EPILOGUE:
RENAISSANCE
Para akong nagmukhang hibang sa pagtatakip ng mukha ko sa liwanag, na 'yon palay sa flash ng camera na kumukuha ng litrato namin nanggaling. Habang pinagtatawanan naman ako ng mga kaklase ko. Anong ginagawa ko rito?
"Miss Mendiola, nakailang take na tayo, what's wrong ba? Why do you keep on covering your face?" tanong ng galit ng teacher sa akin.
And bago ko pa malaman, nasa isang fieldtrip pala kami—no, bumalik ako noong fieldtrip namin dito sa Geo Farm at kasalukuyang nasa loob kami ng malaking native house na may mga artifacts at kung ano-ano pang antigong bagay na parang isang mini museum.
"Sorry po Ma'am." Sagot ko nalamang at nagpatuloy na kami sa class picture namin.
Ang huling pagkakatanda ko ay nasa school kami, tapos biglang lumiwanag, and then nag-appear si Arcana. Tapos pinakahuli'y hinihintay ko si Arcana na tuparin ang kahilingan ko.
Nakakaamaze na matapos nang matinding liwanag na 'yon heto ibinalik niya ako sa panahon na kung saan nagsimula nga ang lahat, pero alam ko this time, mayroon ng pagbabago gaya nalamang ngayon na katabi ko sa picture taking ang mga kaibigan kong sina Mayumi at Sol. Yes, This is the real world, at talagang tinupad ni Arcana na wala ng gulo or away at puro kasiyahan lang lahat.
I was destined to loose them at first, para malaman ko ang importance ng may taong prinoprotektahan, It may be a factor to motivate me na maging isang Arcana princess but for me, it's more like a challenge para ma-test kung hanggang saan ang tatag ng loob ko at tiwala sa friendship naming tatlo. A true friend after all will always be there before, during and after famine to give you a hand.
We acted normal like we used to at alam ko this time, nasa reality na ako at wala na sa fake world after kong kinurot-kurot ang sarili ko na bigla namang inawat ni Saichi, "Why are you hurting yourself my princess?" sabi nito na ikinabigla ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng princess. Don't tell me hindi padin nawawala kay Saichi ang pagiging isang sentry niya?
And then bigla ding lumapit si Axel na talagang nag-abala pang iwanan pansamantala ang mga kaklase niya para makalapit sa'min, "Princess, championship game na namin next week, punta ka ha?" aya nito. Pati din si Axel?
Bigla namang inagaw ni Sky—na surpresang lumitaw sa harapan ko—ang braso ko mula kay Saichi, "Hmmn...Kailan ka pa natutong maging masochist?" sabi nitong nakatingin sa braso ko na tila iniexamine pa ata yung small marks ng pagkurot ko.
Hinigit ko ang kamay ko sabay sabing, "Pervert! Hindi ako masochist!" Irita kong sagot sa kanya. At nagtawanan silang lahat sa reaction ko. Their happy faces, parang walang dumaang matinding bagyo sa mga tawa at ngiting pinapakita nila sa akin ngayon. I wonder if they still remember anything from those dark pages of our story, winish ko naman kay Arcana na mawala na ito kaya nakakapagtakang tinatawag padin nila akong princess.
Habang bumubulong ako sa sarili ko ay bigla nalang umeksena si Carlisle sabay sabing, "Come on Princess, kailangan pa na'ting makahabol sa kanila." Aya niya sa akin.
Mula naman sa likod ko ay bumulong din si Mayumi na nagsabing, "haaay...beats me. After manalo as prom princess, lahat nalang ng gwapo sa school kung 'di princess tawag kay Anise eh may gusto sa kanya. Not to mention na mukhang pumoporma pa sa kanila." sabi nito that answered all my confusions.
Akala ko kaya nila ako tinatawag na princess ay dahil sa Arcana princess padin turing nila sa'kin. Nakakatuwa na iba pala. Ang nakakapanibago lang, nanliligaw na pala ang dating ng apat na ito, sumobra naman ata sa paggrant ng happiness sa akin si Arcana at ginawa niyang ganito ang sitwasyon ko. But I'm still glad na ganito nangyari. It's quite a relief na hindi nila maalala ang nangyari para hindi na nila i-push ang coupling-thingy, masyado pa kaming bata para sa ganong usapin. Wala naman na ang curse para isalin kaagad ang angkan ni Arcana, that can wait for a while. I just wanted to enjoy the happiness that Arcana granted me—no, that I deserved from the very beginning kung hindi lang dahil sa curse.
Nang makalapit sa akin si Carlisle ay inilapit nito ang bibig niya sa tenga ko sabay bulong na, "I told you to stop spacing out, you can't blame me princess if halikan kita one time." Sambit niya.
Bigla tuloy akong nagblush sa sinabi niya. "Pwede ba! Mauna na nga kayo, susunod nalang kami." sabi ko sabay tulak sa kanya.
"I'm kiddin' Anise, I have no plan of doing it without your consent. You know I can't betray you, not ever." dugtong nito at muli akong nagblush habang tumalikod na siyang umalis kasabay no'ng tatlo. Naging mas passionate pa si Carlisle kahit na wala na ang memory niya bilang isang sentry. Somehow, I never wish namang mawala 'yon sa kanya o do'n sa tatlo despite all that had happened, because it's what keeps us all together pero kung ito ang ikapapayapa ng isip naming lahat then my wish was never conceited at all.
Paglingon ko kina Sol ay napansin ko ang kakaiba niyang kwintas, alam kong kabaliwan ang iniisip ko pero kahawig ito ng choker ko. Hindi ko tuloy napigilan na magtanong sa kanya, "Nice choker. Sa'n mo nabili Sol?" turo ko sa choker.
Napahawak naman si Sol sa choker sabay sagot na, "Ito? Actually may nagbigay lang sa'kin nito."
"Baka manliligaw?" hirit naman ni Mayumi.
Siniko naman kaagad siya ni Sol sabay sabing, "Wala naman siyang sinabing gano'n. Ang sabi niya lang, it will be useful for me one day. Hindi ko nga alam papano magiging useful ito but since maganda naman siya why not use it for fashion?" rason sa halip ni Sol.
Bigla akong kinabahan sa sagot ni Sol, ewan pero kanina ko padin pinagtatakahan bakit ako nga lang ang nakakaalala ng lahat ng pangyayari. Bakit hindi binura ni Arcana ang alaala ko?
Nag-uusap pa kaming tatlo nang napatingala si Mayumi habang pinagmamasdan ang isang bagay sa likuran ko sabay sabing, "ang ganda naman ng painting na 'yan parang buhay na buhay 'yong kulay ng damit noong babae." Nakangit at manghang-mangha niyang sinabi.
Napalingon ako sa painting na tinutukoy ni Mayumi at hindi ko alam kung aatakihin ba ako sa puso pagkakita sa painting ni Arcana habang nagliliwanag ang mga salitang nakaukit dito na akala ni Mayumi ay kulay ng damit. Papanong narito ang painting na 'yan? At bakit nagliliwanag ulit ang mga nakasulat sa damit niya?
And then unti-unti kong napagtatanto ang mga kanina pang small pieces ng puzzle na bumabagabag sa isip ko. Kaya pala hindi nabura alaala ko. I am in the reality yet hindi padin natatapos ang curse na ito.
The curse is still here—and is freshly reborn. I never thought na ganito isusukli sa akin ni Arcana matapos ang lahat ng paghihirap kong matalo si Arcanus. Ginawa ko lahat to restore everything from before. Kaso after the curse, na akala ko'y tapos na, here comes another one and this time, it's unbearably Arcana's betrayal.
So I guess it's decided then, my role as Arcana Princess hasn't ended yet at nadarama ko sa mga nasaksihan kong signs, there's more to come.
*****
CURSE OF ARCANA
PROPERTY OF AMEDRIANNE
FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014
♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡
●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●