ALEX POV
Maaga pa lang ipinasuot na sa amin ang itim na leather na damit. Inihanda na kami para sa isang laban. Magkakasama kaming lima hanggang sa dumating naman ang ibang babae upang tutulong sa amin. Sumakay kami sa isang SUV papunta sa target. Habang patuloy naman na binibigay ni Madam Striker ang instructions para sa misyon.
Lakas na kapit ng preno, nakakahilong galaw ng sasakyan. Nakakatakot na eksena ang aming naranasan ng biglang humarang ang sasakyan namin sa gitna ng kalsada. Inihanda kami sa aming kanya-kanyang pwesto upang tambangan ang sasakyan ng mga militar papuntang Mindanao. Nakapanindig balahibo ang mangyayari. Pero nilakasan ko na lang ang loob ko dahil alam kong wala akong magawa, napalitan naman ng takot ang kaba makalipas ang ilang oras sa kakaabang sa kanila.
Pagkarating ng sasakyan ng mga militar ay agad itong pinulanan ng bala ng mga kasamahan ko, wala silang awang pinagbabaril at walang itinira kahit na isa. Kinuha naman ng iba ang truck na may lamang mga baril at dinala sa Tower.
STEVEN'S POV
"Isang ambush ang humarang sa mga militar na magdadala sana ng mga armas papuntang Mindanao. Umaabot higit kumulang 2.5 billion pesos ang halaga ng mga high end weapons ng Truck na siya namang tinangay ng hindi kilalang grupo. Wala ring nakaligtas sa naturang engkwentro kabilang na si Gen. Antonio Del Torre. Inaalam pa rin ng p uturidad kung ano ang motibo ng pag-aambush!" balita ng newscaster sa tv.
"Grabe naman, Sigurado akong malalakas na grupo ang nakalaban ng mga militar. Akalain mo nga naman pati si Gen. Del Torre hindi nakaligtas sa kanila." paliwanag ni Detective Perez habang nakaupo sa mesa ko.
"Hindi kaya mas malakas ang loob mong umupo diyan sa mesa ko?" pabiro kong sagot sa kanya.
"Hindi ah! Sa totoo lang sino kaya ang may tapang na gawin yan! Hindi kaya yung mga rebelde sa Mindanao? Alam naman natin na mainit ang gulo doon ngayon di ba?" pahabol nitong sabi.
"Maaari! Pero papaano nila natiktikan na may paparating na ganoon kadaming armas? At alam pa talaga ang eksatong lugar kung saan sila tatambangan!" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa litrato ng anak ni Mrs. Ysabelle.
"Anyway, Sir. May bago na bang update sa case na yan?" tanong sakin ni detective Perez. Actually, bukod doon sa nasagap kong information parang wala pa rin akong makitang mas matibay na ebidensiya.
"Wala pa." tipid kong sagot sa kanya.
"Can you please go back to your desk? Magtrabaho ka na. rin, Hindi yung puro kalukuhan yung inaatupag mo." Pambabara ko sa kanya.
"Sabi ko nga Sir, at magtatrabaho ako ng mabuti. Sayang naman ang sahud ko dito kung wala rin lang naman akong silbi." saad niya habang naglalakad papuntang desk niya.
"Congratulation Perez! buti naman kahit ngayon lang natauhan ka." Asar ko sa kanya at binaling na lang ang attention sa picture na hawak ko. In fairness maganda pala ang batang 'to kung titingnan mo ng maigi. Nakakaakit ang kulay brown nitong mga mata. Pinilig ko na lang ang ulo ko. Ano ba itong iniisip ko.
Kung may connection nga ang pagpatay kay Sen. Timm at sa pagdukot sayo, at konektado rin dito ang pagpatay kay Ms. Grey. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Maaring ang kaso ni Miss Grey ang magiging daan upang mapadali ang paghahanap ko sayo Miss Alexandra.
---
Habang nasa kalagitnaan ako ng daan, dala ko ang aking motorbike. May napansin akong isang kotse na sumusunod sakin pagtingin ko sa side mirror ng hike. Noong una akala ko kung nakabuntot lang ito dahil sa traffic, pero nang ikinanan ko na ang motor patuloy itong nakasunod. Nag-isip na agad akong may mutibo ang may dala ng kotse kaya Pinaharorot ko ang aking motor at nang may nakita akong isang eskinita sa bandang unahan. Lumiko ako doon at dali-daling bumaba ng aking motor, kinuha ko ang 9mm kung baril sa tagiliran at kinasa ito habang nagtatago sa isang gilid. Bigla naman silang tumigil at bumaba ng kotse. Di nga ako nagkamali, sumusunod nga sila.
"Sir nawala." sigaw ng isang lalaki na may hawak rin baril.
"Mga gonggong! Diba sabi ni boss bantayan niyo siya ng maigi?" saad ng lalaking naka pants and leather jacket na black with earpiece.
"Boss, nawala siya sa paningin namin." sabay pindot sa earpiece niya.
"Yes Boss! " yun na lang ang narinig ko at tuluyan ng umalis ang mga armadong lalaki. Bantayan? Boss? Sino ba sila at bakit ako sinusundan?
---
"Ano ba Marven! Hindi ka ba talaga titigil sa trabaho mong yan? Hindi mo man lang ba kami iniisip ng anak mo?" sigaw ni Mama kay Papa.
"Kaya ko nga ginagawa ito para sa kapakanan niyo Stephanie. Dahil ayaw ko kayong madamay dito." Pagpapaliwanag ni Papa kay Mama habang hinahawakan nito ang dalawa nitong balikat. Hindi ko na kinaya pa ang makitang nag aaway ang mga magulang ko kaya umalis na ako ng bahay at pumunta muna ng Park.
Papauwi na sana ako nang madaan ko ang park kung saan ako lagi noong bata pa kaya naisipan kong magpahangin muna dito. Naglakad lakad lang ako dito dahil maganda ang sinag ng buwan na sumasabay sa mga ilaw galing streetlights.
"Kaya pala sabi ng mga kaklase ko maganda dito, So Cool! I love this place". Sabi ng isang batang babae na parang ngayon lang nakapunta nang Park.
"Mama-maaganda talaga dito!" sagot ko sa kanya. bakit ba ako nauutal?
"First time mo ba dito sa park. Ngayon lang kasi kita nakita dito!" Pahabol kong tanong sa kanya. Parang enosente kasi ang mukha.
"Oo" tipid niyang sagot sakin. Ang ganda talaga niya. Nakakaakit ang mga mata.
"Ako pala si She she, seven" pakilala ko dito. Nauuutal na naman ako.
"What?" Sarcastic niyang tanong sa'kin "Seven, as in number 7?" bingi ba 'to? may problema ba sa pandinig o sadyang mali lang ang pagkasabi ko?
sasagot na sana ako sa kanya nang biglang dumating ang mga body guards niya. Ang dami pa. Mukhang mayaman talaga, parang isang prinsesa. Umalis na sila na hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
Napabalik ang diwa ko nang may biglang magsalita sa likuran ko.
"Kahit isang langgam ay wala kang makikita jan." Tumingin ako sa kinaroroonan ng boses. Ngayon ko lang napansin na sa sobrang pagmumuni ko ay nakayuko pala ako na parang may hinahanap. Pinuntahan ko ang babae na nakaupo sa isang bench. Naka shirt and pants ito with matching boots pa, naka shades at nakapatong sa mga braso ang jacket niya. Curly long hair na winagayway lang.
"Ang ganda talaga dito noh?" pag iiba ko ng usapan. Habang sinusuyod ng tingin ang buong Park.
"Kahit gaano pa kaganda ang makikita mo sa isang lugar kung masama naman ang naging karanasan mo dito. Hinding hindi mo ito magagawang maaappreciate." bungad niya sakin. Habang inaayos ang kanyang shades.
"Tama ka naman pero bawat tao may kanya kanyang karanasan sa iiisang lugar. May mga happy memories na binubuo sa lugar na iyon. May mga hindi magandang bagay rin na nararanasan. Ngunit magagawa mo paring maappreciate yun kung kalimutan mo ang masamang karanasang nangyari at gumawa ulit ng masasayang moments sa lugar na iyon. Accept the past, face the present and prepare for the future also." saad ko pa sa kanya. Waaaahhh!!! haba nun ah?
"Yeah! other people say that, cause they don't even experience chaos in their lives. Hindi natin matatanggap ang nakaraan kung hindi pa ito tapos. Tatanggapin ko lang masamang alaala sa isang lugar kung mahanap ko na ang naging dahilan nito. Malay mo sa pamamagitan noon, bumalik ang paghanga ko sa lugar na ito." Saad niya at tumayo upang umalis, ngunit hinawakan ko ang braso niya dahilan upang mapatigil siya.
"Are you leaving? Di mo man lang ba tatanungin kung sino ang kinakausap mo?" tanong ko sa kanya pero hawak ko parin ang braso niya. Tumayo ako at napalapit ako sa kanya. Parang may ibang sensasyon akong naramdaman sa kanya. Parang ayaw ko siyang bitawan sa di malamang dahilan.
"Why should I need to know who am I talking with? Most of all, You don't knew me. So, don't even ask my name if you care about your life." I can't imagine how she lost so easily, eh lumingon lang naman ako sa kabila habang nakikipag-usap sa kanya. Nilinga linga ko pa ang aking mata sakaling makita ko pa siya ngunit ni anino ay wala na akong makita.
ALEX POV
"Good job Ladies!" sabay palakpak ni Madam Striker sa 'min nang makarating kami sa Liberty Operation.
"Since the Victory is ours. Let's have a break for a while. Do what you want to do with your life. If you prefer to do nothing, then it's better for you to kill yourself." we smirked for what the devil said.
"Next week pa ang next target. So, please be prepared. We will update you for other informations. Is that clear ladies?" Pagpatuloy niyang turan.
"Yes, Madam!" chorus naming sagot.
"Good. Dismissed!" pag end niya ng meeting.
Nakahiga na ako nang kama ko ngayon, ngunit hindi talaga ako makatulog. Bumangon na lang ako at nagpalit ng simpleng shirt and jeans lang. Kinuha ko ang Jacket ko at sinuot ito. Kinuha ko ang motorbike ko at sumampa para pumunta ng Park.
Sa kalagitnaan ng magandang sinag ng buwan na sinasabayan ng mga lights galing ilaw ay makikita mo ang kagandahan ng Park. Umupo ako sa isang Swing doon.
"Kaya pala sabi ng mga kaklase ko maganda dito, So Cool! I love this place". Sabi ko sa sarili ko na sobrang saya.
"Mama-maaganda talaga dito!" sagot sa akin ng batang lalaki.
"First time mo ba dito sa park. Ngayon lang kasi kita nakita dito!" pahabol niyang tanong sa akin na tila ba ay problema siya sa pagsasalita.
"Oo" sagot ko sa kanya.
"Ako pala si She she, seven" pakilala nito.
"What?" Sarcastic kong tanong sa kanya. "Seven, as in number 7?"
"Seven?" tanong ko sa sarili. Sino kaya ang batang yun? Bakit di ko na siya nakita nung bumalik ako dito? Umalis ako sa Swing at umupo na lamang sa isang bench.
"Xandra!!!" sigaw na boses ni Dad ang paulit ulit na pumapasok sa utak ko. Itong park na ito ang bumago ng buhay at pagkatao ko. Ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Isang mamamatay tao. Ang isang lugar na maganda ang anyo ngunit binabalot ng dilim sa aking isipan.
Nakakita ako ng isang bolto ng isang lalaki, Matangkad at medyo may kapayatan din naman pero bumagay din sa kanyang katangkaran. Naka black leather jacket, pants at white shirt. Parang may hinahanap o nag iisip din tulad ko?
"Kahit isang langgam ay wala kang makikita jan." Tingnan ko nga kung anong gagawin ng lalaking ito.
"Ang ganda talaga dito noh?" pag iiba niya talaga ng usapan ah. Habang sinusuyod ng tingin ang buong paligid.
"Kahit gaano pa kaganda ang makikita mo sa isang lugar kung masama naman ang naging karanasan mo dito. Hinding hindi mo ito magagawang maaapreciate." sagot ko sa kanya sa malamig na boses.
"Tama ka naman pero bawat tao may kanya kanyang karanasan sa iiisang lugar. May mga happy memories na binubuo sa lugar na iyon. May mga hindi magandang bagay rin na nararanasan. Ngunit magagawa mo paring maapreciate yun kung kalimutan mo ang masamang karanasang nangyari at gumawa ulit ng masasayang moments sa lugar na iyon. Accept ta past, face the present and prepare for the future also." saad niya. good adviser pala tong si tsung. paano ko tatanggapin at e appreciate ang lugar na ito kung dito namatay ang Dad ko?
"Yeah! other people say that, cause they don't even experience chaos in their lives. Hindi natin matatanggap ang nakaraan kung hindi pa ito tapos. Tatanggapin ko lang masamang alaala sa isang lugar kung mahanap ko na ang naging dahilan nito. Malay mo sa pamamagitan noon, bumalik ang paghanga ko sa lugar na ito." Saad ko sa kanya at tumayo upang umalis na sana ngunit nabigla ako ng hinawakan niya ang braso ko.
"Are you leaving? Di mo man lang ba sasabihin kung ano pangalan mo?" tanong pa niya sakin. Lalo siyang lumapit sa likuran ko dahilan upang manghina talaga ako. Parang wala akong lakas upang hilain ang kamay ko sa kanya.
"Why do need to know? anyway, I'm just an ordinary girl. So, don't even ask my name if you still care about your life." At nang tmalikod siya upang tumingin sa di kalayuan ay bigla na lang akong umalis. Mas mabuti na rin yun kaysa sa magpapaalam pa ako sa taong di ko naman kilala.
Tuluyan na akong sumampa sa motorbike ko at iniwan ang lugar na iyon.