelly siya." But instead of stopping, mas lalong nagkaroon ng interes si Cody na i-tease si Bea. Paunti-unti niya rin tinutusok ang baywang nito upang makiliti.

"Eeh. Tigilan mo nga ako. Nagseselos? Anong nagseselos? Hay naku. Wag ka ngang maging assuming." Naiinis na itinitikwil ni Bea ang kamay ni Cody na panay kiliti sa kanyang tagilirin.

"Sus. Assuming na ako kung assuming. Pero bakit ka naiinis sakin? Oh. Oh. Tignan mo oh. Kumukulot nga yang noo mo eh. Ang sabihin mo nagseselos ka run sa mga nag-order kasi pinapakita ko sa kanila ang sweet smile ko." Mas lalong lumapad ang regal smile ni Cody na parang boang kung mang-asar.

With this view, mas lalong kinilig ang mga nag-order. Ngayon palang sila nakakita ng napakagwapong lalaki na parang bata na nanunukso.

"Sila ba?" One of the customers whispered on the young girl beside her.

"Hindi ko alam. Pero parang oo. Ang sweet nila eh."

"Kakainggit."

"Hays. Taken na palan si kuya eh."

Kung maririnig sana ito ni Bea, hindi natin alam kung ano ang magiging reaksyon nito.

"Hugh! Grabe. Heavy. Sariling puri ah. Sa tingin mo magugustuhan ka nung mga batang yun? Tyaka bakit mo yan iniisip, may type ka ba sa kanila ha? Wow. Grabe ka ah. Child abuse. Ang tanda tanda mo na, yun pa ang hinahanap mo. Gosh. Tapos hindi mo man lamang inisip na andito ako sa tabi mo. May gana kapang makapaglandian sa kanila. May pasmile smile ka pang nalalaman ah. Bakit pangit ba ako para di mo ako ngitian? Kailangan ba ganun ka kasweet magsmile sa kanila? Grabe ah. Ganun na ba ako kapangit. Bahala ka nga jan. Wag mo akong kausapin. Pangit naman pala ako sa paningin mo eh."

And the truth was out. Isang ratrat lang ng bibig ni Bea, all of her feelings got out. With this, imbis na masaktan si Cody sa sinabi ng dalaga, mas lalo tuloy siyang napasmile. His eyes almost blurred dahil sa pagkasingkit ng kanyang eyelids.

"Hahaha. See. Nagseselos ka nga." Marahang kiniliti ni Cody si Bea. Without any hesitation, she briskly shove Cody's hand away from her.

"Wag mo nga akong hawakan. Hindi tayo bati. We are not even friends."

Dahil sa sinabi ni Bea, biglang naliwanagan ang mga mukha ng mga nakikinig.

"Ah. Friends lang sila."

"Oh my gosh. Talaga? Para kasing ang sweet nila eh."

"Ahaha. Meron din kasing ganyang mga close friends. Tyaka parang imposible namang maiinlove si kuya kay ate eh. Ang gwapo gwapo ni kuya, tapos si ate... Basta. Hindi sila bagay. Tiyak ganyan din ang iniisip ni kuya."

Clueless from what the crowd was whispering, natawa nalang si Cody sa inasta ni Bea. At instant, he leaned his head papunta sa may tainga ni Bea until his warm breath gushed on Bea's smooth face.

"Eh hindi naman talaga tayo magkaibigan eh."

And a grin came.