Chereads / Lyrics Compositions / Chapter 2 - KUNG KAILAN MAHAL NA KITA

Chapter 2 - KUNG KAILAN MAHAL NA KITA

KUNG KAILAN MAHAL NA KITA

I.

Dati binabalewala ka

Walang paki sa iyong nadarama

Kahit nasasaktan ka na

Handa kang maghintay

Magmamahal ka at nagmamahal

Kahit hindi ko suklian

II.

Kahit ilang beses ka nang lumuluha

Sapagkat damdamin mo ay nasasaktan ko na

Naririyan ka pa rin at hindi nagsasawang

Ako ay mahalin at unawain

Refrain:

Ngunit dumating ang isang araw

Ikaw ay biglang nagsawa

Sumuko at lumisan na

Sapagkat ngayon ay natagpuan mo na

Ang tunay mong ikaliligaya at ito ay sa piling na ng iba

Chorus:

Kung kailan mahal na kita

Tsaka ka pa nawala

Iniwan na ako at ikaw ay lumayo

Nagsisisi ang puso ko dahil sa maling nagawa sa iyo

III.

Nagkrus muli mga landas natin dalawa

Pero alam ko hindi na ako ang laman ng iyong puso at isipan

Siguro nga tama lang ng ako ay iyong iwanan

Dahil hindi nararapat ang isang katulad ko na sinaktan ka lamang

Reapet Chorus