Tuwing Umuulan
I.
Makulimlim na naman ang kalangitan
Tila nagbabadya ng paparating na ulan
At sa tuwing pumapatak na ang ulan
Naaalala ko rin ang aking nakaraan
Sapagkat.....
Chorus:
Umuulan ng tayo'y unang magkakilala
Mula noon buhay ko'y naging masaya
Kahit malamig ang hangin hatid ng ulan
Kapag kasama ka ay ayos lamang.....
II.
At katulad ng ulan na naging bagyo
Parang unos na dumaan sa buhay ko
Simula ng umalis ka at iwanan ako
Mundo ko'y gumuho ng mawala ka sa piling ko
III.
Sugat sa puso ang idinulot ng paglisan mo
Nagtiwala sa binitiwang pangako na hanggang sa dulo ay magkasama tayo
Paano malilimutan ang sakit na naramdaman dahil sa iyong paglisan
Kung palagi kang sumasagi sa aking isipan
Sapagkat.....
Reapet Chorus
Bridge:
Tuwing umuulan naaalala ka
Naaalala ko rin mga araw noong tayo pang dalawa
At katulad ng ulan na walang hinto sa pagpatak
Mga luha ko rin ay patuloy na pumapatak