Tumagos sa tenga ko ang maladiyablong boses ni Tito na hindi man lamang natabunan ng tunog ng mga patak ng ulan. Nanigas bigla ang buong katawan habang walang tigil na nanginig ang mga kamay ko na hawak pa ang busol ng pinto. Nawala ang dugo ko sa mukha habang nakanganga ang bibig ko.
Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa direksyon ng kusina kung saan kinalakad niya si Josh. Nanlaki ang mga mata ko sabay ng mala-ahas na paggapang ng lamig sa batok ko at pagtindig ng balahibo ko sa braso. Dun ko nasilayan ang mapupulang mata ni Tito at kunot na kunot na mukha na parang naka-druga.
Nasulasok ako bigla sa amoy niya datapwat naubos niyang lahat ng laman ng mga bote sa mesa, nagpabaho na rin ang amoy ng sigarilyo.
"T-Tito..." Maputlang maputla na ang mga labi ko habang patuloy ito sa panginginig.
Itinikom ni Tito ang kamay na nasa gilid niya sabay lumaki ang kanyang mga mata na tila ang tingin saki'y isang maliit na daga lamang.
"T*KT*!!!"
"Ah!"
Napasigaw na lamang ako nang mabilis na hinablot ni Tito ang kaliwang braso ko saka niya ako ubod lakas na inihila papunta sa likod niya. Halos mapigtas ang braso ko sa lakas ng pagkakahila na tila katawan ko ang nahuling makarating sa likod. Dagli niyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Tita. Isang gasera ang nakita ko sa taas ng maliit na mesa sa loob.
"Tay! Tama na po. Wag niyo po siyang sasaktan! Ako po ang may kasalanan! Ako po ang may kasalanan dito!"
Umiyak si Joshua habang mabilis na tumakbo mula sa kusina saka niya niyapos ang mga paa ni Tito.
Mas lalong kumunot ang noo ni Tito.
"He!"
"Ah!"
"Josh! Tito tama na po!"
Nanlaki ang mga mata ko nang sinipa ni Tito ang mukha ni Josh at napasigaw na lamang siya dahil sa sakit anupat pumutok ang kanyang babang labi at tumulo ang mapula't malapot na dugo.
"Tahimik!"
"Ah!"
Mas hinigpitan niya pa ang pagkakakakapit niya sa braso ko saka binibigla niya itong itinataas na para bang gusto niyang putulin ang kamay ko.
Napapakurap na lamang ako sa sakit ng pagkakakapit at paghihila niya.
"Tay! T-tama na po. Hsf! A-ako po a-ang may k-kasalan d-dito!! Wag n-niyo p-po siyang s-sasakt-tan!"
Dumaloy ang luha ni Josh sa mukha sabay ng pagluhod niya sa harap ni Tito. Nablanko ang mukha ko nang makita ko siyang nakaluhod. Napakunot ang noo ko saka ko isinara ang mga mata ko.
"Wala akong kwenta!" Sigaw ko sa isip ko.
"Talaga ba?" Sabi ni Tito nang lumapit siya kay Josh. Idiniin niya ang mga daliri niya sa mukha ni Josh saka sinabunot ang isang pang kamay sa buhok ng anak niya. Ni hindi niya inisip ang dugong tumutulo mula sa bibig ni Josh.
"Puwes! Kasalanan mo kung bakit mabubulok dito ang kaibigan mo!!!"
"Ah!!!"
"Kale!!"
Napasigaw ako sa sakit ng bigla niyang ako itinulak papasok sa kwarto dahilan para masubsob ako sa sahig. Tumakbo sana papunta sakin si Josh pero napigilan siya ni Tito saka siya isinalya papunta ng kusina.
"Uho!"
Dun ko kaagad naamoy ang hindi naintindihan alingasaw para maubo ako. Napakabaho. Tila amoy ng ilang linggong tae ng tao, ilang buwang libag at parang nabubulok na itlog ang naghalo-halo.
Ibinalik ko kaagad ang tingin ko sa pinto at nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita kong mabilis na isinara ni Tito ang pinto.
"T-tito!!!"
Napatakbo na lamang ako saka walang tigil na itinubtob ang pinto habang naririnig ko ang iyak ni Joshua.
"Malilintikan ka saking bata ka! Ha!!!"
"Tay, tama na po!! Nasasaktan po ako!" Iyak ni Josh sa may kusina.
Nanginig ang buo kong katawan ng maririnig ko ang tunog ng hagupit ng latigo na umaalingawngaw sa buong bahay kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Napapikit na lamang ako't niyapos ang sarili dahil sa takot.
"Wala akong kwenta!!!"
Napaluhod na lamang ako sa pinto saka ko inuumpog ang ulo sa laki ng pagsisisi.
"Uho!" Napaubo ako ng masinghot ko ang umaalingasaw na amoy ng kwarto.
"K-kale..."
Nanlaki bigla ang mata ko nang marinig ang boses anupat hindi yun galing kay Josh na nasa kusina kundi mismong sa likod ko.
Paos at mahinang boses ang humaplos sa naninigas kong tenga. Nabalot ng takot ang buo kong katawan saka ako napatayo at dahan-dahang inikot ang paningin.
Napasingkit ako ng mata nang mahirapang maaninag ang buong kwarto anupat mumunting gasera lamang ang ilaw.
"K-kale..."
"T-...T-tita!"
Nanamlay bigla ang mga paa ko saka pilit na lumapit kay Tita na nakaratay sa kama. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sabay bagsak ng buo kong katawan sa sahig ng masilayan ko ang kalagayan ni Tita.
Biglang dumausdos ang mga luha ko sa mata na tila walang balak na mapigilan.
Halos buto na lamang ang hugis ng buong katawan ni Tita. Lagas na rin ang dating malulusog niyang buhok. Lubog na lubog na kanyang mga mata saka natutuklap na ang kanyang malabi. Naibaling ko ang mga mata ko sa napakanipis niyang katawan. Dun ko lang nahalata ang maitim na mantya sa babang parte ng kanyang bewang.
"K-Kale..." Ulit niyang tawag sa pangalan ko saka hirap niyang taas sana na ng maputlang maputlang kamay.
"T-tita. Wag na po muna kayong gumalaw." Sabay kong hawak sa kamay niya.
"Huh?"
Napatigil agad ako ng maramdaman ko na parang tinunaw na yelo ang kamay ni Tita. Agad ko hinawakan ang noo niya saka mas lalo ako naluha. Kasing lamig na ng patay ang katawan niya. Ni hindi niya na maigalaw ang mga kamay dagdag pa ang nakaksusulasok na amoy.
Bumubuhos pa rin ang napakalakas na ulan habang patuloy ang pag-iyak ni Josh.
Dagli kong binuksan ang aparador saka ko nakita ang ilang panyo. Agad ko itong hinablot saka itinakip sa mukha. Kinuha ko naman agad ang mga damit ni Tita saka ipinatong ito babang parte ng katawan niya. Hinablot ko agad ang katabi niyang kumot saka ko binalot ang buong katawan niya.
"T-tita. W-wag po kayong..hsf!...mag-alala. Ilalabas p-po namin k-kayo."
Sabi ko habang nilagyan ko ng damit ang ulo niya para kahit papano'y uminit ang katawan niya.
"Argh!!" Sigaw ni Tito na parang nasaktan.
Bigla akong napatingin sa dingding sa direksyon ng kusina. Bumilis ang tibok ng puso saka nataranta.
"Josh? Josh!!!"
Tumakbo ako papuntang pinto saka inikot ang busol ngunit nakalock pa rin.
"Josh!!" Tawag ko.
Thug!!
"Kale?" Biglang katok ni Joshua sa pinto.
"Josh! Ayos ka lang ba?!" Napasigaw ako.
"K-kale...hsf..h-harang-ngan m-mu ang p-pinto. Hsf. H-hindi ko n-nakuha k-kay i-itay ang s-susi. L-lalab-bas lang a-ako."
"K-kale? San kapupunta? Kale!!" Sigaw ko nang marinig ko ang takbo niya papalabas ng bahay. Napatingin ako sa bubong. Malkas ang ulan at randam ko kung gaano kalamig ang bawat patak.
"P***!!! MGA WAL*NG H*YA!! LINTIK NA MGA BATA!"
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang marinig ko ang nangangalit na boses ni Tito kasabay ng papalapit niyang mga yapak.
Napatingin ako kaliwa't kanan habang natarantang inisip kung ano ang gagawin. Dali-dali kong kinuha ang upuan katabi ng mesa na may mumunting gasera saka ito iniharang sa baba ng busol tulad nung mga ginagawa sa pelikula.
Nanginig ang buo kong katawan nang dahan dahang umikot ang busol. Napalunok na lamang ako habang hinihintay kung tama ba ang ginawa ko.
Tik!
"P**Y*T*!! KALE! BUKSAN MO TO!!!"
Napatakip na lang ako ng tenga nang hindi makayanan ang sinasabi niya saka napaatras ng ilang hakbang.
"H*Y**!!"
BOOG!!!!
"Ha!!" Nagulat ko nang sinimulan niyang sipain ang pinto.
BOOG!!!!
Bawat sipa'y mas lumakas dulot para unti-unting nababali ang upuan.
"Kelangan kong makahanap ng ihaharang!" Sigaw ko sa isip ko.
Lumingon ako kaliwa't kanan habang mas nanginig ang kamay ko. Aparador lamang ang nakita kong kaya kong itulak. Dagli akong tumakbo saka ubod lakas kong itinulak ang cabinet papunta sa pinto.
BOOG!!!
"Ah!!"
Napasigaw na lang ako ng biglang nabundol ng sinisipang pinto ang cabinet kaya't tumama sa mukha ko ang cabinet. Buti na lamang at hindi natumba.
"Argh!!!"
Hirap kong tayo saka tulak. Nabalot ng malamig na pawis ang mukha ko na tila natunaw na yelo, nagsipalamig pa ang ihip ng hangin mula sa bumubuhos na ulan sa labas.
Eek! Toog!!!
Pinilit kong itumba ang aparador sa pinto sa ibabaw ng upuan.
"BUKSAN MO TONG BATA KA!!!"
BOOG!!!
Mas lalong lumakas ang pagsipa ni Tita sa pinto habang walang tigil siyang nagmumura.
TUD!
Napatingi agad ako sa likod ko nang narinig ko ang lagapak sa likod ko.
"T-Tita!"
Nanlaki ang mga mata ko sabay takbo kay Tita na nahulog sa kama. Pinipilit niyang makatayo ngunit mismo kawatan niya na ang hindi kaya. Kumulat ang maitim na mantya sa kama, doon lang mas umalingasaw ang amoy ng nabubulok ng tae. Buti na lamang at nakatakip ang ilong at bibig ko.
"T-tita. W-wag muna po kayong gumalaw." Napaluhod ako sa harap niya habang ipinapatong ang kumot sa kanyang katawan.
"K-kale.."
Namamaos niyang sabi saka pinilit na itaas ang malamig at payat na payat niyang kamay saka inilapat sa nakatakip kong pisngi.
Biglang pumatak ang luha ni Tita.
"K-kale...m-mar-raming s-salam-mat.."
Nanigas ang buong katawan sa sinabi niya. Nablanko ang mukha ko habang naisip na parang nagpapaalam na si Tita.
Nakatitig lamang ako sa kanya at masyado nang nanlalamig ang mga kamay ko.
"T-tita..."
Tumulo ang luha sa mga mata ko't dumausdos ito pababa sa malamig na kamay ni Tita.
"W-wag kang u-um-miyak... H-hanggang d-dit-to na lam-mang a-ang ka-kaya...k-ko.."
"Wag niyo pong sabihin yan. Mailalabas po namin kayo rito..."
Yinapos ko ang kamay niya saka napaiyak ng husto.
"Makakalabas po tayo rito..."
"S-sal-lam-m-mat.."
Tumulo ang munting luha ni Tita mula sa lubog na lubog niyang mata saka siya bumitaw ng isang matamis na ngiti kasabay ng kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko na puno na ng luha. Dun ko lahat naalala ang mga ngiti ni Josh kapag nasasaktan siya. Lahat ng pilit na mga ngiti na ibinibigay niya para matakpan ang lahat ng sakit at problema, dun ko nakita sa ngiti ni Tita.
"T-tita.." Napapikit na lamang ako at hinahangad kong panaginip lamang ang lahat.
"P-pasens-sya...K-kale...h-hind-di k-ko n-na k-kaya... Uho!!"
"Tita!"
Nabigla ako ng bigla siyang umubo ng dugo at kumalat ito sa sahig. Nagsitulo ang mapulang likido sa tuklap niyang mga labi habang nakangiti.
"K-kale...a-alam k-kong...uho..."
"Tita.. Wag na po kayong magsalita.."
Iyak ko habang binabalot ko siya ng mga damit at kumot.
"A-alam..k-kong...s-sobra..sob-bra.. na a-ang.. tu-tulong m- Uho!!... mo... i-s-sang n-na l-lang ang i-hihil-ling k-ko s-sayo..."
"Hsf..."
Nakatitig lang ako sa kanya at walang tigil sa pag-iyak. Ni hindi ko na inintindi si Tito na pagod nang kasisipa sa pinto.
Inilapat ni Tita ang kamay niya sa braso ko at mahinang pinisil. Tumulo ang dugo mula sa bibig niya habang ang luha'y dumaloy mula sa mga mata niya.
"S-sana..s-sana'y... w-wag n-ng um-miyak s-si J-josh...s-sana'y w-wag... m-mo s-siyang... iiw-wan...Uho! K-kale..."
"H-hinding hindi k-ko po siya iiwan..." Mas naiyak ako saka ko pinikit ang mga mata.
"M-maram...m-ming s-salamat..." Mas napangiti siya saka inilapat ang kamay niya sa pisngi ko. Napatitig ako sa kanya at lalong naawa.
"Makakaasa po kayo...kaya't lakasan niyo po ang loob niyo't makakalabas po t-"
Tud!
Natulala na lamang ako nang biglang lumagapak ang malamig na kamay ni Tita sa malamig na sahig.
"T-tita?"