Chereads / The Scent of Savage / Chapter 12 - Surprise

Chapter 12 - Surprise

SUOT ang komportableng dress ay ngumiti si Thaysky sa katabing si Eury. Kahalintulad ng kanya'y nakasuot naman ng conservative outfit ang nakatatandang kapatid. Long sleeves at below the knee and haba ng skirt, kung siya ang magsusuot noon sa Australia ay paniguradong tatawanan siya nang sagad ni Violet.

"Baduy ba?" tanong sa kanya ni Eury nang mahuling nakatingin siya.

"Actually, it doesn't matter how exotic or worst the dress. It is about the person who will wear it. Kung paano niya dadalhin," paliwanag niya.

Pero nanatiling nakatingin sa kanya ang kapatid. Mukha itong naninimbang sa sagot niya.

Ngumiti siya. "Nakakainis ka, ate. Kahit ano yatang baduy na damit ang ipasuot sa'yo ay maganda. Kahit yata plastic ng basurahan, magmumukhang high class kapag ikaw ang nagsuot." Smile ka na.

"You always make my heart flutter, Sky. Walang dudang kapatid kita."

Oh no! "Bakit hindi ka naniniwala? Hindi ka ba komportable?" She is worried now. May extra formal dress siya, kaso lahat ay maikli. Matangkad sa kanya ang nakatatandang kapatid, kung susuotin nito iyon ay magmumukhang micro mini skirt.

"Eury, ang ganda mo sa dress na 'yan," puri ng kanyang ina.

Sa likod nito sumusunod ang seryosong ama na nakatingin sa ate niya bago sa kanya. Nagtagal ang titig nito sa balikat niyang hantad bago sa above the knee skirt. Walang imik itong dumiretso sa bulwagan ng mansion nang maulinigan ang dumating na sasakyan. Sumunod ang kanilang ina at Auntie Criselda rito.

May gusto sana siyang klaruhin sa kapatid pero iniwan na siya nito para sumunod.

Pinagkubli niya ang mga braso. Visitor's never made her nerve feels excited. But she is curious about her father's word this time. She knew he loves talking about how important to graduate with latin of honors, how great he is on his field of work, and how proud he is for her sister. Cliché topics but it's been a long time to be involved in this kind of get together or his father's casual dinner with his best of the best friend.

May pagbabago kaya?

"Gregery!" A loud baritone voice made her family seemed pleasant and honor.

Sinalubong ng kanyang ama ang may katandaang lalaki at nag-shake hands. Lumingon ang lalaki sa kanila at pinuri. Malakas na tumawa ang kanyang ama, bagay na ikinamangha niya sa unang pagkakataon. His laughter seemed real and genuine. How she wish he had a very loving father.

"Kailan ba kayo umuwi?" Pinutol nito ang sasabihin upang bumaling sa kanila at ipinakilala. "Eto na ang inaanak mo, Eury Suniga." Proudness flickered on his voice when his eyes stayed at her old sister.

Lumapit si Eury at humalik sa pisngi ng lalaki.

Kinabahan siya bigla kung lalapit ba o hindi. Kung ipapakilala ba siya o hindi. Mariin niyang tinitigan ang ama noong bumaling sa kanya nang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi. "And this is my youngest daughter, Thaysky Suniga."

May kung anong kiliti sa kanyang dibdib noong ngumiti at lumapit para gayahin ang ginawa ng kapatid. "Good evening... po," bati niya.

"Ang lalaki at ang gaganda na nilang dalawa, Gregery. Manang-mana sa ina." Biro nito noong bumaling sa kanilang ina.

"Benedict, palabiro ka pa rin." Ang kanyang ina na lumapit sa kanilang ama.

"My three sons with me." Bumaling ito sa bumukas na pinto.

Hindi na nasundan ni Thaysky ang sinasabi ni Mr. Benedict nang makita ang tatlong lalaki na iniluwa ng kanilang malaking pinto. Matangkad at matitikas ang dalawang nasa bungad habang ang nasa likuran ay natatakpan ng dalawa. The first two looks prominent and decent because of their fair skin and white uniform. She can't name if they work from the land or sea field.

Lumapit ang mga ito sa kanyang ama at ina para bumati. Nakita rin niya ang pagnakaw ng sulyap sa kanila ni Eury. Ang isa pa'y nahuli niyng tumagal ang titig sa kanyang nakatatandang kapatid.

Sinusundan niya ito nang tingin hanggang sa lumapit ng tuluyan sa kapatid niya.

"Good evening, Sir Gregery."

The familiar voice made her brows curled. Pumihit siya sa pinto at inabangan ang ikatlong pilit na natatakpan ng dilim. Tanging ang suot nitong itim na sapatos at slocks na itim ay sapat na para sabihing kagaya ito ng naunang dalawang lalaki. Their family were all prominent, high standard and good looking.

"Zedrick, Iho? Long time no sees." Her mother's voice made her more confused.

Mariin niyang pinanood ang bawat hakbang ng lalaki, hanggang sa tuluyang lumantad ang seryoso mukha. Umuwang ang kanyang labi at napalunok ng hindi halos makilala ang lalaki.

Kumurap-kurap siya at minasdang maiigi si Zedrick nang mabuti. He looks superior, fresh and very manly on his white bottom shirt. He smiled with her mother before his eyes drifted on her body.

Napahaplos siya sa hantad na balikat. Nakaramdam siya ng nag-uumapaw na hiya at gustong magbalot ng sarili. Bakit ganoon? Sanay siyang magsuot ng mga ganitong damit. Mas revealing pa nga at kung minsan ay skimpy dahil sa fashion sense niya. Pero ngayon sa harapan nito, para siyang sinisilaban sa sobrang hiya.

Nilagpasan siya nito para bumati sa kanyang mga magulang. Nahihiya siyang naupo sa tabing upuan ni Eury at pinuno ng hangin ang baga. I get it now. Kaya pala close sila ate kay Zedrick dahil ninong niya ang daddy nito. I didn't see that coming again. That's why Paige's father is my ninong too. They are all connected. Sa kanyang pag-angat ng tingin, nahuli niya sa pinto ng kusina si Simon na nagmamasid.

Inignora niya iyon at sumulyap kay Zedrick na papaupo sa tapat niyang upuan. Hindi na siya nito pinukulan pa muli ng tingin. Wari mo'y hindi siya kilala. Patay-malisya niyang dinampot ang kubyertos at nakinig sa usapan.

"Nalalapit na ang ikalabing walong kaarawan ni Eury. You all should come, Benedict." Her mother began with a little laugh. Lumingon ito sa katabi ni Zedrick na lalaki.

She assumed he is the second son. Among the three brothers, he had the softest features. His eyes that gently gazed to her sister, she knew that there's a mental conversation between the two. And when she caught her father looking to the second son, her conclusion filled an answer.

"Of course, Eunice. Hindi ako papayag na ang pinakamaganda kong inaanak ay mag-eightieth birthday na walang magandang regalo at makisig na makakapareha," Mr. Benedict took his wine glass and glanced on his second son.

Sumulyap siya kay Eury. Tutop ang mga labi nito at hindi magalaw ang hiniwang steak. She can't understand. Ilang beses niyang nahuhuli ang kapatid na may ka-text. Sa bawat text nito'y may kaagapay na matamis na ngiti. Zedrick is already block listed on her list. Simon and the second son remain on her option.

She took the glass of water to clean her mind.

"Thai? Hmmm. Thay sky? Did I say it right?" baling ni Mr. Benedict sa daddy niya bago sa kanya.

"Tays. Ki. Benedict," her father clarified his friend.

"Thaysky, it is my first time to see you. How's Casa De Rios?"

Nanliit siya sa kinauupuan nang bumaling sa kanya ang tatlong anak nitong lalaki. Tumingin din siya sa ama na ngayon ay matalim siyang tinititigan. Para bang binabalaan siya sa isasagot. She composed herself and answered, "Okay naman po. I think... I'm falling in love with this place."

Umalingawngaw ang malakas na tawa ng matandang Hetch. "Marunong ka pala mag-tagalog, iha?"

"Yes, Benedict. Kinakausap siya ng tagalog ng tita niyang si Axis sa Australia. I advised her to let Thaysky learn her true born language." Her father interrupted before completely changing and close the topic between them.

"Brandon, buti at nakasama ka," her Auntie Criselda named the second son.

"Yeah. I asked my colleague for a swap route for the meantime. And besides—" Sumulyap ito kay Eury bago nagpatuloy "— I wanted to see someone."

"Then you will take a leave on Eury's birthday?" The oldest son butted in.

"Yes. My leave is already approved, though."

"About you, Joffrey?" Zedrick joined the topic. He is staring with his old brother before he shoved the meat on his plate and ate it.

"I'm still waiting for the confirmation. Anyway, how's your school? I heard Dorothy is clinging around?"

Humina ang boses nito pero klarado niyang narinig. I assumed Dorothy is a woman? Probably his schoolmate? Admirer? His longtime crush? She shifted on his seat. Scratch the last. Dorothy could be his ex-girlfriend. She called the attention of the housemaid and ask for a juice. Hindi niya pinukulan ng tingin si Zedrick.

"You know her," He lazily said.

"I heard you supported the school for the Grand Prix? That pretty awesome. I'll mark that on my calendar so I can take my leave. I wanted to support our representative. Do you have a bet?" Joffrey continued the topic, but Zedrick seemed off to the topic.

Hindi niya mapigilang uminit ang pisngi dahil patungo sa kanya ang usapan. Sumulyap siya kay Zedrick. Nagkatitigan sila kaya tumikhim siya.

That made Joffrey glanced at her. "Hello, Thaysky. You are here for vacation only, right?" tanong nito.