"GET OUT!"
"HINDI BAGAY ANG ISANG KATULAD MO RITO!"
Ito agad ang bumungad sa amin pagpasok. Isang babae ang ngayon ay nakaupo sa sahig. Magulo ang buhok, habang napapalibutan ng tatlong babae.
One thing why I hate to socialize is because of this whole thing. Those who are in higher class tend to look down on us all the time. I know na hindi talaga kami pwede sa mga ganitong pagtitipon but do they need to do this? Such a waste of time. I balled my fist nang makitang tinulak pa ito ulit.
"Calm down, Red. Mahuhuli tayo sa ginagawa mo"
I tried to breathe normal to avoid the ruckus. Paniguradong dudumugin kami ng marami kapag nalaman nila ang ginagawa namin.
Tinapik ako ni Ares saka tinuro ang isang upuan sa pinakalikod. Tamang tama ito dahil malapit ito sa pintuan na maaari naming labasan mamaya. Hindi kami pwedeng maabutan dito ng council at higit sa lahat ni Adrianna. Nahagip rin ng aking tingin si Lauren na ngayon ay nakaupo sa pangalawang linya ng upuan sa may gilid.
Nang makaupo kaming dalawa ay muli kong hinarap si Ares para sa magiging plano namin. "So here's the plan, after Lauren we'll escape. Work with the payment Ares. Make sure she'll pay"
Ilang saglit lang ay nakita na namin na tumatakbo ang babae papunta sa direksyon namin saka umupo sa tabi ko. Inaayos nito ang dala dalang gamit at mukhang aalis na.
"Isang babae na naman ng napahiya", nailing na bulong ni Ares sa akin nang makitang katabi ko na ang babae.
"Miss gusto mo sayo na lang?", I offered her my number. Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha nito sa sinabi ko. Mukhang ayaw pang maniwala but in the end, tinanggap niya rin naman. At least, bawas na iyan sa problema ko ngayon.
Bukas na ang birthday ni Adrianna and I want to give her something. Paniguradong hindi niya tatanggapin ang magiging regalo ko kung galing sa nakaw. That's why I thought of another way. Lauren will get into the academy she desires, then I'll have my gift.
"Ares, are you listening?", I asked but he just sshh-ed me. Nagtataka kong sinundan ang tingin nito but I see nothing but I can hear footsteps.
t first, it's barely audible hanggang sa palakas ito nang palakas. Ngayon ko lang din napansin na biglang tumahimik ang buong lugar. Hanggang sa nagsimulang mahati sa gitna ang crowd.
The footsteps are getting near.
"Holy shit. They are here", hindi makapaniwalang sambit ni Ares sa tabi ko.
"Sino?", balik kong tanong since I don't have any idea of what the fuck is happening here. Pero wala akong narinig na anumang sagot mula rito. Nanatili pa rin itong tulala.
I don't know but I feel the sudden tension when gorgeous men walked down the isle. They are both wearing their school uniforms I think. Hindi ko masyadong makita ang nasa bandang kanan na lalaki dahil natatakpan ito ng isa pa. Sa likuran nila ay isang babaeng kulay pula ang buhok na halos kaedad ko lang. She's literal a beauty as she walked alongside with these two.
Then, there is still someone walking behind them. Nakasuot ito ng kulay brown na coat. I think he's already in 30s.
They are just wearing their school uniforms but they have this effect to everyone! Halos lahat ng nadadaanan nila ay halos sinusundan sila ng tingin.
"The Euthoria's Academy is really here"
That fed up my curiousity. I looked at them closely. So, it means the Euthoria's Academy is going to be the panel for this year?
Nang makarating sila sa harapan ay sinalubong sila ng babaeng kausap namin kanina. Nakangiti itong nagsasalita sa harap ng tatlo pero wala man lang akong nakikitang kahit na anong emosyon.
Ilang saglit pa ay umakyat ang isa sa stage na nasa sa harapan habang may hawak ng mic ang babaeng bumati sa kanila. "Let's acknowledge the elites from Euthoria's Academy, Professor Collins"
Napuno ng bulungan ang buong hall. Elites? Bakit hindi ko ba agad naisip 'yon! Ibinigay ng babae yung hawak na mic doon sa Professor saka ito nagsalita.
For this year, it's the Euthoria's Academy who will choose. I bet mas marami ang magtatangkang makapasok ngayon doon.
I don't know I'll be able to see them in flesh. Kaya pala there's something different with the way the walk. It's as if charisma and tension combined---wait.
Did I just fucking compliment them?
Gawd. I want to pinch myself!
"Van Fiore never changed a bit. He's still hot!", rinig kong bulong ng katabi ko.
My brows burrowed. Dalawa lang naman ang lalaki ang kasalukuyang nasa baba ng stage. Nakatalikod ang mga ito sa amin. So, who the hell is Gin in these two?
"Ares", untag ko. "Who's the Van guy there?", na agad namang ikinangisi nito.
Fuck. Mukhang iba na naman ang dating ng tanong ko sa jerk na to.
"Crush mo?"
"Jerk"
"Weh? Crush mo eh", tumatawa pa nitong asar habang unti unting lumapit sa akin.
"LUMAYO KA NGA!"
I crossed my arms at hindi na ito kinibo kahit na patuloy pa rin itong nang-aasar.
Ilang saglit pa ay nagsimula ng magtawag ng mga pangalan. Lauren is number 25 kaya sigurado akong magiging okay na ang pakiramdam ko bago pa man sya tawagin.
Marami ang nagpakita ng kanilang mga abilities. Sunod namang tinawag si Lauren. Nakangiti itong pumunta sa harap at nagpakilala. Umikot ang tingin nito sa paligid, tila may hinahanap. Then, she stopped at our direction. Tanging tango lamang ang iginawad ko rito, as a sign that she can start.
I concentrated so hard para mapalabas ang ability ko, making it to look as if it were her own from a distance. Napuno ng hiyawan ang buong lugar ng biglang nagkaroong apoy ang kinatatayuan ni Lauren. Pati ang katabi kong si Ares ay nakisabay rin. Ngunit hindi pa nagtatapos ang pagpapakitang gilas, Lauren made an eye contact with me and an instant, nakuha naman agad nito ang gusto ko. Itinaas nito ang dalawang kamay at agad na nagkaroon ng kulay pulang apoy ang mga kamay nito, making the crowd wilder.
Nang matapos ay nagbow na ito saka bumaba pero hindi pa rin mawala ang malaking ngiti sa mukha nito. Looks like I did a good job there.
Tumagal ng halos anim na oras ang selection and I swear, pinilit ko na lang ang sarili ko na pigilan ang antok. Hindi ko alam na ganito katagal ang selection. Mabuti na lang ay walang nakahalata na binigay ko ang number ko sa babaeng katabi ko kanina. Nang matapos ang lahat ay muling inanyayahan si Professor Collins para magsalita sa harap.
"The student that we are looking for is someone whom we can trust. Someone who's ability can be an asset for the school. And someone who has the heart to be part of Euthoria's Academy. Now, let me introduce to you the Elites", that got my attention. Tumayo ang tatlo at sinamahan si Professor Collins sa stage at unang ibinigay ang mic sa babaeng kasama.
"Henrietta Aragon", the girl with the red hair stepped forward. Nagpalakpakan ang lahat ngunit nanatiling seryoso pa rin ang mukha nito. Ibinigay naman nito ang mic sa katabing lalaki na kanina pa pangiti ngiti.
"Mateo Salve", may pagkachinito ang isang to. He smiled a bit that made the crows go wild. At ang pinakahuli naman ang sunod na nagpakilala.
"Van Fiore"
Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. No wonder why everyone is head over heels with him now I had the chance to see his face. Just by looking, I can sense that he's arrogant and cold.
I was startled nang biglang dumako ang tingin nito sa gawi namin. Biglang nagtama ang mga mata namin.
Van Fiore is looking at me. No scratch that, his eyes are glaring at me.
Pansamantala akong napako sa posisyon while weighing his stares at me. I tried to maintain my posture at pinilit na lamang magfocus sa harap without looking at this Fiore.
"Okay ka lang?", mukhang napansin ni Ares ang pagkabalisa ko.
"Ares, let's get out of here", ang tanging nasabi ko sa kanya. I can't stay here anymore.
"Ares, come on!", untag ko sa katabi kong kupal na mukhang nage-enjoy na ngayon sa pinapanood. Shit, I knew this would come. Wala talagang maaasahan sa isang to.
++++
"Sino ka?"
I tried so hard to remain calm at this situation. But instead of answering, nagmamadali itong lumapit sa akin. Parang may sariling buhay ang mga paa kong umatras. I though he would stop but he didn't! Tulouy tuloy ito sa paglapit sa akin hanggang sa tanging maramdaman ko na lamang ay ang malamig na marmol na tumatama sa likod ko. Akmang lilihis ako nang bigla nitong hinarang ang magkabilang gilid ko, trapping me between his arms.
I couldn't see his face because he's blocking the light. He's towering me while shooting fires at me thru his eyes. Walang mababakasan ng kahit na anong emosyon ang kanyang mukha. I couldn't read his eyes either. Mas lalo akong kinabahan nang pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, then stopped at my hands.
Fuck.
"Explain"
Nagsimulang magkabuhol buhol ang dila ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya ngayong nahuli niya ang ginawa ko.
"I..I…", I tried to explain pero walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Magsasalita pa sana ito nang biglang bumukas ang pinto ng comfort room at pumasok ang dalawang babae. Nahinto sila sa pagtatawanan nang makita ang posisyon namin ng estrangherong ito.
"What the hell?", tanong ng isang babaeng kulot na may maiksing dress. Nilingon naman ito ng lalaki kaya kinuha ko ang pagkakataong 'yon na itulak siya ng malakas para makatakas.
++++
"Fuck"
Now it all dawned to me, the reason why he keeps on shotting daggers at me.
The guy who caught me was no other than Van Fiore.
A/N:
Hello there, humans!
Since classes will resume on Monday, hindi ko alam kung kalian ako ulit makakapag-UD. Para po sa kaalaman ng lahat, wala pon signal sa lugar na pinagtuturuan ko. So, nakakapgupdate lang po ako kapag bumababa na ako sa mismong city proper. I hope na kahit wala muna ako ay may magbasa pa rin nito. Thanks~