Chereads / Lyrics Compositions / Chapter 1 - SANA AY MAPATAWAD PA

Lyrics Compositions

🇵🇭5UNOU5MYW5
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 49k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - SANA AY MAPATAWAD PA

SANA AY MAPATAWAD PA

I.

Ano itong nagawang pagkakamali?

Palagi kang lumuluha ng dahil sa akin

Mapapatawad pa ba sa nagawa sa iyo?

Dahil ang puso mo ay nasaktan ko

II.

Ngayon ay wala ka na sa piling ko

Dahil labis kong nasaktan ang puso mo

Ngunit umaasa pa na babalik ang pagibig

At sana ay mapatawad pa

Chorus:

Ako ngayon ay nagsisisi

Sa nagawang pagkakamali

Kahit alam kong huli na ang lahat

At hindi na mapapawi ang sakit na iyong nadama ng iwanan ka

Ang tanging hiling na lang sa Maykapal

Ang mapatawad mo pa

III.

Alam kong mayroon ka nang ibang mahal

At ako ay bahagi na lang ng nakaraan

Kahit hindi ko na maibabalik ang pagibig

Ngunit sana ay mapatawad pa

Reapet Chorus

Ang tanging hiling na lang sa Maykapal

Reapet Chorus

Ang mapatawad mo pa..... 2x

Sana ay mapatawad pa.....