I.
Natatandaan mo pa ba?
Nagsimula tayo sa asaran o tuksuhan
Hanggang sa maging matalik tayong magkaibigan
Natatandaan mo pa ba?
Pareho tayong nakikipaglaro ng tagu-taguan
Noong tayo ay mga bata pa
Refrain:1
At noong hindi kita mahanap
Natakot ako at naiyak
Akala ko noon mawawala ka
Chorus 1:
Hindi ko inakala
Hihigit sa isang kaibigan
Ang aking madarama
Para sa iyo, ohh.....
II.
Hindi ko akalain
Noon una hindi kita gusto
Ang barako mo kasi
Para kang hindi babae
Hindi ko akalain
Mahuhulog pala ako sa iyo
Hindi ko maalala
Ano bang pinakain mo?
Refrain:2
Noon hindi ko talaga alam
Kung paano at kailan?
Ang alam ko lang ay.....
Chorus 2:
Mahal na pala kita
Hindi ko alam bakit nga ba?
Ako kaya ay mahal mo din?
Sana naman at sana ay mapansin
III.
Alam mo ba?
Tayo pa rin, Oo
Pero hindi naging tayo
Dahil hindi magiging tayo
Alam mo ba?
Mahal na mahal kita
Kahit hanggang magkaibigan lang
Tayong dalawa
Reapet Chorus 1 and 2