Chereads / THE SHADOW OF FAITH / Chapter 6 - CHAPTER FOUR (War vs. Life)

Chapter 6 - CHAPTER FOUR (War vs. Life)

STEVEN'S POV

"Steve! saan ka ba nanggaling bata ka? Nag aalala ako sa'yo. Ligpit mo na yung gamit mo, aalis tayo." bungad ng Mama ko sa'kin pagdating ko sa bahay.

"But Ma, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang papasok ako ng kwarto at sumunod sa kanya.

"We're leaving. sob* Pupunta tayo ng states." Umiiyak niyang sabi.

"Eh si Papa? Sasama din ba?" tanong ko ulit sa kanya habang nakaupo sa kama. Nang maisarado na ni Mama ang bag niya hinawakan niya ako sa balikat at niyakap.

"No baby. Hindi sasama ang Papa mo. Tayong dalawa lang ang aalis. Pero nangako siyang susunod siya sa atin, kailangan niya lang asikasuhin ang business natin dito." paliwanag niya sakin habang nakayakap parin ito.

"Eh bakit po kayo umiiyak?" palagay ko talaga may hindi magandang nangyayari sa mga magulang ko.

"It's nothing baby. Please prepare yourself na, then sleep nang maaga dahil were leaving tomorrow." hinalikan niya ako sa noo ko at tuluyan na siyang lumabas kwarto ko.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ng aking nakaraan. Pumunta ako sa kusina upang uminom ng tubig. Umupo ako sa study table ko upang makapagrelax nang masagi ng dalawa kung mga mata ang isang folder. Binuklat ko ito at tiningnan ang litrato ng isang batang babae. Sinusuri ko ang mukha nito dahil parang pamilyar sakin ang itsura nito.

"Kaya pala sabi ng mga kaklase ko maganda dito, So Cool! I love this place".

"What? seven as in number 7?"

"Tama!. siya nga!" mahina kung sabi. Ang batang babae na nakasama ko sa Park noon ay anak ni Mrs. Ysabelle at Alexandra pala ang pangalan nun? Ngunit sino kaya ang babaeng nandon rin kanina? tanong ko saking sarili. Posible kayang si Alexandra yun?

ALEX POV

"What happened to you? May problema ba ang little princess ni Leya?" Tanong sakin ni Gab. Parang Nanay kasi yan kung makapag salita.

"Oo nga bes, Bakit parang nakalunok ka ng Suka ng Datu Puti diyan?" pang aasar naman ni Dannie habang nag wo-work out. Mahilig kasing mang asar yan palibhasa hindi natitinag ng mga binabatong mga asar sa kanya.

"Ang asim ng mukha!" saad naman ni Goerge na nag aayos ng archer niya.

"Tumigil nga kayo! Hindi nakakatuwa ha!" pagpa tigil ko sa kanila. Mga babaeng to may mga kalukuhan ding nalalaman.

"Ang totoo Alex, May problema ba?" tanong ulit sakin ni Gabrielle. Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanila. Pero mga kaibigan ko naman sila.

"I met a guy in the park last night." yun lang ang sinabi ko.

"And?" taas kilay na tanong sakin ni Goerge na parang naghihintay ng karugtong.

"They're getting to know each other. Pagkahawak niya sa kamay, naramdaman nila ang spark sa isa't isa. Parang may kuryenteng dumadaloy sa gamay nila then, Booogsss!!!! Sabog! Nainlove sila sa isa't isa. Diba Lex?" sabay clap niya ng kanyang kamay.

"Ipagpatuloy mo pa 'yan Dannie at talagang maghahanap ka ng mukha mo mamaya sa labas." pagpapaalala sa kanya ni Gab na nagpatahimik naman sa kanya.

"Okay! pinapatawa ko lang naman kayo but I think di naman effective e. So, It's better to zip my mouth!" nag sign pa siya na sinizip niya ang kanyang matabil na bunganga.

"Am I late? Where are they?" tanong ni Nique na nagpabasag ng katahimikan saming apat. Dala nito ang kanyang katana.

"Oh Nique! Bakit ngayon ka lang dumating kung saan naubos na namin lahat ng kalaban." Pang aasar ulit ni Dannie sa kanya.

"Bakit? Sino bang may sabi sa'yo na may kalaban dito? At parang nagmamadali ka pa?" tanong ni Gab sa kanya. Mukhang gets ko na ang nangyari. Tumingin kaming lahat kay Dannie na nakangiting aso pa.

"Dannie!!!" sigaw ni Nique sa kanya at hinabol ito ng katana niya.

"Sandali lang naman Nique! Magpapaliwanag ako." sigaw niya habang iniiwasan ang mga pag atake ni Nique sa kanya. Hinayaan lang namin sila dahil kampante naman kaming hindi magpapatayan ang dalawa. Pareho magaling kasi yan.

"I don't need your explanation Dannie. Malinaw pa sa sinag ng buwan ang pang ti-trip mo sa'kin. May arte pang 'Faster Nique! Double time. We really need your help' ka pang sinasabi. Tapos ito yung aabutan ko dito? Everyone is fine." Saad pa niya habang nagkarate na sila dahil nabitawan ni Nique ang katana niya. Pinilipit naman ni Dannie ang mga kamay ni Nique at nilagay ito sa likuran habang nakadapa si Nique sa sahig at dinaganan niya ito.

"As I 've said magpapaliwanag ako diba? Umiral kasi agad ang pagkapikon mo e!" sabi sa kanya Ni Dannielle na nakangisi.

"Kaya kita tinawagan nang ganun dahil alam kong mas uunahin mo pa ang pag eensayo mo kaysa makasama kami Nique. Sa ilang taon ba naman na magkasama tayo ay hindi ko pa mababasa ang ugali mo?" pagpatuloy ni Dannielle dito. Tama nga naman siya, kung may lonely man sa grupong ito, si Dominique yun. Napaka secretive kasi niyan e.

"Ang ayaw ko lang sa lahat Dannie ay yung pinagti tripan ako sa kalagitnaan ng pag eensayo ko." sabi pa niya at nakita ko na lang na si Dannielle na ang nakahiga sa sahig habang nakapatong si Nique sa kanya. Papaulanan na sana niya ito ng suntok ng bigla akong nagsalita.

"Enough!!!" sigaw ko sa kanila. na kinatigil naman nila at napatayo sa kanilang mga pwesto. Di ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa sa mga mukha nila. Si Nique, Nasira ang pagka pony tail niya sa kanyang buhok at nakalugay ito sa kanyang mukha na parang ilang years na hindi nakapagsuklay. Parang nadaanan ng bagyo ang buhok niya. Si Dannie naman ay punit punit ang kanyang damit dahil sa mga katana ni Nique. Parang isang palaboy sa kalye na nanghihingi ng limos.

"Tingnan niyo nga yang mga sarili niyo. Ang dudungis. Para kayong mga bata." sigaw ko na lang sa kanila.

"Yan kasi, ang hilig mang asar. Kahit kailan hindi talaga magkakasundo ang aso at pusa." Pagdugtong ni Goerge sabay hila ng upuan at umupo.

"Fixed yourselves ladies and the mess that you did." saad ni Gabrielle sa kanila. nandito kami kasi sa Meeting Area ng Liberty Operation. Bawat isa samin dito ay may kanya kanyang Room na parang isang condo unit na kompleto na ang lahat.

"By the way, Lex. What about that guy?" tanong sakin ni Goerge ng maging okay na ang lahat.

"Guy? Sinong guy?" tanong ni Nique na parang naguguluhan.

"Yan kasi, mas gusto mong unahin akong patayin kaysa makinig eh." sabi ni Dannie na kararating lang galing kwarto niya. Umupo ito sa tabi ko.

"Enough the two of you! kung ayaw niyong magising bukas ng umaga sa gagawin ko sa inyo." saad ni Gabrielle. Kapag yan kasi ang magsasabi napatahimik niya ang dalawa. Pero ewan ko ba bakit takot din sa'kin yan.

"He's familiar. May kakaiba sa kanya." sabi ko na lang sa kanila.

"Anong kakaiba?" tanong ni Goerge at parang bawat isa sa kanila ay interesado sa sinabi ko except kay Nique na parang naguguluhan sa pinag uusapan namin.

" Fine Nique! Alex met a guy at the Park kaya kita tinawagan kanina dahil gusto kong nandito tayong lahat upang pag usapan to. Kung sasabihin ko lang na meron tayong pag uusapan sigurado akong marami kang excuses. This is new achievement for Alex. Halerrr!!! kaya maki celebrate tayo. Akalain mong ang Prinsesa ng Legion ay makikipag usap sa isang guy? This is ---" naputol ang sasabihin niya at natahimik ng tumingin siya sa'kin.

"Okay fine!" saad na lang ni Nique habang titig parin ako kay Dannie. Okay na sana ang explanation niya kay Nique e. Ang dami pa kasing sinatsat.

"Nevermind about what I've said a while ago. I need to rest. Magpahinga na rin kayo." sabi ko sa kanila at tumayo na sa kinauupuan ko.

"Fine. I'm sorry!" saad ni Dannie dahil lahat ng mga mata ng tatlo ay nakatitig sa kanya. Tinapik ko na lang ang balikat niya.

"It's okay baby girl." sabi ko sa kanya at tuluyan ng tinungo ang Room ko. Palibhasa kasi si Dannielle ang bunso saming lima kaya ang hilig mang asar.

DANNIE'S POV

Parang isa akong kwago, malalim man ang gabi ay gising pa rin ito. Nagpapahinga at natutulog naman sa umaga. Ewan, pero malalim na ang gabi, mag aalas dos na rin noong tinignan ko ang oras sa wrist watch ko ngunit di parin ako dinadalaw ng antok, ayaw pa ring pumikit ng beautiful eyes ko.

Papalit-palit ako ng posisyon ko sa pagtulog. Pero hindi ko pa rin magawa ito. Kaya bumangon na lamang ako at pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom. Alam kong gatas lang ang katapat ng aking hindi pagtulog. Makalipas ang ilang minuto, bumalik na ako sa aking silid, pero may naririnig akong ungol sa kabilang silid. "Si Xandra, binabangungot!" dali-dali ko siyang pinuntahan at ginising.

"Anong nangyayari?" taong ko sa kanya.

"Si Ate Leya, napanaginipan ko siya!" Takot na boses ni Xandra na nagsalita. "Duguan siya Dannie, humihingi siya ng tulong sa akin!" habang umiiyak ito. Punong-puno ng pawis at namumutla.

"Xandra, nananaginip ka lang!" panahan kong sabi sa kanya sabay akap para mapawi ang nararamdaman niya.

"Sana nga! Bakit ba kasi wala na akong balita kah Ate. Dannie, bakit hindi natin bisigahin si Ate Leya sa Elysium Tower. Kahit saglit lang. Gsugo kong makita ang ate Leya ko!" pakiusap nito habang humahagulgol, halata sa kanyang mukha ang takot at sobrang pag-alala sa ate niya. Si Cattleya na kasi ang naging pamilya nito simula pa nang bata siya.

"Xandra, alam mong hindi maaari. Ni hindi nga nagin alam kong saan ang Elysium Tower di ba. Hindi natin alam kung saan natin hahanapin yun kasi nakapiring tayong umalis doon! At sigurado ako na kung sakali man na alam natin, eh hindi naman tayo basta basta makakapasok sa lugar na iyon." paliwanag ko sa kanya. Pate ako naiyak na rin sa reaksyon ni Xandra. Naawa ako sa kanya. Kahit na aming lima siya ang pinakamatapang ag malakas, nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagiging pusong mamon niya.

Kaya minabuti ko na lamang na samahan siya sa kanyang loob upang bantayan.