I.
Una tayo ay nagkakilala
Naging malapit sa isa't-isa
Sa una wala pa akong nadarama
Damdaming kakaiba
II.
Kung dati kaibigan lang ang aking tingin
Ngunit habang tumatagal tila lumalalim
Noon akala ko pareho tayo
Espesyal ka sa akin gayundin ako sa iyo
III.
Ngunit nang makilala mo siya
Tila malaki na ang iyong pinag-iba
Hindi lang atensiyon mo ang nawala
Pati isa ko pang kaibigan ay mawawala
Refrain One:
Dahil hindi ko akalain
Matalik kong kaibigan
Ang napili mong ibigin
Chorus:
Akala ko ako
Ngunit siya pala
Ang tunay na iniibig mo
Ako ay kaibigan lang pala
Umasa naman ako
Sa mga pinaramdam mo
Ngunit nagkamali ako
Dahil hanggang kaibigan lang ang turing mo
IV.
At nang ikaw ay may ipagtapat
Hindi na ako nagulat
Ngunit nagpanggap
Na ako ay masaya
Para sa inyong dalawa
V.
Ngunit sa kaibuturan ng puso ko
Sobrang sakit ang dulot ng pagamin mo
Ngunit anong magagawa ko
Kung siya ang minamahal mo
VI.
Isang araw nagdesisyon magpaalam
Kahit napakasakit ngunit kailangan
Tinanong mo ako kung ano ang dahilan
Sinabi ko sa iyo ang totoo kong nararamdaman
Refrain Two:
Katulad ng aking inaasahan
Pagibig ko ay hindi masusuklian
Dahil ako ay hanggang kaibigan lang
Reapet Chorus