Chereads / THE SHADOW OF FAITH / Chapter 2 - CHAPTER ONE (Life Before Death)

Chapter 2 - CHAPTER ONE (Life Before Death)

Many years later...

ALEX POV

I am just an eight years old girl, that was the last time I remembered that I have been into a family, a true family who loves me more than I love them. Si Dad, isa siyang politician at si Mom naman ay may sariling business. Siya ang CEO ng Villa Ysabelle Resorts and Casino. But it's just a nightmare thinking that we were so happy as a family if we were together every weekends. Weekends lang kami nagkakasama pero ang weekdays parang wala akong mga magulang sa bahay. Minsan lang kami nagkikita sa isang araw. Lahat sila busy. My dad always came home late" Hindi ko nga alam kung umuuwi pa siya kasi palagi na akong tulog pagdating niya. Si mom, maaga ngang umuuwi pero she has no time to take care of me! Palagi sabi niya pagod daw siya tomorrow na lang daw! Ako naman sa school lang ang ikot at sa bahay.

Iniisip ng iba, buhay prinsesa ako. Palaging nakasunod ang mga body guards at assistants. Mayaman nga, pero nakakasawa na rin ang ganitong buhay. Everyone stayed away from me. Bully kasi ako! Naghahanap ako ng makakalaro pero minsan natatakot sila sa mga body guards ko. Ayaw din ng PA ko na kung kani-kanino lang ako naglalaro. Kaya naiisipan ko minsan na umalis ng bahay na hindi kasama ang mga body guards ko. That was the first time I felt so happy and free from everything. Nagagawa ko lahat ng gusto ko at mapupuntahan ko ang lugar kung saan ang lahat ng bata ay na nandoon din. Sa isang park na maraming tao. I never been in this kind of place before.

"Kaya pala sabi ng mga kaklase ko maganda dito, So Cool! I love this place". Sabi ko sa sarili ko na sobrang saya.

"Mama-maaganda talaga dito!" sagot sa akin ng batang lalaki.

"First time mo ba dito sa park? Ngayon lang kasi kita nakita dito!" pahabol niyang tanong sa akin na tila ba ay problema siya sa pagsasalita.

"Yes! It's my first time." sagot ko sa kanya.

"Ako pala si She she, seven" pakilala nito.

"What?" Sarcastic kong tanong sa kanya. "Seven, as in number 7?"

Sa di kalayuan ay nagsidatingan na ang mga guards ko na tila hinihingal sa kakatakbo. Hinahanap na pala nila ako. Kaya sumama ako sa kanila pabalik ng bahay.

Simula noon, naging habit ko na ang pagtakas sa bahay. Isang araw, papasok na sana ako sa room nina Dad and Mom nang narinig kong nag-aaway sina Mom at Dad. Labis ang lungkot ko. Alam kong may problema sila. Kaya naisipan ko na namang tumakas a pumunta sa park. Pero wala si Seven doon. Mas lalo akong nalungkot dahil wala akong kasama. Umikot na lamang ako sa park. Sinubukang maglaro kasama ng ibang bata. Sobrang saya ko noon. Maya't-maya pa ay tumunog ang cellphone ko, si Daddy pala ang tumawag. Sinabi ko kung saan ako at sabi niya sa akin na susunduin niya daw ako. Kaya hindi ako umalis doon sa aking pinaglalaruan.

"Xandra!" Isang malaking boses ang narinig ko na tila takot. The voice is so familiar to me. I felt so bad that time, sobrang natakot ako. Samo't Saring kaba ang nararamdaman ko. At bago pa ako tumingin sa kanya, niyakap niya ako ng mahigpit. Si Daddy pala. Akala ko kung ok lang ang lahat, pero naririnig ko na ang ingay sa paligid, takot na boses ng mga babae na naghihiyawan. Tumatakbo na parang hindi alam kung saan sila pupunta. Sa mura kong edad, mas lalo akong natakot. Pero imbes na tumakbo hinintay ko na lang na kargahin ako ni Daddy at lumayo din sa lugar na iyon. Pero noong lumingon ako sa kanya, nakadapa siya sa damuhan. Ginising ko siya sa pag aakala na natutulog lang si Daddy, pero may dugo ang kanyang damit na puti. Tila hindi pa siya nakapagbihis mula sa trabaho at pinuntahan ako.

Iyak ako ng iyak at humihingi ng tulong, pero wala ni kahit isa ang lumapit sa amin. Ginigising ko si Daddy pero hindi na siya kumikibo. Kaya unti-unti akong naglakad papalayo sa kinahahandusayan ni Daddy. Unti unti ang lakad ko sabay punas sa mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko magawang sumigaw, at hindi ko rin magawang maging ok. Maya-maya pa ay dumating ang isang mama na nakaitim. At saka naman ako nawalan ng malay dahil sa matinding emosyon.

after three days...

"Ok na siya!" Sabi ng babae sa isang tinig. Kaya pinilit kong imulat aking mga mata para makita kung sino ang babaeng iyon.

"Ok ka na ba? Wag kang matakot!" salubong tanong nito sa akin.

"Nasaan po ako? Sino po kayo?" tanong ko sa kanila.

"Ako si Cattleya, kung gusto mo, pwede mo akong tawaging Ate!"

Hindi ko siya sinagot at tumingin sa aking paligid. Masyadong maputi ang kulay ng kwarto na iyon. Kaya nalilito ako kung nasaan nga ba talaga ako.

"Ate?"

"hmmm."

"Saan po tayo?"

Hindi ko alam kung nasaan ako. Pero noong lumabas ako sa kwartong iyon ay nanandoon ang mga babaeng magaganda at nagsasanay sa mga bata.

"Halika!" yaya nito.

"Ito ang Elysium Tower. Dito, magiging malakas ka. Tutulungan ka naming mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Daddy mo!"

Naalala ko si Dad sa park kaya hindi ko naiwasang maiyak at tumawag sa kanya. Kaya Kinaladkad ako ng isang babae papunta sa isang grupo kung saan pinapalo sila sa bawat maling ginagawa nila. Sa murang edad namin, isa itong torture.

"Anong ginagawa mo?" hindi pa siya maayos, kaya wag mo siyang piliting makipaglaban." Awat sa kanya ni Ate Leya.

Kaya binitiwan ako ng babae.

"Dito, Tinitrain kami sa umaga ng iba't-ibang armas panglaban at sa gabi naman ay nag-aaral ng iba't-ibang bagay. Tinuturo sa amin kung papaano magcyber hacking, Tinuturo kung papaano gagalaw na parang isang malakas at hindi natitinag na babae. Tuturuan kayong makipaglaban sa kapwa niyo bata. Mas mahirap ka kaysa sa training ng lalaki ang ginagawa ng bawat isa dito. Kaya dapat palagi kang alisto Alex" paliwanag ni Ate Leya sa akin.

"Sa unang screening ay sineseparate ang malalakas sa mahihina. Kung malakas ka at mahusay sa pakikipaglaban ay ilalagay ka nila sa burgeon building kung tawagin. Isang building na kung saan lahat ay nakikipagpatayan upang maging pinakamalakas sa lahat. Sila ang tagapagtanggol ng Elysium Tower. Ang hindi naman napili ay isescreening ulit at mag maqualify ay ilalagay sa diminish Building. Sila ang lalabas upang humarap sa mga taong target. At doon ako nabibilang. At ang naiwan ay iteterminate." Patuloy nitong paliwanag. Paulit-ulit ang ganitong proseso sa bawat batang makukuha nila.

Thirteen years after.

Nanaliti kaming nasa loob ng Elysium Tower. Ipinapakita sa amin ang buhay mula sa labas pero nanalitili kaming nabubuhay sa loob. Nanatili ako sa Diminish Building na iyon. Kahit alam ko na kaya ko, hindi ako lumalaban ng palakasan dahil sa nais kong makaalis sa lugar na iyon. Isa rin sa sumusuporta sa kagustuhan ko ay si ate Leya. Isa rin siya sa mga Diminish Lady. Ang mission niya ay ang lumaban sa labas ng mundo naming ginagalawan. Alam ni Ate kung ano ang totoong nangyayri sa loob at labas ng Tower. At lahat yun ay ikinwento niya sa akin.

Hindi ko pa rin malilimutan ang nangyari kay Daddy. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban ako sa buhay. Ngayon, malinaw na sa akin na pinatay si Dad ng hindi ko nalalamang kalaban. Gusto kong maghanap ng hustisya para sa Daddy ko. Gusto ko nang lumabas sa lugar na ito, gusto ko na ring makita si Mommy. Sa tinagal tagal ng panahon, hindi ko na alam kung buhay pa siya.

Habang nagkukulitan kaming lima sa loob ng room ay biglang Ipinatawag kami sa isang pagpupulong at Inihanda kaming lima para sa isang misyon. Pero bago iyon, isinalang kaming lima sa isang pagsubok. Sina Danielle, George, Dominique, Gabrielle at ako. Pagsubok kung kakayanin ba namin makipaglaban sa mundo kung saan mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa buhay niya.

Sabay-sabay kaming tinawag sa Battle section ng Tower. Habang ina-announce ni Madam Striker ang rubrics ng laban. "Kill your oponents or you may die!" sa sinabi niya, nanginig na agad ang mga tuhod ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi maaari. Dahil kung gagawin ko iyon mas lalo lang mapapaikli ang buhay ko. Pagpasok namin sa loob ay bigla naman bumaksak ang isang malaking bagay sa aming likuran, muli pala nilang isinara ang pintuan ng Battle Section para hindi kami makatakas. Doon na nakaabang ang mga warrior ladies o mas kilala sa pangalang legions. Sila ang sasanay sa amin upang maging mas lalong handa. Lima kaming pumasok sa area kaya dapat lima rin kaming makakalabas doon. Ang kailangan lang naming gawin ay ang magtulungan upang matumba ang kalaban.