CURSE EIGHT:
THE FIRST AWAKENING
Agad na napamulat ang mata ko sa bango ng nilulutong pasta. Ngunit pagtingin ko sa paligid, bakit parang di namin ito kusina?
H.E. room ito ng school? Anong ginagawa ko dito?
Agad nakapukaw ng interest ko ang kanina pang nanghahalinang amoy ng pasta. Napapikit ako habang hinanap ng magaling kong ilong ang pinanggagalingan ng amoy at sa may bandang kaliwa pala ito—sa may kitchen corner.
Pagmulat ko muli ng mga mata ko ay nasurpresa akong si Saichi ang nagluluto ng napakabangong pasta.
"Ikaw pala Saichi, mabuti nalang at nakita kita dito." Bati ko pagkakita sa kanya.
Ngunit mas ikinasurpresa ko ang narinig kong sagot niya, "Excuse me, do I know you? Papano ka nakapasok dito?" tanong niya.
Muntikan nang umiral pagka-antipatika ko ngunit naalala kong fake world pala ito. May mission nga pala ako, at 'yon ay ang tuparin ang awakening ng mga sentries ko't para ma-awaken rin ang pagiging Arcana princess ko.
Kaso papano ko naman 'yon magagawa kung hindi naman ako kilala ni Saichi?
"HELL-O? I AM TALKING TO YOU?!" ang sigaw ni Saichi sa mukha ko.
"Hindi mo ako kilala?" tanong ko sa halip na sumagot.
"Obvious ba?" sagot niya na inignore nalang ako at nagpatuloy sa niluluto niya.
Ang hirap naman ata ng kalagayan ko, papano ko gigisingin itong si Saichi kung pag-aapproach palang eh hirap na ako?
And then naalala ko this is a fake world, everything around here is fake and sabi nila Meena, the only way I can save them is if I reach their hearts. Isang bagay na hindi kayang magsino'ngaling—tama ang puso!
Sumunod na araw ay nagmistula akong isang stalker. Yes, kababae kong tao, ako pa 'yong stalker, tipong kahit saan magpunta si Saichi ay nakabuntot ako. Madalas niya akong sigawan ngunit labas-pasok nalang itong tinataggap ng magkabilang tenga ko. Fortunately, hindi naman ako magawang saktan ni Saichi, kahit gaano pa siya naiirita sa pagbuntot ko sa kanya.
Natural lang naman na mairita siya, popular siya tapos may isang katulad ko ang bubuntot-buntot sa kanya na daig pa ang obsess girlfriend or fangirl.
Sikat sa school sa Saichi, dahil bukod sa isa siyang magaling na cook at modelo ay isa ding sikat na action star ang kanyang Ama.
Ngunit nasupresa ako ng minsang makita ko si Saichi na tila malalim ang iniisip matapos siyang makatanggap ng maraming papuri mula sa cookfest na sinalihan niya.
"Nanalo ka naman ah, bakit malungkot ka?" ang tanong ko.
Napatingin siya ng masama sa akin, "Andito ka nanaman? Bakit ba hilig mo akong sundan?" sagot naman niya.
"Ikaw naman, hindi ka ba nagsasawa sa pagpapataboy sa akin? Tiyaka hindi pa ba obvious na sobrang patay na patay ako sayo?" ang sabi ko na halos paulit-ulit ko ng rason sa kanya, noong una ko nga itong nasabi ay awkward pero dahil sa lagi ko ng sinsabi sa kanya kaya naman natural nalang ito sa akin. Tinaasan lang niya ako ng kilay sa sinabi ko at muling binalewala.
Natahimik nanaman si Saichi matapos kong magsalita, "Suite yourself. Kung 'yan ang gusto mo." Ang sagot lang niya na nagsimulang maglakad papunta somewhere. Syempre sinundan ko nanaman siya like I always do hanggang sa mapunta kami sa isang malapit na Mall.
Noong akala kong mamimili ng gamit o mamasyal si Saichi ay napahinto kami malapit sa isang boutique stall.
Pagkakita ko sa kung sinong tinitignan ni Saichi ay isang babaeng parang nasa mid-thirty's na ito. Diretso ang titig ni Saichi sa kanya. Hindi kaya mahilig si Saichi sa mga babaeng mas matanda sa kanya and this woman happens to be Saichi's lover?
"Gusto mo siya?" ang di ko napigilang itanong pagkalapit ko kay Saichi.
"No way! And andito ka pa rin? pwede ba wag ka na ngang mangialam?! Nakakairita ka! Pakiusap lang 'wag mo na akong susundan!" Sagot ni Saichi sabay walkout paalis ng shop.
Hindi naman dapat ako maghahabol sa kanya sa tutuusin pero dahil kailangan kong mapalapit sa kanya, kinakailangan kong ibaba ang pride ko na maging stalker niya.
Kaya lang umiral nanaman pagkaloko-loko niya't pinaghihintay nanaman ako sa labas ng gent's restroom. Hindi naman niya talaga ako pinaghihintay pero sinasadya lang niyang di lumabas since kanina pa ako naghihintay sa labas mga fifteen minutes nadin. Imagine, daig pa niya ang babae kung magc-r? wala namang masyadong nagbabanyo kaya di niya pwedeng idahilan sa akin na mahabang pila.
"Aba, ang tagal." Bulong ko sa sarili. At di ko na nga mapigilan ang sarili ko kaya nagmasid-masid muna ako bago pumasok sa loob.
Hindi ko inaasahan na may ilan pa palang nagbabanyo sa loob na nagulat sa pagpasok ko at agad-agad silang nagsipagzipper ng pantalon nila't pabulong-bulong pang naiinis habang nagsipaglabas sa C.R.
"Alam kong nandito ka pa sa loob." Saad ko na nagpaparinig sa nagtatagong si Saichi.
Bigla nalang sinipa niya ang isang pintuan ng cubicle kung nasaan siyang nakaupo sa nakatakip na toilet bowl.
"Wala ka na talagang natitirang kahihiyan ano? Maski comfort room ng lalaki pinasok mo? Ganun mo ba talaga gustong ipagpilitan sarili mo sa akin?" sunod-sunod niyang tanong.
"hindi gano'n." tugon ko lang sa tanong niya.
"Then..." tumayo siya't mabilis na lumapit sa akin at nilock ako sa pagsasandal niya sa akin sa may malapit na faucet at sink area, "Papano ba ang gusto mong mangyari sa atin? Dalawa nalang tayo dito? Gagamit pa ba tayo ng cubicle or dito na natin gagawin?" ang biglang malademonyo niyang tanong sa akin habang unti-unti na niyang binaba ang kamay niya sa may unang butones ng blouse ko.
Hindi ito ang Saichi na kilala ko. Ito na ang epekto panigurado sa kanya ng fake world na ito.
Mabilis akong pumiglas sa kanya at sinampal siya bago ako lumabas. Mabilis naman siyang lumabas at huminto pa sa harapan kong nakangiti, "Siguro naman titigilan mo na ako." sabi niya at nagpatuloy na siyang lumayo nanaman sa akin.
Susundan ko nanaman sana siya kaso bago ako makaalis ay bigla akong pinigilan ng isang maskuladong lalaki na nakilala ko agad dahil siya ang action star Dad ni Saichi.
"Kaibigan ka ba ni Sai?" Tanong sa'kin ng Dad ni Saichi.
"Opo." Ang pilit kong sagot despite sa pagkakastarstruck sa hunk father ni Saichi.
"Haay... ang batang yan. Hindi padin kasi niya tanggap na divorce na kami ng mama niya kaya pinag-iinitan niya palagi ang stepmom niya. Alam na ng buong mundo ang issue na ito at tanggap nadin nila maliban lang sa kanya. Hindi ko din siya masisisi pero malaki na siya para mag-asal bata." Buong pagkwento sa akin ng Papa niya.
So, yung medyo aged na babae sa boutique kanina ang stepmom ni Saichi. I didn't know tapos iba pa ang nasabi ko. Nakakahiya talaga.
Wala akong kaalam-alam na ganito pala ang pinagdadaanan ngayon ni Saichi. Sa likod pala ng kasikatan ng pamilya niya, sa tila masayang larawan ng pagiging popular kid niya nagtatago ang hindi napapansin ng karamihan, ang malungkot at nag-iisang si Saichi.
Somehow narealize ko na hindi lang puro kasino'ngalingan ang nasa fake world na ito, somehow nirereflect din nito ang kadalasan hindi nakikita ng karamihan. I wonder kung ganito nga rin ba doon sa tatlo?
Agad kong hinabol si Saichi na naabutan kong naglalakad-lakad sa may parking lot ng mall.
"Saichi sandali!" Sigaw ko na halos maubusan na ng hininga sa paghabol sa kanya.
"Di ba sabi ko 'wag mo na akong susundan?" bulyaw kaagad ni Saichi pagkalapit ko.
"Nakausap ko Dad mo. Stepmom mo pala 'yong nasa shop? Sayang di ko man lang siya nakilala." Sagot ko pa rin sa halip.
"Wala siyang kwentang tao at isa pa sino ka ba para magpakilala sa kanya? Ang kapal naman ata ng pagmumukha mo?!"
Itinago ko nalang sa tawa ang pagtitimpi ko sa masasakit na salita ni Saichi sa akin, "Don't worry kapag may pera na ako magpapaderma ako, pababawasan ko kapal ng mukha ko but for the meantime, gagamitin ko muna itong shield laban sa masasakit na salita mo. Sana nga meron ding ganito ang Stepmom mo at Dad mo para may shield din sila sa mga ginagawa mo." Sagot ko at nanlaki ang mga mata ni Saichi sa sinabi ko.
"ANONG IBIG MONG SABIHIN HA?" at di na napigilan ni Saichi sarili niya at hinigit niya ang kwelyo ng uniform ko.
Agad naman akong pumiglas at di na napigilan ang sarili kong masampal siya ulit, "Saichi, wag mong hayaang mangyari sayo ito. This thing about your family, do not let it eat the whole of you. Na sa fake world ka ngayon at ginagamit lang ni Arcanus ang tungkol sa pamilya mo para mabihag ka niya at tuluyang makulong dito. I need you Saichi, wake up!"
Ngunit tumalikod lang si Saichi at sinabi niyang, "Shut up and just go home. You're talking nonsense." Habang naglalakad nanaman siya papalayo sa akin.
Nang susundan ko na siya ay hindi ko alam kung saan nanggaling ang bumusina ng pagkalakas-lakas na isang delivery truck. tila nawalan ito ng preno at akmang sasagasa sa akin.
Nanginginig ang mga tuhod ko at hindi ko ito maigalaw para ihakbang. Napapikit na lamang ako at naramdaman na parang may umakap sa'kin at itinulak ako. Pareho kaming bumagsak sa semento ng kung sino mang umakap sa akin para sagipin ako.
Napadilat ako at pagkakita ko ay si Saichi na nakapaibabaw sa'kin na tila nanginginig din sa ginawa niyang pagsagip sa'kin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.
"Nasaktan ka ba?" tanong niya kaagad na tinitignan na ang buong katawan ko. Bigla kong nakita sa kanya ang totoong Saichi na kilala ko. Bigla tuloy akong nabuhayan ng dugo.
Nang bigla namang may boses akong narinig, "Ito na ang pagkakataon mo..." ang bulong ng boses na tila nanggagaling kay—Meena?
Napatitig ako kay Saichi at ikinulong ng dalawang kamay ko ang nanginginig niyang pisngi, "Thank you Saichi. Now, wake up my sentry." Sabi ko matapos ay inilapat ko sa mga labi niya ang labi ko na siya namang nagcreate ng isang nakakasilaw na liwanag sa paggitan namin.
So, this is how I'll reach their hearts—through kiss?
*****
CURSE OF ARCANA
PROPERTY OF AMEDRIANNE
FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014
♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡
●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●