Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

THE SHADOW OF FAITH

james_vii
--
chs / week
--
NOT RATINGS
29.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

Every one of us is a sinner and you can only see few of them are saints. Every one of us commit mistakes and only few don't do. We are the one who decides who and what will we become, To choose what thing will we be today and what will we become in the future; it is either to be bad or good, to be a sinner or a saint.

If you to choose, what will it be? How far will you stand to your decisions. What can you do to fight for your principles?

Madilim ang mundo. Ganyan kapait ang aking hinagpis. Kasing pait ng tubig dagat ang aking pawis. Kasing init ng apoy ang aking galit, at tulad ng ginto natutunaw sa apoy ngunit nananatiling buo sa tuwing lumalamig ito. Parang buwan na nakatago sa ulap na walang makitang liwanag. Namulat ako sa mundo ng away at walang awang pagpatay. Sa bawat pagtulo ng dugo sa lupa kasama nito ang galit, puot at awa.

Buhat-buhat ako ng mga kalalakihang humuli sa akin at kinaladkad. Nararamdaman at naririnig ko ang mga tao sa aking paligid pero hindi ko sila makita. Tila ba isa akong bulag na walang kaalam alam sa mundong ginagalawan ko, gustong mahanap ang tamang daan para hindi madapa pero walang makita. Mas madilim pa sa ilalim ng tagong buwan ang aking nilalakbay dahil nilagyan ng piring ang aking mga mata para hindi ako makakita at hindi malaman kung saan ako dadalhin. Nakatali ang mga kamay ko na parang isang kriminal. Wala akong lakas katulad ng dati. Dinig ko rin ang kaba sa aking dibdib, hindi ko alam kong ito na ba ang aking katapusan o may awa pa ang Diyos na ito ay dugtungan.

Then they pulled out the black handkerchief out of my eyes. Kaya napatingin ako sa paligid, pero kunting aninag lang nang ilaw sa sulok ng lugar ang makita ko. Madilim ito at wala akong masyadong makita. Pinahakbang nila ako at natapakan ko ang isang bagay na malabot. Nang tinignan ko ito, May mga bungo nang patay na tao sa paligid at masangsang na amoy na nakakasuka. May mga taong nakahandusay sa sahig na tila balat na lamang ang nakabalot sa kanilang mga katawan. Dito pala nila itinatapon at pinapahirapan ang mga taong kumakalaban sa kanya sa Elysium Tower.

(Elysium Tower. Ang lugar kung saan dinadala at sinasanay ang mga babaeng bata. Isang Pangalang banal pero pinamumugadan ng kasamaan.)

"Welcome to the place of the dead". bati sa akin ng mama. Kaya naisip ko na iyon ay Ang Gehenna.

(Gehenna. Ito ang lugar ng paghihirap at kamatayan o Place of the dead. Dito tinatapon ang mga taong tumatakas at kumakalaban sa Elysium Tower. Ito ay nasa pinakailalim ng Tower kung saan walang liwanag.)

"This is the place where we put traitors and bastard like you, Alex! Whoever is against the law of Professor will suffer like the way they do here right now!" pahabol nitong sabi.

Ito ay ang mundo ng mga patay dahil dito pinapatay at namamatay ang mga taong lumalaban para sa kabutihan at walang kahit na sino man ang nakakatakas sa lugar na ito. Hindi ko rin alam kung makakatakas pa ako sa lugar na ito. Pakiramdam ko hanggang dito na lang rin ang buhay ko. Kinuha nila ang tali sa aking kamay at pinaluhod. I am hoping that it shouldn't be the last. Sana makatakas man lang ako sa kamay nila pero sinundan ito ng isang malakas na bagay na tumama sa aking batok at bigla na lamang akong bumagsak sa sahig at paunti-unting nawalan ng malay.