I.
Pinipilit kong kalimutan ka
Ngunit kahit anong gawin ay hindi ko magawa
Sumasakit na ang ulo ko
Sa kakaisip bakit biglang nagtapos
Refrain One:
Ang pag-ibig na pinangako mo at habambuhay na magsasama tayo
CHORUS:
Sinungaling ka pala
Sabi mo ako lamang
Hindi ka titingin sa iba
Kahit sexy pa at maganda
Sinungaling talaga
Sabi mo ako ay hindi iiwan
Pero anong ginawa mo?
Nalingat lang ng sandali
Iba na ang iyong kasama
Sinungaling, sinungaling talaga
II.
Pinilit ko na limutin ka
Lalo na ang sakit na iyong ipinadama
Ngunit bakit hanggang ngayon
Inaasam-asam ko na muli kang makasama
Refrain Two:
Nakakainis na nga
Nagmumukha na akong tanga
Hindi maikakailang mahal pa rin kita kahit na....
Reapet Chorus
Coda:
(Spoken)
Uulit-ulitin kong sabihan ang utak ko
Na kalimutan na ang isang katulad mo
Uutusan ko itong puso ko
Na huwag ng umasa pa sa iyo
Na magkakabalikan pa tayo
Itatanggi sa aking sarili
Na hindi na kita mahal
Kahit ang totoo puro kasinungalingan lang