Chereads / The Healing Angel / Chapter 5 - NASAKTAN AKO

Chapter 5 - NASAKTAN AKO

Tagaktak ang pawis ni Miguel at ng kanyang kuya na si Dexter. Naglalaro sila ng basketball. Kaunti na lang ay malalagutan na ng hininga si Miguel dahil sa pagod at pagbangga ng kanyang kuya sakanya. Ano ba namang laban niya sa isang cadet army at isang legit basketball player.

Bawat bangga ay iniinda lang ito ni Miguel. Wala namang halong galit si Dexter, sadyang pisikal lang siya maglaro.

"What's up bro? Kaya pa ba? Man come on! palakasin natin yang katawan mo ang lampa mo eh." ani ni Dexter

"Kuya, wala talaga akong hilig sa basketball. Pagod na rin ako kaya ayawan na." sagot naman ni Miguel.

"Ughh why so kj? dali na sandali na lang please." nang biglang dumating si Don Joaquin.

"Dexter stop it. He's not at your level sa basketball. Don't teach him sa walang kwentang bagay na yan."

"Don Joaquin ayos lang naman po ako." sabi ni Miguel.

"Dad he's okay naman pala so dont worry."

"Kamusta ang buhay army Dexter? Are you having a good time?" tanong ng kanyang mommy na si Aida.

"Mom I like it so much. I miss you."

Kauuwi lang kasi ni Dexter sa kanilang mansyon galing sa kanilang kampo ng mga militar.

"Miss you too, son!" pumunta ang mommy niya sakanya at hinalikan siya sa noo.

"Miguel halika rito." tinawag ni Don Joaquin ang binata dahil may pag-uusapan sila.

Dahil dito ay nakaramdam na naman ng selos si Dexter. Niyakap siya ng kanyang mommy para icomfort siya.

"Son. Its okay dont mind your dad. I'll make sure na mapapalayas ko yang si Miguel sa mansion natin."

"But mom! kapatid na rin naman ang turing ko kay Miguel besides si Dad naman talaga ang may paborito sakanya. Don't do it mom I'm begging you--"

"Then how about you? Gusto mo bang pangalawa ka lang kahit ikaw ang tunay na anak?"

"Please Mom, we should stop this nonsense argument okay?" pero ang totoo ay ayaw na rin talaga niyang makita si Miguel sa kanilang pamamahay.

Nagtungo sila Don Joaquin sa isang silid na naglalaman ng napakaraming libro at gamit sa medisina. Hindi na bago ito kay Miguel dahil bata pa lang siya ay andito na siya kasama ang kanyang tatay na isang general surgeon.

Masalimuot ang alaala niya sa silid na ito dahil hindi lang isang bangkay, isang pasyente ang nakita niya rito bagkus maraming katawan ang pinag-eeksperimentuhan.

Hindi niya rin alam kung bakit pa siya andito kahit alam niyang pumapatay siya ng buhay para lang sa mga kagustuhan ni Don Joaquin na maging isang magaling na doctor at makagawa ng mga gamot na kanilang pagkakakitaan.

"Aasahan kita Miguel na ikaw ang magpapatuloy ng negosyo na ito kapag nawala ako. Alam kong parehas kayo ng tatay mo na madaling kausap."

"Ah. Pag-iisipan ko pa ho. Nagbabalak akong mag-aral sa Maynila."

"Pag-aaralin kita sa Maynila. Ako ang bahala sayo Miguel huwag kang mag-alala basta tulungan mo lang ako at sinisigurado ko sayo tutulungan kita." pangako ng matanda.

Tuluyan na ngang lumabas ng kwarto ang matanda at naiwan si Miguel sa loob.

Sa loob ng library ng Malaya University ay tahimik na nagbabasa si Miguel ng Anatomy. Tumayo siya sa kinauupuan at naghanap ng iba pang libro.

"Ouch!' sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabangga niya ang isang babae na hindi rin nakatingin sa dinadaanan. Bumagsak ang babae sa lapag at agad naman itong tinulungan ni Miguel sa pagtayo.

"Hala. I'm sorry, hindi ako nakatingin sa dinadaanan." habang inaalok ang kamay sa babae.

"Ouch! Aw! No problem, ako nga tong hindi nakatingin aw!" sa lakas ng pagkakabangga ay nasaktan ang kanyang pisngi.

"Sigurado ka okay ka lang?" tanong ni Miguel.

"Yes I'm fine. Kung gusto mong makabawi tulungan mo na lang ako na hanapin yung book na A Walk to Remember." nakangiti nitong sabi habang itinuturo ng kamay ang young adult section ng library.

"No need. Actually meron ako niyan na sa locker ko nga lang. Ano tara?" pagyaya niya at sabay silang lumabas sa library.

Sa locker room ay parang mga bubuyog na nagtsi-tsismisan ang mga estudyante. Magkasama lang naman kasi ang student council president at ang sikat na batang med student. Second year Broadcasting student naman si Jane na isang bookworm at hindi nawawalan ng social life. Halos lahat yata ng tao sa school ay nakakasalamuha niya.

"Wow President sino yang kasama mo?"

"Hi Pres!"

"President ang ganda mo talaga!"

"Thanks! Mamaya ko na lang kayo kakausapin. May gagawin lang ako" nakangiting sagot ni Jane.

"President ka pala!? Bakit hindi mo sinabi kanina para tuloy akong tanga." pabirong tanong ni Miguel.

"Hoy! Hindi ka naman nagtanong kaya hindi ko rin sasabihin. Tsaka bakit hindi mo kilala president simula nung nag-aral ka dito?"

"Wala naman. Hindi ako interesado yun lang siguro."

"Sabi na eh, wala ka bang social life? "

"Meron, ito..." namangha ang babae sa ipinakita ni Miguel, sa loob kasi ng kanyang locker room ay punong-puno lang ito ng mga libro na kanyang nabasa na sa loob ng school.

"Bakit naman dito mo pa nilalagay bat hindi sa bahay?" curious na tanong ng kasama niya.

"Lahat ng nabasa ko dito sa school nilalagay ko diyan."

"Wow! Talaga sa dami niyan? Bookworm ako pero I don't think kaya kong magbasa ng ganyang kadaming libro. Woaahhh!"

"Eto oh." iniabot na ni Miguel ang librong hinihingi ni Jane. "Pasensya na kanina, hindi ka ba talaga nasaktan?"

"Nasaktan ako."

"Saan? "

Ituturo na sana ni Jane ang puso niya pero pinigilan niya ito, baka kasi nabibigla lang siya dahil pogi ang kaharap niya ngayon at mahilig din sa libro tulad niya. It takes 3 second nga talaga para malaman mo kung gusto mo ang isang tao sa unang tingin.

"Ah wala nagbibiro lang!" sabay tawa at hampas sa balikat ng kausap.

"Mabuti naman kung ganon."

"Oh wait! may meeting pala ako ngayon."

"Sige na go." habang nakataas ang kamay at nakaba-bye

"I need to go na muna. Let's see each other next time pagkabalik ko ng libro mo! Sagot ko ha!"

Humarurot na ng takbo ang president nang biglang lumabas sa kabilang locker room si Faye. Kanina pa ito nakikinig dito sa dalawa dahil hindi siya napansin kanina pa.

"Kamusta pagtsismis?" supladong tanong ni Miguel.

"Uy! binata na siya! may pa "sagot ko ha!" yung girl awww!" kinikilig si Faye mag-isa at hindi si Miguel.

"Oh talaga?"

"Hala. Ito naman hindi mabiro! Pero ang ganda nung girl pramis! ang galing mo mamili bebe Migs!" pinisil niya ang pisngi ng kausap dahilan para mamula ito at mapaatras ng bahagya.

"Aray ang sakit! Hindi ka tatahimik ah..." gumanti rin si Miguel at hinawakan ang mga pisngi ni Faye habang inaasar niya ang binata.

Nagising na lang sila sa katotohanang magkalapit na ang kanilang mga mukha habang hawak-hawak ang pisngi ng isa't-isa.

Agarang bumitaw si Faye na sinundan naman kaagad ni Miguel. Mabilis ang tibok ng puso ng binata ngayon.

"May klase pako bye!" paalam ni Faye na bahagyang natahimik.