Chereads / The Healing Angel / Chapter 8 - ANG MAPAIT NA PAG-AMIN

Chapter 8 - ANG MAPAIT NA PAG-AMIN

Tapos na ang meeting ng student council ay hindi pa rin mapakali si Jane sa kanyang inuupuan. Tayo rito, tayo kung saan-saang bahagi ng silid.

Hindi pa rin niya nakalilimutan ang nangyari noong nakaraang araw kasama si Miguel. Akala niya kasi ay magiging romantic ang kanilang date na tulad ng nabababasa niya sa mga libro. Kakain sa mamahaling restaurant at may hatid-hatid pa sa bahay. Siya nga lang yata ang nag-iisip na date yon.

Hindi rin niya masikmura ang kinain niyang isaw. Ewan ba niya at bakit kinain niya yon, siguro'y dahil gusto ito ni Miguel kaya gusto na rin niya.

"Nathan may tanong ako sayo." kinalabit niya si Nathan ang matalinong vice president na isang second year political science student.

"Yes?" tugon nito.

"Kayong boys ba, do you really like ihaw-ihaw o something na street foods?" tanong nito kay Nathan na agad naman siyang sinagot.

"Well, to be honest ahmmm... yes we like to eat street foods, we're not sure kung safe ito. Masarap naman siya, at mas magiging masarap siya kung kakain ka with your love ones or tropa." paliwanag ni Nathan.

"Ah. So it's all about bonding?"

"Yeah, sort of-- hmm why ask?" dudang tanong ni Nathan. He's too smart para malaman ang kinikilos ng isang tao, kung may problema ba ito or wala.

"Ah wala natanong ko lang. Sige na mag-lunch na ko bye!" paalam nito sabay tapik sa braso ni Nathan na matagal ng may pagtingin sakanya. Naghanda pa naman siya ng lunch box para sa kanilang dalawa.

Sa may canteen ay maingay ang usapan ng magkakaibigang Faye, Andrei at Sophia habang kumakain. Hindi na rin mapigil ni Andrei ang kilig dahil papunta sa table nila si Miguel na may dala-dalang maraming pagkain.

"Pwedeng maki-upo?" tanong ni Miguel.

Nagtinginan lang ang magkaibigan at tumango naman si Faye.

"Hi Miguel! Ako nga pala si Andrei ito naman si Sophia" bati ni Andrei habang ngumiti naman si Sophia at sabay abot ng kamay ni Andrei para makipag-shakehands.

"Hello! Anlamig ng kamay mo. Masyado bang malakas ang aircon?" sagot naman ni Miguel.

"Huh? Ahehe siguro nga..."

Tahimik lang na kumakain si Faye sa tabi habang pinapanood siya ni Miguel. Hindi niya napansin na nakaka-apat na rice na pala siya kaya bahagya siyang tumigil at tumingin kay Miguel.

"May problema ka?" nakairap ang mga mata ni Faye.

"May sinabi ba ko?" nagtaka at natawa naman si Miguel dahil hindi naman niya pinapansin ang pagkain ni Faye.

"Goods. Masarap kumain eh." sabay subo pa ng isa at kagat sa fried chicken.

Mas lalo pang tumahimik ang magkakaibigan nang makita nilang papalapit ang President at may dala-dala itong pagkain.

"Can I sit with you guys?" tanong nito habang umupo sa tabi ni Miguel. "Oo naman" sagot naman ng tatlo maliban kay Miguel.

"Faye, mauuna na pala kami ni Sophia hindi pa kami tapos sa project." ani ni Andrei na palihim na tumatawa.

"Hintayin niyo na lang ako girl patapos nakong kumain oh."

"Matagal pa yan eh. Babush!" at sa isang iglap ay naglaho ang dalawang kaibigan niya. Pambihira naman sa isip-isip niya, pakana na naman ng dalawa to.

"Mauuna na rin pala ko." tatayo na sana si Faye pero bigla siyang hinawakan sa braso ni Miguel.

"Di ka pa tapos kumain." pigil nito na nabalot naman ng ilang segundong katahimikan.

"Ah excuse me Jane pwede ka bang umalis saglit may pag uusapan lang kami ni Ate Faye." pakiusap niya kay Jane na tumango naman at umalis.

"Sandali nga Miguel, tayo? may pag-uusapan?" tanong ni Faye.

"Oo may mahalagang bagay ako na sasabihin sayo." nakatitig ngayon si Miguel sa mga mata ng dalaga.

"Ha? S-sige ano yon bilisan mo--" di maganda ang pakiramdam ni Faye sa sasabihin ng binata. Magco-confess na ba ito? Pero wala siyang nararamdaman ngayon para sa binata.

"I like you..." at nagulantang na nga ang utak ng dalaga ng marinig niya ito. Feeling niya ay hindi si Miguel ang na sa katauhan nito ngayon. Sigurado siya, na hindi ito si Miguel.

"Gusto kita Miguel pero hindi sa paraang gusto mo. Kaibigan lang ang tingin ko sayo, yun lang." paliwanag ni Faye na hindi makasasakit sa nararamdaman ng binata.

Masakit. Hindi maipinta ang mukha ng binata napaka-pait nito.

"Pero maghihintay ako! Hihintayin kita, papatunayan ko na gusto talaga kita." sagot ng binata.

"Tama na Miguel wala pa sa isip ko yung mga bagay na ganyan." hinawakan niya sa ulo ang binata at saka umalis.

Nakayuko lang si Miguel at malungkot na lumabas ng canteen. Tulala ito ngayon at papunta sa direksyon ng mga sasakyan sa labas ng eskwelahan. Hindi niya pinapansin ang mga sasakyan na dumadaan.

"Hoy bata tumabi ka diyan!"

"Gusto mo bang mamatay ha?!"

"Pambihira kung gusto mo magpakamatay wag dito!"

Tuloy pa rin sa paglakad ang binata habang hinahabol naman siya ni Faye. Kumakaripas ito ng takbo kaya lang, bago pa man siya umabot ay nakahandusay na sa harapan niya si Miguel. Duguan ito at walang malay.

"Miguel!" sigaw niya habang inaangat ng kadarating lang na ambulansya ang katawan ng binata.

"Boy, naririnig mo ba kami?" tanong ng rescuer.

"Check mo ang vital signs." utos ng doctor

"Doc hindi na tumitibok ang pulso nito." sabi naman ng nurse.

"Ha? " sinalat ng doctor ang pulso pero hindi na nga ito natibok. Yumuko na lang ang doctor at itinanong ang oras.

"Time of death--" nagulat ang nurse nang biglang hawakan ng pasyente ang kamay niya dahilan para mabitawan ang papel na hawak niya. Ang kaninang lantay na gulay na pasyente, ngayon ay naigagalaw na ang kamay.

"Doc buhay pa ang pasyente!" sigaw nito sa doctor na paalis na sana.

The doctor check again the patient at bigla ngang tumibok ang pulso nito. Hindi niya alam kung bakit pero sigurado siya na sa sobrang lakas ng impact ng banggaan ay talagang wasak-wasak na ang buto ng pasyente.

Dinala si Miguel sa ICU at nagsagawa ng iba't-ibang tests. Bali-bali ang buto nito at ayon sa diagnosis ng doctor. Habang-buhay na ito sa coma. Himala na nga lang siguro ang makapag-papagising kay Miguel.

Dumating ang balita kay Don Joaquin at nanghinayang ito sa nangyari. Kinuha niya si Miguel para sa bahay na lang gamutin at syempre, pag-eksperimentuhan. Gusto rin niyang mabuhay ang bata dahil ito ang magmamana ng mga illegal na gawain niya pero huli na ang lahat.