Hindi niya na ako napigilan nang makalabas na ako. Nakalimutan ko nang sagutin si Mama dahil sa pagkainis ko. Naalala ko ang pag iyak ni Josh. Mas lalong uminit ang ulo ko ng maalala ko ang pananakit ni Tito kay Josh.
Binilisan ko ang pagtakbo, ni hindi ko niramdam yung lamig ng mga patak ng ulan na grabe kung makabuhos mukha ko.
"Josh! " Naghihingalo kong sigaw nang makapasok na ako sa tindahan ni Aling Duday.
Walang tao. Saka ko hinubad ang basang kapote tapos dumiretso sa pinto ng bahay na nakakonekta sa sa tindahan katabi lang ng kawnter.
Tapos dun ko narinig ang malumanay na boses ni Aling Duday. Nakabistida siyang bulaklakan na hindi bagay sa edad niya.
"Bakit ano ba ang problema iho?" Narinig kong tanong ni Aling Duday.
Hindi umimik si Josh. Maluluha sana ang mata ko nang makita ko siyang basang-basa ang ulo, at pinapainom ni Aling Duday ng mainit na kape. Mabuti nalang pinahiram siya ni Aling Duday ng masusuot.
"Josh." Sabi ko nang malumanay.
"Oh. Kale. Andyan ka na pala. Kausapin mo tong si Josh. Baka kung ano na ang problema neto. Oh sya sige. Baka may bibili. Iwan ko muna kayo jan ah." Sabi ni Aling Duday na biglang napatingin sabay lapat ng kamay niya sa balikad ko.
"Salamat po." Sabi ko sabay punta malapit kay Josh.
"J-Josh..."
Hindi ko na siya tinanong. Hinintay ko na lamang na siya ang magkwento sakin.
~
Wala pa ring tigil ang ulan. Magbabandang alas syete na ng gabi. Tinawagan ko na rin sina Mama para hindi na sila mag-alala pa sakin. Dun sakin kinuwento ni Josh kung bakit siya basang basa. Habang lasing daw si Tito'y tinangka niyang buksan ang kwarto ni Tita para makita man lang daw niya kahit ilang minuto pero gulat na gulat nalang daw siya nang makita niyang nakahiga si Tita't payat na payat, ni hindi na raw niya kayang magsalita.
Nawawalan na ng hininga si Josh habang umiyak nang ikinuwento niya sakin ang tungkol kay Tita. Ni mismong ako, hindi makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Ilang oras na umiiyak si Josh. Wala akong magawa kundi ang itapik ang likod niya.
Hindi ko na talaga kaya ang kalagayan ni Josh. Ba't ba nangyayari to sa kanya?
"Josh." Sabi ko ng malumanay.
Napatingin siya sakin habang umiiyak. Kinagat ko ang labi ko't pinigilang maiyak. Alam pinag-usapan na namin to dati pero ito nalang talaga ang naisip kong paraan.
"Isumbong nati-"
"Ayoko!" Sabay sabi ni Josh saka bigla yakap sakin habang umiiyak.
"Pero-"
"Ayoko! Ayoko!"
"Josh."
Patuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa mapagod siya. Masakit na rin ang mata ko sa pagpigil ng iyak ko. Ramdam ko na hindi ko na kayang maiyak. Hindi ko na alam kung nasasaktan pa ako o hindi na. Ang talagang nasa isip ko, ayaw kong makitang lumuluha ang itinuring ko ng kapatid na si Josh.
Ilang minuto pa'y tumahan na rin siya. Paos na rin ang kanyang boses pati't ang basang mukha'y may marka ka na ng luha.
"Kale?" Saka siya nagsalita.
"Sorry."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ba't ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan ah." Sabi ko na sa pagkabigla'y hinawakan ko kaagad balikat niya.
Hindi siya sumagot habang nakatingin lang sa sahig na napahiran ng mapulang floorwax.
"Kale. Umuwi ka na muna sainyo baka hinahanap ka na nila Mama mo."
Nanlaki bigla ang mata ko sa sinabi niya't humapdi bigla. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Josh. Ba't niya ako pinapaalis bigla. Tinitigan ko ang mukha niya sa pagtatangka na baka makuha ko ang sagot. Pero wala. Naisip ko nalang na baka sumakit ang loob niya sakin dahil sa sinabi ko.
"Josh. Sorry. Hindi ko sinasad-"
"Wag ka mag sorry. Ayos sakin yun. Baka delikado na sa daan pag-uwi mo."
"Pano ka? Sino dito kasama mo?"
"Hindi. Uuwi ako."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ano?! Alam mo ba kung anong gagawin sayo ni Tito kapag umuwi ka ngayon?"
"Alam ko."
"Oh. Bakit ka p-"
"Pero hindi ako mapapakale sa tuwing naiisip ko kung ano kalagayan ni Mama." Biglang niyakap ni Josh ang kanyang katawan saka yumuko hanggang mapatong ang uli sa hita.
"Pero Josh, kayang kaya kang saktan ng Papa mo. Baka gawin din sayo ni Tito ang ginawa niya sa Mama mo."
"Alam ko!" Naiyak ulit si Josh.
Hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang nahuhulog ang mga patak ng luha sa mukha niya.
Itinikom niya ang kamay saka tumingin sa sahig.
"Alam ko." Umiiyak na boses ang narinig ko.
Mas lalong lumakas ang hampas ng ulan sa bubong ng bahay ni Aling Duday. Umalingawngaw ito sa loob na mismong yung mga pusa'y nagsikandong sa paa ko dahil sa takot.
Napakirot ang mata ko habang tinitingnan ko siya.
"Kale."
Humaplos sa tenga ko ang malambot niyang boses.
Hindi ako umimik. Hinintay ko lang siya.
"Gusto kong ilabas si Mama."
"Ano?! Josh. Nababaliw ka na ba?!"
Nanginig bigla ang kamay ko sa takot.
"Mapanganib yang gagawin mo."
Hindi siya nagsalita. Kinagat ko na lamang ang labi ko't kinurot ang sintido. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.
Mabagal siyang tumingin sakin habang umiiyak.
"Kale. Mamamatay na si Mama sa gutom."
Sabay tulo ng malakas na agos ng luha sa mga mata niya. Napuno ang bahay ng iyak ni Josh, ni ang ingay ng ula'y nawala sa pandinig ko.
Nanlamig ang kamay ko sa sinabi niya. Napakalambing ni Tita. Kahit na hindi niya ako anak ay lagi niya akong pinapakain sa kanila noong mga araw. Kapag natutulog kami ni Josh, lagi niya kaming kinakantahan. Hindi ko lubos maisip na magagawa sa kanya ni Tito na ikulong.
Naisip ko kung si Mama rin ang nasa kalagayan ni Tita.
Tumindig ang balahibo ko't gumapang ang lamig patungo sa likod ko.
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Josh na siya na man tong walang tigil sa pag-iyak.
"J-Josh." Tinapik ko na lamang siya. Ramdam ko na parang wala na akong kwenta. Inintindi ko ang sinabi niya sakin na kung ano ang mangyayari kay Tita kung magsusumbong kami.
"Kelangan ko n-ng makauwi." Dahan-dahan niyang pinunas ang basa niyang mukha saka unti-unting tumayo.
"J-josh."
"S-sasaktan ni Itay si M-mama, kung hindi ako uuwi." Saka suminghit. Sa una niyang lakad ay muntik na siyang matumba na para bang ang lambot lambot na ng kanyang tuhod.
Napakagat ako ng labi sabay alalay sa balikat niya. Nanlaki bigla ang mata ni Josh.
"K-kale."
"Sasamahan kita."
Sabi ko habang kinunot ang noo sa pag-iisip kung pano ba namin ilalabas si Tita.
"P-pero K-kale-"
"Pasensya, Josh. Ito nalang ang kaya kong itulong."
"Pero-"
"Please. Josh. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Kaya please. Gusto kong tumulong."
Hindi nakaimik si Josh. Bigla na lang siyang napayuko saka kinagat ang labi at itinikom ang mga kamay.
"Ikaw na muna ang kumausap kay Tito sa kusina. Tapos ako ang papasok sa kwarto ni Tita. Siguraduhin mo muna na iiwan ni Tito ang susi sa mesa." Sabi ko habang hawak hawak ko ang malamig niyang braso.
"P-pero.." Napatingin bigla sakin si Josh.
"Wag ka mag-alala. Bibilisan ko. Basta't wag mong paalisin si Tito sa paningin mo." Saka ko siya binigyan ng ngiti.
Biglang pumula ang mga mata niya na parang maiiyak. Bigla niyang iniwasan ang mga tingin sabay titig sa sahig.
"Josh." Saka ako nagbuntong hininga. "Wag kang mag-alala. Kaya natin to. Okay?"
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sayo." Sabi niya saka niya ang tiningnan. Nagsuot nalang ako ng ngiti saka nagsalita.
"Hindi naman yan mangyayari eh."
"Tara?" Sabi ko. Saka ko ulit siya binigyan ng ngiti. Yun na lamang ang kaya kong ibigay sa kanya. Natatakot ako. Abot sa ulo ang lamig na randam ko sa tuwing maiisip ko kung ano ang pwedeng gawin ni Tito kay Tita. Lalong lalo na samin kung mahuhuli kami.
"Oh. San kayo pupunta?!" Sigaw bigla ni Aling Duday na parang galit. Lubos ang pagkabigla namin kaya nataranta ako sa paghanap ng irarason.
"Ah. Uuwi nalang po kami."
"Huh? Gabi na ah. Delikado na sa daan. Umuulan pa." Kumunot lalo ang noo ni Aling Duday saka pinupunas ang malaperlas niyang kamay sa bistada.
"Ah. M-Magpapasundo po k-kami kila Papa." Na muntik nang mag-utal utal.
"Talaga ba? Eh kala ko kasi nagpaalam ka na kanina. Oh siya sige. May payong ba kayo?"
Napakamot na lang ako sa.ulo sa sinabi niya. Kapote lang kasi ang dala ko.
"Oh sige. Papahiramin ko muna kayo. Ibalik niyo nalang to ah."
"Sige po. Salamat po."
"Salamat po." Pasalamat naming dalawa na napasinghot pa si Josh.
"Oh sige sige. Mag-iingat kayo. Maghintay nalang kayo jan sa may tapat. Pagwala pa ang papa mo wag kayong uuwi ng mag-isa."
"Sige po." Saka kami nagbow sa kanya.
Halata sa ityura namin na alinlangan kami sa paglabas. Alam ko mali't delikado. Pero wala ako magagawa. Hinangad ko na lamang na magbago na si Tito.
Bumubuhos pa ang ulan at katawan saka ulo lang namin ang napapayungan. Kay Josh ko na rin pinasuot ang kapote para hindi siya masyado mabasa. Isang pulgada na ang taas ng tubig sa daan na dumadaloy patungo sa canal sa gilid ng kalsada. Pero hindi ko yun inalintana. Habang papalapit ng kami kila Josh, mas lalo akong kinakabahan. Nanginginig na ang mga kamay ko sa lamig at unti-unti nang namamanhid ang mga paa ko sa tubig ulan na parang tinunaw na yelo.
KRUG!!!
Biglang kumidlat at kumulog. Biglang nagliwanag ang paligid sabay dilim. Buti na lamang at mayroong mga ilaw ang daan kung hindi'y aasa na lamang kami sa liwanag na dala ng kidlat.
Napatingin ako kay Josh. Nakayakap ang mga kamay niya sa ilalim ng kanyang kili-kili habang bumubuga ng malakas na hangin para hindi lamigin.
KRUG!! Sigaw ng kulog.
Tumambad sa harapan namin ang bahay nina Josh na ilaw lamang ng gasera ang nagbigay liwanag sa buong bahay.
Papasok na sana ako ng biglang hinawakan ni Josh ang braso ko.
"Pwede bang ako nalang?" Sabi niya.
Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa balikat niya.
Hindi ko siya sinagot. Binigyan ko lang siya ng ngiti saka malumanay na inalis ang kamay niya sa braso ko saka pumasok.
Mas unang pumasok si Josh sa bahay nila saka hinanap si Tito.
"Uy. Buti naman may utak ka pa para maisipan mong umuwi!" Biglang tambad na sabi ni Tito habang lasing na lasing na nakahiga sa sala. Ang daming pupod ng mga sigarilyo ang nagkalat sa sahig at mga supot ng tsitsirya. Pitong malalaking bote ang nasa mesa at katabi nito yung susi ng bahay at kwarto.
"Hay naku! Buhay! Oh sige! Paglutuan mo ako ng kanin. Gutom na ako." Saka siya kumamot sa puwetan niya saka ito inamoy. Itinaas niya rin ang isa niyang paa sa mesa sabay bumuga ng maputing usok.
KRUG!!! Isang malakas na kulog.
"W-wala na p-pong b-bigas." Nakayuko lang si Josh habang magkahawak ang dalawa niyang kamay sa unahan saka nakayuko. Nasa harap siya ng kwarto ni Tita. Tumutulo na ang tubig mula sa kapote na hindi niya hinubad.
"HAH?! Eh di ba kakabila palang nung sumunod na linggo?!" Biglang napaupo si Tito saka kumunot ang buong mukha. Bigla ako napayuko at muntik na akong makita sa pagsilip sa bintana.
"N-nagk-katapon-tapon n-niyo p-po kasi."
"Anong sinabi mo?" Napatayo bigla si Tito saka itnapon ang sigarilyo sa mesa. Mabilis siyang pumunta sa harapan ni Josh sabay bingkit ng katawan.
"Ako ba ang sinisisi mo ha!!!" Sigaw niya.
"Aray! Masakit po tay." Napaiyak si Josh. Napakagat na lang ako.sa labi ko saka nagpipigil na hindi pumasok.
"P***! Halika dito. Halika dito!!"
Nanlupaypay sa sakit si Josh habang kinaladkad siya patungo sa kusina.
"Ang dapat sa mga batang katulad mo, ginagapos!"
Sumakit bigla ang dibdib ko sa galit pero bigla akong napailing at inisip ko ang kailangan gawin.
Mabilis akong tumakbo papasok sa bahay saka ko kinuha ang susi sa mesa.
"Ahu." Bigla kong tinakpan ang bibig ko ng muntik na akong maubo sa amoy ng usok ng sigarilyo. Tumakbo ako papunta sa pinto ng kwarto ni Tita saka itinaas ko ang ninginginig kong kamay.
Mayroong tatlong susi. At isa dito ay sa kwarto ni Tita.
Dahan dahan kong ipinasok ang susi at inikot.
Kumunot bigla ang noo ng hindi bumukas. Nanlamig lalo ang kamay ko saka ako napasulyap sa direksyon ng kusina. Halos sumabog na ang dibdib ko sa bilis ng tibok ng puso ko. Napakurap nalang ako ng hindi ko masyado maaninag ang butas ng susian. Nakagasera lang kasi sila Josh. Saka ko ipinasok ang pangalawang susi. Masyadong nanginginig na ang mga kamay na muntik ng mawalan ng lakas para iikot ang susi.
Tik!!!
"Bumukas ang pinto." Napasigaw ako sa utak ko.
"P***"
Nanlaki bigla ang mga mata ko nang ibubukas ko nalang sana ang pinto. Halos maubos ang dugo ng katawan ko't manlupaypay ang mga paa ko. Dahan dahan kong itinuon ang tingin sa direksyon ng boses habang maputlang maputa na ang mukha ko.
Dun ko lang nakita ang mapupulang mata ni Tito at parang adik saka nakunot na mukha.
"Lagot kang bata ka."