Chereads / Curse Of Arcana / Chapter 14 - Curse Twelve: Return of Arcana's Heiress

Chapter 14 - Curse Twelve: Return of Arcana's Heiress

CURSE TWELVE:

RETURN OF ARCANA'S HEIRESS

Pagmulat ko ng mga mata ko'y nakita ko sina Carlisle, Axel, Saichi at Sky. "Gising na kayo?" tanong ko and they all just smile.

Teka, ito na ba awakening ko? Parang nakakapagtaka, sabi kasi nila Meena, meron din akong parang challenge but how come, nakabalik na kaagad ako? Well, naawa na siguro ang fake world sa akin kaya pinabalik na niya ako sa real world.

I was able to finish my mission that fast, isa nading factor ang pagbulong sa akin nila Meena. Ngunit bakit noong nagising ako'y wala sila sa tabi ko?

Dahil sa hinang-hina ako'y inakay nila akong sumakay sa kotse at bumyahe na para maihatid na ako sa amin. Hindi ko kaagad naalala sina Meena habang andun pa kami. Saan kaya sila nagpunta at iniwan nila kami? Wala kasi sila no'ng nagising ako. Nakakapagtaka naman, iniwan na kaagad nila kami.

*****

The following day ay sobrang excited akong sinalubong nila Sol at Mayumi sa School.

"Anise, I brought a snack for you!" abot sa akin ni Mayumi ng egg pie na paborito ko.

"Mayumi, baka tumaba si Anise niyan." Sagot naman ni Sol.

Is this really true? Are my two friends really back? Namiss kaya nila ako kaya naman hindi na nila ako natiis kaya heto, sila na mismo kusang kumausap sa akin? Napakasaya kong makita silang muli na kinakausap ako. Gusto kong magtaka pero sa scenaryong ito, ayaw ko ng magdoubt pa.

"Girls, I really miss you so much!" napaiyak nalang ako pagkayakap kila Sol at Mayumi.

Tinapik-tapik naman ako ni Mayumi sa balikat sabay sabing, "We miss you too Anise."

Bigla namang umeksena si Sol, "Come on now, pumasok na nga tayo sa class or baka naman gusto niyong malate, ano karera na tayo?" At pagkasabi niya'y nag-unahan kami sa pagpasok sa room gaya ng ginagawa namin dati.

Ngunit nang papasok na kami sa pintuan ng room ay may bigla akong narinig na sigaw, "ANISE! GO BACK!" ang sabi sa sigaw at nang nilingon ko ito'y wala naman akong nakitang tao kaya binaliwala ko nalang at tsaka pumasok sa loob.

Pagdating ng recess ay nakakapagtakang halos kokonti ang studyante sa canteen samantalang lagi naman itong napupuno at halos wala na kaming maupuan nila Sol at Mayumi.

Habang nakapila kami sa pagkahaba-habang linya ay muling may sumigaw ng pangalan ko, "ANISE! GO BACK!" ngunit ng lumingon ako ay wala naman akong nakita.

"Anise, may problema ba?" Tanong ni Mayumi sa akin.

"Nothing. Parang kasing may narinig akong tumawag ng pangalan ko." sagot ko.

"Gutom ka lang siguro." Sagot naman ni Sol.

"Siguro nga." Sagot ko naman at muli na kaming bumalik sa pila.

Pangalawang beses ko nang naririnig ang pangalan ko at ang 'Go back' na 'yon. Impossible naman na dahil sa gutom lang 'yon. Sino kayang nagtritrip na'yon na tinatawag lagi ang pangalan ko?

Sumaglit ako sa comfort room at iniwan sina Mayumi at Sol. Habang naghuhugas ako sa may faucet ay biglang natanaw ko mula sa salamin ang imahe ng isang lalaki sa likuran ko, napalingon ako kaagad ngunit kinilabutan nalamang ako ng wala naman 'yong lalaki sa likuran ko. Hindi ko na magawang maalala ang mukha nito sa bilis ng pangyayari.

Gawa ng takot ko'y dali-dali akong lumabas ng comfort room. Kaso saktong paglabas ko'y muli kong narinig ang mahinang, "Please Anise, come back." Nangangatog na ang katawan ko dahil kung may anong hindi nakikitang nilalang ang makailang beses ng tumatawag sa pangalan ko. At kanina lang ay may imahe pa lalaking naaninagan ko sa may salamin.

Kinikilabutan na ako kaya naman kumaripas na ako ng takbo papunta sa classroom namin. Haunted na yata ang comfort room ng school na ito.

Pagpasok ko sa classroom namin ay tumambad sa akin ang mga kaklase kong nakahandusay na walang malay sa sahig at ang isang lalaking naka-de quatrong masayang nakikita ang reaction ko.

"Anong nangyari dito? Sino ka?" tanong ko sa may lalaki.

"It's really disappointing Anise...hindi naman ito ang unang pagkikita natin pero palagi mo nalang tinatanong kung sino ako." Sagot lamang niya.

"Sino ka nga ba?" and then naalala ko na siya din ang lalaking sumugod sa may bahay namin para maningil kay Papa at kung di ako nagkakamali, kanina sa comfort room, siya din 'yong lalaki kanina doon, "what do you want?" biglang dugtong ko.

Napatawa na lamang siya sa sinabi ko, "Now the question switched to 'what do you want?'" saad niya. Hindi ako naka-imik sa sinabi niya kaya naman patuloy lang siya sa pagtawa.

"Ikaw ba may kagagawan nito?" tanong kong muli.

And before I knew ay bigla nalang siyang naglaho at nag-appear sa may likuran ko, "So ngayon, sa'kin mo gustong ipasa ang kasalanan ng kanununuan mo? Look closely at the window Anise..." sabi nito na idinadirect ako sa window ng classroom, showing an image of me running away somewhere I don't know at nagsimulang magsalita ulit 'yong lalaki, "Kahit na anong gawin mong pagtakbo, hinding-hindi mo maiiwasan ang nakatadhana sayo. Gawa ng takot sayo, maraming tao ang magdurusa dahil lang sa isang katulad mo." Sabi niya at biglang nagflash sa eksena ang napakaraming nangamatay na tao kasama na ang mga taong kilala ko.

Gabundok na mga labi ng tao samantalang nakikita ko pa rin ang sarili ko na tumatakbo, takot na takot pero patuloy pa rin sa pagtakbo. Kaya lang, naalala ko na possibling na sa fake world pa rin ako, ang boses na naririnig ko'y tila galing sa real world na pinababalik ako at ang lalaking katabi ko'y...

Bigla ko siyang siniko sabay sabing, "Damn you Arcanus! All this time diyan ka lang pala nagtatago!" ang sabi ko pagkaharap ko sa kanya—kay ARCANUS.

At napahalakhak na lamang siya sa sinabi ko. "Too late my princess...you're so late." Sabi ni Arcanus at sa isang iglap, bigla nalang may kung anong mga gumagapang na halaman sa paligid ko at pinaggagapos ang kamay at paa ko para hindi makagalaw.

"Hayaan mong ipakita ko sayo ang kapalit ng pagtratraydor sa akin ni Arcana." sabi nito na parang cue na nagsimulang magpahigpit sa choker na nakasuot pa rin sa akin hanggang ngayon. Unti-unti itong humihigpit na nagpapahirap sa akin para makahinga.

"Ang choker na 'yan ang unti-unting papatay sayo Anise! Dahan-dahan mong mararanasan kung papano mamatay sa pamamaraan ko." sabi niya sabay hakbang papalabas ng classroom. Kahit na anong paniwala kong fake world ito, ang pain na nararamdaman ko ang gumigising sa'kin that this is the real world now, there's a big possibility that I will die. Ito na nga siguro, ang fated death na sinasabi ng alamat para sa mga Arcana princesses.

Hindi ko na ata kakayanin. Pahigpit ng pahigpit pa ang pagsakal sa'kin ng choker sa leeg ko. Pakiramdam ko, as soon as I faint, diretso hukay na ang bagsak ko. Pero biglang may parang liwanag ang sumilaw sa'kin. Siguro, nandito na si San Pedro para sunduin ako.

Pagkalaho ng liwanag ay bigla ring nag-iba ang lugar. Dito ko lang napagtanto na wala pa pala ako sa reality, nasa fake world pa rin ako mula ng paggising ko subalit ang lugar na ito'y tila ba may similarities sa lumang nayon na tinutukoy sa alamat.

Mga taong masayang umaakyat patungo sa mababang kaharian ng mga Diyos at Diyosa dala-dala ang kanilang mga alay na ani.

Dala ng curiosity ko sa kung ano nga ba itsura ng sinasabing mababang kaharian ng mga Diyos at Diyosa ng lumang nayon ay inakyat ko rin ito at namangha sa malaparaisong lugar sa itaas ng mababang ulap. Ito pala ang mababang kaharian. Sobrang namangha ako sa lugar kung kaya hindi ko namalayan na maski sa isang ginintuan na palasyo ay napapasok ako.

"Kung mahuhuli ka nila, paniguradong mapaparusahan ka." Bigla akong nagulat dahil sa isang lalaking bigla nalang nagsalita.

Pagkakita ko sa kanya ay napamangha ako sa kung gaano kakinang ang damit na suot-suot niya, ang katawan niya na tila ba nabahiran ng libo-libong gold glitters. Kung hindi ako nagkakamali, isa siyang Diyos ng mababang kahariang ito.

"Pasensiya na po. Naligaw lang po ako. Pasensiya na po talaga." Ang sagot naman ng isang babaeng parang kahawig ko.

Ngunit napangiti lang ang lalaki at lumapit sa dalaga. Hinaplos niya ang mukha nito at parang kung anong mga glittery stuffs ang nasaksihan kong sumaboy sa dalaga mula sa kamay noong lalaki.

"Bilang parusa mo, mula ngayon, ika'y akin ng magiging asawa, kikilalanin ka bilang isang Diyosang si Arcana..." Ang bulong nito sa dalaga.

Agad na sumagi sa isip ko ang mga nagaganap. Ang liwanag kanina sa classroom bago ako dalhin dito, iyon 'yong parehong liwanag na nakita ko sa painting ni Arcana. Tama, ito ang totoong kwento ni Arcana at narito ako ngayon para masaksihan ang totoong kaganapan noon.

Ang lalaki ngayong nakikita ko ay walang iba kung hindi ang totoong anyo ni Arcanus samantalang ang dalaga naman ay si Arcana. Ang ginawa niyang mahika kay Arcana ay ang dahilan kung bakit naging kabiyak niya ito sapagkat binura ni Arcanus ang ala-ala ng dalagang si Arcana upang makuha niya ito.

Dahil sa pinakamataas ang katungkulan ni Arcanus ay walang humadlang ni isa sa mga ibang Diyos at Diyosa. Hinayaan nalamang nilang mabaliw sa pag-ibig ang kanilang pinuno na maski kalahati ng kanyang kapangyarihan ay naganawa niyang ibahagi para sa isang normal na taong katulad ni Arcana.

Hindi maitatagong napaibig ni Arcanus si Arcana sa nagawa niyang sacripisyo upang makasama niya at matanggap ng iba pang Diyos at Diyosa si Arcana. Ngunit ang sobrang pagmamahal kadalasay nakakasakal at nakakasakit na rin, minsan ay di maiwasan na magtalo sina Arcana at Arcanus sa pagiging seloso ni Arcanus kaya naman tuwing may piging ay panandalian lamang kung magpakita si Arcana at matapos ay ikukulong na siya ni Arcanus sa silid buong araw.

Minsan ay naisipan ni Arcana na mamasyal dahil sa wala naman si Arcanus sampu ng mga kanyang tagapasunod upang mangaso sa lumang nayon.

Habang naliligo si Arcana sa isang liblib na batis ay bigla itong nagulat pagkakita sa isang lalaking bigla nalang lumabas mula sa gubat patungo sa batis na pinagpapaliguan nito. Humahangos ito at tila takot na takot dahil sa may naligaw na tigre ang humahabol sa kanya.

Iniligtas ni Arcana ang lalaki at hindi nito namalayan na sa pagliligtas niya sa lalaki'y aksidenteng nasilayan ng lalaki ang walang saplot na katawan ni Arcana.

Isang matinding kasalanan ang hayaan ng isang Diyos o Diyosa na makita ng ibang nilalang ang kanilang hubad na anyo, isa itong malaking kabawasan sa pagiging isang Diyos o Diyosa lalo pa't isang normal na tao lang ang nakakita nito.

Kitang-kita sa mukha niya ang pagkamangha habang dali-daling kinuha ni Arcana ang mga damit nito at umalis.

Ngunit bigla niyang pinigilan ang mga kamay ni Arcana at hinila pabalik sa kanya sabay sabing, "Sandali lang. hindi man lang ako nakapagpasalamat sa pagkakaligtas mo sa akin."

Dumagondong ang dibdib ko. Alam ko na ang pakiramdam na ito ay hindi ko talaga pagmamay-ari, ang kakaibang kabang ito ay ang tunay na nararamdaman ni Arcana. Bakit nadarama ko ang parehong pakiramdam ni Arcana?

Hindi na ako magtataka kung bakit kumabog nang ganoon ang damdamin ni Arcana, dahil ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking kung di ako nagkakamali ay si Augustus lustre. Nakakatuwa lang dahil bawat angolo niya ay may paghahalintulad ako kina Carlisle, Axel, Sky at Saichi, kumbaga parang pinaghalong mukha nilang apat na talaga namang kapanta-pantasiya.

Ang araw ding iyon ang naging mitsa ng pagiging malapit ni Arcana at Augustus. Hanggang sa isang araw ay nagkaroon ng di pagkakaintindihan si Arcanus at Arcana at nagawa niyang sampalin si Arcana ng pagkalakas-lakas.

"Wala kang puso Arcanus. Papano mo ako nagawang saktan?" sabat ni Arcana na hawak-hawak ang kanyang mamula-mulang pisngi.

"Hindi mo ba alam na wala talaga kaming puso? Sabagay hindi ka nga naman purong katulad namin, kalahating mortal ka pa rin kaya nakakaramdam ka ng sakit at pahirap. 'Yan ang isang kahinaan ng mga tao, ang puso nila, kaya naman madali silang mabilog at maloko. Kaya umayos-ayos ka Arcana, kung ayaw mong masaktan ulit."

Noong gabi ding iyon ay naisipan nang umalis ni Arcana at magpatulong na tumakas kay Augustus.

Dito ko lang napagtanto ang maling parte sa kwento ni Arcana. Nagawa lang pala niyang takasan si Arcanus sa sobrang obsession nito. Isa ding bagay ang nalaman ko na wala pala talagang biological heart ang mga mythical creatures na tulad ni Arcanus sapagkat pure God siya at di katulad ni Arcana na half-Goddess lang.

Di naglaon ay nagsama si Arcana at Augustus sa isang bayan malayo sa lumang nayon at dito ay nagkaroon sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Demetria.

Isang napakagandang bata ni Demetria gaya ng naiimagine kong nasa portrait pero gaya ng sabi ni Meena, bulag nga si Demetria. Napagkait sa kanyang makita ang makukulay na obra ng kanyang amang pintor.

Ang kanilang payapang buhay ay agad ding napalitan ng matinding takot at pangamba nang mabalitaan nila ang paghahasik ng matinding unos ni Arcanus sa lumang nayon dahil sa pagkawala ni Arcana.

Isang babaylan ang sumadyang natunton ang kinaroroonan nila Arcana at sinabing pinaghahanap ni Arcanus ang taong kumuha sa asawa niya maski ang batang babaeng anak ni Arcana sa isang mortal na nakarating na rin kay Arcanus.

Pinayo ng babaylan na isilyado ang kapangyarihan ni Arcana maski ang dugong nanalaytay sa bata upang hindi sila matunton ni Arcanus. Ang pagsilyado sa kanyang kapangyarihan ang siyang magpapahina kay Arcanus nang tumigil na ang paghahasik nito ng delubyo.

Dahil sa kagustuhan ni Arcana na masigurado ang kaligtasan ng kanilang anak ay kumalap sila ng apat na batang lalaking may likas na angking kagalingan sa larangan ng pakikipaglaban at sila, kasama ni Arcana ay isinakatuparan ang pagsisilyado ng kanyang kapangyarihan sa isang bagay na malayong madiskobre ni Arcanus—ang mga obra ni Augustus.

Ang apat na lalaking 'yon ay sumumpa sa isang blood contract na nagoobliga sa kanilang ialay maski ang kanilang buhay maprotektahan lamang ang buhay ni Demetria. Patunay dito ang kakaibang hugis ng balat sa may balikat nilang apat.

Dahil sa pagkakasilyado ng kapangyarihan ni Arcana ay nanghina si Arcanus dahilan para siya'y mapataboy mula sa pagiging pinuno ng mababang kaharian at mamuhay siya sa lumang nayon bilang isang normal na tao na may mithiing mahanap sina Arcana para mabawi ang kanyang kapangyarihan.

Makalipas ng labing-anim na taon, sa pagdadalaga ni Demetria ay hindi inaasahang natuklasan niya ang kinaroroonan ng obra ni Augustus at aksidenteng nasira nito ang silyado sa pamamagitan ng pagkakabasa niya sa mensahe ng obra.

Dahil dito'y sabay na muling nagbalik ang totoong pagkatao ni demetria, maski ang kapangyarihan ng kanyang inang si Arcana ay nagbalik at lalong-lalo na si Arcanus, sapagkat kabiyak ng kapangyarihan ni Arcanus ang mga kapangyarihang taglay nila Arcana at Demetria. Kalakip din ng pagkasira ng silyado ang paglabas ng apat na lalaking sumumpang iaalay ang kanilang buhay para maprotektahan si Demetria.

Sa pagbabalik ni Arcanus ay natunton niya ang kinaroroonan ng kaanak ni Arcana. Isang madugong pagtutuos ang naganap kay Arcanus laban kina Arcana at apat na lalaki. Sa isang bulag na katulad ni Demetria ay tila impossibleng mabasa nito ang nakalagay sa silyadong obra ng kanyang Ama ngunit hindi talaga maiiwasang maganap ang itinakdang mangyari.

Dahil sa matinding kagustuhan ni Demetria na makatulong ay kumapa-kapa siya para makadampot ng kahit anong armas at nang makakuha siya ng matalim na bagay ay gamit ang kanyang pandinig ay sinugod niya ang pinanggagalingan ng tinig ni Arcanus at inatake ito. Sakto namang tumama sa may itim na batong kwintas ito ni Arcanus at tumagos sa dibdib niya.

Ngunit bago pa man tuluyang malagutan ng hininga si Arcanus ay ginamit nito ang nalalabi niyang kapangyarihan para parusahan si Arcana na ikulong siya sa obra ni Augustus at dahil sa alam niyang hindi na niya magagawang mapatay si Demetria ay isinumpa nalamang niya ito sa halip.

"Mapatay mo man ako ngayon, muli akong magbabalik para hatulan ang magiging anak mo sampu ng mga kaapo-apohan mo ng nakatakdang kamatayan, isang sumpang kahit kailanman hinding-hindi niyo matatakasan." Ang huling sabi ni Arcanus na nagsimulang maging abo ang katawan nito.

Tatlo sa apat na tagapagligtas ni Demetria ang namatay sa nangyaring labanan at ang naiwan sa kanilang nabubuhay ang siyang naging kabiyak ni Demetria at nagpatuloy ng kanyang lahi ngunit ni isa sa mga kaapo-apohan ni Demetria ay walang tumanggap sa responsibilidad ng Arcana princess.

Nagpakalat-kalat ang lumang alamat na sa tuwing may dumadating na delubyo every after sixteen years ay sinasabing naghahasik nanaman ng lagim si Arcanus sapagkat matagumpay niyang napatay ang tagapagmana ni Arcana.

"Anise." Biglang may nagbanggit sa pangalan ko.

Ang boses na ito na madalas kong naririnig sa panaginip ko.

"Anise." Bulong ulit nito.

"Magpakita ka sa akin." sagot ko nang biglang nagbago nanaman ang paligid at mapunta ako sa isang madilim na bakanteng silid.

Mula sa likuran ko'y isang liwanag ang biglang nagpalingon sa akin at bahagya nito akong nasilaw. Nang tolerable na ang liwanag ay naaninagan ko ang isang hugis ng babaeng papalapit ng papalapit sa akin. Hinawakan nito ang mukha ko at sinabing, "Anise, nakahanda ka na bang tanggapin ang tungkuling nakatakda para sa'yo?" ani niya.

Unti-unting luminaw ang mukha ng babaeng ito. Pagkakita sa kanya'y napuno ng luha ang mga mata ko pagkakitang si Mama ang nasa harapan ko. Buhay na buhay na nakatayo sa harapan ko.

"MAMA!" ang di ko napigilang nasabi at napayak ako ng pagkahigpit-higpit.

"Anise, I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako kung naging duwag ako. Akala ko noon kung hindi ko siya kakalabin, maiiwasan ko ang sumpa at mas makakasama ko pa kayo ng matagal ng papa mo pero mas mali pala ang naging decision ko. Nangulila ka't lumaking nahihirapan. Sana patawarin mo ako anak." Ang maluha-luhang paghingi ni Mama ng tawad sa akin habang hinahaplos naman niya ang mga luha ko paalis sa mata ko.

"I understand Ma, you don't have to worry kasi kahit wala kayo sa tabi ko, I grew up with a brave heart and just like now, I am ready to face my fate not because I know I will die. Mama, watch over me... I swore I will not die... I swore nobody will die—except for Arcanus!" ang huling sinabi ko hanggang sa biglang nawala si Mama at ang liwanag.

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●