"Napadadalas yata ang pagbaba mo sa lupa Raphael? Marami ka sigurong misyon?" tanong ng anghel sa kapwa niya anghel.
"Hmm wala gusto ko lang sa lupa..."sagot ni Raphael
"Magagalit ang Panginoon sa ginagawa mong yan. Yung dapat na susunduin kong kaluluwa niligtas mo! pinagaling mo! alam mo na bawal yon kapag oras na ng tao!"
"Sandali lang Azrael, huwag mo naman akong isumbong sa Panginoon. Hindi ba nga mas nakalulugod ang magligtas ng buhay ng tao? Sandali na lang mga dalawang taon pa buhayin muna natin ang katawan ni Miguel."
"Pangako mo sakin na ngayon lang to Raphael. Sa buong buhay natin na naglingkod sa langit ngayon ka pa gaganyan? Oh baka naman dahil sa babae na yan." sa balon ay lumitaw ang mukha ni Faye na nasa lupa.
Natahimik si Raphael sa kanyang nakita. Wala naman siyang nararamdaman para sa babae dahil si Miguel lang ang may gusto rito. Siya nga ba talaga? Dahil ilang beses na ring sumanib si Raphael sa katawan ng binata.
"Imposible Azrael, anghel tayo hamak na tao lang sila." tugon ni Raphael.
"Hindi ba't nagugustuhan mo na ang mundo ng tao? Una, nakita kita na nagsusugal gamit ang katawan ng isang matandang milyonaryo. Pinagaling mo rin ang ilang tao sa lupa at marami ka pang ginawa na labag sa batas natin! Sa oras na sumanib ka sa katawan ng mga tao, at gumawa ka ng kasalanan magiging tao ka Raphael!" galit na sabi ni Azrael
"Wala kang pakialam sa mga ginagawa ko Azrael, gawin mo na lang ang trabaho mo!"
"Maparurusahan ka ng Panginoon kaibigan! Nag-aalala lang ako sayo. Huwag kang magtatagal sa katawan ng tao dahil mararanasan mo lang din ang kanilang nararamdaman. Pait, sakit at kaguluhan." at sa isang iglap ay binuka ni Raphael ang kanyang pakpak para bumaba ulit sa lupa. Wala ng nagawa ang kanyang kaibigan na si Azrael.
Na sa ibaba ngayon si Raphael, nakabantay kay Miguel, kung tutuusin sa isang pitik lang ng kanyang kamay ay kaya niyang pagalingin ito bagamat hindi ito ang misyon niya. Lumabag na rin naman siya sa batas dahil tinanggal niya ang mga bali sa buto ng binata. Sa madaling salita binuhay niya ang katawan hindi ang isip.
Pinuntahan din niya si Faye na gimbal na gimbal sa nangyari. Iniisip niya kung kasalanan ba niya ito o ano. Pero isa lang ang panalangin niya.
"Kung sino man ang anghel na nagbabantay kay Miguel. Pagalingin niyo po siya." pumapatak ang mga luha nito habang nagdarasal. Sa totoo lang, hindi naman siya guilty sa nangyari kung malalaman lang niya na oras na talaga ni Miguel. Parte ito ng langit at lupa.
"Hay. Ano ba tong mga bata na to ang sakit niyo sa ulo..." sambit ni Raphael habang pinagmamasdan ang dalaga.
"Ikaw ang masakit sa ulo kuya Raphael! " nagulat siya ng makita niya si Lala na lumusot sa bintana.
"Bumalik ka na nga sa tunay mong anyo nakakagulat ka." sagot ni Raphael "At anong ginagawa mo rito sa mundo ng tao? may misyon ka pa ba?"
"Sayo ko nga itatanong kung bakit ka nangingialam sa buhay ng tao? Masyado ka yatang natutuwa sa buhay rito."
"Shh. Wag kang masyadong maingay Lala lagot ako kapag nahuli." tinakpan niya ang bibig ng batang anghel.
Naramdaman ni Faye ang malakas na hangin na pumasok sa kanyang kwarto. Mga yabag ng paa pero wala namang nakikita. Malamig na ihip ng hangin na nanggagaling sa labas.
"Sandali-" ani niya habang hinahanap ang mga yabag na yon.
"May tao ba dito?" tanong niya.
Nagkatinginan lang ang dalawa. Imposible na makita o marinig ng isang tao ang galaw ng isang anghel. Nagtataka ang dalawa dahil ngayon lang nangyari ito sa ilang-daang taon nilang pagiging anghel.
"Ano bang ginawa mo sa babae na to kuya?!" galit na tanong ni Lala.
"Ewan ko. Hindi ko alam" habang sinesenyas ang kamay na wala talaga siyang alam.
Unti-unting lumalapit si Faye kay Raphael, halos ilang distansya na lang din ay maglalapit na ang kanilang labi. Napapikit lang ang anghel habang nilayasan siya ng kasamang anghel na si Lala.
Naglapat nga ang kanilang labi, kaya lang, hangin lang ang nakikita ni Faye at tatagos lang siya rito.
Napabuntong hininga ang pasaway na anghel, naninikip ang kanyang dibdib. Hindi naman siya tao para maramdaman ito.
"Kung sino ka man. Nararamdaman kita." mahinang sabi ng dalaga habang nagmamasid sa paligid na may luha ang mata.
"Please. Tulungan mo ako." sambit nito nang nakaluhod sa pag-aakalang ito na ang sign ng langit.
Sa bintana ay patagong tumakas si Faye sa bahay para puntahan si Miguel. Alam niya ang bahay nito at kailangan niyang puntahan ano man ang mangyari. Nilalamon siya ng kanyang konsensya sa nangyari. Feeling niya siya ang dahilan kaya nagkaganito ang binata. Hihingi siya ng tawad.
"T-teka lang saan to pupunta?" sa isip-isip ni Raphael nang makitang tumatakbo papalayo ang dalaga. Katabi ng dalaga ang black spirit na kanina pa sumusunod. Ang mga black spirit na ito ang gumugulo sa utak ng mga tao.
Hindi to maaari dahil delikado sa mansyon nila Don Joaquin. Paano na lang kung makita niya ang illegal na gawain ng pamilya na ito? Siguradong ipapapatay siya nito.
Hindi niya alam ang gagawin. Bawal siyang makialam sa mundo ng tao. Dahil sa oras na ginawa niya ito, maaari siyang maglaho o kaya naman maging tao na habang buhay.
Sinundan lang niya ang dalaga na nasa gate na ng mansyon. Nagmamasid ito. Tinitingnan kung may tao.
"Paano kaya kung pasukin ko na lang?" sa isip-isip ng dalaga. Hindi pa rin siya tinatantanan ng black spirit.
Hindi na siya nagdalawang isip pa at dumaan siya sa bakod na pinupuntahan nila ni Miguel. Sakto dahil mahimbing ang tulog ng guard pero ang isang problema ay may cctv camera na hindi napansin ng dalaga.
Pinitik na naman ni Raphael ang kanyang kamay para hindi makita sa camera ang dalaga. Kumamot siya ng ulo, minor offense na naman.
Sa may second floor ay inakyat ni Faye ang bintana. Nakwento kasi ni Miguel sakanya na sa loob ng mansion ay may small hospital na matatagpuan sa ikalawang palapag.
"Aray" sumabit ang damit niya sa may bintana pero agaran naman niyang natanggal at natakpan ang kanyang bibig.
Bumaba siya, gaya nga ng inaasahan ay nakita niya si Miguel na nakahiga sa kama, maraming nakakabit na medical machines sakanya. Wala itong malay at life support na lang ang bumubuhay. Gusto sanang itaboy ni Raphael ang spirit pero hindi niya trabaho iyon.
Lumapit si Faye at nagsalita, bumabagsak ang luha sa kanyang mga mata. Niyakap niya si Miguel at nagsalita "Miguel? Huy! Gumising ka na jan! Diba sabi mo gusto mo ko? Gumising ka na patunayan mo!"
"Tulong..." nagulat siya ng marinig niya ito. Tinignan niya ang bibig ni Miguel hindi naman ito nagsasalita.
"Tulong... parang awa muna.."
Lumingon siya sa gilid at nakita ang isang batang katulad ni Miguel na marami ring nakakabit sa katawan. Papikit-pikit ito na parang nanghihina.
Kaya naman, nilibot niya ang silid at mas lalong nagpagimbal sakanya ang ibat-ibang parte ng katawan ng tao na pinag eeksperimentuhan sa illegal na paraan. Tumingin siya sa kanan at tumambad ang napakaraming gamot.
"Anong meron dito???" dahil di na niya alam ang mga nakikita niya.
"Gumagawa sila ng gamot?"
"Pero sila rin ang gumagawa ng sakit?"
Napasalat ng ulo na lang si Raphael "Wahhh bakit ka pumunta dito tao! Delikado rito!"
Sa hindi kalayuan ay bumukas ang pinto, mabagal ang yabag ng paa nito na para bang nanggagaling sa isang matanda.
Dug...
Dug...
Dug...
"Sino ka?"