Chereads / Curse Of Arcana / Chapter 12 - Curse Ten: Third Awakening

Chapter 12 - Curse Ten: Third Awakening

CURSE TEN:

THIRD AWAKENING

Kaso bakit ganito? Bigla nalang na wala akong makita? Don't tell me bulag ako dito sa susunod na awakening?

Nasagot lang mga pagtataka ko nang marinig ko ang hagulgol ng mga babaeng parang malapit lang na nagparealize sa akin na hindi ako bulag kung hindi nakapiring lang.

Tatanggalin ko na sana ito ng napansin kong nakatali naman ng pagkahigpit-higpit ang kamay ko. Doon lang sumagi sa isip ko na makiduet ng sigaw at hagolgol sa mga ibang babaeng naririnig ko.

"TULOOOOOOOOOOONG! PAKAWALAN NIYO AKO! PANO AKO NAPUNTA DITO!" ang paulit-ulit kong isinisigaw.

Nairita na ata ang kung sinong lalaking lumapit sa'kin at sinampal ako ng pagkalakas-lakas. Ngunit kung gaano kasama ang ugali nito ay ganoon din ang hininga nitong amoy bulok na chico dahil sa alak nang magsalita ito, "Hoy ikaw! Wag ka masyadong maingay! Hindi ka naman ginagahasa! Mamaya pa kay boss!" sagot nito na nagbigay sa'kin ng matinding kaba.

Ibig sabihin ang mga humahagol-gol na tinig ng mga babaeng nasa paligid ko ay nirerape?

Nanginginig ako habang naiisip ang kinalalagyan ko. Hindi ko din mapigilang umiyak dahil sa maaring mangyari rin ito sa akin doon daw sa boss nila.

Bigla nalang may kamay na humawak sa braso ko at dinala ako sa ibang lugar malayo sa ingay noong mga babaeng humahagolgol.

Pinaupo ako sa isang papag at dahil sa nagiingay ako ay nilagyan nila ng duct tape ang bibig ko.

Puros mga lalaking nagtatawanan ang naririnig ko at maya-maya pay narinig kong binati nilang lahat ang sinasabi nila ng boss.

"Boss! Ito Beer-Gin pa yan. Panalong-panalo! Tiba-tiba ka diyan boss." Ang sabi no'ng isang lalaking may basag na boses.

"Sige iwan niyo na kami." Sagot no'ng boss nila. Napaisip akong bigla sa pamilyar na boses niya.

Pagkasara at lock ng pinto ay agad kong narinig ang lakad niyang papalapit sa akin. naramdaman ko nalang ang hininga niya sa may kaliwang tenga ko habang bumubulong siya sa'kin, "Anong ginagawa mo dito?

...Papano ka nalagay sa ganyang sitwasyon?

...Bakit mo hinayaan ito?" ang sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko talaga maiwasang hindi isipin kung kanino ko narinig ang boses niya.

Tinanggal no'ng lalaki ang blindfold ko at nasurpresa ako ng makita kong ang boss nila at ang lalaking gagahasa daw sa'kin ay si Sky. Ngunit napansin kong parang malungkot ang mga mata niya.

Hindi napigilan ng mga mata kong umiyak sapagkat nakita ko si Sky.

"Dapat ko ba talagang gawin ito? Pagod na akong nagrerebelde sa magulang ko. pagod na akong nakikisama sa mga hangal na lalaking 'yon... pagod na akong nakikita ang dating leader namin na gumagamit ng katawan ng babaeng nasisira ang buhay sa pangmomolestiya ng ganito..." pagkasabi ni Sky noo'y hinaplos nito ang buhok ko, "...tapos heto ako, ang bagong leader nila na dadaan sa isang initiation para mapatunayan ang pagiging pinuno ko. Gagawin ko ang isang bagay na sisira hindi lang sa pagkatao ko kundi maski sa buhay mo." Seryosong dugtong niya.

Kilala kaya ako ni Sky? Malamang baka tulad ni Saichi at Axel ay hindi din niya ako matandaan.

Sumunod na tinanggal ni Sky ang duct tape at tsaka niya tinaggal ang tali sa kamay ko matapos nito'y binigyan niya ako ng glue at gunting.

"Anong gagawin ko dito?" tanong ko.

"Pour that glue into your body and then use the scissor para magmukhang pinunit ang damit mo so in that way mamumukhang nirape kita. Use the back door para makatakas ka and make sure that walang makakaalam ng kahit anong tungkol dito kundi ako mismo ang maghahanap sayo and once I found you, I'll send you to hell."

"Kung ganun, hindi mo ako rerapin?"

"Bakit, gusto mo?"

Wrong question, napaisip tuloy ako ng idudugtong, "Ah hindi naman. What I mean is—thank you Sky." Sabi ko nalamang.

Napalingon sa akin Sky na may pagtataka, "How did you know my name?" tanong nito.

"We're schoolmates." Sagot ko pero inignore nalamang niya ito at tsaka na tumalikod palabas ng pinto.

Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba siya o hindi kaso bakit ko naman gagawin 'yon, magmumukha lang akong tanga.

Tumayo ako at tsaka sinundan si Sky ngunit paglabas ko ay nasaksihan ng mata ko ang mas nakakasuka at nakakasuklam na eksenang ngayon ko lang nakita. Ang mga babaeng naririnig ko kaninang humahagolgol na akala kong ginagahasa ay hindi pala ito ang talagang nagaganap. Isa-isa silang pinapahirapan at paulit-ulit itong ginagawa. Mga babae pala itong gustong sumali sa kung anong klaseng fraternity ito, at malamang initiation ang nagaganap.

Bigla nalang may lalaking humawak sa dalawang kamay ko at isinandal ako sa pader sabay sabing, "Gusto mo ding sumali?" ang sabi niya na may mabahong hininga.

"B-bita-wan mo ako!!! Hahabulin ko lang si Sky!" sabi ko na namimilipit sa hawak no'ng lalaki.

"Walang may pangalang Sky dito miss."

"Yu-'yong boss-s niyo!" sagot ko.

"Bakit nabitin ka ba?"

Agad kong tinira gamit ng tuhod ko ang pribadong parte niya at habang namimilipit siya sa sakit ay agad akong tumakbo papalayo ngunit sakto namang hinarangan ako ng iba pa niyang kasamang lalaki .

Habang akoy nangangatog sa takot sa susunod na maaring mangyari ay may biglang lalaking nakahelmet na nakasay sa motor ang lumusot sa glass window at sinugod 'yong mga lalaking pumapalibot sa akin sa pamamagitan ng paghabol sa kanila ng kanyang motor.

Sino nanaman kaya ito? Makabagong power ranger ba ito?

Nagsimulang matakot 'yong mga lalaki at masipagtakbuhan paalis ng prumeno ang motor at inangat no'ng lalaki 'yong windshield ng helmet niya.

Muling ibinalik ng lalaki ang windshield habang nakatalikod sa direction ko at inaya akong sumakay sa motor niya pagkaharap naman niya sa'kin.

Malaman-laman ko na sa ilalim ng narra tree sa may di kalayuan ng school namin niya pinark ang motor and pagkaangat niya ng helmet ay inireveal nito na ang savior ko pala ay si Sky, "I never thought na ganito pala kasayang labagin ang sarili kong batas." Sabi nito na matapos guluhin ang pawisan niyang buhok.

Hindi ko napigilan na maluha dahil akala ko iniwan na ako ni Sky kaya naman maluha-luha kong niyakap si Sky.

"Excuse me, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Seryosong tanong ni Sky sa akin.

"Sorry, nacarried away lang ako." sagot ko na bumitaw na sa kanya. "Thank you nga pala. sa pagsagip sa akin." Dugtong ko.

"'Wag mo ng ipagkakalat ang nangyari at pinapangako kong hindi ka na nila gagambalain pero..."at lumapit siya sa akin at inilapit ng sobrang lapit talaga sa mukha ko ang mukha niya sabay sabing, "...sa oras na makalabas ang tungkol dito, ako mismo ang papatay sa'yo." Banta niya sa akin.

That's more like Sky. Ang fraternity ego niya na mas litaw na litaw sa fake world na ito. Ngayon ko lang talaga buong nasilayan ang ganitong feature ng character ni Sky, dahil sa real world, snob at walang pakialam si Sky sa kahit kanino kaya naman walang naglalakas-loob na makipagkaibigan sa kanya sa school. Pero, yes, he's really cool dahil nabibilang pa rin siya sa masasabing, populars ng school namin.

Kinabukasan sa school, alam kong dapat kong kayanin na makipagclose kay Sky. Kailangan kong makahanap ng tyempo na maisakatuparan ang awakening niya. Para nga lang suntok sa buwan dahil sa pagkataong mayroon si Sky.

Gaya nga ng sinasabi ko naging mahirap sa akin ang unang attempt ko na makipagclose kay Sky. Lagi kasi niya akong iniiwasan, parang ngang naihahalintulad ko ito sa scenario ni Saichi kaso ang kaibahan lang, this time wala talagang paki si Sky sa existence ko.

Minsang paglabas ko matapos ang P.E. class ay napansin ko si Sky na nasa isang tabi lang ng bleachers na nanunuod. Tahimik lang siya, malayo sa basag-ulong fraternity leader na nakilala ko no'ng isang araw.

Agad ko siyang tinabihan at gaya ng ginagawa ko no'ng mga nakaraan ay pilit ko siyang kinakausap. Kung ano-ano na rin ang ikinukwento ko sa kanya ngunit nakakapagod lang dahil after ng effort kong magpapansin sa kanya, tatayo lang siya't aalis na para bang wala akong kumakausap sa kanya.

Sa totoo lang mas madali pang makipag-usap sa mga naka-coma dahil alam mong naririnig ka nila't pinakikinggan despite sa kalagayan nila kaysa naman sa taong alam mong malusog pero nagmamanhid-manhidan lang para di ka pansinin.

Minsan gusto ko ng sumuko. Parang ang tagal na ng nilalagi ko sa fake world na ito pero wala pa rin akong progress sa awakening ni Sky samantalang may Carlisle pa akong isusunod.

Isa pa 'yon, papano nanaman kayang kalbaryo ang kakaharapin ko sa pagpasok ko sa dimension ng fake world na kinalalagyan ni Carlisle?

Isang hapon ay sinubukan kong abangan si Sky para sundan siya at sumabay sa kanya pag-uwi. Kaya lang nang tinatahak na namin ang daan namin pauwi parang bigla akong nagsisi na sumabay sa kanya.

Natural kahit pa wala na kami sa loob ng campus ay hindi pa rin niya ako kinikibo. Isang madilim na tunnel sa ilalim ng tulay ang ngayo'y dinadaanan namin ni Sky.

"Hindi ka ba talaga kinikilabutan sa gusto mong mangyari?" tanong niyang bigla.

"finally, kinausap mo na rin ako." sagot ko sa kanya ngunit hindi pala para sa akin ang tanong niya.

One moment ay napaligiran na kami ng mga sangganong kalalakihang tila nakainom pa at nakahithit ng droga sa aura nila.

"Nagdala ka pa ng kasama mo. Mukha rin namang mas lampa pa sayo." sambit pa ni Sky.

"Masyado ka ng maraming satsat boy. Angal na 'to." At matapos isabat no'ng lalaking may malakalawang na kulay na buhok ay mabilis niyang sinugod si Sky. Inihagis ni Sky sa akin ang bag at mabilis na sinenyasan na lumayo bago siya umatake sa kalaban niya.

Mabuti na lang at nakaiwas si Sky. Mabilis din niyang sinurpresa ng isang malakas na suntok yo'ng lalaki't nagpatilamsik sa kanya sa may pader. Nagsimula ring magsipagsugod ang mga kalalakihang resbak no'ng lalaki't pinalibutan si Sky.

Hindi naman natinag dito si Sky at wala sigurong limang minuto'y tatlo na ang natumba doon sa lima samantalang dalawa naman ang nabahag ang bunto't kaya nagsipagtakbuhan.

Lumapit si Sky sa akin para kunin ang bag niya nang bigla nalang ako nitong hilain para yakapin sabay paikot sa akin, na kung saa'y kitang-kita ko na kaya pala ginawa iyon ni Sky ay para isangga ang sarili niya sa balisong na isinaksak no'ng lalaking may malakalawang na buhok.

Pagkasaksak no'ng lalaki'y tumakas na rin ito habang iniwan sa'kin si Sky na duguan sa tagiliran niya.

"Sky! Sky! Sky! 'wag mo ipipikit mata mo. Tatawag lang ako ng makakatulong sa'tin para madala ka sa hospital."

"Sh*t! Hindi ako pwedeng mamatay dito." Ang papikit-pikit ng sinsabi ni Sky.

"Trust me. Tutulongan kitang makaligtas." Sagot ko naman.

Maya-maya pa'y may isang mama ang napadaan din sa tunnel at siyang tumulong sa amin sa pagdala kay Sky sa hospital.

Nabaha ng dugo ni Sky ang Strecher at namantsahan na rin ang uniform namin ng dugo niya. Paglabas ng doctor sa emergency room ay agad na tinanong nito ang kamag-anak ng pasyente.

Napilitan na akong magpanggap na kapatid niya dahil nakakapagtakang wala akong makitang contacts ng magulang or kahit sinong guardian ni Sky, unattended naman ang home telephone number ni Sky sa I.D. niya.

"He's temporary stable. Pero maraming dugo ang nawala sa pasyente. I do suggest na masalinan siya ng dugo as soon as possible." Payo ng doctor.

"Hindi po kasi ako pwedeng magdonate ng dugo doc. Animec po kasi ako."

"Well is there any other family members that can match blood type O na pwedeng magdonate?"

"Tatawagan ko po muna sila doc."

"Please take action as soon as possible or we might lose him." ang sabi ng doctor bago siya tuluyang umalis.

Blood type O pala si Sky. Saan naman kaya ako hahanap ng blood type O na 'yon. Hindi ko macontact ang pamilya ni Sky. Ni hindi ko nga kilala kung sino sila eh papano ko naman sila hahagilapin?

Napaupo ako sa may waiting area habang napapansin ko na pamasid-masid ang mga taong dumadaan sa harapan ko. Hindi naman maiiwasan, duguan ang damit ko tapos tulala pa ako, malamang iniisip na nila namatayan na ako. Pero sa totoo lang, nagsisimula na akong makaramdam na baka nga mawala sa akin si Sky, na hindi ko magawa ang misyon ko kapag namatay siya sa fake world na ito.

Oo nga pala, ang laki kong tanga, this is the fake world. Masyado na ba akong nadadala ng fake world na ito kaya naman hindi ko namalayan na naririto pa rin kami? Na dala lang ang lahat ng ito ng pekeng mundong ito? Na hindi mamatay si Sky rito gaya rin ng nangyari sa amin ni Axel?

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa't dali-dali akong pumasok sa kwarto kung nasaan nakaconfine si Sky, naroon siya't tulog.

Marahan ko siyang kinausap, "Sky, naririnig mo naman siguro ako. ngayon, mas magegets ko na kung di mo pa rin ako kikibuin dahil sa lagay mo. Pero sana magawa mong makinig sa akin dahil importante ang sasabihin ko sayo." matapos ay inangat ko ang kamay niya't inilapat ko sa pisngi ko ang palad niya sabay salitang muli, "gusto kong malaman mo na nagpapasalamat ulit ako na niligtas mo ako ulit. Hindi mo man ako kinikibo, pakiramdam ko man minsan para akong hangin sa'yo, na para bang wala lang sayo existence ko, nagpapasalamat pa rin ako Sky sa palagi mong pagsagip sa akin."

Napansin ko nalang na napatulo ang luha sa mga mata ko habang patuloy akong nagsasalita, "Pero alam mo ba Sky, hindi mo na kailangan magsuffer sa kalagayan mo ngayon. Narealize ko masyado na tayong napapatagal sa fake world na ito. Gusto mo na bang gumising kasama ko?" tanong ko sa kanya.

Isang paggalaw ng isang daliri niya na nakahawak parin sa pisngi ko ang bigla ko nalang naramdaman. Ito 'yong sinasabi nilang reflex responds pero para sa akin, ito na ang sagot ni Sky sa tanong ko. Ito na rin ang hudyat ng climax ng awakening ni Sky.

"Sky, hindi mo man ako kinikibo pero ramdam na ramdam ko kung papano mo ako gustong makausap, makabonding at maging kaibigan. Hindi ko alam kung bakit mahirap sayo dito sa fake world na gawin 'yon pero promise, paggising mo sa real world, let's do our best to be close together with the others." Saad ko bago ko alisin ang airmask sa ilong niya.

Unti-unti kong napansin na napapamulat ang mata ni Sky para makita ako, "Thank you Sky. Wait for me in the real world." Ang sabi ko as our kiss generate a strong light between us.

And I believe as soon as this light fades, I'm on for my next mission, and the last one...

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●