One last time and I'll go. I promise.
Patuloy kong sinusundan ng tingin ang isang babaeng naglalakad ngayon. My last target for the day. Ilang metro ang layo ko mula sa kanya kaya hindi niya halos maramdaman ang patago kong pagsunod sa kanya.
Abala ito sa kanyang pamimili at dahil na rin sa sobrang dami ng taong nandito ngayon sa pamilihan ay walang nakapansin ng paglapit ko sa kanya. Sa loob ng isang oras na pagsunod ko sa kanya ay nabasa ko na agad ang mga galaw nito.
Dahil sa marami itong binibili, at maya't maya ang paroon nito, inilalagay niya ang kanyang pera sa isang bulsa kung saan madali niya lang ito makuha.
Just target the pocket on her bag and get over it.
Pasimple kong nilabas ang maliit na dagger ko habang palapit ako nang palapit sa kinaroroonan niya. Kasalukuyan na itong namimili ng mga gulay at prutas. This is my perfect chance.
Mabilis kong nilakad ang kinaroroonan niya. I slowed down a bit nang isang metro na lang ang layo ko sa kanya. I smoothly sliced my dagger unto her bag nang tumapat ako sa kanya.
"Excuse me po", napalingon ito sa gawi ko. Isang ngiti lamang ang iginawad ko na kanya naming sinuklian. Nang makadaan ay dali dali akong naglakad palayo sa kanya nang hindi ito nililingon.
Hindi ko mapigilang mapangisi habang binibibilang ang nakuha ko. Hindi pa man ako nakaka-isang araw ay punung puno na agad ang bulsa ng suot kong pasirang coat. Maliban sa mga pera, nakakuha rin ako ng mga relo at ibang alahas ngayong araw.
Naalarma ang sistema ko nang makaramdam ng isang presensya sa paligid. Hindi ko ito nilingon at nagkunwaring abala pa rin sa pagbibilang. Sa paglapit nito, naramdaman ko ang akma nitong paghawak sa akin kaya naman bago pa niya ito magawa, ay agad ko nq itong hinawakan saka pinihit patalikod. I am expecting it t[o see a random kid here but I was wrong.
"Kamusta, Red?"
Isang nakangising lalaki ang tumambad sa akin. Kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko rito na ikiningiwi niya. Ares Miran. Another thief.
"Anong kailangan mo, Ares?"
Marahas ko itong binatawan na halos ikasubsob niya sa lupa. Nang makatayo ng maayos ay natatawa itong bumaling sa akin habang nakataas ang dalawang kamay. "Sobra na yan, Red!"
I crossed my arms and raised my eyebrow. "Bakit ka nandito?", tanong ko.
"Masyado kang hot!", nang-aasar na balik nito na mas lalong ikinakunot ng noo ko. Nang mapansin ang kawalan ng reaksyon ko, tumikhim ito saka muling nagsalita.
"I have a plan"
"Ano?"
"We're going to the academy", a sinister smile plastered on his face and I am not liking it. Knowing Ares, kapag sinabi niya ay gagawin niya. No matter what happens. And if you want to trust someone, Ares is the last on the list. Sa pagkakakilala ko sa kanya, alam ko na ang kulo at liko ng bituka nito. Napaka-tuso nito pagdating sa mga ganitong bagay.
"You know you can help us"
This is not the first time he asked me in his escapades. He's one of the most wanted peculiar in Arilia dahil sa mga paglabag nito sa batas. Unlike me, malalaking mga tao ang kaniyang pinagnanakawan. Kung kaya't mas malaki ang mga nakukuha nito mula sa pagnanakaw.
Ako naman ang napangisi sa kanya. "Not interested", I just shrugged and walk away.
++++
Padabog kong inilapag sa harap ni Mama ang hawak hawak kong itim na bag. Naglalaman ito ng lahat ng mga nanakaw ko sa araw na ito. Walang sabi nitong binuksan ang bag saka ako sinipat ng tingin.
"Ito lang?", nang-uuyam na sabi nito.
"Dadagdagan ko bukas---"
"WALANG KWENTA!", malakas na sigaw nito na may kasabay pang pagbagsak ng dalawang kamay.
"Kahit kalian talaga ay wala kang silbi", nanatili akong nakatayo sa harapan nito habang tinatapon sa akin ang mga perlas na nanakaw ko mula sa isang tindahan ng alahas. Umiling lang ako saka hinubad ang coat kong madumi at malapit ng masira.
"Bukas ay babalik ako para magbigay ulit", tanging sambit ko. Pero tila wala ng pakialam si mama sa akin. Biglang itong tumayo at naglakad papasok ng kwarto. Well, that's life. Isang buntong hininga na lamang ang aking ginawa nang makarinig ng isang malakas na pagkalabog ng pintuan at naiwan akong mag-isa dito sa labas.
I just realized it's already dark at tanging ang mga ilaw lamang mula sa mga kabahayan ang nagsisilbing liwanag sa buong Arilia. Walang buwang tumutunghay ngayong gabi at tanging ang mga bitiun lamang ang makikita sa kalangitan.
Muli akong naglakad palayo sa aming tirahan. Hindi ko alam kung ilang oras ang nagdaan bago ko nakita ang hinahanap. I stopped in a small house. Ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay isang boses na ang aking narinig.
"Kelan ka ba titigil sa pagnanakaw?"
Napatigil ako sa pagmamasid masid nang marinig ang boses ni Adrianna mula sa likuran. Pinagpatuloy ko lang ang pagbibilang ng mga bituin at hindi sya nilingon. "Hindi ko alam. Baka bukas o sa susunod na araw. O baka hindi", ang tanging naging sagot ko.
Adrianna is against with it. Ever since, mariin niya ng tinututulan ang ginagawa ko. I know it's bad and against the law but it's my life. At kahit ako, hindi ko rin kayang sagutin ang tanong na iyan. Kelan nga ba ako titigil?
Nabuhay ako sa pagnanakaw, baka sa pagnanakaw na rin ako mamamatay.
"You know it's against the rules, Red! Matinding kaparusahan ang ibibigay sayo kapag nahuli ka"
"But I didn't"
"HINDI PA! HINDI KA PA NAHUHULI! PERO PAANO KAPAG---"
"Wag mo akong alalahanin. I can handle myself", natahimik naman sya sa sinabi ko. As much as I want, ayoko sanang may naga-aalala sa akin. I don't want to have the accountability of keeping myself safe for them.
I am just no one. And someone like me is bound to disappear. And when I'm gone, no one will remember I exist. That's how my life should be.
Meanwhile, Adrianna is totally my opposite. She's a Four and I'm a Five. She lives with her moral and principles. She never tolerated wrong doings. Ganyan sya kabuting tao. Sadyang ako lang ang matigas ang ulo at hindi nakikinig sa kanya.
How ironic it is, that she herself is a member of Arilia's council. Isang organisasyon kung saan sila ang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong lugar. Sila ang humuhuli at nagbibigay parusa sa sinumang lumabag sa batas.
"Just because you have your ability, you don't need saving. Dapat mas maging maingat ka. Isang maling kilos mo lang ay maaari kang maparusahan. At alam mong hindi mo ito magugustuhan"
Tuluyan ko na syang hinarap. Dark circles are now evident in her eyes. Ilang gabi rin siyang hindi nakakauwi dahil sa kanyang trabaho at problema sa council. Gayunpaman, hindi mo mahahalatang mas matanda ito sa akin ng pitong taon.
"Get some sleep, Adrianna. You look like a mess", nakangisi kong sabi sa kanya. And an instant, napalitan ng pagka-asar ang seryoso nitong mukha.
"Hindi ka nakikinig sa akin", and now she's back at her childish nature. Nakasimangot na ito while rolling her eyes. "I told you. You can always leave your house and stay with me. You don't need to do this anymore", she looked at me with concern.
"Kaya ko ang sarili ko. At least I have something to protect myself. Unlike you, who only have", sinadya kong bitinin ang sasabihin ko nang makitang nakataas ang kilay nito.
"...guns", dagdag ko pa na mas lalong ikina-asar niya.
Welcome to Arilia – a district in Euthoria where humans and peculiars co-exist. It's very odd to see a human and peculiar interact since there's a huge gap between the two. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa to break the norm since Adrina is a mortal while I'm not
Ang Arilia ay isang maliit na nayon sa Euthoria. Dahil sa nangyari sa nakaraan ay nabuksan ang portal ng mortal realm. At mayroong mga mortal ang nakapasok ng Euthoria. That explains why most of building structures, architectures are so mortal-like.
"Ugh! I'll sleep na. I don't want to talk to you", I smiled triumphantly nang ito na mismo ang sumuko sa aming dalawa. Typical Adrianna, laging pikon sa usapan namin. Ngunit agad ding nawala ang ngisi ko nang lumingon ito ulit and raise her finger. "Remember what I told you, Red. When the time comes, I can't help you. Don't forget to lock the door", pahabol pa nito saka dire-diretsong umalis.
Kinuha ko ang ginusot kong papel kanina sa aking bulsa at muli itong binasa. Nakuha ko ito nang maglabas ng panibaging announcement ang council bayan.
1000th Year of Euthoria.
In line with the celebration of Euthoria's 1000th year this coming summer solstice, Town's Annual Festival will start two weeks from now.
People of Arilia, you are advised to prepare for the said event. And in behalf of the 12th Council, we hope that you will enjoy their visit and take this opportunity to attend the Town's Festival.
Signed by:
Council of Arilia