Chereads / The Healing Angel / Chapter 4 - MAY BALAK KA PANG SAKTAN ANG BOYFRIEND NG ANAK MO?

Chapter 4 - MAY BALAK KA PANG SAKTAN ANG BOYFRIEND NG ANAK MO?

Ilang minuto ring nakatitig si Miguel sa iced tea at ensaymada na nakahain sakanya. Ito na yata ang unang pagkakataon na makapapasok siya sa bahay ng isang babae bilang bisita o bilang isang manliligaw?

"Ate hindi naman siguro pipi yang boyfriend mo? " sabat kaagad ni Jennie na hindi kayang mabuhay ng hindi magsasalita.

"Hindi ko nga siya boyfriend ang kulit mo! " sabay sabunot at kurot sa kapatid na kanina pa nangungulit.

"Aray! Ma si ate oh!"

"Tumahimik nga kayong dalawa diyan! Kain ka lang anak ha huwag mong pansinin yung dalawa na yan!" nakangiting sabi ni Mama Lisa.

"Ah s-salamat po." ininom niya ang juice ng bahagya. Gabi na rin at kailangan na niyang umuwi kaya lang...

"Saan ka nag-tatrabaho nak? Nag-aaral? May negosyo ba pamilya niyo---"

"Ma! " pigil ni Faye sa ina.

"Ah. Nag-aaral pa lang ho ako at nagtatrabho sa gabi."

"Hmm anong kurso ang kinukuha mo?"

"First year medtech po."

"Wow! Madugong kurso yan diba?"

"Hindi naman ho ganon. Depende lang po siguro sa estudyante." humble na sabi ni Miguel.

"Tingnan mo Faye! Sabi sayo eh! Kung makareklamo ka sa education na mahirap akala mo naman!" sermon ni Mama Lisa.

"Kayo na lang kaya mag-aral ma?" singit ni Jennie na kanina pa nakikinig sa usapan ng matatanda.

"Oo nga Ma! itong si Jennie nga wala naman yang ginawa kundi mag-lip tint sa school puro make-up ang laman ng bag." sambit ni Faye para malipat ang galit ng mama sa kapatid.

"Pambihira ate pinagtanggol na nga kita! Aba syempre kailangan ang make-up Tourism yata course ko kailangan maganda, ay no! maganda na talaga!" pacute na sabi nito.

Nakatahimik lang si Miguel sa usapan ng mag-iina. Sabagay, ngayon lang siya nakakakita ng ganito dahil matagal na rin ang nakalilipas ng pumanaw ang mga magulang niya at simulang maging katulong kila Don Joaquin, ang daddy ni Dexter.

Sa malaking bahay na iyon ay busy lang ang lahat ng nagtatrabaho, malaki rin ang galit ni Dexter kay Miguel dahil mas pinupuri pa ito ng kanyang mga magulang kesa sakanya. Ano nga ba magagawa niya kung ang passion niya ay paglalaro ng basketball sa halip na mag-focus na mag-aral para sa kanilang hospital bussiness.

Ilang sandali pa ay may padabog na kumatok sa pinto nila Faye.

"Bukshan niyohhhh tonggg pintooo!" patuloy pa rin siya sa pagdadabog sa labas ng bahay. Itinapon ang mga gamit sa labas at itinumba. Mukhang na sa impluwensya ito ng alak sa isip-isip ni Miguel kaya naman inihanda niya ang kanyang sarili sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Kamalas-malasan naabutan pa siya, pero paano kung ang mag-iina lang ang andito? Baka mapahamak sila.

Boogshhh!!!

Blagggggg!!!

Kalabugan ang mga gamit.

Binuksan ni Jennie ang pinto ng walang kakaba-kaba na ikinagulat ni Miguel. Hindi siya natakot?

"Hoy! Nagugutom akohhh ipaghain niyohhh ko!" utos ng lalaking halos ka-edad lang ni Mama Lisa at umaalingasaw ang amoy nitong alak.

"Manong sandali lang ho. Hindi ho kayo pwedeng basta-basta lang pumasok----" paliwanag ni Miguel pero nasigawan siya ng matanda.

"Aba! sino ka bang tukmol ka ha?" galit na sabi ng lalaki at pasugod na ito kay Miguel. Nakahanda na rin naman ang kamao ng binata pero bago pa siya masuntok at bago siya makasuntok ay sinipa na siya sa ilalim na bahagi ng kanyang katawan ni Mama Lisa.

"Hoy Ricardo! Uminom ka na naman sa kanto ano?" tanong ni Mama Lisa.

"Aray mahal! Isang shot lang naman yon *cough* wala yon isang shot lang talaga *cough*" sambit ng tatay ni Faye, si Mang Ricardo.

"Aba! Isang shot pero gumegewang? Put*ng-in*ng isang shot yan! May balak ka pang saktan ang boyfriend ng anak mo?" nagulat si Mama Lisa sa nasabi niya. Boyfriend? pasmadong bibig nga naman. Paano ba naman kasi di nila pipilitin mag-boyfriend ang anak nila ay natatakot silang baka di na ito mag-asawa at minsan ay nagsusuot pa ng damit na panlalaki.

Hindi rin naman nila gusto ang magandang buhay kung hindi sila magkaka-apo na galing kay Faye. Natahimik ng ilang segundo ang pamilya Alcantara ganon din si Miguel na kanina pa nahihiwagaan at naguguluhan sa nangyayari.

"Bhakitt di niyohhhh naman shinabiii agad huh?" tanong ni Mang Ricardo

"Itay, huwag kayong magpapaniwala diyan sa mga sinasabi ni Mama ha?" inalalayan niya ang kanyang itay pero hinawi lang nito ang kamay niya at marahang nagtungo kay Miguel.

"Aba! Pambihiraaa naman anak abay poge naman palaahh itong magiging manugang ko!" pinisil-pisil ng lasing na si Mang Ricardo ang mukha ng binata.

"Tay mawalang galang na ho" inalis ni Miguel ang kamay ni Mang Ricardo dahil amoy alak at suka ito "Hindi ho ako manliligaw o boyfriend ng anak niyo." paliwanag nito.

Nalungkot si Mang Ricardo sa narinig niya at nakatulog ito. Kung tutuusin matagal na niyang gustong makitang magkaroon ng boyfriend ang anak niya dahil pinalaki niya ito at gustong makitang mag-dalaga. Sayang nga naman kasi kung hindi yan mag-aasawa dahil dati pa man ay parang boyish ito.

"Hoy Miguel! pasensya ka na sa mga sinasabi ng mga to! Nako wala sila sa hulog lalo na si Itay." sambit ni Faye habang pinapauwi na si Miguel dahil sa kahihiyan.

"Tita, Tito, mauna na ho ako. Maraming salamat po sa pagtanggap. Ate Faye aalis nako." tuluyang umalis si Miguel sa bahay nila Faye. Sa labas ng bahay ay kumaway lang si Faye ng nakangiti kay Miguel. Hindi rin naman nila alam kung kelan sila magkikita ulit. Kung kelan na lang siguro magkatagpo?

Pero sa ngayon, nadagdagan ng kaibigan si Faye yun ang nasa isip niya dahil wala pa talaga sa plano niya ang makipag-relasyon. Gusto niyang mainlab at mahanap ang the one sa takdang panahon. Ang ideal man niya? Isang lalaki na kaya siyang ipagtanggol at ibigay ang magandang buhay sakanya at sa pamilya. Si Miguel, isa lang siyang kaibigan para sakanya at parang nakababatang kapatid.

Sa loob ng bahay nila Faye ay nilinisan nila ang kalat ng itay dahil sa mga suka nito.

"Mama kung ano-ano naman pinagsasabi mo kay Itay pati kay Miguel." ani ni Faye na bahagyang nadismaya sa mga nasambit ng ina.

"Pasensya ka na anak, gusto lang naman namin ikaw makita na magkaroon ng love life. Ang laki mo na kaya! mauunahan ka pa yata ni Jennie." paliwanag nito sa anak.

"Infairness ma ang pogi ni Miguel tapos mukhang mabait naman at masipag. Sa akin na lang ate kung ayaw mo?"

"Sayo na lang talaga at wala akong plano mag-jowa-jowa na yan. Sabi ko nga sainyo Ma hinihintay ko yung forever ko! Soon may darating din..." nakangiting sabi ni Faye.

Si Miguel naman ay malalim ang iniisp habang naglalakad pauwi. Si Faye as a woman? Hindi malabo dahil mabilis tumibok ang puso niya sa mga babaeng simple at walang arte, at pasok si Faye sa standadrd na yon.

Kaya lang, sa tatlong taon na agwat ng kanilang edad pano yon mangyayari? Hindi yata ganun kadali ang mapa-ibig ang ganong klaseng babae sa batang tulad niya na napagkakamalang immature.