Chereads / Lyrics Compositions / Chapter 12 - HINDI NA GANUN

Chapter 12 - HINDI NA GANUN

I.

Nakilala kita

Nakilala mo ako

At naging magkaibigan tayo

Madalas sa pagkakaibigan

Hindi naiiwasan

Ang mga tuksuhan

Refrain 01:

Sa una wala

Akala ko wala

Pero heto tayo

Parehong nalilito

Sapagkat....

Chorus 01:

Hindi na ganun

Kaibigan ang turing mo sa akin

At gayundin ako sa iyo

Sapagkat nauwi sa pag-iibigan

Ang dating magkaibigan lang

II.

Nakuha ko ang matamis mong oo

Ang saya ko dahil naging tayo

Ilan taon na bang nagsasama tayo?

Ang tagal na natin magkasama

Higit sa isang taon na tayong masaya

Akala ko nga habambuhay na

Refrain 02:

Ngunit isang araw biglang nagbago

Dati ay simpleng tampuhan lang tayo

Ngunit mas madalas nang mauwi tayo sa pagtatalo

Naitanong sa mga sarili, bakit nagkaganito?

Sapagkat.....

Chorus 02:

Hindi na ganun

Ang dating mahal kita

Ngayon ayoko na

Ang dating matamis na suyuan

Tila wala na ngayon patutunguhan

III.

Wala na ba talaga?

Tapos na ba ang sa ating dalawa?

Akala ko hanggang dulo na tayo

Pero sa huli ako na lang pala

At ngayon ay mag-isang lumuluha

Dahil iniwan mo na

Refrain 03:

Lahat aking ginawa

Upang sa akin ay muling bumalik siya

Ngunit wala na dahil sumuko na siya

Kaya pinalaya ko siya kahit ayoko pa

Sapagkat.....

Chorus 03:

Hindi na ganun

Na dati tayo ay magkaibigan lang

Ngunit nauwi sa pag-iibigan

Subalit ako ngayon ay iyong iniwan

At tila hindi mo na babalikan