THE LEGEND OF THE THREE KINGDOM (TAGALOG NOVEL)

🇵🇭PurpleTears_6201
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 54k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - KASAYSAYAN

Taong 1916 may isang kaharian ang nag ngangalang VIRGANIA ang bayan na nalipol at naging alipin ng 20 taon sa mga kamay ng LIBANIA ang ikalawa nuon sa magigiting at mayamang kaharian. Sa pagkakaalipin sa kahariang ito naranasan nila ang di makatarungang pag paslang at pamumuno ng Rahang si Calib.

Taong 1926, nagkaroon ng isang malawakang pag aaklas ang mga alipin ng VIRGANIA kung saan ang pag bubuklod ay pinamunuan ng isang matipunong ginoo na si RAHA MAGKI subalit sa kasamaang palad ay natalo at naubos ang kawal na binuo ng magiting na RAHA at sa di inaasahan siya ay nahuli at hinatulan ng KAMATAYAN sa huli muli na namang naging alipin ang mamamayan ng VIRGANIA ngunit sa pag kakataong ito ay hinatulan ang lahat na maging pinaka mababang alipin ng mga alipin....

Taong 1936 may isang makisig na lalaki ang nag ngangalang AHARA isang romano na nagmula sa sagradong angkan apo sa tuhod ng dating namayapang hari na si Lakib ilang taon na ang nakalipas bago sakupin ang bayan ng VIRGANIA. Ayon din sa parehong taon muling bumuo ng lihim na samahan ang mamamayan ng VIRGANIA kung saan ang samahan ay tinawag na SANDUGO, ito ay isang samahan na pang malawakang pag aaklas.

Dumanak ang napakaraming dugo at marami ang nalagas sa tauhan ni prinsipe AHARA subalit marami rin ang bilang ng namatay sa kawal ng LIBANIA. Gayunpaman araw o gabi ay patuloy parin ang hidwaan ng mag kabilang panig at kahit tila mauubusan na ng lakas ang prinsipe ay hindi parin siya nag patinag sa labanan at sa huli ay tuluyan natalo ng samahan ng prinsipe ang kawal ng LIBANIA dahil sa mga patibong na ginawa nila na naging dahilan ng pag kamatay ng kanilang Raha na ikinasuko din ng bayan ng LIBANIA.

Ayon sa parehong taon ay nakalaya sa pag kakaalipin ang mamamayan ng VIRGANIA kaakibat nitoy na ibalik ang kanilang kaharian at tuluyang nabawi ang karangalan at karapatan ng kanilang bayan kasabay ng pagpapalakas ng kanilang kaharian ay naibalik din ang lupain ng mga mamamayang naangkin ng LIBANIA.

Nang makabalik ang mamamayan ng bayang VIRGANIA ay nagkaroon sila ng malaking pigging upang ipag diwang ang kanilang tagumpay kaakibat din nito ay hinirang ng buong bayan ang prinsipe upang kanilang maging HARI na kung saan ay mamumuno sa kanilang bayan, at simula nga ng kanyang pag takda bilang HARI ay nagsimulang umusbong ang kaharian at naging isang pinaka makapangyarihan, mayaman, magiting, at maunlad na bayan. Sa kabila nun ay kinatatakutan din at pinangingilagan ng ibat-ibang kaharian ang kaharian ng VIRGANIA dahil sa ito ang naging pinaka maipluwensang kaharian sa buong Kalupaanan.....

Taong 1941, ay ang ika-dalawampung taong pamumuno ni haring AHARA sa bayan ng VIRGANIA at ito rin ang taon na muling nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng kaharian ng VIRGANIA at LIBANIA. Isang paghihiganti sa pagkamatay ng dating Raha na si CALIB kung saan ay pinamunuan ng kanyang apo na si GAUD isang prinsipe na nagmula sa tapat na angkan, anak ni prinsessa WAYA ang prinsessang pinatawan ng parusa dahil sa pagtatanan sa dating General ng palasyo. Subalit ibinalik sa sagradong angkan ng Rahang si Calib bago mamatay upang ipag higanti ang buong kaharian, kaya naman upang isakatuparan ang kautusan ng hari ay nagsimula muli ng digmaan ang bagong itinakdang Raha na si GAUD bilang tanda ng pag sunod sa huling kautusan ng Raha at palasyo. Subalit muling naitaas ng bayang VIRGANIA ang kanilang tagumpay, at sa kabilang banda ay umuwi namang sugatan at talunan ang mga kawal ng LIBANIA.

Sa parehong taon din ng digmaan ay pinarangalan ni haring AHARA ang kanyang mga kawal, binigyan ng mga pabuyang trigo at bigas, pati na tig iisang hektarya ng lupa upang makapag simula sa kanilang pamilya. Ganun din ang kanyang ginawa sa mga kawal na binawian ng buhay sa labanan kaakibat nitoy nagkaroon ng isang piging upang parangalan ang lahat ng sundalong sumulong sa digmaan at isa na rito ang tatlong mandirigma ng palasyo na sina SHATTU, isang sagradong angkan apo ni haring AHARA, mahusay na mandirigma at pantas ng palasyo. DAMINA , isang sagradong angkan apo sa tuhod ng haring AHARA, pamangkin sa pinsan ni prinsipe shattu, pinuno sa ikatlong pangkat ng sandatahan ng palasyo, at mahusay na mananayaw at musikera. GANIA isang pinuno ng ikalawang pangkat ng sandatahan, at taga-pag-ingat yaman ng palasyo ang pinaka magiting at matalinong babae ng buong bayan kung saan ay walang kinabibilangang angkan subalit dahil sa kahusayan ay hinirang siya ng hari bilang kauna-unahang Lady ROYAL ng palasyo.

Ang tatlong mandirigmang ito ang naging malakas at matibay na pundasyon ng buong bayan at kaharian, mag kakaiba man ang kahusayan ay pinag buklod ang kanilang kakayahan upang gapiin ang kalaban at mapanatili ang kapayapaan ng kanilang bayan. Magkasama nilang hinarap ang ibat ibang uri ng labanan kasabay ng pagpoprotekta nila sa kanilang mamamayan , bayan, kaharian at sa isa't-isa. Gayunpaman, ang pag-usbong ng kani-kanilang mga unang pag-ibig ang sya ring mismong naging dahilan ng pagka-buwag ng kanilang samahan at ito ang naging simula ng kanilang matinding hidwaan....