Chapter 5 - 3rd HOUR

Sinalubong ako ng malakas na tugtog at nakakasilaw na ilaw pagpasok na pagpasok pa lang ng Kalas, ito ang pinakamahal na bahay-inuman sa buong Arilia. Pagmamay-ari ito ng pamilya Spencer, a family of mortals who is known in Arilia for owning a lot of businesses.

Every night is always the same for this place. Maingay. Magulo. Base sa mga kwento ng Pamilya Spencer, mas malala pa raw dito ang mga makikita sa mortal realm, which fed up my curiosity. I always wonder if what we have today ay parehas lang din ng mga makikita rito sa Arilia, well except for the abilities of course. Tanging ang mga mayroong malalakas na ability lamang kasi ang pwede makapunta doon. In short, ang mga estudyante ng academy lamang ang may kakayahan nito.

Umikot ang mata ko sa buong lugar, trying to spy another target for tonight. It's still my first time here kaya medyo kinakabahan ako but, it's always now or never. Pinagtitinginan ako ng lahat nang makarating ako sa looban nito. Mabuti na lamang ay wala ring humarang sa akin dahil sa abala sila sa kani-kanilang mga ginagawa.

Napagdesisyunan kong maupo sa pinakamadilim na sulok na nakita ko. Tamang tama, walang makakapansin sa gagawin ko kapag doon ako pu-pwesto.

"Slave, eh?"

Isang lalaki ang nakabungisngis na lumapit sa akin. Malayo pa lamang ay amoy na amoy ko na ang alak na nagmumula sa bibig nito. Tahimik kong inobserbahan ang paligid kung nakakakuha na ba kami ng atensyon. I sighed nang mapansing mukhang wala pa naman.

"Hindi ka nababagay rito"

He looked at me with disgust. Siguro ay napansin niya ang luma at punit punit ko ng suot na coat. Isama mo pa ang butas kong sapatos. Kahit saang anggulong tingnan, isinisigaw ko ang pagiging isang slave.

Nagsalita pa ng nagsalita ng kung anu ano ang lalaki. Hindi ko na ito pinapansin dahil sa ayokong makahanap ng gulo at baka may makapansin pa sa akin. Nanatili itong nakatayo sa gilid ko. Minsan ay dinuduro duro nito ang ulo ko. I tried my best na hindi patulan ang lalaking ito kahit sa totoo lang ay kating kati na ang mga kamay kong sapakin siya. Laking pasalamat ko ng umalis na ito.

Mas dumami pa ang mga tao habang lumalalim ang gabi. Kaya mas naging alerto ako sa paligid. Mahigit isang oras na rin akong nandito pero wala pa rin akong nahahanap. Maling desisyon ba ang hindi ko pagsama kay Ares? That man knows how to socialize better than me.

I just need to stick to my plan. Oh well, I didn't have a plan at all.

Tumayo ako mula sa pwesto ko. Sitting here would take me longer bago pa man ako makahanap ng pwedeng maging target. I need to walk, roam around and act as if I'm possessed just like the others dancing at the stage. I need to blend.

"Red?"

I froze at my spot. I know that voice. No, no, no! It can't be!

"Adrianna"

Fuck. This is harder than I expected.

Few tables away from me is Adrianna and her friends from the council. They were five, enjoying their drinks. I mentally cursed myself kung bakit dito pa ako dumaan! Nagtataka ang mata nito nang tumingin ako kaya bago pa man ito magtanong ay nagsalita na ako ulit.

"Nagpapahangin lang ako"

"Who's that Adri?"

"Wait, is she a slave?", rinig kong tanong ng mga kasama nito but Adrianna seemed not to hear them dahil mataman itong nakatingin sa akin. Maybe she knows my plan? Or baka sinusubukan lamang ako nito.

Damn it.

"Stop it Riz. Kaibigan ko si Red", nakahinga ako ng maluwag nang ipagtanggol ako nito sa mga kaibigan niya. I thought she would argue with me dahil lang sa nakita niya ako rito.

"Pero aalis na rin ako Adrianna. Bye", madaling paalam ko rito saka dali daling tumalikod paalis. Naririnig ko pa ang tawag nito sa akin at mga tanong ng mga kasama nit okay Adrianna pero hindi na ako lumingon.

Naalala ko na naman ang naging pagu-usap namin ni Adrianna noong huli kaming magkita, isang linggo na ang nakakalipas.

"We found out one thing in common"

"And that is?"

"They are all peculiars"

Peculiars ang tawag sa mga naninirahan sa Arilia na mayroong ability samantalang mundane naman sa mga mortal. On the other hand, slaves and elites refer to the social status of a person – regardless kung siya ay isang mundane or peculiar. For my case, kahit na isa akong peculiar, I am a slave.

Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga sinabi ni Adrianna. Hindi alam kung nagkataon lang ba o sinadya talaga na ang mga nawawala ay mga Five. No one knows who the culprit is, not even a lead.

Napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang pagkainis. Nagsisimula na akong ma-frustrate dahil parang nagsasayang lang ako ng oras dito. Nakita pa ako ni Adrianna! The council is here! Madali lamang nila ako mahuli kung magkataon. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makalayo na ako sa pwesto nila. I passed a group of girls when I spotted someone.

A man wearing a simple jeans and polo leaned on the counter while talking to the girl na naka-assign doon. They were just few meters away from me. Maybe he's asking for drinks? He's back facing me kaya hindi ko Makita ang itsura nito. But something caught my eye. I stilled.

"Bingo", I smirked.

The man's wallet saying hi to me. Naka-expose na ito dahil naka-lean pa rin ang lalaki sa counter, waitin for a thief to come by. I looked at the man at mukhang busy pa rin ito sa pakikipagkwentuhan sa babae. Inayos ko ang suot kong coat saka naglakad palapit sa kaniyang pwesto.

Nang tumapat ako sa kanya ay maingat kong inangat ang wallet nito. Masyadong maingay ang paligid at distracted ang mga tao kaya wala masyadong nakakapansin sa ginagawa ko. In just a matter of second, I lifted the wallet out. Maingat ang ginagawa ko dahil kaunting galaw lamang ito ay mahuhuli niya ako.

"Ilang taon ka ng nagtatrabaho dito?"

"6 months pa lang po"

I sighed a relief when I heard them talking na nasundan pa ito ng halakhakan. Nang tuluyan ng makuha ang pakay ay agad koi tong itinago sa loob ng aking coat. Muli kong inikot ang tingin sa paligid to check kung may nakapansin ba or wala. Everything seems normal naman.

I walked, almost running at the comfort room. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang tao sa loob. Madali akong pumasok sa isa sa mga cubicle na nandoon at agad na umupo sa toilet seat.

Bumingo ka, Avery.

Unang tingin pa lang sa wallet ay halata na hindi isang mahirap ang napagnakawan ko. Ito na ata ang pinakamahal at pinakamabigat na wallet na nanakaw ko dito sa Arilia. Iniisa isa kong binilang ang laman nito at walang pagsidlan ang saya ko nang mga oras na ito. Sa tingin ko naman ay sasapat na ito para makaalis ako ng Arilia.

Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa loob nang mapagdesisyunan ko ng lumabas. It had been a long night at kailangan ko na ring magpahinga.

Ngunit lahat ng kasiyahan ko ay agad ring nawala. Binundol ng kaba ang dibdib ko sa nakita. Tila bato akong napako sa aking kinatatayuan. I never heard the door opened. A man in his leather jacket, leaning on the wall is looking intently to me. Naka-krus ang mga kamay nito habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.

"Sino ka?"

I tried so hard to remain calm at this situation. But instead of answering, nagmamadali itong lumapit sa akin. Parang may sariling buhay ang mga paa kong umatras. I though he would stop but he didn't! Tulouy tuloy ito sa paglapit sa akin hanggang sa tanging maramdaman ko na lamang ay ang malamig na marmol na tumatama sa likod ko. Akmang lilihis ako nang bigla nitong hinarang ang magkabilang gilid ko, trapping me between his arms.

I couldn't see his face because he's blocking the light. He's towering me while shooting fires at me thru his eyes. Walang mababakasan ng kahit na anong emosyon ang kanyang mukha. I couldn't read his eyes either. Mas lalo akong kinabahan nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, then stopped at my hands.

Fuck.

"Explain"