And now, days before the festival ay nagsisimula ng maging abala ang karamihan sa paghahanda para sa mga darating na bisita. Nagaganap lamang ang Town's Festival isang beses sa limang taon but what makes it more important is the 1000th year of Euthoria. Halos hindi mapirmi ang mga tao sa pag-aayos at paglalagay ng mga dekorasyon sa plaza.
"We can't accept you Miss Red"
Dalawang salita na siyang nagpabagsak ng balikat ko. Sa pangatlong pagkakataon, muli na naman akong nabigong maghanap ng trabaho.
"I'm sorry but we cannot afford to lost customers just because they are afraid"
I can still remember how the owner looked apologetically to me. Wala akong ibang magawa pagkatapos kundi ang tumango na lamang sa kanya at umalis.
"May nakita akong naghahanap ng pwedeng maging bantay sa isang tindahan sa bayan. Pwede ka doon!"
"Masyadong malayo dito ang sinasabi mo Lira. Wag kang mag-alala, kaya ko pa naman ang sarili ko", walang bahid na emosyon na sagot ko.
"Sasabihan kita pag may nakita akong trabaho na mas malapit just don't scare them, okay?", she gave me her assuring smile as always. Lira works as the council's messenger. She has the ability of teleportation, which I think suits her work.
Well, in my case, sadyang mahirap na talagang maghanap ng trabaho para sa mga katulad ko dito sa Arilia. Alangan namang mag-apply akong human torch. I rarely use my ability because of the threat it can make to others.
"Teka, totoo bang nagkita kayo ni Ares nakaraan?"
"Yeah"
"What? So totoo ang mga naririnig ko nakaraan?"
Naguguluhang binalingan ko ito ng tingin. How can I forget na maliit lamang ang Arilia at populasyon ng mga naninirahan dito. Halos magkakakilala lang ang lahat.
"Alam mong delikado, Red!"
"What? As if that was intentional! Siya ang lumapit sa akin and malay ko bang may nakakita sa amin!", pagpapaliwanag ko.
"Wait, hindi kaya may gusto siya sayo, Red?"
"What the fuck?"
I swear, kung meron man akong iniinom ngayon; malamang ay naitapon ko na ito dahil sa kadaldalan ni Lira.
"What are you saying?", matatalim ang tinging ginagawa ko rito.
"Hula lang", kibit balikat na sagot nito. Bigla akong natahimik sa naging litanya niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin kaya naman mas pinili ko na lang na tumahimik at hindi na dugtungan ang usapang ito.
"How's your mother?"
"As usual", mainit ang ulo at laging lasing. Walang ibang ginawa kundi ang magsugal maghapon.
"Bakit hindi mo sya iwanan? Wala ka na ring responsibilidad sa kanya. You can live with Adrianna, you know"
"Hindi iyon ganun kadali Lira"
"Pero—", mukhang may sasabihin pa sana ito pero nanatili na lamang na tahimik.
Pinagmasdan ko ang paligid. Mula rito sa burol na kinauupuan namin ay kitang kita ang kabuuan ng Arilia. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa ibang nayon ng Euthoria.
And then, an unending forest comes after. This unending forest looks like the Aliosa Forest I used to walk under the dangers of night. Ngunit walang nagtatangkang dumaan dito dahil sa mga mababangis na hayop na naninirahan dito.
"Darating daw ang mga taga-academy para sa Town's Festival"
"Alam ko", sagot ko nang hindi ito nililingon. Never in my life did I became interested with them. I've heard a lot of great stories about them, but none of it sees to amaze me. For me, they are just all the same.
I heaved a deep sigh saka nagsimulang magbunot ng mga damong nasa harap ko bilang pampalipas oras. Hindi ko alam kung ano na nga bang gagawin ko sa buhay ko. Siguradong hahanapan na naman ako ni Mama sa bahay pag-uwi.
Naging tahimik naman si Lira sa tabi ko ngunit makalipas ang ilang munuto, isang malalim na buntong hininga rin ang ginawa nito.
"Paano kung mag-aral ka kaya sa Euthoria. Malay mo. Sumali ka ng selection", Napahinto ako sa ginagawa pagkatapos siyang marinig. Nilingon ko ito at naabutang nakatanaw sa malayo. I almost laugh at her remarks, parang ang dali lang sabihin sa kanya na mag-aral.
"Alam mong walang lugar ang mga mahihirap na katulad natin jan, Adrianna", pabatid ko. That event is just for the rich. And us, commoners are not welcomed there. Never.
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan ni Lira. Tanging mga puno lang ang makikita mula rito. Walang nakakaalam kung gaano kalaki ang sakop ng kagubatan but according to the map, ang sentro na ng Euthoria ang makikita pagkatapos nito.
"Pero malay mo naman diba? Ikaw ang mapili"
"Ayokong makisama sa mga estudyanteng masadama ang ugali", ang tanging naisatinig ko.
"Grabe ka naman Red! Masyadong judgemental"
I rolled my eyes saka tumayo. "Bumalik na tayo sa baba", habang pinapagpag ang suot. "At ikaw, may pasok ka pa diba?", biglang nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. I smirked.
"Oo nga pala!", dali dali itong tumayo saka inayos ang mga gamit na bitbit nito. Sabay kaming bumaba ng burol at agad din itong nagpaalam sa akin nang makarating kami sa pamilihan.
Sa aking paglalakad lakad, isang malaking poster ang nakakuha ng aking atensyon. Litrato ito ng isang babae. Lizet Ferin ang pangalan. Sa taas nito ay ang mga letrang M I S S I N G.
Kailan pa nagkaroon ng ganitong insidente sa Arilia? Base sa mga impormasyong nakalagay, isa rin itong peculiar. At nawawala na sya mahigit isang linggo na.
"Parang dumadami na ang mga nawawalang babae sa Arilia"
Nangunot ang noo ko sa narinig mula sa mga babaeng katabi ko. So, hindi lang ito ang unang beses?
"Oo nga noh? Kung hindi ako nagkakamali mayroon ding nawawala noong nakaraang linggo"
Did I hear them right?
Kahit gustung gusto kong sumagot sa usapan nila at magtanong ay hindi ko magawa. So, I just tried my best to listen in their conversation.
Napag-alaman kong halos umabot na sa lima ang mga nawawalang babae mula pa noong nakaraang linggo. But that's it since wala man lang silang lead kung sino ang nasa likod ng mga ito.
"Missing? That's the fifth victim so far"
Nabaling ang tingin ko sa gilid ko nang marinig ang isang boses. Hanggang dito ba naman?
"You knew about this, Ares?"
Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. How come, he's aware that this shit exists!
Nakapamulsa itong ngumisi sa akin saka tumango kasabay ng pagkindat nito. I grimaced. "Tigil tigilan mo ako sa mga pagpapacute mo. Nakakasuka", tumalikod na ako at umalis. Maghahapon na at kailangan ko na namang maghanap ng mapagnanakawan. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong sumunod ito sa akin.
"Adrianna's birthday is coming", I stopped.
Ngayong sinabi niya ito, saka ko lang naalala ang malapit ng birthday ni Adrianna. That's second day of the Festival which is four days from now. Damn.
"And I have an offer"
"Shut up Ares! If it's about going to the academy, I'm ----"
"Of course! Ibang offer to"
That caught my attention. Right. Ares and his endless stupid offers. Ngayon ko lang din napansin na may mga iilang nakatingin sa amin. Fuck, attention. Matapos nitong ipaliwanag ang "offer" niya ay nagpaalam na rin ito sa akin. We are already getting attention and I don't like it.
"Anyway see you at the Town's Festival", ito lang ang sinabi saka naunang naglakad paalis. Mukhang napansin din nito ang atensyon na unti unti naming nakukuha. Kumaway pa ito habang papalayo sa mula sa kinatatayuan ko. Naiiling na lang ako. Minsan ay hindi ko maintindihan ang takbo ng isip ni Ares. Minsan utak matino, minsan naman ay utak magnanakaw.
I spent the remaining day jumping from one pocket to another. And the news about missing people still bothers me. I'm almost pre-occupied by the thought of it. Does Adrianna knew about it?
It's almost dark nang umuwi ako. And there, I saw Adrianna pacing back and forth habang kagat kagat ang dalirin nito. Tila malalim ang iniisip nito at hindi niya man lang napansin ang pagdating ko.
"Adrianna"
Anong ginagawa niya rito?
I saw the relief in her eyes when she saw me. Her face light up at mukha siyang nakahinga ng maluwag.
"Thank God! You're safe!"
"Anong nangyayari?"
Umiiling itong umupo sa pinakamalapit na upuang kahoy dito sa labas saka muling nagsalita. Tahimik na ang buong bahay at sa tingin ko ay tulog na rin si mama.
"Parami na nang parami ang nga nawawala", panimula nito.
Hindi na ako nagulat sa narinig because I've been thinking about it kanina pa.
"Is that the reason why you're so busy this past few days?", tanong ko at umupo na rin sa tabi niya. Tumango lang ito bilang sagot sa akin habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa paa nito. That's explains everything. Kung bakit ito halos inaabot ng gabi or minsan ay umaga sa council. Kung bakit ang mga mata nito ay halos lumubog na. It's because of the stress. At kung bakit tila hindi ito mapakali nitong mga nakaraan.
Looking at her state now, parang hindi ito ang babaeng nakasama ko sa burol kanina lamang. She's very serious and I can feel her fear.
"We found out one thing in common"
"And that is?"
"They are all peculiars"