STEVEN POV
Madilim, Mapuno at mausok na lugar ang bumungad sa aking harapan. Di ko alam kung anong lugar ba ang kinatatayuan ko ngayon. May nakita akong isang binatilyo na kahawig ko, nagsusumamo sa isang ina na huwag siyang iwan. Ngunit tinutulak ito ng ginang palayo sa kanya.
"Ma, huwag mo naman akong iwan. Ikaw na lang ang meron ako Ma." umiiyak at nagsusumamong binatilyo na hirap din sa pagtayo at tanaw na tanaw ang ginang sa di kalayuan.
"Gustuhin ko mang manatili sa tabi mo anak ngunit wala na akong magagawa. Buhay pa ang Papa mo at hanapin mo siya. Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sayo noon na may iba na siyang pamilya at iniwan tayo. Ngunit hanapin mo ang rason kung bakit ayaw niya tayong makasama. Hanapin mo siya! at kapag nangyari yun. Patawarin mo sana siya." Paliwanag ng ginang habang umiiyak ito at tuluyan na itong sinasakop ng kadiliman at tangi ko na lang nakita ay ang binatilyo na nakakuyom ang isang kamao at pilit na tumatayo kasabay naman no'n ang namumuong mga luha sa aking mga mata.
Nagising akong may puot at galit saking dibdib. Di ko mawari kung anong klaseng panaginip yun. Alam kong si Mama ang napaniginipan ko. Namatay siya nung nasa states kami. Meron siyang brain cancer. Ilang ulit narin siyang nag undergo ng chemotherapy ngunit di niya talaga kinaya at iniwan niya ako. Sa napakamurang edad nun di ko alam ang gagawin ko dahil wala rin akong Papa na tumulong man lang sakin. Kaya malaki ang pagkamuhi ko sa wala kong kwentang tatay dahil sa pag abandona niya samin ni Mama. Ginamit ko ang perang naiwan ni Mama nun at umuwi ng pilipinas. Naging palaboy sa kalye. Sumali sa isang grupo ng mga Gangster ngunit nahuli ako nun ng mga pulis dahil nagkaroon ng fight sa pamamagitan ng ka grupo ko at ng kalaban namin sa isang abandonadong building. Hindi namin namalayan na may dumating na mga pulis at nahuli ako. Kaya't nakulong, ngunit sa awa rin ng Diyos ay nakita ako ni Detective Chua. Siya ang nag pyansa sakin. Pinakain, dinamitan ng maayos at pinag aral bilang isang detective din. Kaya utang ko sa kanya ang buhay ko ngayon.
Gustuhin ko mang bumalik sa pagtlog ngunit gising na gising parin ang diwa ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tiningnan ang oras. Mag na-nine palang. Bumangon na lang ako at nagbihis, kinuha ko ang jacket ko at sumampa ng motorbike ko.
-–-
Habang sinusuyod ko ang daan papuntang Bar. May isang motorsiklo ang muntik ng bumangga sa'kin buti na lang at mabilis akong umiwas.
"Pasensiya na Mr. Pogi." saad ng sakay nito. alam kong isang babae ang may dala ng motorcycle na yun kahit na nakahelmet pa.
Lumipas ang ilang segundo ay nakarinig ulit ako ng mga tunog ng nag uunahang motorbike. Kaya naisipan kong huminto sa gilid at pinagmasdan ang mga nagkakarerang 4 na motorsiklo at parang hindi pa ako makapaniwalang puro babae ang mga nakaangkas dito. Napapailing nalang ako sa nasaksihan ko.
Tinuloy ko na lang ang pagmamaneho ko ng mawala na ang mga bwesit na disturbo sa daan.
---
"Daya mo kasi Alex. Kaya ka nauna." sabi ng isang babae sa isang table.Kaya napalingon ako sa kanila. Lima pala silang magkaharap sa iisang table.
"Ayaw mo lang tanggapin na talo ka Dannie. Ikaw kasi ang pinakahuli sa ating lima." Sagot ng isang pamilyar na boses.Ngunit di ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pag inom dito sa counter section.
"Wow ha? nahiya naman ako sa muntik ng mabangga dahil sa kagustuhang manalo. Karma nga naman oh." sagot ulit ng isang babaeng tinawag nilang Dannie.
"Isa pang asungot na gwapong nilalang na yun kanina. Kung di dahil sa kanya nanalo sana ako." So, siya pala ang muntik ng makabangga sakin kanina.
"Gusto mo naman Nique eh, kunwari pang galit! Sus." Nique pala pangalan ng babaeng yun kanina.
Napiling na lang ko sa sarili ko at tumayo na upang umuwi ngunit dumaan muna ako ng Cr. Call of nature eh kaya di pwedeng pigilan.
ALEX POV
"Sige! una na ko sa inyo girls ah. Mukhang inaantok na ko e." pero ang totoo ay parang gusto ko ng masuka kanina pa. Ayaw ko lang ipahalata sa mga kaibigan ko dahil tadtad na naman ako sa asar sa kanila pagnagkataon. Dumaan muna ako ng Cr at dun ko niluwal lahat ang kanina ko pang pinipigilan. Nanghilamos na lang ako at nilagay sa balikat ko ang jacket bago lumabas.
Pagdating ko ng parking lot ay bigla na lang ako nakaramdam ng pagkahilo. Ito na ba ang resulta ng alcohol na ininom ko? Pahamak kasi 'tong mga kaibigan ko e. Nagyaya ba namang mag bar tapos mag race daw kami papunta dito. Akalain mong pati sa pag inom ng alak, pustahan din. Kung di ko lang sila kilala akalain kong mga takas 'to sa mental hospital. Pakiramdam ko nga ay parang nanghihina ang buo kong katawan at para akong inaantok. Nag iinit ang pisngi ko at parang umiikot ang paligid. Bago pa ako bumagsak ay may mga brasong sumalo sakin at nakita ko ang gwapong mukha ng isang lalaki na pilit akong ginigising ngunit gusto kong matulog e.
Nagising ako sa hampas ng hangin sa mukha ko. Pinakiramdaman ko ang paligid para akong dinuduyan. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at dun ko lang napagtanto na nakaangkas pala ako sa isang motorbike at nakakapit pa ang dalawa kong kamay sa baywang ng isang lalaking nagmamaneho. Buti na lang talaga at dahan dahan ang kanyang pagpatakbo dahil kung hindi baka gumulong gulong at nagkalaso laso na siguro ang katawan ko sa kalsada at pinaglalamayan na ako ngayon.
"Ahhhh!!! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Mr.?" sigaw ko sa taenga niya.
"Nag da-drive, di mo ba nakikita? at Aray ah! di ako bingi para sigawan mo!" aba at namimilosopo pa talaga tung bwesit na 'to ah.
"Ibaba mo nga ako. Ang lakas din ng loob mong iangkas ako sa motor mo a. Siguro kidnapper ka noh?" Di naman halata sa mukha na isa ngang kidnapper to. Gwapong kidnapper naman to pagnagkataon.
"May kidnapper bang kasing gwapo ko? Kaya Bumaba ka kung gusto mo. Ahh! tumalon ka na lang pala para mas exciting." Ang yabang ahh. akala mo kung sinong gwapo.
" Itigil mo na kasi kung ayaw mong pasabugin ko mamaya utak mo!" As if namang mapapasabog ko talaga e noh.!
"Okay! okay! Hyper much ka e. eto na! ayaw ko pang mamatay noh!" Sa wakas tinigil niya rin. Sinundot ko lang naman ang tagiliran niya. Kakatuwa nga e,may kiliti din pala to. Bumaba ako ng motorbike niya at nagsimula ng maglakad. Di ko akalain na sumusunod pala siya.
"Where do you think your going ha?" sigaw niya sakin kay napahinto ako at humarap sa kanya.
"Eh di uuwi! pakialam mo ha? kilala ba kita?" Tiningnan ko siya ng mabuti. OMG! siya pala yung nakita ko sa park nung nakaraang araw! bakit di ko man lang nakita ang mukha niya kanina. Kinusut kusot ko ang mga mata ko gamit ang mga kamay ko. ngunit ganun parin ang nakikita ko.
"Y-You?" sabay turo ko sa kanya ngunit may pagkahilo parin akong naramdaman.
"No other than." nakita ko siyang ngumiti na parang nakakaloko.
"Oh no! what are you doing here? pwede ka nang umalishh. I'm okay na. Thankshh!" sabi ko sa kanya tsaka tumalikod.
"Siguro naman pwede ka ng magpakilala this time Miss?" tanong niya na nagpapadagdag ng pagkahilo ko. kaya napahawak nalang ako sa ulo ko.
"Are you okay?" may pag alala sa boses nito at naramdaman ko na lang na nakahawak na ito sa balikat ko mula sa likod. Tumango lang ako as a sign na okay lang ako ngunit parang dinuduyan talaga ang pakiramdam ko ngayon.
"sakay na." saad niya.
"Where?" tanong ko sa kaniya at inilibot ang tingin. Nakita ko siyang naka bend at nakatalikod sakin.
"Don't tell me na e piggyback mo ako?" taka kong tanong pero wala na akong magagawa e di ko talaga kayang maglakad e. Ayaw ko namang maiwan dito no.
"Saan ba bahay mo at ihahatid na kita sa inyo." tanong niya sakin habang karga ako at naglalakad patungo sa motorbike niya.
"Uhmm.huk* hatid mo huk* na lang ko shhaa huk*---"
"Holy shit! What's this? Eww!" pagmumura niya. E di ko napigilan e.
"I'm Sorry! di ko nakayanan e." paghihingi ko ng paumanhin sa kanya. Nakakahiya talaga ang ginwa mo sandra.
"Nahh. It's okay. Let's find some place na pwedeng makapagpunas ng mga dumi mo sa jacket ko." nakakahiya na talaga. Ikaw ba naman ang maligo ng suka.
---
STEVEN POV
Maaligamgam na tubig ang pumapatak ngayon saking buong katawan. Kasalukuyan akong nag sho-shower dahil sa ginawa sakin ng babaeng yun. Napaligo ako sa dis oras ng gabi dahil sa suka niya. Aisstt. Kung wala lang talaga akong malasakit sa babaeng yun. Di ako mag aaksayang tulungan siya at di ko akalaing kapangalan pa niya ang anak ni Mrs. Ysabelle.
Flashback.
"Nahh. It's okay. Let's find some place na pwedeng makapagpunas ng mga dumi mo sa jacket ko." sabi ko na lang kahit na para rin akong masusuka.
"Sorry talaga." Paghihingi niya ng paumanhin tsaka niya hinubad ang jacket niya.
"Here." napatingin na lang ako sa kanya ng inabot niya sakin ang jacket niya.
"What's that? " takang tanong ko sa kanya.
"Palit muna tayo. Bigay mo muna sakin yung jacket mo. Ako na lang maglalaba. total ako naman ang may kasalanan e. Dali!" sabi pa niya at tatanggalin na niya sana ang jacket ko nang hawakan ko siya sa kamay at nakaramdam ako ng parang kuryenteng bumabalot sa buo kong katawan.
"No need. It's okay." saka ko tinanggal ang jacket ko at nilagay sa motor ko.
"Let's go.Hatid na lang kita." pag aalok ko sa kanya.
"Ok na ako. Balik mo na lang ako sa Bar, doon naka park ang motorbike ko e." saka umaangkas na lang siya pabalik ng bar.
---
"Kaya mong mag drive?" tanong ko sa kanya.
"Yeah! Di naman na ako nahihilo e. Thank you sa pagtulong, then sorry ulit." sagot niya sakin.
"No worries. By the way, I'm Steven. Steven McCoy." pagpakilala ko sa kanya at pinaandar ang motorbike ko. Alam ko namang di na naman siya magpakilala kaya di na ko umasa pa.
"I'll go ahead. Ingat ka!" pag paalala ko sa kanya at pinaharorot ang motorbike ko ngunit narinig ko ang sigaw niya na naging dahilan nagpaghinto ko.
"Alexandra!" sigaw niya sakin. Nilingon ko siya ngunit tuluyan na niyang nilisan ang lugar kaya pinaharorot ko na lang ulit ang sasakyan ko.
Lumabas ako ng banyong fresh ang pakiramdam ngunit salungat ito sa utak ko. Parang isang sirang machine na kinakalawang na at hirap mag function. Pa ulit ulit pang bumabalik ang nakarehistrong pangalan dito.
"Alexandra?" yun lang ang tanging laman ng isip ko kaya nakikisabay din ang bibig ko sa pag sambit ng pangalang ito. Pati pa ang puso ko nakikisabay din? Ano Steve tinamaan ka ba dun? Pinilig ko na lang ang ulo ko. Kung ano ano na kasi ang iniisip ko e. Nakakabading na. Isa lang ang gusto kong mangyari ngayon. I want to meet her again. Gusto kong kilalanin ang pagkatao nito.
Third Person Point of View.
"Our next target is Angelo Sy. Pinaka maimpluwensiyang Businessman. Nag mamay ari ng Sy Industry, hindi lang dito sa Pilipinas pati na rin sa iba't ibang lugar ng bansa. Pero sa kabila ng yaman at kasikatan niya ay may Hidden agenda ito which is ang shabu shipment na ginagawa nila every month." Discuss ni Madam Striker sa mga legions habang hawak hawak nito ang isang pen which is isa itong laser na ginagamit sa slideshow presentation.
"So, what are we going to do?" Tanong ni Gabrielle sa kanya.
"Kayo na ang bahala kung ano ang plano niyo basta sisiguraduhin niyong mapigilan niyo ang worth 10Billion na Illegal drugs na shipment nila. One more thing, Paalala lang sa inyo na hindi madaling kalaban ang mga tauhan ng Sy na yun lalong lalo na ang isang pinagkakatiwalaan niyang tauhan na si Lady Slaughter. Siya ang leader nila at nagmamanage ng shipment na kanilang ginagawa." pagpatuloy ng Madam at saka ito umupo sa isang silya na parang isang reyna.
"If you don't have any questions. You can go now and Goodluck to all of you." Pagtatapos niya ng usapan.
Nagsitayuan na ang ibang mga Legions ngunit parang ayaw tumayo ni Alexandra sa kinauupuan niya.
"Any Problem Alex?" takang tanong ng Madam sa kanya.
"No Madam. I'll go ahead." saka tumayo at tuluyang lumabas ng Meeting Area.
---
"Invitation please?" sita ng guard sa kanya bago siya pumasok ng Mansion.
"here!" at pinakita niya ang kanyang invitation saka siya pumunta sa Garden ng Mansion kung saan ginaganap ang event. Nakasuot siya ngayon ng isang black long gown na hapit sa kanyang katawan. Kitang kita ang sexy niyang katawan sa kanyang suot. Pinusod niya ang kanyang buhok na may mga nakalugay sa gilid nito. Kaya napapatingin lahat ng taong kasama sa party.
"Good evening ladies and gentlemen! To start this evening, let me introduce to you aperson of the night. To give his very important message/speech in this event. The birthday celebrant. Mr. Angelo Sy at his 50th birthday. Please let us give him a big hand." nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos sabihin ng emcee ang kanyang introduction.
Lahat ng tao ay nakikinig lang sa speech na binigay ni Mr. Sy at maging siya ay kunwaring nakikinig din ngunit nakikiramdam sa paligid.
"Oh! Young lady. Don't you have any company?" tanong sa kanya ni Mr. Sy dahil napansin nito ang pag iisa ng dalaga sa mesa.
"Ah! Yeah! Happy Birthday Mr. Sy." sagot ng dalaga at nakikipagkamay ito sa Celebrant.
"And you are? Ngayon lang kasi kita nakita dito." pagtatanong ni Mr. Sy.
"Emerald Chiu Sir. And Yes, ngayon lang din nga ako nakapunta dito. Since busy ang parents ko sa pag asikaso ng company. Ako na lang ang pinapunta nila." saad naman ng dalaga dito.
"Are you the daughter of Gilbert Chiu?" tanong ng Ginoo sa kanya.
"Exactly, Mr. Sy" tipid niyang tanong na may ngiti sa mga labi.
"Excuse me sir!" singit ng isang butler at may binulong ito.
"Excuse me Miss Emerald. I'll go ahead. Please tell my regards to your parents and of course enjoy the Party." at umalis na ang Ginoo.
"Where the hell are you?" tanong ng dalaga habang may pinindot ito sa kanyang earpiece.
"Okay! be careful." yun lang ang nasabi niya habang inilibot ang kanyang paningin. Nahagip ng kanyang mata ang isang lalaking nakatayo sa bandang pintuan.
Pumasok siya sa restroom upang makapagpalit ng kanyang damit ng may mabunggo itong Ginang.
"I'm sorry po." Natuod siya sa kanyang kinatatayuan ng mapansin kung sino ang kanyang nabunggo.
"It's okay Jiha." tinapik siya ng Ginang sa balikat at ngumiti ito bago umalis. Sa pagkakataong iyon ay para siyang napilayan na hindi magawang makalakad ng maayos dahil sa bigat na kanyang naramdaman. Ngunit pinilit niyang palakasin ang loob para sa kanyang mission.
Pagkalabas niya ng Restroom ay pinihit niya ang pinto ng bahay. Nilibot niya ang kanyang paningin at inisa isa ang mga CCTV na nakakalat sa loob ng bahay.
"Are you ready? na set mo na ba lahat?" tanong ng dalaga sa kausap niya sa earpiece niya.
"Sure! you can get inside." tuluyan na siyang pumasok at Umakyat siya ng hagdan upang tumungo sa 2nd floor ng mansion.
"Open the door to your right side. That's his Office." pagtutuloy ng babaeng nasa kabilang line.
Nang makapasok na ito sa loob. Hinalughog niya ito at tiningnan ang bawat files. Ngunit ni isa dun ay wala ang kanyang hinahanap.
"May nakikita ka pa bang ibang place na pwede niyang pagtaguan nun?" tanong niya sa kausap niya sa earpiece niya.
"Give me a minute." saad ng isang baba habang nagpipindot ito ng computer niya sa isang place na kung saan ay walang makakita sa kanya.
Habang busy siya sa paghahanap ng mga files sa isang drawer ay di niya sadyang mahagip ang isan vase at natumba ito at bumagsak sa sahig. Napatakip na lang siya ng kanyang bibig dahil sa pag alala baka may makarinig ngunit nabigla siya ng biglang umangat ang aparador palabas. May daan papasok sa loob nito.
"I got it." bulong niya habang pumapasok sa isang secret mini library na halos maluwa ang kanyang mata sa mga nakita. Wala na siyang sinayang na oras pa at hinanap ang isang file na gusto niyang kunin.
"Hurry! May papaakyat" Saad ng babae sa kabilang linya.
Napaupo ang dalaga sa damuhan ng talunin niya ang bintana mula sa second floor ng mansion. Nang maka recover ito ay agad siyang tumakbo palayo ngunit nasundan ito ng isang lalaki.
"Alexandra?!!!" sigaw ni Steven sa kanya kaya napahinto ito sa pagtakbo.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya na nakatalikod parin sa binata.
"Well! Dahil inimbitahan ako." at naiisip pa niya kung paano binigay ni Chief Chua ang invitation sa kanya at ang dahilan kung bakit nandito siya.
---
flashback
"What is this?" takang tanong ni Steven sa binigay sa kanya ni Chief Chua.
"Malamang Letter, naka sobre eh!" Pagsingit ni Perez sa usapan.
"CN you just zip your mouth!." sigaw sa kanya ni Steven na kinatahimik naman niya.
"Invitation letter for Birthday celebration of Angelo Sy." pagpapaliwanag ng Chief sa kanya. Habang napapailing sa mga mura ni Steven.
"Ayos! sigurado akong andaming chickababe dun Pre." singit ulit ni Perez sa usapan.
" Pwede ba Perez wag kang sumingit sa usapan. Lugar lugar din." saad ni Steven sa kasama.
" Okay! nagbibiro lang eh." habang napapupo sa upuan niya sa loob ng Office.
"Pwes! Walang biruang nagaganap dito. By the way Chief, bakit ba kailangan pati kami ay may imbitasyon dun sa party na yun?" tanong ni Steven habang binubuklat ang laman.
"Kailangan daw nila tayo dun." pagpapaliwanag ng Chief sa kanya.
"Bakit tayo? bakit di na lang ang mga police?" tanong niya ulit dito.
"Yun ang gusto nila kaya pupunta tayo dun, dahil parte din ito ng trabaho natin. Magmamanman tayo dun." saad ng Chief sa kanya at lumabas na ng Office niya.
---
Habang papalapit ang binata sa kanya ay Pinakiramdaman niya ang bawat kilos sa likod nito at nang mapagtantong malapit na ito sa kanya ay binigyan niya ito ng napakalakas na sipa dahilan upang matumba ang binata. Ginamit niya ang pagkakataong iyon upang tumakas.
---
"Good Job ladies. Muli niyo na namang pinasaya ang araw ko. by the way, I have good news for you. This few months you've done a good job So, The professor will give you some break. Wala munang mission this month. So you can have your vacation ladies"