Ang bayan ng VIRGANIA ay nagsasagawa ng pag-aalay sa bundok ng kuhom isang beses bawat buwan ang kanilang itinalang pagsasagawa nito at tumatagal ng isang linggo.Ang pag-aalay sa bundok ng kuhom ay isinasagawa lamang ng mga sagradong angkan, dahil ito ay isang pag-alaala sa dakilang layunin ng mga angkang nag alay ng kanilang mga buhay.
Si Pitan ay bunsong kapatid ng Mahal na Hari, siya ay itinuturing matapat na kapanalig ng hari at palasyo. Ayon sa kasaysayan ang bayan ng VIRGANIA ay may pinaka malakas na hukbo ng sandatahan at ang pangalang Pitan ay kinatatakutan ng mga mandirigma sa ibat-ibang bayan, kaya naman tinagurian siya ng palasyo bilang PUNONG MAESTRO ng sandatahan.
Ang kinaroroonan ng bundok ay nasa kanlurang bahagi kaya naman mula dito ay matatanaw ang pag lubog ng araw, Masasabing maaliwalas ang bundok na ito dahil dalawampung tao ang maaaring makadalo sa pag-aalay. May matatagpuan ding ilang puntod ng mga bato na nag papatong-patong mula sa malaki hanggang sa maliit upang isimbulo ang bilang ng pag-aalay sa bundok , Ang pagsasagawa ng pag aalay ay mataimtim kaya Ang paligid ay sobrang tahimik na tanging huni lamang ng mga ibon sa Parang ang naririnig, mayroon ding mga hinabing ibat-ibang kulay ng bandera sa paligid na nagsisimbulo sa pagkakakilanlan ng isang kaharian. at ito ay ang puting tela na nasa kaliwang bahagi ng maliit na mesa(simbolo ng KADALISAYAN) Asul na nasa kanang bahagi Ng mesa(simbolo ng KAPAYAPAAN) Dilaw na dekorasyon sa itaas na bahagi(simbolo ng KATAPATAN) at Berde na nasa itaas ding bahagi(simbolo ng KAGITINGAN),at ang pinaka malaking telang may sagisag ng bayang VIRGANIA na nakalagay sa harapan ng maliit na mesang pinaglalagyan ng mga alay.Masasabi ding maaliwalas at may kalinisan ang buong paligid nito dahil sa mga pino at ligaw na damo na matagal ng tumutubo rito kaya naman ang mga nag-aalay ay nag huhubad ng kanilang mga panyapak.
Pag sapit ng takip silim sa bundok ng kuhom ay muling nagsagawa ng huling pag-aalay ang MAESTRO Kung saan pinuno ng katahimikan ang paligid.
Habang nakaluhod ay nakapikit at taimtim na nag aalay ang General, makalipas ang ilang Sandali ay hindi niya namalayang dahan dahan na pala siyang napahimbing habang naka luhod, at sa kanyang pagkahimbing ay isang matalinhagang tagna ang nag dalaw sa kanyang panaginip kaya naman agad niyang naimulat ang kanyang mga mata at bahagyang tumayo, samantalay tama ring dumating ang mensaherong ipinadala ng tagapayo ng Mahal na Hari)
"Mahal na General"(sambit nito kasabay ng pag yuko bilang tanda ng paggalang).
"Ipagpaumanhin nyo, subalit ipinag uutos ng Hari na kayoy bumalik na sa palasyo"
"Pinag uutos ng Mahal na Hari?(nag tatakang tanong ng General sa mensahero)
"Hindi ko po tiyak ang kanyang layunin subalit ninanais ng kamahalan ang iyong agarang pag babalik"(puno naman ng mensahero). Kaya naman agad na itinuloy ang kanyang bahagyang pagtayo at dali-daling nilisan ang bundok ng kuhom upang tupdin Ang kahilingan Ng kanyang kamahalan.